4

4973 Words
4 "Umuwi ka dito, Lexis! Iniinis n'yo ko!" Napa-buntong hininga ako nang marinig ko si Mommy na sinasabi 'yon sa kabilang linya. "My, do you even realize na alas-kwatro na ng umaga and you still want me to go there?" "And also, do you even realize na birthday n'yong dalawa ngayon pero hindi kayo nag celebrate ng mag-kasama!?" she shouted. Ginulo ko naman ang buhok ko sa sobrang pagka-frustrate. Gusto ko na lang takpan ang magkabilang tenga ko para lang hindi na marinig ang sermon ni Mommy. Pinapauwi lang naman n'ya ako sa New Zealand ng alas-kwatro ng umaga dahil nalaman n'yang hindi kami nag celebrate ng magkasama ng kapatid ko. Alam naman nilang hindi kami maayos na dalawa. "Alam n'yo naman kung bakit hindi kami mag-kasama 'di ba?" pabulong kong sabi at mabilis akong binabaan ni Mommy ng tawag. Lumapit naman sa'kin si Raphael at tinapik ang balikat ko. Nasa labas kami ng bar ngayon at nagpapahulas ng kalasingan. Lasing na lasing kami kanina at kami ang pinaka magulo sa loob. Nagalit na nga sa'min si Jerome kasi para na kaming mga baliw na nag-iiyakan. Sila lang pala, chill lang ako kanina. Si David talaga nag simula nung iyakan tapos sumunod si Thiera naman ang umiyak at pati si princess napa-iyak na lang din tapos sinundan pa ng mga drama ni Christan. "Kase naman kayong dalawa. Kayo na lang ang mag kapatid ganyan pa kayo sa isa't isa. Ang tataas ng mga pride, puta." Sabi ni Christan. "Wow! Hiya naman ako sa drama mo kanina..." napasimangot s'ya dahil don. "Pinasasakit n'yo ulo ng nanay n'yo. Ayaw pa mag bati." Dagdag pa n'ya. "Ikaw ang kuya, Lexis. Ikaw dapat ang nakakaintindi sa kan'ya." napasimangot naman ako sa kanila. Ano ba naman 'tong mga kaibigan ko, ang lulungkot ng buhay para pakielaman ang life ko. Hindi ko na sila inintindi dahil kahit gawin ko ang sabihin nila ay wala namang mag babago. Sakto namang dumating sina Damiel at Andrea na may dalang kape galing 7/11. "Oh, mag kape muna kayo bago umuwi." Inabot nila sa'min isa isa ang kape. "Eto pa breath mints, ang babaho n'yo." inabot sa'kin ni Andrea ang breath mints at inabutan din n'ya sina Thiera na nakasalampak na sa semento. "f**k! Wala na akong pera! f**k you all!" napatingin kaming lahat kay Thiera na binubulatlat ang wallet n'yang may sangkaterbang pera. Ang bobo kase mag laro ng Uno kaya ganyan. Napasilip tuloy ako sa wallet. Ang dami namang blue bills tapos kung maka reklamo akala mo nag hirap na. "Hoy tanga! Bulag ka ba? Anong tawag mo d'yan sa blue bills na 'yan? Colored papers?!" lumapit ako sa kan'ya at binatukan. "Aray naman..." Lumapit sa kan'ya si Raphael at inigaw nito ang wallet n'ya. "Oh, humarap ka dito, tanga! Bibilangin ko pera mo ha?" Dinakot ni Rap ang lilibuhin ni Thiera. "ONE THOUSAND!!! TWO THOUSAND!!!," Walang pakundangan hinagis ni Rap sa daan ang mga pera habang binibilang. "THREE THOUSAND!!! FOUR THOUSAND!!! FIVE THOUSAND!!! SIX THOUSAND!!!" "Fucker! Stop throwing away my money! f**k you, Chua! f**k you!" Thiera shouted. Mabilis itong tumayo para lapitan na si Raphael pero bago s'ya makalapit ay tumakbo na ito palayo. "TEN THOUSAND!!! SEVENTEEN THOUSAND!!! TWENTY THOUSAND!!!" sabay tapon ng pera ni Thiera sa kung saan. Sinigawan sila ni Andrea at s'ya na ang nagpulot ng mga pera at tinulangan s'ya ni David. Nakita ko namang hinabol at sinakal ni Thiera si Raphael pero ang gago ay tumawa lang ng tumawa. "Putangina ka! Kahit pareho tayong Chinese bubugbugin kita!" "Alam mo na ngayon na may pera ka pa—aray ko! Tama na!" He hissed in pain. Napatawa naman kami sa sinapit n'ya. Pero hindi ko alam kung tawa ba ang ginawa ko o ngiwi. Kanina pa ako hindi mapakali at hindi komportable simula nung bumalik ako sa loob pag ka-tapos kong ihatid si Alexia, parang biglang sumama ang pakiramdam ko. Napaigtad ako at napasapo na lang ako sa t'yan ko nang biglang mas sumakit pa 'yon. Kumapit ako sa balikat ni Damiel na katabi ko lang na umiinom ng kape. S'ya na naman ang katabi ko. "P're, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Damiel. Hinawakan n'ya ako sa balikat para maalalayan. Pinilit kong tumayo ng tuwid, "Ayos lang... ayos lang. Medyo sumama lang ang pakiramdaman ko." Halos pabulong ko nang sabihin 'yon habang nakasapo pa din ang kamay ko sa t'yan ko. Fuck! Akala ko ba magaling na 'to?! Bakit bumalik na naman? Hindi ko namalayang lahat sila ay nakalapit na at tinanong ako kung ayos lang ba ako. "Naka-tae ka ba ngayon araw?" tanong ni Rap. Tumango naman ako bilang sagot. "Gusto mo bang tawagan namin s'ya para tulungan ka?" "No. Kaya ko naman. Kaya ko pa." tumango sila at nag yaya nang umuwi. Gusto pa sana nila akong ihatid pero tumanggi na ako. Nang makarating sa sariling condo ay mabilis akong naligo at uminom ng gamot. Ininom ko ang reseta sa'kin ng doctor ko nung nag pa-check-up ako last month. Medyo nawala ang sakit at napalitan naman 'yon ng sakit ng ulo. Asan na ba ang poysian ko? Nang makita ko ang 'yon ay agad akong naglagay sa sintido ko at suminghot ng ilang beses. Uminom na rin ako ng gamot para sure na mawala. I went to my bed after taking my med. Patulog na sana ako at mananaginip na nang may mag doorbell at kumatok. Sabay ang tunog ng doorbell at ang pag-katok ng kung sinong hudas na naninira ng tulog. Inis akong tumayo at padabog na naglakad para pag buksan ang walang kwentang tao na nambubulabog. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang pinaka nakakainis na ngiti at mukha sa buong mundo. "Luwe! Ang galing naman ng timing mo!" sarkastiko kong sabi. Patulog na ako eh. 'Yun na 'yon oh! Makakatulog na ako. Tumawa ito at walang pakundangan pumasok sa loob ng condo ko at naupo sa sofa. Hindi ko alam kung bakit may mga kaibigan akong ganito. Though, hindi ko naman 'to kaibigan kase kinakapatid ko s'ya. Ninong ko ang daddy n'ya. At isa pa, ang bestfriend n'ya ay yung kapatid ko. "May babae ka sa loob?" turo n'ya kwarto ko. "Wala!" sigaw ko nang makalapit sa kan'ya. "Bakit ba nandito ka?!" "Wala kang pagkain dito?" tanong n'ya habang nililibot ang tingin sa loob ng unit ko. "Wala." Napasimangot ito sa'kin. Seriously, bakit nandito ang taong 'to? S'ya ang hindi ko inaasahan na gagambala sa'kin sa gabi dahil isa s'ya sa pinaka-busy na tao na nakilala ko sa buong buhay ko. "Care to tell me why are you here? Because as far as I can remember, busy kang tao at napakarami mong gawain sa buhay mo." Oh! I nearly forgot! Birthday din pala ng bestfriend n'ya s***h kapatid ko kaya s'ya nandito sa Manila. Eh bakit s'ya nandito sa bahay/unit ko? Napatuwid ito ng upo at mabilis na humarap sa'kin. "Come with me." Sabi n'ya. Bakit? Magtatanan kami?! "Ulol! Hindi kita type, p're! Wala namang talo talo, kapatid." napakunot naman ang noo n'ya. "Gago! Ang ibig sabihin ko ay sumama ka sa'kin... pauwi ng Balayan." He said. "Tapusin mo kase, pre. Bigla akong kinabahan," napahawak ako sa dibdib at parang nabunutan ng tinik 'yon. "f**k! Hindi ako bakla!" singhal n'ya. "Malay mo naman," binato n'ya sa'kin ang unan na nasa tabi n'ya. Mabilis ko namang nasambot 'yon tsaka ibinalik sa kan'ya. "Seriously, Castaneda? Kailan ka mag titino? Ako kase matino na." lumakad ito sa kusina at binuksan ang ref ko. "Naririnig mo ba 'yang sarili mo?" tumawa lang ito sa sinabi ko. Sumunod naman ako sa kan'ya dahil baka may kunin o nakawin 'to sa bahay ko. Mahirap na. "Sabi mo wala kang pagkain dito?! Eh ano 'to?!" inilabas n'ya ang plato na puno ng carbonara. Nagkibit balikat naman ako sa kan'ya. Luto 'yon ni David kanina na hindi naman namin naubos dahil madami. Lumapit s'ya sa microwave para painitin ang carbonara. Humarap ito sa'kin ng nakanguso, "Ano pang iniintay mo? Magbihis at mag impake ka na dahil ngayon din tayo aalis." "Ayoko." "Anniversary nina Tita Reli, Lex! Lagot ka don pag 'di ka pumunta." Bagsak naman ang balikat kong napa-upo sa upuan. Si Tita Reli ay kapatid ng mommy ko na nakatira sa Balayan. Madalas ay doon kami nag babakasyon tuwing summer noon. "Kakainis naman, ayaw ko nga." Pansin ko lang na kanina pa ako pinapauwi ng pinapauwi nila. Umiling naman ito, "Tsaka tinawagan ko din si Jaronn kanina dahil pinapapunta din s'ya. As of now, nasa byahe na s'ya kaya sumama ka na sa'kin." Natigilan naman ako sa sinabi n'ya at mabilis na ring pumayag. After I packed my clothes and fixed myself, we immediately went out to his car. S'ya ang nagdrive habang ako ay nasa shot gun seat. Tahimik lang buong byahe namin. Gusto ko sanang mag salita pero pag tingin ko sa katabi ko ay seryoso ang mukha nito at parang hindi pwede asarin. "Remember the girl that I told you before?" basag n'ya sa katahimikan naming. "Yung mahal na mahal ko?" Napatingin naman ako sa kan'ya at inaalala ang sinabi n'ya. "Yung may initial na A.Q.?" tumango ito. "Why?" Hindi ko pa naman nakikita ang babae n'ya pero madalas n'ya kinukwento sa'min 'yon. Pati pangalan ay pinagdadamot n'ya kaya initials lang ang alam namin. "Iniwan ako, p're. Masakit pala ang maiwan, 'no?" Malungkot na sabi n'ya at nakita kong may nagbabadyang luha sa mga mata n'ya Nasamid naman ako sa sarili kong laway kaya napa-ubo ako. Hinampas hampas ko pa ang dibdib ko. Gusto ko sana s'yang tawanan pero hindi ko na magawa dahil pa-iyak na s'ya. Pigil na pigil ko ang pag-tawa ko dahil baka sa'kin mangyari ang nangyari sa kan'ya. May naalala naman ako kaya mabilis akong umayos ng upo at nagseryoso. Damn, Alexia! That girl is a dragon! But beautiful. Tinapik ko na lang s'ya sa balikat at sinabihan ng maraming maraming maraming advices. Nang makarating kami sa bahay nila na halos ilang layo sa bahay namin ay mabilis akong pumasok sa loob para hanapin si Ninong. Mabilis naman akong nag mano at nangamusta nang makita s'ya. Niyaya n'ya pa akong doon mag almusal pero tumanggi na ako at mabilis pumunta sa bahay dala ang bag ko. Sumalubong agad sa'kin si Tita Reli na nagdidilig ng halaman. Nag mano ako sa kan'ya at humalik sa pisngi. "Nand'yan na ang kapatid mo. Kadarating lang din. Sabay na kayong kumain ng agahan." Sabi ni Tita Reli. Gusto ko mang pigilan si Tita Reli sa gagawin n'ya pero 'di ko makagawa. Hinayaan ko na lang na tawagin n'ya sa itaas si Jaronn. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang kami mag iiwasan na dalawa. Pumunta ako sa kusina at mabilis na nag timpla ng kape. Dalawang kape ang ginawa ko. Isang white coffee na para sa'kin at isang black coffee para kay Jaronn. Even though, we are not in good terms I still have to take care of him as his Kuya. Narinig ko na man ang paghatak ng upuan ng kung sino man sa kainan kaya mabilis kong dinala ang gawa kong mga kape. Naabutan ko s'yang naka-upo na doon dala ang cellphone n'ya. Nilapag ko sa harap kape n'ya, "Black coffee for you." Tumango lang ito sa'kin at hindi tumitingin sa gawi ko. Naupo na ako sa kabisera at s'ya naman ay nasa kanang bahagi ko. Kumuha s'ya ng fried rice at hotdog. Ako naman ay ganun din ang kinuha. Walang nag sasalita sa'ming dalawa habang kumakain. Pa-sulyap sulyap lang ako sa kan'ya kanina. "K-Kuya?" Napatigil naman ang pag-subo ko dahil tinawag n'ya ako. "Hmm?" "Sorry kahapon kung hindi kita nabati." Nakatungo ito at hindi pa rin tumitingin sa'kin. "Belated Happy Birthday pala." "Salamat," kinuha ko ang kape ko tsaka uminom. "H-Happy birthday din sa'yo." Nakita ko naman itong tumango. I wonder, hanggang kailan kaya kami ganito? Treating one another... as if we are stranger to each other. Lumingon ako sa kan'ya, "You celebrated your birthday with Luwe and the gang?" I noticed that he's not wearing his usual attire. Bahagya naman akong nag alala dahil walang kahit anong takip ang bibig at ilong n'ya. "Yup." "Did you have fun?" tumango naman ito. Good. As long as he's happy, I'm okay with it. Pinasadahan ko ito ng tingin. He has tanned skin unlike mine that has silky white skin. He's a little bit taller than me. And, we also have the same brown eyes and long lashes. Other than that, ay wala na kaming pag kaka pareho. He also has a mole on his right eyebrow kaya mabilis s'yang makilala. I don't have any mole on my face but I have a birthmark on my neck na minsan napapagkamalan nilang chikinini. Stupid people. Natapos kaming kumain at s'ya na ang nag presinta na mag hugas ng plato. Hindi na ako umangal dahil ayaw ko talagang nag huhugas ng plato. So, bakit ko pa tatanggihan ang alok? Umakyat ako sa taas at nagpahinga muna bago maligo. Napagdesisyunan ko ding pumunta sa barangay hall namin mamayang gabi para batiin ang mga tao na nandoon. Bumaba na ako nang mag tatanghalian na kami. Nag luto si Tita Reli ng ginisang kangkong na may tokwa at nag prito ng galunggong. "Lex, kumain ka na. Lahat kami ay nakakain na kanina pa." Inabutan n'ya ako ng plato at kutsara't tinidor. "Akala ko ay tulog ka kaya hindi na kita ginising. Alam ko namang nag almusal ka." "Parang ang aga n'yo naman pong kumain ng tanghalian, Tita." Sumandok ako ng ulam at kumuha ng prito. "Ganito talaga kami dito, maaga na kaming nakain ng mga kasambahay dahil mamaya-maya ay pupunta kami sa bukid para bisitahin ang aking babuyan." Napatango tango naman ako habang nakain. "Si Jaronn po? Kumain na din ba?" tanong ko. "Oo, sumabay s'ya sa'min kanina tapos sinundo na agad s'ya ni Luwe dahil mag lalaro pa daw sila d'yan sa court ng basketball." Tirik na tirik ang araw mag lalaro sila ng basketball? Buti sana kung covered court, ang kaso ay hindi. Nagpaalam naman na si Tita Reli sa'kin pag katapos kong kumain. Pupunta na siguro sila sa babuyan sa bukid. Nang sumapit ang alas sais ng hapon ay nag handa na ako para puntahan sina Kapitan. Saktong paglabas ko ng bahay ay s'yang pag dating ni Jaronn na pa- ngiti-ngiti pa. Hindi n'ya ako napansin kaya hinigit ko s'ya bago pa s'ya makapasok ng bahay. Napansin ko namang nagulat din s'ya. "Uy, Kuya!" "Anong 'Uy, Kuya!'? Anong nangyayari sa'yo? Na-engkanto ka ba?" tanong ko. Umiling ito tsaka ngumisi. "I'm going home tomorrow morning." "Bakit? Hindi ka aattend ng anniversary nina Tita Reli?" "Nope. Nag paalam na ako sa kan'ya at pinayagan ako." Then he sighed. "May naging problema sa lab kanina. Hindi mailabas yung bagong gamot na gawa ng team ko ngayong buwan dahil hindi pa naeevaluate ng mga senior namin. At para maevaluate 'yon ay kailangan nandoon ako dahil ako ang head ng team." His team are bunch of new Pharmacy and Chemistry graduate kaya tinitignan ng mga seniors nila ang kakayahan at mga natutunan nila when it comes to that. Tumango naman ako at tinapik s'ya sa balikat. Ngumiti ito sa'kin at nag paalam na para pumasok ng bahay. He smiled at me. First time ata 'yon? Anong nangyayari? If I'm a nursing graduate then he is a pharma graduate. Since we we're kids, he's always telling me that he wants to be a Pharmacist or a Chemist. Ma-alin doon ang propesyon n'ya. He loves to study medicines such as pills, syrups, etc. And he liked to explore the components of each tablets like how they are made of or what substances or ingredients did they use to make that medicine, etc. Ako naman ay pinaka hate ko ang chemistry. 'Yan lagi ang pinaka mababa ko noon. 'Yan lagi ang panira sa grades kong matataas kaya hate na hate ko talaga ang chem. It's almost 7:00 p.m. when I reached the barangay hall. Isa-isa naman nila akong binati at kinumusta. "Ang Manila Boy nandito na!" sigaw ng isa naming konsehal. "Si Lexis ba 'yan?" pumasok si Kapitan sa barangay hall kung nasaan kami. Agad naman akong lumapit kay Kap at yumakap sa kan'ya. "Kailan ka pa dumating? Walang sinasabi ang kapatid mo na nandito ka na." Inutusan nito ang isang konsehal na bumili ng maiinom namin. Sabay kaming pumasok sa office n'ya at binuksan ang aircon. "Para namang hindi n'yo kilala ang isang 'yon." Umupo ako sa may sofa at umupo naman si Kap sa upuan na kaharap ko. "Hanggang ngayon pala ay may alitan pa kayong magkapatid." "Hindi na ho yata mawawala pa 'yon. Sinusubukan ko naman pong makipag-ayos pero s'ya ang ayaw at lumalayo." Tumango tango ito at iniba na lang ang topic. Wala sigurong tao na kaya kaming pag batiin na dalawa. Since highschool ay gan'yan na s'ya sa'kin. Minsan galit, minsan hindi ka papansin o ituturing kang hangin. But despite of all that, I still love my brother and no one can ever change that. "Balita ko sa Tita mo ay napasa mo ang bored exam." "Syempre naman, Kap! Para bored exam lang eh! Easy nga!" I proudly said. But it's not easy talaga. I cried a lot while studying. Lahat ng santong kilala ko ay natawag ko na habang nag aaral at nag eexam and thank God and Saints who helped me because I passed it. "Akala ko nga 'di ka na gagraduate pa." napasimangot ako dahil don. It's true na buti naka graduate na ako. Lagi akong absent dahil lagi akong may sakit. I'm already 26 pero kaka-gradute ko pa lang. Hindi kagaya ng mga bestfriends ko na may trabaho na at stable na sila ngayon. Kahit si Jaronn na 25 na ay kaka-graduate pa lang din. His reason is because he can't decide what course would he choose. Papalit palit ng course nung first year kaya ang laki ng nagastos na pera. Una ang gusto n'ya ay Chemical engineering then after ng isang sem ay nag Biology tapos sabi n'ya Biochem na lang nung nakatapos ng isang sem sa Bio. Pero bumagsak pa din naman s'ya sa Pharmacy. "May trabaho ka na ba ngayon?" tanong ni Kap. "Wala pa, Kap. Nag decide na akong next year na ako mag a-apply ng trabaho." "Hanggang kailan ka naman dito sa Balayan?" "Depende. Pwede akong 2 weeks lang or 1 month." Tumango naman ito. "Bakit po?" "Willing ka bang mag volunteer as health worker dito sa barangay?" sabi n'ya. "Tutal ay nursing graduate ka at may lisensya na." Napa-ayos ako ng upo sa sinabi n'ya. "Sige po. Walang problema." Siguro ay pwede naman 'yon. Baka kase pag next year pa ako mag tatrabaho tapos nabakante ako ng isang taon ay baka malimutan ko na lahat ng napag-aralan ko. "Ayun! Buti na lang at nandyan ka," napahawak pa ito sa dibdib n'ya tsaka masayang tumingin sa'kin. Hindi ko naman mapigilang mapatawa. This people always make my heart happy. Bukod sa pamilya at kaibigan, ay mahal na mahal ko din sila. "Kausapin mo si Ester d'yan sa labas at hingin mo ang schedule nila." Sinabi n'ya rin na si Ester ay secretary ng barangay. She's one year older than me. Ang alam ko nga ay papasok s'ya sa politika at young age. "Mag-kakaroon ng libreng check-up at examination dito sa barangay natin. Both adults and children. Bibigyan sila ng libreng gamot at iba pa." "Yes, Kap! Kayang-kaya ko 'yan. Leave it to me," mayabang kong sabi. "Bukas na 'yan mag sisimula. Ayos lang ba?" tumango ako at nag thumbs up. Sakto namang pumasok ang iba pa at inilapag ang mga pagkain na pinabili ni Kap. Nagtagal ako doon hanggang 11:00 ng gabi. Dahil malapit lang naman sa bahay namin ang barangay hall kaya mabilis akong nakarating sa bahay. Patay na ang ilaw ng buong bahay nang pumasok ako. Nakita ko din ang tsinelas ni Tita Reli na nasa bungad ng pinto kaya nalaman kong nandito na s'ya. Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay para pumunta sa Health Center. Ang call time namin ay 7:00 sa malaking health center sa bayan. Magkakaroon lang ng registration ang bawat barangay para makakuha ng libreng gamot sa kanila at konting brief explanation sa mga gagawin namin. Magkakasama naman kami nina Ester at iba pang Barangay Health workers. Dahil wala akong dalang kotse papunta dito sa Balayan ay wala kaming nagamit para dalhin ang mga gamot sa barangay kaya umupa na lang kami ng tricycle para doon. Nang makarating kami sa Health Center ay nandoon na si Kapitan na naghihintay sa'min. Nagpaluto pala s'ya ng lugaw para saming lahat. 8:30 pa lang naman so abot pa ang almusal. "Doc, eto lugaw," inabot sa'kin ni Ester ang isang bowl ng lugaw. "I'm not a doctor, Ester." Sagot ko. "Not yet but soon. Advance ako bakit ba." Tumawa kami pareho dahil don. After naming mag almusal ay may lumapit saming BHW. "Doc, sa bata ka daw po naka assign. Eto ang checklist at information ng bawat bata dito." Inabot ko kay Ate Jess ang binigay n'ya mga papel. "Sa bata po?" tumango ito sa'kin. Tinignan ko naman ang binigay n'yang mga papel. "Actually, may feeding mamaya ang mga bata. Bale, bago sila kumain ay check-up muna." "Okay po." "Sa bata ka pala ha." Asar ni Ester sa'kin. May ibang meaning 'yon eh alam ko. "Wow! Hiya naman ako sa'yo, Ester. Hiyang hiya ako sa college boy mo." Nanlalaki ang mata n'ya at hinampas ako sa braso. "Tarantado, 'wala ha!" sigaw n'ya. "Lumayas ka na nga dito!" Tumatawa akong umalis sa pwesto namin kanina at kumuha ng tubig. Habang umiinom ng tubig ay tanaw ko mula sa bintana ang mga barangay tanod at iba pang mga konsehal na mag luluto at mag aayos ng pagkain. Siguro ay para sa mga bata 'yon mamaya. Hindi pa naman sila naguumpisa magluto dahil wala pa akong nakikitang kawali na nakasalang sa malaking panggatong at naghihiwa pa lang naman sila ng mga gulay. Naramdaman ko naman ang pagtabi sa'kin ni Ester na kukuha din pala ng tubig. "Bakit 'di pa sila nagsisimula?" tanong ko kay Ester na lumapit sa dispenser. Uminom muna ito bago nag salita, "Ang alam ko ay may pinaki-usapan si Kapitan na magluluto para sa mga bata. 'Yon ang rinig ko." "Sino daw?" tanong kong muli. "Isa rin bang barangay official? Sana masarap mag-luto." Nagkibit balikat ito, "Hindi ko alam ang pangalan basta ang alam ko lang ay inaanak ni Kap ang mag luluto. Professional pa nga raw ang rinig ko." Professional pala, huh? Inayos ko na ang mga informations ng mga bata para 'di ko na gagawin. Sinabihan naman ako ng isang BHW dito na painumin ko na rin sila ng vitamins after nilang kumain. May makakasama naman din daw akong nurse mamaya. Nasa harapan ang mga tables para sa gagawing check-up. Bukod ang sa adults at bukod ang sa children. Umupo na ako sa upuan doon ng makitang marami-maraming bata na ang nakapila at may hawak na form. Nag-suot ako ng gloves at face mask muna bago kinuha ang aking stethoscope. Pinalapit ko na ang nasa unahang batang babae. "Hey, baby, what's your name?" tanong ko sa una kong batang ichecheck-up. "Laira po, doc." Sagot n'ya. "Okay, Laira. Say ahh," sinunod naman n'ya ang sinabi ko. Using a wooden tongue depressor, I checked her mouth and throat. I also checked her lungs using a stethoscope and asked her some medical informations. Ganun ang ginagawa namin hanggang sa mag tanghali kasama ang nurse na nakilala kong si Kuya Bryan. So far, so good ay wala pa naman akong naeencounter na may critical or alarming case. It's just cough, cold, asthma, etc. And thank God for that. Nang matapos ko na lahat sila ay tinapik ako ni Ester na nasa tabi ko. Sa adult kase s'ya naka-assign. And I want to pity her because halos hanggang kanto pa ang mga nakapila. May mga nurses and BHW naman s'yang kasama kaya mabilis rin s'yang matatapos. "Bakit?" tanong ko sa kan'ya. "Pumunta ka nga doon sa mga nagluluto tas humingi ka ng pagkain. Nagugutom na ako." Sabi n'ya. Napatingin naman ako sa gawi n'ya, "Hala, senyora ka?" "Dali na kasi! Tsaka inaantay mo yung taga-luto diba?" pag-pilit n'ya. "Nandoon na s'ya kanina pa at doon ka humingi ng kanin at ulam." Inirapan ko s'ya at tumayo habang nag dadabog. Nakita ko namang napa-ngisi si Ester habang nagsusulat. Pumunta ako sa likod at isang babaeng nag hihiwa ang nakita ko. Nakatalikod ito sa gawi ko at nakasuot ng apron at hairnet. Padabog akong kumuha ng plato at kutsara't tinidor. "Penge po ng ulam." Lumapit ako doon sa babae at kinalabit s'ya. "Saglit lang." Humarap ito sa'kin at parehas kaming nagka-gulatan. Bakit nandito 'to?! f**k! "L-Lexis? Lexis! A-Anong ginagawa mo dito?" tanong n'ya. "Nag-vovolunteer ako dito." Sagot ko. "Eh bakit ikaw nandito?" Casual lang ako sumasagot dahil baka mahalata n'yang na-excite ako masyado nang malaman na nandito din s'ya. Chill lang dapat sa mga ganitong sitwasyon kahit na yung puso ko parang sasabog na kanina pa. "Nag-vovolunteer din." Natahimik kaming dalawa. Nakatitig pa din s'ya sa'kin at ako naman ay umiiwas ng tingin. Fuck! Walang titigan naman! Talo ako eh! "I-Ikaw ba yung nagluluto?" tanong ko. Tumango ito at lumapit sa'kin, "Akin na ang plato mo, lalagyan ko ng ulam." Inabot ko ang plato at mabilis naman n'yang kinuha 'yon. Lumapit s'ya sa isang kaserola at sumandok ng ulam. "I didn't know na taga dito ka din pala." Inabot n'ya sa'kin ang plato na punong puno ng ulam at kanin. Bahala si Ester na mabulunan dito. "It's must be destiny, Alexia." Napakagat labi ako para pigilin ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. Pero napangiwi naman s'ya sa sinabi ko. Wala bang talab sa babae 'tong ang pagiging flirty ko? What the f**k! Napa-ayos ako ng tayo at nag paalam na muna para ibigay kay Ester ang pagkain n'ya. "Oh," inilapag ko ang plato sa harap n'ya. "Ano? Nakita mo yung cook natin? Ang ganda 'no? Lalandiin mo na?" udyok n'ya sa'kin. "Hindi ako ganun, Ester." Natawa naman akong nang irapan n'ya ako. "Isa kang malaking ulol! D'yan ka na nga!" Tumalikod na ito sa'kin at nagpatuloy sa ginagawa. Ako naman ay nagdadalawang isip kung babalik baa ko sa likod or mag-stay na lang ako dito. After some minutes, nag decide na ako na bumalik sa likod. Naabutan ko na nandun na ang mga iba pang officials. Nakita ko din na si Kap ay kausap si Alexia. "Oh, Doc! Kumain ka na muna. Nag sisimula na din namang kumain ang mga bata." Inabutan nila ako ng plato at nilagyan ng ulam at kanin. Nagsimula akong kumain and f**k! Ang sarap naman ng kaldereta na 'to! Mabilis ang pagsubo ko kaya muntikan na akong masamid pero tuloy pa din ako sa pagkain. Lumapit naman si Kap sa'kin at tinapik ang balikat ko kaya napatigil ako sa pagkain. "Alexia, hija, come here!" Nakita ko namang nakatitig si Alexia sa'kin na nag palambot ng tuhod ko. Lumapit ito sa'min habang nakanguso, "Hija, this is Lexis and Lexis this is Alexia." "Kilala ko na s'ya, Ninong Kap." Sabi ni Alexia. "Oh talaga? Tiyak na sa Maynila kayo nag kakilala 'no?" "Opo." I said. "Good! Dahil kayong dalawa lang ang mababait na nag volunteer dito sa ating barangay ay susulitin ko na ang pagiging mababait n'yo." Napatingin kaming dalawa kay Kap, "Sa isang araw ay may clean-up drive na gagawin dito. Bale sa linggo 'yon at gusto ko na present kayo don. Huwag kayong mag-alala dahil sagot ko ang almusal at tanghalian n'yo." Nakangiting nagpalipat -lipat ang tingin ni Kapitan sa'ming dalawa. "Sige ho. Ayos lang po sa'kin." Sagot ko. Tumango din naman si Alexia kaya mas lalong napangiti si Kap. Nang mag gabi na ay pinag-ligpit na kami ng upuan at mga tables. Hindi kami masyadong nag papansinan ni Alexia. Pag nagtatanong lang ako ay tsaka lang s'ya sumasagot. "Masarap yung luto mong kaldereta." Sabi ko. Tumango ito, "Salamat." Sabi n'ya tsaka tinalikuran ako. Kaya minsan ay napapatingin sa'min ang iba at madalas ay inaasar kami. Natatawa na lang ako pag inaasar s'ya ng iba dahil nakikita kong inis na inis ang mukha n'ya. Close n'ya rin pala talaga ang mga taga dito. Sumapit ang Sunday at balak ko sanag mag simba muna kasama si Tita Reli pero ang aga ng call time ni Kap. Alas singko pa lang ng umaga nang ipatawag n'ya kaming lahat. Nag karoon muna ng attendance bago mag simula mag linis. Lumapit sa'kin si Konsehal Majoy, "Lexis, nasaan si Alexia?" "Huh? Hindi ko ho alam. Bakit po?" Bakit po? Bakit po sa'kin ka nag tatanong tungkol sa kan'ya? "Hindi ba kayo friends?" tanong ng SK Chairman na si Daniel. Napatigil naman ako sa pag bubunot ng d**o pero hindi ako nagsalita. Anong sasabihin ko? Hindi kami friends at mag kakilala lang? Mag kaaway kami nung una kasi napaka assumera n'ya? Ganon? Awkward. Tinawagan na lang ni Konsehal Majoy si Alexia. Sumagot ito at tama nga ang hinala ng ilan na tulog pa din ito kaya hindi nakapunta ng maaga. Ilang sandali lang ay nakikita na naming itong humahangos habang may dala dalang walis tingting at dust pan. "Omg! Sorry! Hindi ako nagising sa alarm ko, promise!" "Ayos lang. Alam naman naming buhay prinsesa ka." Sabi ni Daniel. Parang gusto ko namang sakmalin si Daniel non ng makita kong napatawa si Alexia sa sinabi n'ya at may pag hampas pa sa braso n'ya. Tumalikod na ako nang makita ko 'yon at hinila ang basurahan na de gulong. Mabilis kong nilagay ang mga doon ang mga damong nabunot ko. Susunod na bubunutin ko ay buhok na ni Daniel dahil nakikita ko pa s'yang nakikipag tawanan kay Alexia. Late na nga dumadaldal pa. Humiwalay ako sa kanila at sa kabilang kalye nag bunot ng d**o. Dinala ko ang basurahan na hinihila ko kanina. Nanggigil akong binubunot ang mga d**o nang may kumalabit sa'kin. "Ang aga aga pero bad mood ka agad." Humarap ako sa kan'ya at inirapan s'ya. Hindi ko s'ya kinibo at bumalik na lang sa pag bubunot ng d**o. Lahat ng binubunot kong d**o ay winawalis n'ya tsaka dinadakot. "Ako na mag wawalis. Kaya ko." "Ako na lang para hindi ka mahirapan sa pag-upo at pag tayo." Hindi ako sumagot at hinayaan na lang s'ya. "Hindi pala tayo naka pag-usap nung isang araw 'no?" sabi n'ya na nakasunod pa din. "Ikaw naman ang hindi kumakausap sa'kin." "I'm still shocked pa! Like kakakilala pa lang natin the other day tapos makikita kita dito sa province namin." "Ako din naman shocked pero kinakausap pa din kita." Sabi ko. "Oo na. Ako na ang bad. Tsaka salamat pala sa grab nung nakaraang nakaraan gabi." Tumayo at hinarap s'ya. Dumukot naman ito sa bulsa n'ya at inilabas ang isang 500-peso bill. "Salamat sa pag babayad pero sana hinayaan mo na lang akong mag bayad non. Sobrang na hassle kita that night tas birthday mo pa." nakatitig lang ako sa pera na hawak n'ya. Umiling ako, "No, 'wag mo na ako bayaran. Ikaw ang mas na hassle ko non, bumawi lang ako." "Eh anong bayad ba ang gusto mo? Nakaka guilty kase pag wala akong naibigay sa'yo tapos ikaw dalawa na naibigay mo." Nakangusong sabi n'ya. "Huwag ka na lang assumera minsan pwedeng bayad na 'yon at manampal." Napangisi ako habang bumabalik ulit sa pag pupulot ng d**o. I saw her at the side standing and glaring at me. Hindi ko naman mapigilang hindi matawa ng makita kong nag papadyak s'ya ng paa tapos ay tumakbo pabalik kay na Konsehal Majoy. She f*****g stole my heart! What the f**k! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD