3

4755 Words
3 Nang makalabas ako ng bar ay parang guminhawa ang pakiramdaman ko. So much tension is killing me! Parang ayaw ko nang bumalik sa bar na 'yon, napapahamak ako. At yung rason ko kung bakit ako pumunta doon ay hindi ko na nagawa dahil sa pagiging assumera 'ko. Buti nga at nag-sorry din s'ya kaya medyo nabawasan yung inis ko. May kasalanan din naman ako at meron din naman s'ya kaya buti na lang nag ka-ayos na kami. Tapos nalaman ko pa na barkada pala 'yon ni Kuya Je. Ang hirap talaga pag medyo assuming ka 'no? Nakakapahamak ng buhay. Then, nalaman ko pa na birthday n'ya pala ngayon at nagcecelebrate pa yata sila ng friends n'ya tapos sinampal ko pa s'ya ng tatlong beses. Feeling ko tuloy kanina ang sama sama ko, ang sama sama ko dahil assumera ako. Well, hindi naman siguro ako masisi ng kahit sino. Siguro kung ibang babae lang ang nasa posisyon ko kanina, dalawang klase ang magiging reaction nila. Yung una ay yung mga babaeng walang pakialam sa sinasabi ng iba at sanay na sa mga words na ganon kaya hindi na nila pinapansin. At yung second ay katulad ko, yung kagaya ko na magagalit, maiinis or maiirita o kaya OA mag react kase we are not used to that kind of things. Yung talagang mababastusan ka kahit sabihin nila na wag mo na pansin or pabayaan mo na. Medyo conservative nga kase ako kaya ganun! Medyo lang naman. Pero napansin ko kanina na parang diring-diri sa'kin si Lexis. Wala naman akong amoy sa katawan at mabango naman yung hininga ko. Ayaw n'yang lumapit sa'kin or kahit man lang tignan ako pero nung magkahawak naman yung kamay namin ay parang ayaw na n'ya akong bitawan. Kahit kelan talaga, ang gugulo ng mga lalaki. Obviously, nakikipag-plastikan na lang ako doon kay Lexis nung una pero nag-sorry na kaya naging totoo na ako nung huli dahil na rin siguro kaharap ko si Kuya Je. Kung napatunayan ko lang talaga na ako sinasabihan n'ya ng ganoon ay 'di ako mag dadalawang isip na ipakulong s'ya kahit birthday n'ya ngayon. Pero dahil magaling s'ya magpalusot at mag pa-cute sa'kin, nakaligtas s'ya. But that doesn't mean na type ko na ulit s'ya, hindi pa rin. Iba na s'ya sa paningin ko ngayon baka nga pinagpapantasyahan niya pa ako. Pumwesto ako sa may gilid ng kalsada at inilabas ang cellphone ko para mag book ng grab pero nang binubuhay ko 'yon ay hindi na mabuhay. Lintek talaga! Ngayon pa na lowbatt, lahat yata ng kamalasan na sa'kin ngayon araw. Siguro kakalimutan ko na lang ang araw na 'to. No choice ako kung hindi mag hintay ng may dadaang taxi. Sana meron at mabait ang driver. Baka mabalitaan na lang ako sa news tv na lumulutang ang katawan ko sa ilog. Ginahasa at pinatay. Napahalukipkip naman ako nang lumakas ang hangin. Nakakakilabot naman. Pag umiba ng daan yung driver at napunta kami sa liblib na lugar ay tatalon talaga agad ako. Kung mabuhay man ako ay sisisihin ko si Kuya Je at kung mamatay man ako sa pagtalon ko ay mumultuhin ko na lang s'ya hanggang mabaliw s'ya. "Hi, Madame." Someone held my shoulder. Nanlamig naman ako sa narinig kaya dahan dahan akong lumingon. Halos tawirin ko ang distansya naming dalawa para masuntok s'ya sa oras na 'yon. "Demonyo ka talaga 'no? I almost had a heart attack because you!" He chuckled as his response. "Mabait na nga ako." "What do you need?" I said and sighed. What's with this guy ba? Masyadong naninira ng araw at gabi. He scratched his nape and smiled awkwardly on me. "I just want to give you this," he handed me a box. "That's all I can give to you as a peace offering." Peace offering lang ba? Baka may hidden agenda pala 'to. My gazed went to the box he was holding. I took it and scanned the box itself. Nagtataka naman akong tumingin sa kan'ya. He just smiled brightly at me. "Box of poysian inhaler?" I scratched my nose because of that. Seriously? What a unique gift! But still, I'm thankful though, naisipan n'ya pa akong bigyan ng peace offering na dapat akong gagawa or magbibigay dahil sobra kong naabala yung birthday n'ya. Pero poysian talaga? Sure na s'ya dito? "Yup! You might need it in the future. You know, pag sumakit ulo mo sa boyfriend mo." He smirked. "Lalo na kung ako 'yon." So inaamin n'ya bang sakit s'ya ng ulo pag naging boyfriend? Wala naman akong balak jowain s'ya. "Someone's hitting on me." I whispered pero narinig n'ya pa rin. "Someone's assuming again." Inirapan ko s'ya. Hindi pa naman kami friends talaga kahit nag sorry na kami sa isa't isa at binati ko s'ya ng happy birthday. Still a no for me. Ekis na ako sa kagaya n'ya. Nagkibit balikat ako habang hindi pa rin lumilingon sa kan'ya. "Well, thanks." "Fresh from Thailand 'yan ha. Favorite ko 'yan kaya dalawang box binigay sa'kin ni Andrea. Isa sa'kin tapos isa sa'yo." Sinilip ko s'ya sa gilid ko at nakita ko s'ya pinaglalaruan ang isang plastic bottle. "Ow?" Iniaabot ko sa kan'ya ang box ng poysian pero tinignan n'ya lang 'to. "Kunin mo na ulit. Favorite mo pala 'to tapos hahatian pa kita." Umiling ito, "Nah. Lahat ng sa'kin, sa'yo na rin." He winked at me. "Yuck." Niyakap ko na lang ang regalo n'ya sa'kin at hindi na umimik pa. Sandaling minute ng katahimikan ang namutawi sa'ming dalawa. No one's talking. At hindi ko gets kung bakit hindi pa rin s'ya umaalis sa tabi ko. Nang tignan ko naman s'ya ay nakatingin lang din s'ya sa harap habang nakapamulsa. Gustong gusto ko na s'yang umalis sa totoo lang, hindi normal ang heart rate ko pag katabi ko s'ya, nakakainis. "Aren't you going back?" "Nope. Not until I see you leaving in this place safely." "I can manage myself, sir. No need for that." Natigilan s'ya sa sinabi ko at bigla na lang namula pero wala naman akong sinabi na ikapupula ng mukha n'ya. Ang swerte naman n'ya kung natural na rosy cheeks s'ya. Mapapa-sana all rosy cheeks ka na lang ng wala sa oras. "H-Hindi. I caused you so much trouble today." Then, he smiled. "Ayaw kong iwan ang isang babaeng ayaw na ayaw mabigyan ng compliment." Putangina, compliment ang tawag sa ginawa kanina? Napa-irap naman ako, "Excuse me, kung katulad rin lang naman ng sinabi mo kanina ang i-cocompliment sa'kin ay 'wag na lang. Baka sa halip na pasalamatan ay baka bungian pa kita." I said and he laughed. Nakakairita! Akala n'ya matutuwa ako pag sinabihan ako ng ganon. Kung sa kanila ay pagbibigay ng compliment 'yon, well, sa akin kabastusan 'yon. And I don't tolerate that behavior, ewan ko lang kung anong nangyari sa akin ngayong gabi kung bakit mabait pa ako sa kaniya ngayon. I looked at my side and I saw him laughing really hard. Halos matumba s'ya sa kakatawa, sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Shut up!" Lalo lang s'yang tumawa ng tumawa. "Stop laughing! Ano ba, Lexis?!" Hinampas hampas ko s'ya ng dala kong bag at pati regalo n'ya sa'kin ay inihampas ko na rin sa kaniya. Masaya na s'ya don? Sobrang masaya na s'ya don? Don s'ya masaya? Don s'ya masaya talaga ng sobra? He stands up straight looking at me. Halatang pinipigil lang ang tawa n'ya. I sarcastically smiled at him. "Okay, sige na. Titigil na ako. Baka masampal mo na naman ako." Napangiwi naman s'ya ng may maalala kanina. "Better be!" Inismiran ko naman s'ya. "By the way, sino bang iniintay natin dito?" "Anong natin? Hindi ka kasali, ako lang tsaka utang na loob nga, umusog usog ka naman doon. Social Distancing, please." Inirapan ko s'ya pag katapos punahin. Umusog naman s'ya ng very very very very light palayo sa'kin wala pang isang ruler ang inilayo n'ya. "Sino nga?" "Wala. Nag-iintay akong taxi, wala namang dumadaan." He tsked in front of me. "Wala kang grab?" tanong n'ya ulit. I just sighed at him at kinalikot ang bag ko para hanapin ang phone ko. I mouthed 'low batt' and waved my cellphone at him. He took out his phone from his pocket and doing something on it. Nag-tetext s'ya sa kung sino man at hindi ko alam kung sino 'yon. Walang pang isang minute ng tumunog ang cellphone n'ya dahil may nag-text. Ano na namang gagawin nito? "Delikado sa babae ang mag-taxi sa ganitong oras." He said habang may ginagawa na naman sa cellphone n'ya. Yeah, delikado nga kaya ihatid mo 'ko now na. Just kidding! Baka gawan pa ako nito ng masama mahirap na. Buti nga at may cctv akong nakita dito na hagip kami habang nag-uusap kaya kung may mangyari man ay may ebidensya agad. "Kaya nga," I said. "Pahiram na lang ako ng cellphone mo para matawagan yung boyfriend ko." Napa-ubo naman s'ya sa sinabi ko. Hihiram na lang akong cellphone n'ya para naman may mapala ako sa pangungulit n'ya ngayon sa'kin. I extended my arms on him. Napatigil naman s'ya sa pag-kalikot sa cellphone n'ya. "B-Boyfriend?" I smirked, "Yes, boyfriend." Wala naman akong boyfriend talaga. I just want to assume na meron ako kahit wala. At para kung lalandiin man ako nitong lalaking 'to ay 'di na n'ya ituloy dahil I have an imaginary boyfriend. Sa utak ko lang nag eexist yung boyfriend ko dahil sa utak ko perfect sila, walang bahid ng kahit anong kasamaan at wala pa akong kaagaw. "I thought..." His lips thinned and turn his head on his side still murmuring something. "I thought... I thought." Sabi ko na, may balak 'to sa'kin. Pero ayaw ko na sa kaniya n'ya ngayon kaya sorry na agad, wala na s'yang pag-asa pa. "Tsk. Ano ba? Bibigay mo cellphone mo o hindi?" pananakot ko. "Saglit naman, Madame. Parang hinoholdap mo naman ako n'yan." Napasimangot s'ya at agad ibinigay ang cellphone n'ya sa'kin. Mabilis kong inilagay ang numero ni Atlas para matawagan na s'ya pero nagtaka ako nang lumabas sa phonebook ni Lexis ang pangalan ni Atlas. Magka-kilala sila? "Magka-kilala kayo ni Atlas?" tanong ko. Napalingon naman ito sa'kin, "Bakit s'ya ba boyfriend mo?" I nodded. Sumama naman ang mukha n'ya at mabilis na hinablot ang cellphone n'ya pabalik. Si Atlas ang pambansang boyfriend ng bayan. Lahat ng mga kaibigan n'yang babae ay girlfriend n'ya but not seriously. Pag kailangan lang namin ng boyfriend tsaka s'ya lumilitaw at nagpapakita para mapakilala naming boyfriend namin s'ya kagaya ngayon, ayaw ko sa lalaking kaharap ko kaya ginamit ko s'ya bilang boyfriend ko. Gustong gusto naman n'ya ang ganon, ang laging ginagamit. "Don't call him. Ako na ang bahala sa'yo, iuuwi kita ng ligtas." Napangisi s'ya. "Hindi mo naman kailangan na ihatid pa ako---" "At sino ba may sabing ihahatid kita? Nag-assume ka na naman... ipapahatid lang kita po." He chuckled. Nag-init naman ang buong mukha ko at natigilan. Shocks! Ang assumera mo talaga, gaga! "Tarantado ka, 'wag ka na magpapakita sa'kin kahit kelan ha!" Inis ko s'yang sinigawan at inirapan pa. Mabilis ang lakad ko paalis sa lugar na 'yon. Naririnig ko pa s'ya tinatawag ako pero hindi na ako lumingon pa. Nakakahiya kung lilingon pa ako! "Hoy! Nag bibiro lang eh! Balik ka na! Ihahatid na kita! Alexia!" sigaw pa rin n'ya pero hindi ko na s'ya inintindi. Nahiya na ako! Nasa malayo na ako nang nagulat na lang ako na may bumusinang Toyota Vios sa likod. Napatigil ako sa pag-lalakad nang bumaba ang bintana ng sasakyan. "Ma'am, ako po yung binook ni Mr. Castaneda na grab po. Ikaw po ba si Ma'am Alexia?" Sabi nung driver. Mabilis naman akong lumapit kay Kuyang Driver at tumango. May binabasa s'ya sa cellphone n'ya at papalit palit ang tingin n'ya sa cellphone n'ya at sa'kin. "Naka-navy blue na polo shirt at naka maong na skirt... tama. Ito na nga si Ma'am," naririnig kong bulong ng driver. Nagtipa ito sa cellphone n'ya tsaka bumaling sa'kin at inaya na akong sumakay. "P-Po? Saan daw po ako ihahatid?" Paano na laman ni Lexis address ko? "Ma'am, sa may Sampaloc po. Ventura Street, Sampaloc, Manila." Sumakay na ako sa kotse habang nagtataka pa din kung paano n'ya nalaman ang address ko. Wala nga akong binabanggit kanina at wala akong balak banggitin sa kan'ya kahit kelan. "Ma'am ang sweet naman po ng boyfriend n'yo." Nakatingin ito sa rear view mirror. Wala akong imik kanina pa. Nasa may plaza noli na kami dahil 'yon ang tinuro ng waze namin. Mabilis kami ngayon dahil gabi na at walang traffic, hindi kagaya kanina noong papunta ako na kahit hindi na rush hour ay traffic pa din. "S'ya po nag book ng grab n'yo, Ma'am. Ayaw n'yo daw pong magpahatid sa kan'ya kase nag-away kayo. Tignan n'yo nga po oh," Pinakita n'ya sa'kin yung cellphone n'ya habang stop light pa. "Update ko daw po s'ya kung anong nangyayari na po sa inyo." Binasa ko naman ang convo ni Lexis at nung driver. Mabilis akong napahawak sa kaliwang dibdib ko at bumuntong hininga ng ilang beses. Lexis: Kuya, naka-navy blue po na polo shirt po 'yon tapos naka-maong po na skirt. Alexia name n'ya, Sir. Read. 11:36 p.m. Sige po. Hanapin ko na lang po dito sa daan tapos chat ko po kayo pag nahanap ko na po. Read. 11:37 p.m. Lexis: Ayown, Salamat po! Update n'yo na lang po ako pag nakasakay na s'ya at kung anong nangyari na po. Read. 11:36 p.m. Sir, nandito na po si Ma'am. Mukha pong nagulat kaya sinabi ko po ang pangalan n'yo para hindi mag-alala. Read. 11:44 p.m. Lexis: Sige po, salamat ng marami po. Ingat po kayo sa pag dadrive. Paki-ingatan po yung girlfriend ng kaibigan ko. Read. 11:45 p.m. Wala pong problema. Iingatan ko po s'ya. Akala ko po ay girlfriend n'yo. Read. 11:45 p.m. Lexis: Hala, hindi po. Kaibigan ko po ang boyfriend n'ya. Sir, chat na lang po kayo pag nasa bahay na nila po s'ya. Salamat po talaga. Read. 12:14 p.m. "Hindi ko nga po s'ya boyfriend, Kuya. 'Wag n'yo na po ipilit." Sabi ko. Nabasa naman n'ya na boyfriend ako ng kaibigan ni Lexis pero pinipilit pa rin talaga ni Kuya na mag-jowa kami. Ibinalik ko ang cellphone ni Kuyang Driver ng nasa may kanto na kami. Konti lakad na lang kase ay bahay na naming 'yon. Pigil naman ang ngiti ko nang mabasa ang convo nila. Boyfriend ng kaibigan huh? Naniwala naman talaga ang gago, eh hindi n'ya alam na nasa mental na si Atlas ngayon dahil iniwan ng babae. But I'm thankful pa din dahil hindi n'ya ako pinabayaan ng tuluyan, nag book pa s'ya ng grab at chinat yung driver to keep me safe. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para hindi tuluyang ngumiti. Bawal kiligin! Hanggang ngayon gabi lang 'yan! Ghost ka na bukas agad-agad! "Dito na lang po ako, Kuya. Salamat din po ng marami." Inabot ko ang 500 sa kaniya bilang bayad. Umiling ito at hindi tinanggap ang pera, "Naku, Ma'am. Bayad na ho," "Po?" "Binayaran na ng boyfriend mo kanina--- este kaibigan ng boyfriend mo through credit card para daw hindi ka na masyadong maabala pa." ngumiti ito sa'kin habang nagtitipa sa cellphone. Siguro ka-chat n'ya si Lexis para sabihin pababa na ako. "A-ahm, kuya? Pwede hong mahingin 'yung number ni Lexis Castaneda?" nakangiwi kong tanong. "Bakit pa ho? Wala ho kayong number ng boyfriend--- I mean kaibigan ng boyfriend n'yo?" napapikit naman ako sa tanong n'ya. Kanina ko pa nahahalata si Kuya ah. Bet na bet n'ya ba talaga si Lexis sa'kin? Wala pa kaming 24 hours na mag kakilala ay na ishiship na ako sa kan'ya. "Nainis kasi ako kanina sa kaniya kaya ultimong number n'ya po ay binura ko." Palusot ko. "Ah ganun ba, oh eto," inabot n'ya sa'kin ang cellphone n'ya at mabilis naman akong kumuha ng ballpen para isulat sa palad ko ang numero ni Lexis. Sana lang ay maalala ko 'to bago mag hugas ng kamay or bago ako mag-shower. Ibinalik ko din agad ang cellphone n'ya at bumababa ng sasakyan. Pag-pasok ko sa bahay ay mabilis akong pumunta sa banyo at nag shower. Nang natapos ako mag-shower ay pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain pero nagdecide na lang ako na magpadeliver ng Dominos dahil wala akong nakitang ka-aya ayang pagkain sa loob ng ref. "Thank you po." Mabilis na umalis si Kuyang Delivery Boy. Umupo na muna ako sa sofa at binuksan ang tv bago kumain. Pinapanood ko ulit yung What's wrong with Secretary Kim? Dahil tamang tama si PSJ ang endorser ng Dominos. Napatili naman ako sa part na nag halikan sila. "Oh my! Shet kayo! Gusto ko din n'yan!" tukoy ko sa kissing scene. Bakit sa mga palabas at sa libro nakakakilig yung mga ganito? pero in real life na nakakita ka ng naghahalikan mapapa-eww ka na lang o kaya mapapasigaw ng 'walang forever!'. Tapos yung mga tawagan pa nilang 'Jagiya', 'Yeobo', tapos minsan sa libro 'Baby', 'Mahal', etc., nakakakilig pero putspa pag sa reality kikilabutan ka na lang ng wala sa oras talaga. Natigil ang kilig moments ko sa palabas nang may tumawag sa'kin. Anak ng tinapa! Alas dos na ng madaling araw oh! Tawag pa ng tawag! Dali dali kong ibiniba ang isang slice ng pizza na kinakain ko at mabilis na tumakbo sa kwarto dahil nandon na ka-charge ang cellphone ko. Nang tignan ko ang caller I.D. ay si Mimi lang pala. "Mi, bakit ba?! Alas dos na oh! May relo naman siguro kayo dyan 'no?" Singhal ko. "Naku, walang battery ang orasan dito kaya hindi ko na nakita ang oras tapos yung cellphone ko naka military time kaya tinatamad akong mag-isip at magbilang kung anong oras na. Sorry na, baby namin." Napairap naman ako sa dahilan n'ya. Paanong magbibilang? Eh 2:00 na ng madaling araw. Mga palusot talaga ni Mimi, bulok. "So, why did you call po ba?" "Ah, ayun na nga, umuwi ka dito sa Balayan now na. Ipapasundo kita sa Papa mo, nandyan pa daw s'ya sa Manila kaya isasabay ka na pag-uwi." Nagulat naman ako sa sinabi n'ya. "Mi! Akala ko ba next week pa ako uuwi d'yan? Uy, yung pinagusapan naman natin, Mi!" "Ay nako, uuwi ka lang din naman tsaka tipid pamasahe. Ang Kuya Jerome mo ay bukas daw ng tanghali uuwi." "Si Mimi naman parang ano, ayaw ko pa nga. Please, one week muna ako dito!" I pleaded. "Hindi." Masungit n'yang sabi. "Mimi!" tutol ko. "Mag-impake ka na. Tatawagan ko ang papa mo kung nasaan na s'ya." Binabaan n'ya ako ng tawag habang ako naman ay lumung lumo na napa-upo sa sahig. What the f**k is going on?! Walang dalawang minuto nang magtext ulit si Mama sa'kin. Mimitot: Nasa Nagtahan Bridge na daw ang Papa mo. Bilisan mo mag-impake, Alexia Marie. Bye na, kitakits tayo later. Wala na akong nagawa dahil mababadtrip lang si Mama sa'kin kaya kinuha ko na ang bag ko at nagsimula nang mag impake. Kuha dito, kuha don, hindi ko na tinitiklop sa sobrang inis. One week lang naman eh! May pupuntahan pa ako! Si Mimi talaga kahit kelan KJ! Balayan is our province, doon na nakatira sina Mimi at Papa dahil nakabili sila ng bahay don. Ako na lang ang natira dito sa Manila dahil pati ang bunso naming ay doon na nag-aaral. I just graduated Culinary Arts in DLSU at may balak pa sana akong umattend ng seminar kasama ang dati kong mga classmate pero panira si Mimi dahil pinapauwi na agad ako. Inayos ko ang bahay bago umalis. Inasikaso ko din ang mga kandado ng bahay dahil baka manakawan ako at limasin lahat ng gamit dito. Pag-katapos ko ay umupo na lang ako sa sofa tsaka patuloy na kumain habng iniintay si Papa. Nag text s'ya kanina na nasa Fajardo na daw s'ya at alam kong any minute ay dadating na s'ya. Bigla ko namang na-alala si Lexis habang kumakain. s**t! Yung number n'ya sa palad ko! Mabilis kong inihirap ang palad ko at sad to say na nawala na yung nakasulat. May social media kaya s'ya? Or tanungin ko na lang kaya si Kuya Je pero baka i-issue n'ya ako don kaya 'wag na lang. Mag papa-salamat lang naman ako sa pagbabayad n'ya ng pamasahe ko pa-uwi. Narinig ko na ang doorbell ko na nag-iingay, si Daddy na 'yon for sure. Mabilis akong tumayo at lumapit sa may pintuan, tinanong ko muna kung sino yung nasa labas para sure na hindi ibang tao. "Sino po sila?" hawak hawak ko ang doorknob habang ang tenga ko ay nakadikit sa pinto para marinig ang sinasabi ng nasa labas. "Ang Papa 'to, Alexia. Tara na," sabi ng nasa labas. Binuksan ko ang pinto at bumungad na sa'kin si Papa. Mabilis akong kumilos upang lumapit sa kan'ya at humalik sa pisngi. Pumasok s'ya sa loob ng bahay para suriin ang paligid. Then, kinuha na n'ya ang mga gamit ko at sinakay sa kotse. Ni-lock ko ang buong bahay at mabilis na sumakay na din ng sasakyan. Hindi ako nakatulog sa byahe dahil sa inis ko kay Mimi. Ano bang meron at pinagmamadali n'ya akong umuwi? 5 a.m. na at nasa Palico na kami ni Papa. Nag-kukwentuhan lang kami buong byahe namin kase 'di rin naman ako makatulog at kinain na din naming 'yong pizza na pina-deliver ko. "Pa, bakit nga ba ang aga akong pinauwi ni Mimi?" tanong ko. "Miss ka lang non kaya ganoon 'yon." He just smiled at me habang ako naman ay napa-nguso. Natahimik na lang ako sa mga sumunod na minuto. Nang nalagpasan na namin ang Waltermart Balayan ay mabilis kong inayos ang gamit ko dahil malapit na kami sa bahay. Tumigil na sa harap ng gate ng bahay si Papa at mabilis bumaba para buksan ang gate at tawagin si Mimi. Mabilis naman akong niyakap ni Mimi pagka baba. "Oh my! Ang anak kong maganda nandito na!" sigaw n'ya papasok sa bahay habang nakakawit ang braso n'ya sa braso ko, napangiwi naman ako dahil don. "Mi, 'wag ka naman maingay. Ang aga-aga pa eh nakakabulabog ka sa kapit-bahay." Hindi naman n'ya ako pinansin at mabilis akong hinainan ng almusal. Pag-katapos kong mag-almusal ay umayak ako sa kwarto at naligo ulit para presko. Natulog ako pag-katapos pero saglit lang 'yon. Inaya naman ako ni Mommy na mamasyal nung hapon. Kung saan-saan kami napadpad na dalawa habang s'ya ay kwento ng kwento sa naging buhay n'ya dito sa Balayan. Wala naman akong nagawa kung 'di ang making na lang. After 2 hours, we are on our way at home when Mimi stopped from walking and faced at me. "Oo nga pala, kaya pala kita pinauwi dito dahil aattend tayo ng silver wedding anniversary ng kapit-bahay natin," She exclaimed. "Gusto ko ikaw ang mag-luto ng paborito ni Reli na ulam." Napairap naman ako. Seriously? Hindi ako makaka-attend ng seminar namin dahil pag-lulutuin lang ako ni Mimi ng ireregalo n'ya sa amiga n'ya. Gosh! Daughter duties! "Mi, 'yon lang 'yon?! Pinagdali-dali mo kong umuwi tapos 'yun lang 'yung dahilan!? Mimi naman!" "Shh! 'wag ka ngang maingay nakakahiya sa Mayor ang ingay-ingay mo." She whispered at me at kinurot pa ako sa tagiliran. "And so? Wala naman s'ya." Luminga linga naman ako sa dinadaan namin at wala akong nakitang kahit anong tao bukod sa'min. "Tange! Ayun bahay ni Mayor Alegre," tinuro ni Mimi ang isang malaking bahay na ilang hakbang lang mula sa kitatayuan naming. As if namang abot ang boses ko hanggang doon. "Gwapo ang mayor natin ngayon, anak! Ka-kisig at maginoo! Napaka responsible din." She giggled like a teenager girl. "Yummy pa..." Bulong n'ya. Nalukot naman ang mukha don dahil doon. "Mi, akala ko ba dalagang pilipina ka noon at ngayon? Sumbong kita kay Papa d'yan eh." napa-ayos naman ito ng tayo at nagseryoso. Mabilis s'yang lumakad at iniwan na akong nakatayo habang natatawa. Alam ko na talaga kung kanino ako nag mana. Walang palya, walang sabit kay Mimi nga. Conservative yet flirtatious sometimes. Wala pang limang minute nang nakarating agad kami sa bahay. Si Mimi ay dumiretso sa kusina habang ako ay dumiretso sa taas para mag pahinga. Sakto naman sa pag-kakahiga ko ang pagtawag ng malandi kong kaibigan. "Punyaterang babae, saan ka?" napairap naman ako dahil don. Punyaterang babae pala ha. "Pinakamalandi ka naman! Anyway, nasa Balayan ako ngayon." Sagot ko. "I know right. Duh." Narinig ko naman ang pag buntong hininga n'ya. "Ba't nandyan ka, sis?" nagtataka n'yang tanong. "So ba't ka nga tumawag?" halip na sagutin tinanong ko na lang s'ya. "Magpapasama sana ako sa'yo bumili ng damit." "For?" "For clubbing." Talandi talaga. "Ang dami dami mong damit d'yan! Maghanap ka na lang. Nagsasayang ka lang ng pera, Mariella!" "I want my outfit to be more revealing tonight." Nahimagan ko sa boses n'ya ang pag ka-inis. "Every night namang revealing 'yang suot mo." Napairap naman ako. "Tanga, hindi! Iba 'to, girl! Kung pwede nga lang maghubad na lang sa harapan ay ginawa ko na para lang hindi s'ya tumingin sa iba!" sigaw n'ya. Nailayo ko naman ang cellphone ko sa tenga ko. "Sinong s'ya? Hoy! May bago ka na naman kinakalantari 'no!? Sino naman ngayon?" napakamot ako sa batok ko sa sobrang pagkabigla dahil may nilalandi na naman ang pinakamalanding babae. "Singer lang naman." Simpleng sagot n'ya. "Wow, 'singer lang naman.' Ang tindi mo, brad." Napapailing kong sabi. "Yep, ako pa ba! Isang Gallego nga pala ang nilalandi ko ngayon." Nanlaki ang mata ko ng matanto kung sino ang tinutukoy n'ya. "Yung drummer ba ng The Primus 'yan!? Yung pinaka magaling kumanta sa kanila pero hindi s'ya ang naging vocalist?! S'ya ba 'yon, gaga!?" The Primus is a band consist of 6 handsome and talented guys under Uno Entertainment Company. They are indeed talented. Imagine, kalalabas lang ng isang album nila last week pero nag top selling agad ang album nilang 'yon. Kaliwa't kanan ang endorsement at interviews nila at halos punuin na nila ang Billboards sa EDSA. Even, their manager? He is also gwapo like them kaya madalas din s'yang tinitilian. "Yeah. Sabi ko naman sa'yo sobrang ganda ko lang para mapansin ng isang sikat. You should praise me, girl. Bow down to me. Sambahin mo ang ka-gandahan ko." "Aba lintek ka! Hindi basta basta nila-lang 'yan, boba ka!" bulyaw ko. "At hoy, mahiya ka sa nunal mo sa singit, mas maganda ako sa'yo. 'Di kita sasambahin, lintek ka!" "Tsaka kung maka react ka naman parang hindi natin kaibigan ang isa don." dagdag nya pa. "Basta! Mas maganda pa din ako ha?" "Oo na, oo na ikaw na pinaka maganda. Bye na nga, wala ka naman dito so wala ka ring silbi sa'kin. Babush." Sabay baba n'ya ng tawag. Aba! Binabaan ako ng malandi. Hindi pa ako nakakapag-pahinga ng ayos nang tawagin ako ni Mimi dahil may ipapabili s'ya sa tindahan. "Wait lang!" sigaw ko habang hinahanap ang tsinelas ko sa ilalim ng kama dahil nasipa ko kanina. "Puro ka wait ng wait! 'Wag mong intayin na puntahan pa kita d'yan. Bilisan mo na!" Napatakip naman ako ng tenga ko pag tayo. Binuksan ko ang pinto at iniwang bukas pero bigla na lang ito kumalampag ng sobrang lakas. Naiwan ko sigurong bukas yung binatana ko pero bago ko pa ako makababa ng hagdan ay narinig ko na ulit si Mimi. "Ano nagdadabog ka?! Inuutusan ka lang sa tindahan nagtatabog ka pa?!" Nang makarating ako sa baba ay agad kong kinuha ang pera pambili ng isang boteng mantika dahil naubusan daw kami. Nakasimangot akong lumabas ng bahay. So, umuwi lang pala ako para alilain nila! Ang layo-layo pa naman ng tindahan ni Aling Sandra sa bahay namin. Tumakbo ako ng mabilis para makarating agad. "Aling Sandra!!! Pabili po!!!" sumigaw ako pag karating sa tindahan. Nadanggi ko pa yung lalaking umiinom ng mountain dew. "Jusko kang bata ka! Ginulat mo ko! Ano bang bibilhin mo?" "Mantika po!!!" nakangiti akong sinabi sa kan'ya ang bibilhin ko. "Saglit lang, hija. Nasa kahon pa kase ang mga mantika. Teka bubuksan ko lang." pumunta si Aling Sandra sa kusina para kumuha siguro ng gunting. "Ang lakas naman ng boses," rinig kong sabi nung lalaki. Napatingin naman ako sa katabi ko na nakakatitig pala sa'kin. Tumitig din ako sa kan'ya at napansin ko ang mapupungay n'yang mata. Pamilyar na naman 'yang mata na 'yan. Tuluyan akong napaharap sa kaniya at mas lalong pinag masdan ang gwapo n'yang mukha. Matangos ang ilong, pinkish ang labi at medyo makapal kilay tapos yung mata n'yang laging blanko at walang emosyon. Matangkad din s'ya at medyo meleki eng mge mescles. Napansin ko din ang surgical mask n'ya na nakababa hanggang sa baba. Kase naman! Bakit gray shirt na medyo fitted kasi ang suot! Humuhulma tuloy yung biceps n'ya! Napababa naman ang tingin ko sa baba n'ya at napatulala. Naka suot s'ya ng black running shorts na ang haba ay hanggang tuhod at may napansin akong humuhulma din sa gitna. Jusko po! Patawarin po ako! "Eyes up here, Miss. It's rude looking at my crouch, you know. Nagagalit 'yan pag tinitignan lang." He smirked. Napaiwas naman ako ng tingin at bahagyang pinaypayan ang sarili. Medyo uminit ang paligid kaya pati mukha ko nadadamay. Ba't ba ang tagal ni Aling Sandra?! "H-Have we met before?" nauutal kong tanong. Pamilyar talaga s'ya eh. "You don't remember me?" hindi naman ako tumingin sa kaniya nang magtanong s'ya at umiling na lang. "Oh, I see. Then I won't tell you if we met before, you don't remember pala eh." "Hindi ko nga maalala kaya nga tinatanong ko sa'yo 'diba?" ang tagal mo Aling Sandra ha! Tumawa s'ya ng bahagya at tsaka nilapag ang bote ng mountain dew sa loob ng ng tindahan ni Aling Sandra. "Bye, Miss Alexia! See you again!" kumaway s'ya sa'kin habang tumatakbo palayo. Huh? Miss Alexia? Paano n'ya nalaman name ko? Napailing na lang ako at bahagyang napatili nang maalala ang nangyaring pag tingin ko sa nakahulma n'yang ano. Narinig ko naman si Aling Sandra na tinatawag ako at tsaka inabot sa'kin ang mantika. Habang nag lalakad ako pa-uwi ay napapatili pa din ako pag sumasagi sa isip ko yung ginawa ko! Punyeta talaga! Nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD