2
"Pre, ano? Sama ka? Girl hunting tayo sa bar ni Aquino!"
I closed my eyes and breathed heavily. We're here at my condo in BGC. Nandito lahat ng barkada ko at nagkayayaan uminom. They said that we should celebrate my birthday today. My family is not here in the Philippines that's why wala akong kasama mag celebrate ng birthday ko. Meron namang isa, kaya lang ayaw n'ya din ata ako makasama. Kaya ang mga kaibigan ko ay kanya-kanyang punta dito para samahan ako every year at eto nga nagkayayaan na naman mangbabae.
"Ayoko na mambabae, pre. Pass, nagbabait na ako." I said. I saw their sharp eyes looking at me.
But you know, nakakasawa din pala silang paglaruan? Wala na yung excitement na feeling tuwing may nakaka-date ka or may naii-kama. O baka siguro talaga bumabait na ako?
Every Sunday morning na-attend na ako ng mass at laging nakikinig sa sermon ni Father. Sabi kasi ni Mommy, magsimba daw ako tuwing linggo tapos mag-pray ako tuwing gabi. Mag-thank you at mag -sorry daw ako palagi kay Lord God. Effective pala 'yun, nakaka-bait s'ya.
Dahil hindi na ako masama at hindi na nananakit ng kapwa, dapat hindi na ako papayag na mambabae. Tama. Tama.
Napanguso naman ako sa kanila nang makita kong pare-parehong lukot ang mga mukha nila. Hindi ba sila naniniwala na nagbabait na ako?
Isa-isa naman nila ako pinakyuhan.
Tangina. Ayaw ko na nga eh at nanakit ang ulo ko tapos dinedemonyo nila ako. Kagaling.
Wala talagang mangyayari sa buhay mo kung may mga demonyo kang kaibigan na laging nasulsol sa'yo. Bad influence sila. Wag tularan, mga bata.
"Bad kayo, mga salbahe! Dinidemonyo n'yo ako!" sabi ko sa kanila at tinawanan lang ako.
Humiga na lang ako sa sahig at pinikit ang mata ko. Naririnig ko pa silang nagtatalo kung sino makaka-threesome sa kanila mamayang gabi.
Napailing na lang ako, ngayon ko lang naramdaman ang pagod. I'd been in so much stress for the past few months kaya siguro masakit ang ulo ko ngayon at medyo nahihilo na. Pinipilit ko na lang maging okay para sa kanila pero ngayon naman ay nag-yaya sila mambabae. Alas sinco pa lang ng hapon, bar na agad iniisip. Galit pa nga sa'kin si Aquino tapos dadayo ako ng pambababae sa bar n'ya.
Ayaw ko nga, baka masampal ako nung ng kaliwa't kanan. Hindi kasi nanununtok 'yon, nanampal lang.
"Pre, hindi ko talaga kaya pinagagawa n'yo sa'kin. Mambabae talaga? Hindi talaga kaya, Jimmy Nuetron." Bumaling ako kay David. Naalala ko lang yung mga nickname naming dati. Parang biglang bumabalik lahat ng magagandang ala-ala na nangyari sa buhay ko at isa na doon ang mga kaibigan ko. Last month din ay napapaniginipan ko yung mga happy moments naming ng family ko nung bata ako.
Is this the sign? Sign na mamatay na ako?
Biro lang!
"Don't call me that! Sakalin kita gusto mo?" Binato ako ni David ng throw pillow na nasa tabi n'ya.
"Hala! 'wag po! Tsaka maganda naman yung Jimmy ah. Palayaw mo noon 'yon tapos ayaw mo na ngayon? Aba matindi ka, pre."
"Noon nga 'di ba? Noon! 'Wag na wag mo kong tatawagin ng Jimmy Neutron sa public place ha? Yari ka sa'kin, inamuka." Sabay kuha ng piattos sa lamesa.
"Inamuka rin," sabi ko. Kinuha ko naman ang baso ni Damiel sa tabi ko at ininom ang laman no'n
Ang cute naman nung name ah. Jimmy Neutron. Ayaw na n'ya ba 'yon? Dati nung mga bata kami pinaglalaban n'ya na s'ya si Jimmy Neutron kase matalino daw tapos s'ya naman hindi pero pinag bigayan na lang naming noon baka umiyak pa at kami pa-masisi ni Tita Lena.
"Pooh, better shut up your f*****g mouth. Baka kung saan-saan pa maungkat yang pangalan pangalan na 'yan." Rinig ko na sabi ni Thiera na kumukuha ng yelo sa kusina.
Ako naman si Pooh sa'min. Cute na cute ako sa kanya nung bata pa ako hanggang ngayon naman. Lahat yata ng gamit ko noon ay Winnie the pooh, hindi pwedeng hindi kase hindi ko talaga gagamitin. Cute s'ya kasi bitin yung damit n'ya.
"Bakit, Johnny Bravo? Natatakot ka ba na maungkat din ang sa'yo?"
At si Thiera naman ay si Johnny Bravo, s'ya nag pumilit n'yan nung bata kami, gwapo daw kase kagaya n'ya tapos ngayon ayaw na n'yang maalala pa.
Nakita ko naman s'yang pumasok ng kusina at napapailing na lang. Kinahihiya n'ya ngayon si Johnny Bravo eh dati halos makipag-suntukan pa s'ya sa classmate namin noon dahil ayaw n'ya na may kaagaw s'ya kay Johnny Bravo. Sila lang daw dapat na dalawa ang gwapo sa mundo.
"Ba't nahihiya na kayo? Porket big boys na tayo ganyan na kayo."
Actually, pito talaga kami. Yung isang nawawala ngayon ay ang nag-iisang prinsesa namin. Nasa Thailand s'ya ngayon dahil may kabulastugang ginagawa na naman sa sarili. Ka-text ko sya kanina at sinabi n'ya na hahabol na lang s'ya sa celebration ko. Tinanong n'ya pa kami sa group chat kung ano ang gusto naming pasalubong galing Thailand kaya kaniya kaniya kami ng chat sa kan'ya.
Syempre, pasalubong is life.
"Correction, we are already men, Castañeda." Sabi ni Christan habang nag sasalin ng alak sa baso.
"Ganun na din 'yon, Barney." Sabi ko.
Kumuha ng walang laman na bote ng alak si Christan at akmang ihahampas sa'kin, buti na lang napigilan ni Dave.
"f**k you, Lexis! f**k you! Don't you dare call me that ever again! Barney? Gross!"
Mahilig kasi s'ya sa dinosaur kaya favorite n'ya noon si Barney. Dati kasi naniniwala s'ya na ang mga dinosaur ay nag eexist talaga dati. Ipinaglalaban n'ya din yung sa teacher namin sa science nung elementary kami na totoo daw na may dinosaur na color purple. Pinagbataan n'ya pa nga yung teacher namin na pag-nakahanap at napatunayan n'ya na may dinosaur na color purple ay ipapakain s'ya nito para maniwala s'ya. Kaya ayun, ang ending? Na-guidance si Barney.
"Psh," Bulong ko at napanguso na lang.
Hindi naman umiimik yung dalawa pa, si Raphael at Damiel. Takot siguro maungkat ang nakaraan nila. Pwes, ako ang mag sisiwalat ng lahat!
"Bakit parang tahimik ka, Damulag?" tumingin ako kay Raphael na kasalukuyang umiinom ng tubig. Bigla naman s'yang nabilaukan.
S'ya si Damulag kase s'ya ang pinakamataba sa'min noon pero nung nag-high school na kami ay nag papayat na s'ya. As of now, s'ya ang may pinaka well-toned ang body sa'ming anim.
Pero ako pinaka-gwapo. Hihi.
"Ano ba!?" sigaw n'ya. Nagtawanan naman kaming lahat.
Bumaling naman ako sa kaliwa ko, "Bakit parang nagtatago ka, Krillin?" sabay tingin sa katabi kong si Damiel na walang imik.
Nag tawanan naman sina Thiera kaya masama ang tingin ni Damiel sa'min. Naaalala siguro nila yung mga panahong kalbo pa si Damiel nung elementary. Kami kasi ang kasama n'ya nung mag-pagupit s'ya noon, sabi n'ya sa barbero ang gusto n'ya kalbo, kaya ayun ang ginawa ng barbero. After s'yang kalbuhin, nirerequest pa n'ya sa barbero kung pwede daw s'yang lagyan ng anim na dot sa noo para kagaya n'ya na daw si Krillin.
Tuloy pa din kami sa tawa at kwentuhan. Madami pang alak at alas-sais pa lang ng hapon. Hindi naman kami lasing masyado, kaya pa mambabae.
Ang aga naming mag inom 'no? Kaya ang aga din naming malasing. Actually, bago pa sila dumating lasing na ako. Not healthy. Naturingang nursing graduate ako, ako pa ata ang unang mamamatay sa'min sa kakainom.
Nauwi na naman ang usapan sa bar at mga babae. Pinipilit pa din ako sumama sa kanila sa bar ni Jerome Rinzy Aquino.
"Hoy, nagbabago na ako. Hindi na maganda sa image ko na magiging doctor." I said. Balak ko kaseng pumasok sa med school this year. Mag ti-take na lang ako ng NMAT para makapasok ako sa med school dahil ang mga ibang requirements ay naayos ko na.
They groaned in annoyance.
"What? Hindi naman talaga maganda lalo na soon to be Obstetrician and Gynecology na kagaya ko." I smirked at them. I saw their eyes widened.
"Pukingina ka!"
"Tangina mo, Castañeda! Maniwala kami sa'yo."
"Gago! Edi palagi kang makakakita ng ano!"
"Hala ang swerte! Lalo na kung chix mag papacheck-up. Yung hindi buntis na chix ha?"
"Idiots! I respect women especially kung pregnant! Ang dudumi ng isip n'yo! Tsaka kahit hindi buntis na babae basta mag papacheck-up, irerespeto ko!" I shouted at them. My mom asked me to take that as my specialization. Her dream is to be Obgyn but apparently hindi na s'ya nag aral pa ulit at nag stay na lang as Cardiologist.
"Ah respect. Tara, uwi na." Rafael said. They laughed on what I said. Fuckers.
I know how to respect! This idiot peoples!
Naubusan na kami ng alak kaya naglalaro na lang kami ng Uno cards. Nawala na ang rin ang p*******t ng ulo kaya nung pinilit ulit nila akong pumunta sa bar ni Aquino na ilang metro lang mula sa condo ko, sumama na ako. Wala na rin naming alak dito sa condo dahil inubos na namin kanina pa.
"f**k! Ba't nag plus 4 ka, David?!"
"Eh wala na akong kulay blue."
"Kaasar ka, lam mo 'yon?"
Tatlo na lang kaming natitira. Ako, David at si Thiera. Lima pa ang cards ko, 2 reverse na blue, 1 number six na color yellow, 2 plus four. Ako ang may pinakamaraming cards kanina pero dahil nag plus four si David kay Thiera ay nadagdagan ang cards n'yang 2 ng apat pa, bale 6 cards na ang mayroon s'ya.
Sumunod na tumira ay ako. Sinceang sabi ni David ay dilaw na daw, ibinaba ko ang aking nag-iisang card na yellow. Apat na lang card ko samantalang si David tatlo pa at si Thiera ay 6 pa.
Sunod na tumira ay si David ulit dahil na skip kanina si Thiera dahil plus four s'ya, ibinaba n'ya ang isang reverse na color yellow then ako na ulit ang titira dahil nareverse. Ibinaba ko ang plus four card ko kase no choice ako. Narinig ko naman ang mahinang mura ni Thiera sa tabi ko.
"Damn. Ang sasama n'yo, puta." Wala ng available cards na natira kaya skip ang tira n'ya.
Ibinaba naman ni David ang kahuli-hulihang baraha n'ya. Kaming dalawa na lang ni Thiera ang natira and it's my turn now.
Kabado ang mukha ni Thiera dahil ang pustahan namin dito ay kung sino ang talo sa game s'ya ang manlilibre ng alak mamaya. Although it's my birthday to day,well, matipid akong tao eh.
Nginisihan ko na lang s'ya at dahan-dahang ipinakita ang card ko. Panalo na naman ako kaya ayos lang.
"Ano? Lalaban ka pa?"
"We're friends over! Ayoko na!" pikon na sabi ni Thiera. Kahit kelan talaga, ayaw magpatalo ng isang 'to.
Nagtawanan naman kaming lahat ng tumayo si Thiera at pumunta ng kusina ng may busangot na mukha. Mukhang mamumulubi s'ya ngayong gabi.
Pagpatak ng alas otso, nag-decide na kaming bumaba at pumunta sa bar ni Aquino. Convoy kami nang magpunta sa bar. But when we get there, natatarantang mukha ni Thiera ang nag pa-alis sa'min. We don't know the reason why is he like that. S'ya lang pumasok kanina sa loob dahil s'ya ang unang dumating.
"L-Let's go to another bar. Huwag tayo dito. Walang magandang girls, sa kabilang bar tayo ni Je doon sa may Makati." Thiera nervously said. Iminuwestra n'ya pa ang kamay n'ya sa'min at winagayway sa harap namin para paalisin na kami.
"Hoy, may ginawa kang kasalanan 'no? Anong kagaguhan ang ginawa mo sa loob?" Singhal ni Christan na kabababa lang ng BMW n'ya.
"H-Hindi ah. Wala lang talaga tsaka wala din daw si Aquino dito kaya 'wag tayo dito. Tara na, alis na tayo. Bili."
"Eh ano ngayon kung wala si Je sa loob?" naniningikit ang singkit na mata ni Damiel.
"Ahm, hihingi ako ng discount sa kanya kaya doon tayo sa Makati dahil nandon daw s'ya ngayon. Tama. Oo. Discount nga." Palusot n'ya.
Tatlo ang bar ni Jerome Rinzy Aquino, isa sa may BGC, isa sa may Makati at isa sa may Cubao. Ang unang tinayo ay yung sa may Makati at ang huli ay etong sa BGC. Madalas ay nandito s'ya nalalagi sa BGC Branch n'ya dahil mas malaki ito kumpara doon sa dalawa pero ngayong gabi ay kataka-taka kung bakit wala si Jerome dito eh alam naman n'yang may celebration kami dahil ang mga kumag na 'to ay nag pa-reserve daw ng VIP. Isa pa 'tong si Thiera mukhang tanga, akala mo may pinagtataguan.
"We don't buy your reason, Tan. Aalamin ko yan. Tara na nga," sabi ko. Para namang nakahinga ng maluwag si Thiera sa sinabi ko.
At nauwi nga kami sa may Makati. Ang dami kaseng arte ni Thiera. Buti na lang ay hindi pa masyadong punuan dahil konti pa lang naman ang mga tao. Agad naman naming hinanap si Jerome sa office n'ya para manghingi ng discount.
"Stop it. No discount for all of you. Malulugi ang bar ko. Mayayaman naman kayo kaya alam kong afford n'yo kahit madami orderin n'yo." Sabi ni Jerome habang nag papaikot-ikot ang inuupuan n'yang swivel chair.
"Madami nga oorderin kaya nga nanghihingi kami ng discount. Did you get it?" Nanlalaki ang singkit na mata ni Thiera sa kausap.
"Yoko nga, mayayaman kayo eh."Inirapan na lang ni Thiera ang tumatawang si Jerome.
"Nga pala, Happy Birthday, bro." tumingin s'ya sa'kin at bumati.
Kaming tatlo lang ang nandito ngayon dahil yung apat ay nauna na sa VIP room para makapagsimula na ng maaga. For sure pag dating namin 'don ay may kanya kanya na silang babae na nakakandong sa kanila.
Fuckboys.
Buti na lang ako, goods lang.
"Mamats pero asan regalo ko?" inilahad ko ang kamay ko sa harap n'ya. "'di pwede na wala. Papabomba ko 'tong bar mo." Pananakot ko.
"Huwag kang mag alala, Lexis. Syempre mayroon akong gift sa'yo. Punta ka lang doon sa bartender at sabihin ang pangalan mo, ibibigay n'ya yung regalo."
"Hindi ba pwede yung regalo n'ya is discount na lang?" huling hirit ni Thiera na nakanguso na.
"Bakit s'ya ba magbabayad? Hindi ba ay ikaw? Eh mayaman ka, kaya walang discount discount. Bleh," Jerome teased.
"Tarantado ka. Nakita ko bago mong babae mo kanina. Ang sexy, puta. Yari sa'kin 'yon, Aquino."
Napatayo sa inis si Jerome at mahinang tinuktukan ang ulo ni Thiera. These fuckers!
"Gago! Subukan mo, isang bala ka lang sa'kin."
"De joke lang, takot ko lang sa'yo 'no."
Nag-usap pa sila ng kaunti bago kami lumabas. Busangot ang mukha ni Thiera dahil kahit anong pilit n'ya ay wala s'yang nakuhang discount kay Aquino. Pulubi na 'to pag-uwi, I'm so happy.
Nang dumami na ang tao ay lumipat kami sa ibaba dahil mas masaya doon at mas madami kaming nakikitang hot girls. At para na rin madali kaming mahanap ni Princess Andrea na fresh from Thailand. Ang alam ko ay may share din dito sa bar na 'to si Andrea. Nauna n'yang naging barkada si Jerome noong elementary bago kami.
We know that we are already wasted. Nag-sisigaw at nagtatalon na ako hawak ang bote ng alak. Pinapagpantasyahan na namin ang babaeng nakikita namin na may mga malalaking boobs at bakat na bakat pa sa suot nila.
Fuck! Sarap yariin sa kama! That's so soft for sure.
Umupo muna ako saglit at tignan ang nasa tabi ko na namang si Damiel.
Yung totoo? Trip ba ako neto kaya lagi s'yang tumatabi sa'kin?
Bumaling naman si Damiel sa'kin na may madilim na pag mumukha. Hindi naman siguro n'ya nabasa ang isip ko 'no?
"Why? Ba't masama tingin mo sa'kin ha?" panghahamon ko.
"Gago! Kanina mo pa ako naaapakan kakatalon mo at masakit na ang paa ko dahil don!"
"Ah, okay. Kaya mo na yan,"
Inirapan naman n'ya ako at pumunta sa cr. Ako naman ay tuloy tuloy uminom ng alak. Napansin kong balisa si Thiera habang hawak ang cellphone n'ya. Nakakunot naman ang noo ni David sa gawi ng babaeng may malaking boobs, na nakikipag halikan sa isang lalaki sa may sulok. Tumayo naman si David at nag lakad papalapit don sa babae, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sina Damulag naman ay wala na dito sa couch, baka nang aano na 'yon ng mga babae. 'Yon ang mahilig sa threesome eh, si Damulag aka Raphael. Si Christan naman ay hindi ko na alam kung nasaan at bahala na s'ya sa buhay n'ya.
Kasama pala namin sa couch yung iba naming schoolmate noon. Nagkukwentuha at nag kukulitan din sila. Lumapit sa'kin si Teng kanina at nangamusta. Kaklase ko s'ya noon at naging kaibigan ko na rin dahil nag ka-partner kami noon sa isang activity sa lab.
When I had an enough energy to go wild and crazy again, I went to the dance floor and enjoying the night. Lalo akong sumaya nang may lumapit sa'king babae at mariin akong hinalikan, tinugunan ko naman 'yon.
"Uhm..." ungol n'ya. Mabilis kong hinawakan ang pwetan at pinisil pisil ito.
Fuck! So big and round!
Ilang minute lang ang lumipas ay kumalas na ako sa halikan namin dahil nag-sawa na agad ako. Definitely not my type, malaki lang boobs at butt pero boring. Nang mapagod ako kakasayaw at kakalandi ay bumalik ako sa couch naming at nakipag kwentuhan na lang kay na Raquinn na isa sa mga naging barkada ko noong high school.
Bumalik sina Christan at ang iba pa. Sakto namang nag chat na sa group chat si Andrea na nagpapark lang ng kotse at papasok na rin.
"Yes! Yung pasalubong natin nandyan na!" sigaw ni Damiel.
"I'm so excited!
Lahat naman kami na-hype at tumungga ng alak. Nagtatalon at nagsisigaw sa sobrang saya dahil lang sa pasalubong ni Andrea.
Well, sino bang may ayaw sa pasalubong tapos libre pa?
Inaabangan na namin si Andrea sa may pinto dahil may nakikita na kaming isang bulto ng babae. Lalo naman kaming nagsisigaw at nagtatalon.
Pero napatigil din kami ng sikuhin ako ni Raphael.
"Why?" ngumuso s'ya sa may pintuan.
"Hindi pa pala si Andrea, mga hayop kayo."
Hindi na naming tinignan kung sino ang babae. Hihintayin na lang naming si Andrea na may dalang pasalubong. Tumalon talon ako at kumanta pa.
Ang saya saya talaga mabuhay.
Siniko na naman ako ng isang depungal.
"Pre, yung babaeng kakapasok pa lang," tinuro ni Damiel yung babae. "Kanina pa tinititigan, pre. Pwede na malaki at masikip. Laruin mo."
I looked and grinned at her.
Mukhang type ako nito ah. Mamaya 'to sa'kin.
Sexy naman yung babae. Medyo malaki din at mukhang anghel. Makinis ang balat at maputi. And ohh, her thighs and legs are nice and thick.
Fuck, nanikip ang pantalon ko!
But not my type. Ayoko sa mukhang inosente at parang bata pa kaya hindi ko na lalaruin.
Baka isumbong pa ako sa bantay bata or something. Katakot!
Sakto naman ang pagpasok ni Andrea na kasunod lang nung babae. Andrea is getting sexier and sexier day by day. Ang laki na ng boobs n'ya, 'yon ang una naming napansin.
"Oh yes! Hi miss! I just want to say that you have a big and round t**s. Do you mind if I touch it?" I shouted at Andrea to get her attention.
Para naman kay Andrea 'yon pero hindi yata narinig ni princess dahil tumigil lang s'ya paglalakad at kinausap yung bouncer.
But to my surprise, nanlaki ang mata nung babaeng nasa unahan ni Andrea kanina at agad pumunta sa pwesto ko. Sinampal n'ya 'ko ng dalawang beses sa mag kabilang pisngi. Hinagod ko naman ito ng tingin mula taas hanggang baba.
Mas sexy pala 'to sa malapitan!
Nagpupuyos ito sa inis na nakatingin sa'kin. s**t! Lalong nanikip ang pantalon ko. Why is she so hot while mad?
Pero hindi pa din pwede, Lexis! Bata yan!
Pero hindi biro ang pamamanhid ng pisngi ko at sandaling umikot ang paningin ko. Damn this girl!
"How dare you to disrespect my boobs."
Napagbintangan pa nga.
Napatigil naman sina Thiera sa ginagawa nila at tumingin sa'min. Hinihimas ko ang pisngi ko kahit man lang don ay maibsan ang sakit.
I smirked at her, "I did not disrespect your boobs, Madame. Is just that it's very attractive in my eyes." Pag sakay ko sa kanya. She was about to slap me again pero napigilan ko 'yon.
Ang galing ko! Ang bilis ng reflexes ko! Imma proud of myself!
Buti na nga lang at napigilan ko kundi another deadly slap na naman 'yon.
"Madame, chill ka lang. Ang sakit mo namang manampal." I smiled at her sweetly.
Baka madala sa charms 'to. Poging pogi pa naman ako pag nakangiti kase may dimples ako.
"Tarantado ka pala! Paano ako kakalma? Binastos mo 'ko!"
Luh? Nisasabimue?
"Hindi kita binastos po. Biro lang naman po yung attractive attractive, para ka namang dragon. Konti na lang bubugahan mo na ako ng apoy. Tsaka 'di naman ikaw yung tinutukoy ko talaga nung una."
Binitawan ko na ang kamay n'ya dahil nakaramdaman ako ng kuryente na biglang dumaloy sa pagitan ng mga balat namin. Inirapan naman n'ya at tumingin sa gilid n'ya.
"It's not you that I'm talking about that has big and round t**s," paliwanag ko. "Chill, okay? Hindi ikaw yung tinutukoy ko dahil alam mo sa sarili mo na hindi malaki at bilugan yang iyo."
At ayun na nga po, nakita ko naman si San Pedro na kumakaway sa'kin at niyaya na ako sa langit.
"Aray po!" Grabe, nasampal ulit ako.
Joke lang sana 'yon kase hindi naman talaga totoo na maliit yung kanya. Ang bigat ng kamay ng babaeng 'to. Parang bakal ang hinampas sa mukha ko.
"Tangina! Binastos mo na nga ako, nanglait ka pa. Hoy! Meron namang laman 'to kahit papaano. Lintek ka!" She shouted angrily at me.
"Ah ganon ba, hindi ko nakita sorry."
"Lexis, enough. Mag sorry ka na lang sa kanya and shut your f*****g mouth next time. Mali ang ginawa mo." I heard Philip's voice. Philip is one of my friends. Actually, senior ko s'ya sa soccer nung college.
"Philip, hindi naman s'ya yung tinutukoy ko at tinatawag ko kanina. Ayun oh, si Andrea," tinuro ko si Andrea na kanina pa kausap yung bouncer.
"Andrea!" Sigaw ni Raphael.
Bumaling naman sa'min si Andrea at ngumiti. Mabilis lumapit s'ya sa pwesto namin at hinalikan sa pisngi ang mga naka-upo sa couch.
"Uy, Lexis ha! Ikaw ha! Kelan ka pa nagka-girlfriend ng mukhang matino at inosente. Gago ka! Ibalik mo yan ng buo sa nanay n'ya." Andrea said to me at hinampas ang braso ko.
Sinilip ko kung may dala ba s'yang bag or paper bag or what, pero wala!
Hala! Ba't walang dalang pasalubong 'to? Kaasar!
Wala na ako sa mood kaya inasar ko na lang yung kaaway ko. Ilang minute pa kaming nag sasagutan at narinig ko na lang na nagsorry s'ya. Siguro na-realize n'ya na hindi naman talaga s'ya yung tinutukoy ko. Takot ko lang mahuli 'no!
Assumera kase.
Iniirap irapan ko na lang s'ya kanina pa dahil kung hindi ko gagawin 'yon, yari ako. Ang sarap titigan, ang ganda lalo na pag-inis. Pero dahil nga takot akong makulong, iniirapan ko na lang.
Maya-maya ay dumating na si Aquino. May nagsumbong yata na may nag aaway dito.
Kung sino man 'yon, mababaog ang taong 'yon.
Hindi ko lang alam kung seryoso s'ya sa sinasabi n'yang pagbabatiin n'ya kami. Mukha naman dragona 'yung babae. Feeling ko talaga yung sorry n'ya kanina hindi sincere. Balak sanang umalis nung babae, syempre pinigilan ko sa mabuting paraan.
Hindi ako makakapayag na hindi ko alam ang pangalan n'ya!
For emergency purposes lang naman!
Dinala kami ni Aquino sa office n'ya at doon kinausap. Pinilit n'ya pa kaming mag-tabi sa sofa. Ayaw ko nga sana eh kaya lang sayang naman kung hindi mararanasan ng babaeng 'to ang makatabi ako.
Nalaman ko pang pinsan pala 'to ni Jerome. Kaya naman masakit at mahilig manampal. It runs in the blood talaga. Kaya lang mas mukhang matinik 'tong babaeng 'to kesa sa pinsan n'ya.
"Oh, ano na? 'Di ba kayo mag-iimikan?" tumititig sa aming dalawa si Je.
Ayaw ko nang umimik. Mahirap na, katabi ko lang 'to baka masampal na naman ako.
"Nag-sorry na ako, Kuya." Sabi ng katabi ko.
Humarap s'ya sa'kin at tinignan ako. Bahagya n'yang tinagilid ang ulo n'ya at parang sinisipat ako.
Wag ka na tumitig! Bawal nga tayo!
"Kung gusto mo mag-sorry ka na din para tapos na ang mga drama na 'to. Oo na, mali na ako." Hinawakan n'ya ang balikat ko. Napaigtad naman ako sa hindi malamang kadahilanan.
Parang medyo uminit sa paligid ko. Wooh! Init ah.
Sumulyap ako kay Je habang naka-nguso. Sinamaan lang ako nito ng tingin, lalo naman ako sumimangot dahil do'n.
"Sige na nga. Sorry na din. Next time wag ka na manampal ha? Paki-bawasbawasan ang pagiging assumera." Sabi ko. Alam ko rin naman may kasalanan ako. Nakonsensya naman ako dahil inirapan irapan ko pa s'ya kanina pero para na rin naman sa kanya 'yon. Baka mahalikan ko s'ya ng wala sa oras pag 'di ko ginawa 'yon. Kahit hindi s'ya ang tinutukoy ko nung sumigaw ako, mali pa rin ako. Siguro, yung sorry na yun ay para sa pagpapantasya ko sa kanya sa isip pero hindi ko na lang sasabihin na ganon baka masampal ulit ako.
I respect girls pa din naman kasi yun turo ni Mommy ko pero pag nasa isip ko na sila at nakahubad na, wala na akong magawa. Bakit kaya?
"Thanks, God. Bati na po kami."
Nakita ko naman napangiti s'ya sa gilid ko. Nataranta ako nang akmang yayakapin n'ya ako sa gilid. Mabilis akong tumayo at dumistansya sa kanya ng ilang dipa. Baka may maramdaman akong hindi maganda pag niyakap n'ya ako. I just crossed my arms in my chest and swallowed really hard.
Naka-kunot ang noo n'ya at sandaling natahimik tapos maya-maya ay biglang namula. Tumikhim naman si Jerome sa unahin namin at nakangisi.
"Oh ayan! Bati na kayong dalawang Lex! Yey!" He clapped his hands.
"Lex?" tanong n'ya.
"Dalawang Lex?"
"Oo, hindi n'yo pa ba kilala ang isa't isa? Kanina pa kayo nag-aaway eh." Nakakunot ang noo na tanong ni Jerome.
Bumaling naman sa'kin yung babae na kapangalan ko.
"Lex din ba ang nickname mo?" tanong n'ya at lumingon naman ako sa kanya.
Bakit ang sexy n'ya kahit nagtatanong lang naman s'ya sa'kin?
Bakit parang yung alaga ko naninigas na naman? Kelan 'to lalambot?
Lumunok na lang ako ulit, "Oo, L-Lex ka din?"
"Yup! Alexia nga pala," she smiled sweetly at me and offered her hand for handshake.
Para naman may sumuntok sa dibdib ko at sumobra yata ang bilis ng t***k ng puso ko.
Ilang beses pa akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago inabot ang kamay n'ya.
Takte! Malambot at mainit ang kamay n'ya. Parang bigla naman akong nanginig.
"L-Lexis,"
Ayaw ko pa sana s'yang bitawan pero matalim na ang mga mata ni Jerome na nakatingin sa'kin.
"Birthday n'yan ngayon, Alexia. Tapos inaway mo," sabi ni Jerome.
Na-alarma naman si Alexia, "H-Happy Birthday pala. Birthday mo pa la ngayon, sorry talaga." Napakagat labi s'ya habang hindi pa rin inaalis ang kamay n'ya sa kamay ko.
"Thanks sa gift. Hindi lang isa, tatlo pa kaya salamat talaga." Napanguso naman ito sa'kin.
Ang ganda naman, kainis!
Pag ka-bitaw n'ya ay agad s'yang humarap sa Kuya n'ya, "Kuya, pwede bang kausapin na lang kita bukas ng umaga? Puntahan mo na lang ako. Ayaw ko na pumunta dito ulit."
Ako naman ay pasimpleng inamoy ang kamay na hinawakan n'ya kanina.
Amoy Victoria Secret na lotion!
Hindi ko na sila pinansin pa dahil parang nahibang ako sa amoy ng lotion.
Naramdaman ko na lang binato ako ni Jerome ng ballpen.
"Gago! 'Wag pinsan ko ha!"
"Pinsan mo pala 'yon?"
"Oo, ang ganda ng lahi namin 'no?"
"Ang ganda sana kaya lang mahihilig kayo manampal. May pinagmanahan si Alexia,"
"Ah ganon, kalimutan mo na yung regalo ko."
"Joke lang! Eto naman, sige na bye na ha. Kunin ko na regalo ko." Kumaripas na ako ng takbo paalis ng opisina n'ya at agad na pumunta sa bartender para hingin ang regalo ko.
Baka mag bago pa isip at bawiin ang regalo ko.
Bumalik na ako sa couch naming dahil nakikita ko na si Andrea na nagbibigay ng pasalubong n'ya.
"Oh ano? Okay na?" tanong ni David.
"Yes, ako pa. Gwapong gwapo sa'kin 'yon kaya mabilis na nakipag-ayos."
"Oh, pasalubong mo," Inabot n'ya sa'kin ang isang paper bag na color purple.
"Wow! Buti 'di mo nakalimutan ang pasalubong ko." Tinignan ko ang laman no'n at nakitang may isang box ng chocolate, tatlong damit at may dalawang box ng paborito kong gamit galing Thailand.
Nang makita ang laman no'n ay agad akong lumabas ng bar para hanapin si Alexia.
Bibigyan ko na lang s'ya ng pasalubong ni Andrea para naman makabawi ako sa pang-aabala ko. May dapat yata s'yang sasabihin kanina kay Je pero hindi na n'ya nagawa dahil sa'kin.
Peace offering lang habol ko ha.