1
Loud music conquered my ears. Smoke from cigarettes invades my nostrils. Short clothes from liberated girls observed by my eyes. And now, I'm experiencing being out of place. This bar isn't for me. Well, I don't want to be called 'walwal girl' by my so called kamag-anak.
I'm observing too much right now. Hindi pa ako pumapasok sa loob pero kung ano-ano na nakikita, naririnig at naamoy ko. That is what I'm expecting, crazy people inside or outside the bar. Kahit gaano ko kaayaw ang lugar na mga ganito, nandito pa rin ako. It's just that my tita asked me a favor to talk to her son who happened to be the crazy owner of this chaotic bar.
"Alexia, please, do me a favor! It's just that... my son is not talking to me for 3 months already. I'm hella nervous right now, sweety. Please talk to your cousin. You know the reason why is he like that right? Talk to him and try to convince him to come over here in Canada. I miss Jerome so much..." she said as she is silently crying over the phone.
"Yes, yes, Tita. I already get it, okay? I'm going to try but I'm telling you na matigas ang ulo ng anak n'yo at hindi basta basta 'yon mapapasunod. Manang mana po sa inyo."
"I already know that, just please help me with this one. Pag-uwi ko d'yan dadalhan kita ng maraming chocolates at maraming Victoria Secret na pabango at lotion. Promise ko 'yan." Okay, doon n'ya ako nakuha sa chocolates at VS.
"I'm going to try once, Tita. Baka bigla ko na lang masampal ang anak n'yo sa sobrang pasaway. Dahil dito sa pinagagawa n'yo ay mag-aaway na naman kaming dalawa. Remember what happened two years ago?" Letse talaga 'yong lalaking 'yon
"Don't worry, kung mag-away man kayo ulit, saktan ka n'ya or sigawan, ako nang bahala. Tatanggalan ko ng mana 'yan mula sa'kin. Kaya please, convince him ha?" As if naman na kayang n'yong tanggalan ng mana yan.
I just sighed and told to her that I'll to talk to Kuya Jerome later. Wala akong balak pumunta o makipag-usap sana kay Kuya. I'm already done with him, super. Noong may problem s'ya ako ang nagbibigay ng advices sa kanya pero hindi naman n'ya sinusunod. Para s'yang babae dahil sa sobrang rupok, and now, Tita Susan is calling me magmula pa kanina. She is kept on reminding and reminding me the address of Kuya's Bar in Makati. Naiirita na ako, hindi dahil tumatawag s'ya sa akin, naiirita na ako dahil paulit-ulit lang ang sinasabi n'ya. Even sa text? Hindi ako tinantanan, kung hindi ko lang tita 'to kanina ko pa nablock number n'ya kaya lang baka hindi ako bigyan ng pasalubong pag-uwi kaya hindi ko ginawa.
Nagmadali na ako sa pagbibihis, at ang balak ko pang magluto ay hindi na natuloy. Baka kumain na lang ako at mag kape sa isang café shop. Agad akong pumara ng taxi at sumakay doon.
"Ma'am, sure po kayo na dito po kayo sa bar na 'to pupunta?" nangungunot na noo na tanong ni Kuya Driver. Pinakita ko kase ang text sa'kin ni Tita Susan.
Tinignan ko naman ang sarili ko. Bakit? Maayos naman ang suot ko ah. I wore my favorite Lacoste navy blue fitted polo shirt then I tucked in it with above the knee denim skirt and white sneakers.
"Why po ba, Kuya? May problema po ba sa suot ko?" I asked.
Umiling ito, "High end bar itong pupuntahan mo, delikado ka dito lalo na dahil babae ka. Maraming loko dito at baka mabastos ka."
Ngumiti ako at bahagyang umiling, "Hindi naman po siguro, Kuya. Pupuntahan ko lang po yung pinsan ko na nagtatrabaho don, pagkatapos non ay aalis na din po ako." Nakita ko naman itong tumango.
Buong byahe ay nakapikit lang ako at nagiisip ulit sa kung anong pwedeng sabihin kay kuya. Paano kaya? Sermonan ko ba muna s'ya bago ko s'ya kumbinsihin? Or kumbinsihin ko muna bago sermonan? Kaya lang baka tusukin ako ng ballpen n'ya. Ang weird din non minsan, lagi s'yang may hawak or dalang ballpen kahit saan. Pag tinatanong ko kung bakit laging s'yang may dalang ballpen ang sabi n'ya lang,
"Wala, ayoko lang talagang nawawalan ng ballpen sa bag or bulsa or sa kamay. Wag mo na akong pansinin. Magulo ka sa buhay." Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. Weird kase.
After an hour, eto na ako nasa labas ng bar ni Kuya Je. Hindi pa ako pumapasok dahil pinagmamasdan ko pa ang paligid. Kahit maaga pa ang dami na agad tao, ang iba ay hindi agad pumapasok sa loob, ang iba ay nasa labas dahil nag sisigarilyo sila. Lumingon ako sa gawing kanan ko at doon ko nakita ang isang babae at isang lalaki na nag mimake out. Napatakip ako ng aking bibig at hindi makapaniwala, buti sana kung sa loob nila ginagawa yan ang kaso nasa labas sila at maraming tao ang nakakakita pero hindi naman nila pinapansin 'yon. Seriously? Normal na sa kanila 'yan? Yung mga suot pa ng babae dito ang iiksi!
"Miss, pumasok ka na sa loob. Kahit anong gawin mong pagtitig d'yan, normal na lang yan sa kanila." Isang boses ng lalaki mula sa likuran ko.
Lumingon naman ako sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaking matangkad na nakasalamin. Nakasuot pa ito ng surgical mask kaya hindi ko gaano kita ang mukha pero feeling ko fuckboy din 'to. He's wearing black slimmed polo and faded ripped jeans. Ang simple pumorma pero ang gwapo, nakakainis.
Ituro n'ya ang nasa gawing kanan ko kanina. Iyon siguro ang tinutukoy n'ya, ang mga naglalampungan.
"Tsk, normal sa inyo, sa akin hindi. Momol my foot." Inirapan ko ito at tumawa naman s'ya.
"May mas malala pa d'yan, Miss. Wanna try in my place?" I saw him smirked and winked at me. Fuckboy nga.
"Neknek mo. Bahala ka na d'yan sa buhay mo. Peste." Narinig ko pa ang malakas nitong pag tawa. Tinalikuran ko na ito, baka hindi ko mapigilan at bigla kong masampal. Akala ko matino, gago din pala.
Wala nang gumambala sa'kin bukod sa kanya. Nakita ko na lang s'yang tumalikod at naglakad na rin papunta sa mga kaibigan n'ya na nagyoyosi. I just sighed before entering the bar. I hope this night will going to be a good night for me.
Pagpasok ko sa bar ay bouncer agad ang bumungad sa akin. He asked for my valid ID, I gladly gave it to him. Pagkatapos n'yang tignan ang ID ko ay sumenyas s'ya sa kasamahan n'ya na hawiin ang kurtina na color black. May pa-ganun pa sila, baduy naman.
I feel like I do not belong in here talaga. The smell, the sounds, the people, they're wild as f**k! Sabi na eh! Tama ako, ganito sa loob nito. Halo-halong amoy ang naamoy ko pagpasok, nakakabinging sigawan at tugtog. Paano sila nakakasurvive dito? Mas gusto ko pa sa bahay na lang magdamag kesa magpunta sa bar, mas lalong nakakastress dito pero minsan may mga gwapo daw dito sabi ng friends ko. Sana may makita ako today, kahit hanggang tingin lang ako, ayos na sa akin.
Yung nakita ko kanina sa labas na lalaki, cute sana kaya lang ang bastos talaga. Ang manyak, letse. Sana 'di ko na s'ya makita kahit feeling ko cute s'ya. Well, 'di ko rin naman nakita mukha n'ya pero parang makapal 'yon, lakas kase mag yaya makipag s*x. Letse.
Dahan-dahan akong naglalakad, tumitingin sa paligid at inoobserbahan ang mga susunod na mangyayari. I'm amazed and surprised sa nakita ko sa gilid, another girl and boy na naghaharutan. Gwapo lang hanap ko, hindi ka-momol. I just rolled my eyes ang stroll around the bar para akong tanga dito.
My eyes are still roaming around the area until it was landed in the group of boys shouting like there is no tomorrow. They are having fun and obviously, some of them are already drunk. But this guy caught my attention, he was holding a bottle of wine and jumping while singing. He's crazy but I think I saw his eyes from somewhere. Nakita ko na ang matang ganyan, 'di ko lang matandaan kung saan at kelan pero cutie naman s'ya, pwede na sa'kin basta hindi bastos. Ha! May target na agad akong titigan. Mamaya ko na kaya hanapin si Kuya? Mag pa-cute muna kaya ako? Pero baka gabihin ako kaya wag na lang. Sayang naman yung gwapo, jackpot na sana ako.
Babalewalain ko na sana s'ya para hanapin na ang office ni Kuya pero his friend called him and point in my direction. Unfortunately, the crazy guy is now looking at me with a grin in his face.
"Oh yes! Hi miss! I just want to say that you have a big and round t**s. Do you mind if I touch it?" he shouted.
Kingina, turn off na.
Kahit gwapo 'to papatulan ko ang letseng 'to. Mga lahi talaga ni Adan, medyo bastos.
Nanlaki ang mata ko at hindi napigilan ang sariling puntahan s'ya sa pwesto n'ya at sampalin ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Hindi ako sanay sa mga ganyan, pinalaki ako nina Mimi na conservative pero hindi ko alam kung bakit ako yung tipo ng babae na conservative pero medyo malandi with limit.
Pinalaki din akong may mataas na respeto sa sarili at hindi basta basta nag papatalo, kaya when someone says bad things to me especially if it is a s****l thing, I can't contain myself but to burst in anger. Ayoko ng binabastos ako sa kahit anong paraan. Nowadays, men also can't contain their libido, that is why as a girl, I'm always wearing clothes na hindi medyo kita ang balat. Kahit sabihin at ikatwiran natin na girls has the freedom to choose what to wear and what to do to her body, it's not right though FOR ME. Walang matitrigger, kung walang nantitrigger. As a girl, wear appropriate attire, respeto na lang sa sarili. Kung ayaw mong makatanggap ng bastos na compliment galing sa kanila, learn to wear appropriate clothes. Hindi yung bibili ka sa tindahan n'yo ng naka sando at short shorts, alam mo naming maraming nakatambay na lalaki sa tabi tabi. Hindi dapat lalaki lang ang nag aadjust, hindi dapat isa lang dapat pareho to make things work out.
Siguro masyadong fitted ang suot kong polo shirt, medyo bakat ang hubog ng boobs kaya siguro ganon ang sinigaw ng letseng lalaking 'yon. Next time, pag punta ko dito mag lolong sleeves na ako na medyo maluwag at jogging pants pero hindi ko palalagpasin ang lalaking 'to ngayon. He has to learn his lessons.
"How dare you to disrespect my boobs," I shouted.
His friend stopped sa ginagawa nila and they look at us. Himas himas naman ng lalaking nasa harap ko ang mukha n'ya. Lalo naman akong nainis ng ngumisi s'ya sa akin. "I did not disrespect your boobs, Madame. It is just that it's very attractive in my eyes." I'm about to slap him again when his hand holds my wrist tightly.
"Madame, chill ka lang. Ang sakit mo namang manampal." He said. He's doing pa-cute to me, porket may dimples.
"Tarantado ka pala! Paano ako kakalma? Binastos mo 'ko!"
"Hindi kita binastos po. Biro lang naman po yung attractive attractive, para ka namang dragon. Konti na lang bubugahan mo na ako ng apoy. Tsaka 'di naman ikaw yung tinutukoy ko talaga nung una." He already loosens his grip into my arm. I just rolled my eyes at him and look at my side. Naiilang ako sa titig n'ya. Parang nacoconcious ako pero hindi ko alam kung bakit ganon, siguro nakakaasar lang s'ya sa paningin ko kaya ayaw ko tignan. Or baka nga kase gwapo?
Tangina naman eh, sabing wag marupok sa gwapo.
"It's not you that I'm talking about that has big and round t**s," napatingin na ulit ako sa kanya at handa na s'yang sakalin sana. "Chill, okay? Hindi ikaw yung tinutukoy ko dahil alam mo sa sarili mo na hindi malaki at bilugan yang iyo." And there, sinampal ko ulit.
Tangina, ayaw ko na sa kanya. Hindi na s'ya gwapo sa paningin ko.
Ang pangit mo!
"Aray po!" he shouted in pain.
"Tangina! Binastos mo na nga ako, nanglait ka pa. Hoy! Meron namang laman 'to kahit papaano. Lintek ka!" I said angrily.
"Ah ganon ba, hindi ko nakita sorry." I heard his friends laughing. Assholes. Wait until I report this to Kuya Jerome, tignan natin kung makabalik pa sila dito. Hindi ko matanggap na nalait ang aking munting hinaharap.
"Lexis, enough. Mag sorry ka na lang sa kanya and shut your f*****g mouth next time. Mali ang ginawa mo." I looked at my right side and saw a man in suit. He has also defined body kagaya ng nasa harap ko, pero mas mukhang matino ito kesa ang gagong 'yon. Buti pa'to medyo mabait sa paningin.
"Philip, hindi naman s'ya yung tinutukoy ko at tinatawag ko kanina. Ayun oh, si Andrea," Tinuro n'ya yung babaeng nakikipag usap sa bouncer, mukhang may inuutos ito sa mga 'to. Hindi s'ya kagaya ng ibang babae dito na sobrang iksi ng suot. Kahit side view lang ay makikita mo na ang ganda n'ya, ang tangos ng ilong. May magandang hubog ng katawan at higit sa lahat may malaki at bilugang hinaharap.
Tinawag ng mga kaibigan nila si Andrea. His friends are enjoying the scene between us.
Nakita ko naman itong tumingin sa direksyon namin at ngumiti ng pag katamis-tamis. s**t! Mukha s'yang anghel.
Lumapit ito sa'min at isa-isang bumeso sa mga naka-upo sa couch. She has this aura na very intimidating but looking innocent at the same time. Damn, nakakatibo naman 'to.
Nang lumapit s'ya sa amin ay napatingin agad s'ya sa'kin. She smiled at me sweetly and shifted her gaze to the man infront of me. Kahit hindi ako ang sinabihan, mali pa rin ang ginawa ng lalaking 'to. Babae din 'tong sinabihan n'ya.
"Uy, Lexis ha! Ikaw ha! Kelan ka pa nagka-girlfriend ng mukhang matino at inosente. Gago ka! Ibalik mo yan ng buo sa nanay n'ya." She said. Hinampas nito ang balikat ng lalaking kaharap ko. Gosh! Kung isa 'to sa mga babae ng lalaking kaharap ko ngayon, sayang s'ya. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi inintindi ang sinabi n'ya, masyadong s'yang maganda para hindi titigan pero baka sabihin n'ya creepy ako kaya I managed to answer her.
"Hindi ako girlfriend at hindi kahit kelan." Nakasimangot na saad ko. I rather jump on a cliff than being a good girlfriend to that jerk.
"Just apologize to her, Lexis. Masyado mo na s'yang inaabala." Sabi nung naka-suit, si Philip. Umupo ito sa upuan nila at kumuha ng baso sabay salin ng alak.
"Bakit ba? Anong nangyari?" Tanong ni Andrea.
"Binastos ko daw s'ya, eh hindi naman s'ya yung tinutukoy ko."
"Sa'kin ka nakatingin eh." Sabi ko.
"Sa kanya ako nakatingin kanina," sabay turo n'ya kay Andrea na nakakunot ang noo. "Magkasunod kayong dumating at nasa likod mo s'ya. Siya yung sinasabihan ko ng big and round at hindi ikaw. Gets mo?" Naka-irap na sabi n'ya sa'kin.
"Gago ka! Hindi nga s'ya ang sinabihan mo pero ako naman. Hindi ka na nag bago, Lexis!" Hinampas ni Andrea si Lexis sa braso. Tumatawa pa ito at halatang hindi sineryoso ang sinabi ni Lexis.
Tangina. So, hindi nga ako 'yon? Kakainis, hindi ko alam na inside joke yata nila 'yon mag kakaibigan. Next time, hindi na ako magpapadalos-dalos, napapahiya ako ng slight.
"Okay, bahala ka sa buhay mo. Sorry." Tatalikod na sana ako at hahanapin ang office ni kuya para magsumbong pa din pero narinig ko na ang boses n'ya sa likod ko.
"Hoy! Anong nangyayari dito? Sabi nung isang bouncer may nag aaway daw. What's your problem, people around the world? Yeah!" He shouted from afar.
Lahat kami ay napalingon sa likuran ko.
I looked at him from head to toe. I chuckled slightly, mukha s'yang tanga ngayon dahil ang baduy ng outfit n'ya, purple top and orange khaki shorts? Ano 'to, idol n'ya si Dora?
Lumapit naman ang mga kaibigan nitong gagong lalaki kay Kuya at nakipagkamay. Lumapit din itong si Lexis na 'to sa pinsan ko at kinamayan din. What now? They're friends? I don't care, isusumbong ko pa din s'ya. Kung pwede nga lang ay umabot kami sa presinto or barangay pero I decided na parang huwag na lang kasi parang oa na ako sa part na 'yon. At sabi naman n'ya hindi naman daw ako.
Napatangin naman si Kuya sa gawi ako at pinaningkitan ako ng mata.
"Why are you here!? Sinong boyfriend mo sa mga 'to? Ikaw ba, Lexis?" sabay tingin sa katabi n'yang mukhang tanga din.
"Uy gago, hindi ako! Tatlong beses nga akong sinampal n'yan! She's very assuming kaya po." He said while using his paawa voice.
"Uy gaga! Bastos ka lang talaga." I retorted back.
"Teka teka, kayo ba yung nag aaway?" Tinignan n'ya kaming dalawa ng masama.
"Oo!"/"Hindi!" sabay naming sabi. Nagkatinginan kaming dalawa, umirap s'ya at umirap din ako.
"Kanina magka-away, maayos na kami ngayon."
"Anong maayos? Hindi kaya." Sabat ni Lexis.
"Nagsorry na nga ako at hindi na nangulit na mag sorry ka din. Mabait pa ako."
"Wow, bait mo ah. Salamat pala sa tatlong sampal, naappreciate ko ng super-duper." Umirap naman s'ya ulit.
Isang irap mo pa, tusok 'yang mata mo.
"Okay, akong bahala sa inyo. Magaling akong peacemaker. Magbabati din kayo. Hihi." Kuya said while grinning and wiggling his brows.
"Maayos na nga kami! Nag sorry na ako! Gusto ko na umuwi." I begged.
"De wala, nanampal ka, masakit 'yon." Nangaasar na sabi ni Lexis.
"Nagsorry na nga ako! I'm sorry, okay?"
"Nag sorry na nga ako nyenye... I'm sorry nyenye." He mimicked what I said. Such an evil retard.
Letse!
Iminuwestra ang kamay sa harap na namin to signal us to stop from fighting
"Nakakahiya sa mga ibang customers. Lintek kayong dalawa. Tara sa opisina ko, bilis!" sigaw n'ya samin dalawa. Tumalikod s'ya at lumapit sa may isang pintuan doon. Kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang opisina n'ya dito sa bar.
Gusto ko lang naman kausapin si Kuya pero ba't ang daming epal na bastos. I hope this night will end well.