9

5417 Words
9   "Ano? Pharma graduate ka tapos you are working on a laboratory as a chemist? Bakit hindi ka na lang nag chemistry?!"   "Nung mga panahong namimili ako ng course ko ay bangag ako. Hindi ko na alam kung saan ba dapat." He answered truthfully.   "Pharmacists are responsible for the safety and effective medication use. Chemists are a professional that studies the properties of certain molecules or making what. So, alin ka doon?" I asked while wiping my spoon and fork using a tissue.   He sipped his iced coffee, "Ewan, basta tungkol sa mga gamot, pwede na 'yon. And, pareho lang sila para sa'kin. Pharmacists can be called as Chemist also." Simpleng sagot n'ya.   "Naligaw ka talaga ng landas." Sabi ko.   Binuhos ko ang gravy sa kanin at manok ko at nang hindi pa masiyahan ay kinuha ko ang kay Jaronn tsaka nilagay 'yon sa pagkain ko. Wala naman s'yang sinabi kaya ayos lang.   Nagkibit balikat ito bago sumagot, "Red's dad offered me a job inside his laboratory. Why would I not consider that? Mahirap makahanap ng trabaho ngayon. Tsaka malay ko bang mas gusto ko pala sa laboratory kesa sa pharmacy mag trabaho."   "Sabagay, pwede na rin. They're both related in chemistry naman."   Natahimik kami at tinuon na lang ang atensyon sa pagkain.   We are here in McDo at 8:30 in the morning para mag breakfast muna bago pumunta ng Waltermart para mag grocery.   Today is June 23 that's why people in Balayan are all busy. They are buying foods and pieces of stuff for tomorrow.   Si Jaronn ang naatasan bumili ng mga ingredients para sa lulutuin bukas. Unfortunately, hindi nga pala s'ya marunong mamalengke ng maramihan kaya sinama ako. Sa haba ng listahan na binigay sa'min ni Den-den ay maliliyo ka talaga.   Jaronn and I have been friends for a week now because my real best friend is nowhere to be found or he is just going MIA on us. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng isang 'yon.   At hanggang ngayon ay wala pa din akong balita kay Lexis. I tried contacting him using socmed but he's not replying at wala ring balita sina Kuya Jerome sa kan'ya..   I don't know kung anong nangyari sa check-up n'ya and I hope he's doing great at this moment.   "Ano bang soy sauce dapat? 'Yung nasa pouch or 'yung nasa bote?" Jaronn asked while showing to me what he got, one pouch of soy sauce on his right hand and a bottle of soy sauce on the other side.   "On your left hand." He got what I said kaya mabilis n'yang ibinaba 'yung pouch.   He is the one who pushing the cart and I'm the one who's holding the listahan.   Nang matapos kami ay agad kaming nag hanap ng counter na konti ang pila. Sadly, dahil nga may okasyon bukas ay madaming tao ang bumibili ngayon kaya sobrang haba ng pila as in.   "Nakakatamad naman pumila…" He lazily said.   Naisip ko namang mag grocery na din para sa bahay dahil gagawin ko din naman 'yon mamayang hapon kaya isasabay ko na dito para isang pila lang.   Hinila ko paalis sa counter na mahaba ang pila si Jaronn para kumuha ng cart na para sa bahay.   "Mag go-grocery na din ako. Akala ko pa naman medyo konti lang ang magiging tao ngayon kasi mag tatanghali na. Baka pag mamaya pa ako bumiling hapon ay abutin ako nang s'yam s'yam."   Mabilis akong pumunta sa mga pasta and noodles and then, sa mga sauce and other condiments, etc. Nakasunod lang sa likod ko si Jaronn at bagsak ang balikat habang nakanguso.   "I'm tired already. Bilisan mo naman, Miss." He groaned. I just laughed at him at tinuloy ang pagpili ko ng karne at manok.   When I'm done choosing meat and chicken, I dragged Jaronn again papunta sa snacks and drinks.   "Huwag ka na sumimangot. Just tell me what snacks do you want and I'll buy it for you." I looked at him then I did a few puppy eyes.   "No." He said. "Hindi mo 'ko masusuhulan."   "Ay talaga? Hindi naman pala marupok si Mister." I chuckled. Pinilit ko pa ito ng bonggang bongga kaya sa huli ay bumigay din s'ya.   Scammer! Hindi din naman ako natiis eh!   Kumuha s'ya ng mga chichirya at kumuha din ng tatlong gallon ng ice cream. Puro mamahaling pagkain ang gusto n'ya kaya hinampas ko s'ya ng wallet kong hawak.   "Hoy, bwiset! Ang mamahal n'yang pinagkukuha mo!"   He's craving for some cornbeef daw at 'yun ang gusto n'yang kainin pag ka-uwi kaya pumayag ako. Hindi ko naman alam na apat na Delimondo cornbeef ang kukunin n'ya.   "Mura lang naman 'to!" Pang-uuto n'ya pa. "Sige ka, pag hindi mo 'ko binili nito, nakasimangot na lang ako sa'yo all day."   Kinurot ko s'ya sa tagiliran tsaka pumayag na din. Ayoko naman na nakasimangot s'ya all daw sa'kin dahil hindi naman bagay sa kan'ya ang malungkot.   He looks handsome when he's smiling genuinely and when he looks happy too. Parang nakakatakot s'yang saktan or pa-iyakin man lang kasi when you saw him sad, it can break your heart.   He looks innocent when crying pala. I saw him kasi nung nakaraang araw tapos natakot ako kung bakit s'ya umiiyak habang may kausap sa phone.   I wanted to cry also in that sight pero pinigilan ko. Niyakap ko s'ya tapos lalo s'yang umiyak sa balikat ko. I was really scared that time kasi hindi ko s'ya mapatahan kahit anong sabihin ko.   The reason ng pag-iyak n'ya is namatay 'yung alaga n'yang hamster na pinaalaga n'ya sa kaibigan n'yang si Rimo. He really loved Ginger the hamster kaya pinamisahan agad n'ya 'yon pagdating ng linggo.   Kaya nang mapadaan kami sa shelf na may iba't ibang brand ng salabat at turmeric ay natahimik s'ya.   "Miss na n'ya si Ginger…" I teased.   "Quiet! Pag ako umiyak dito…" Pananakot pa n'ya kaya humalakhak ako.   I went to other shelves, shelves ng mga shampoo and conditioner. Naalala ko kasing wala na din akong shampoo, sabon, napkins, tissue, feminine wash at mga iba pang skin care since mag iisang buwan na ako dito sa Balayan.   Nakasunod lang naman sa'kin si Jaronn habang tulak tulak ang cart na puno ng mga pinapabili ni Den-den.   "Wala na bang ibibilis pa 'yan?" He asked bago kinuha ang cellphone n'ya sa loob ng short n'ya.   Simpleng itim na tshirt lang naman ang suot n'ya at white na sweat short tapos nakasalamin lang pero 'yung mga mata ng babaeng nakakakita sa kan'ya parang luluwa.   Tusukin ko 'yan!   "Saglit naman! Kukuha na lang akong napkin tapos pipila na tayo!" I rolled my eyes at him.   So impatient.   Dahil annoyed na ang kasama ko, mabilis na akong kumuha ng napkin at pantyliner. And, also menstrual pants, 'yung parang diaper para sa gabi dahil lagi akong natatagusan.   Pag 'yon kasi ang gamit ko, girl, walang katagos tagos. Sakop lahat ng sasakupin.   Tumingin ako sa likod ko kung nakasunod pa din si Jaronn sa'kin. Nakakunot noo itong tumingin sa ibinaba kong menstrual pants sa cart.   "Ano 'yon?" takang tanong n'ya. "Ang laki-laki mo na nag da-diaper ka pa…"   "Tanga!Ang sosyal naman na diaper n'yan pag nagkataon!"   "K." He answered.   Pumunta ako sa dulong aisle para tignan 'yung tampons na nandoon. I want to try using tampons para kunwari sosyal lang ako pero ang mahal pala.   "Pare-pareho lang naman na nakaka-absorb ng blood 'yan eh. Why choose?"   Napapikit ako at nagbuntong hininga. Boys are tanga sometimes. Hindi ba nila ang salitang, 'comfort'?   "Shut up! Hindi mo kami magegets, okay?"   "Lagi naman kayong magulo…" bulong n'ya pa pero rinig na rinig ko.   Napatingin ako sa kan'ya at nakita ko s'yang nakatitig sa katabi n'yang shelf na puro femine wash ang nakalagay.   Nakakunot ang noo nito habang isa isang tinitignan ang mga brands ng mga 'yon. Nakapasok ang dalawang kamay nito sa dalawang pockets n'ya. He leaned a little bit forward to the shelf full of femine wash.   I blushed at that sight.   He took one from the shelf at tinignang mabuti ang kinuha. Inayos pa nito ang salamin na suot tsaka mas lalong sinuri ang hawak n'ya   Gusto ko sana s'yang sitahin dahil halos nang napapadaan sa gawi naming ay napapatingin sa kan'ya.   Oh, boy, this beautiful man is very attractive.   "Kukuha ka ba nito?" Bumaling ito sa'kin habang pinapakita ang hawak n'ya na kulay pink ang taklob tapos transparent na ang iba part.   "Y-Yeah."   "This product?" He asked again kaya tumango ako.   "Don't use this anymore." He said tsaka ibinaba ang hawak n'ya. Kinuha n'ya sa taas ang isang nakakahon pa tapos kumuha din s'ya nang nasakatabi nito na nasa kahon din.   "Use this instead." Lumapit ito sa'kin at ipinakita pa. Halos mangamatis na ako sa kahihiyan nang dahil sa lalaking 'to.   "Ano ba! 'Yung hawak mo kanina ang ginagamit ko kaya 'yon ang ibigay mo sa'kin." I half-shouted.   "Huwag nga 'yon." Sabi n'ya tapos itinaas n'ya ang isang kahon hawak. "This one has natural lactic acid. It's good for everyday use. This is just a mild liquid soap kaya it can't harm to your genitals—"   Tinakpan ko ang bibig nito, "Shut up! Castaneda!" Mabilis n'ya din naming inalis 'yon tsaka nagtatakang tumingin sa'kin.   "What? I'm just lecturing to you." Then, he shrugged.   Itinaas naman n'ya 'yung isang hawak n'ya at pinagduldulan pa sa'kin. "Ahm, this one naman is recommended mostly ng mga ob-gyne for women. Eto 'yung madalas nilang iprescribe. Medyo pricey s'ya but the active ingredients are all good and safe."   "How do you say so? Paano kung mali ka? Paano kung magkaroon ako ng infection or allergy d'yan sa ni-recommend mo? Huh?"   "Ano bang trabaho ko? Anong natapos ko? Police ba?" He sarcastically said.   Hinampas ko ang balikat n'ya na may kasama pang kurot kaya napa-aray s'ya.   "Akin na nga 'yan!" Inagaw ko sa kan'ya ang dalawang hawak n'ya tsaka ibinaba sa cart. "Tara na! Bilisan mo! Pipila na ako! Kakahiya ka!"   Tumakbo na ako kasama ang cart papunta sa counter. At Salamat naman dahil mas kakaunti ang naka-pila ngayon kesa kanina.   Naramdaman ko naman ang presensya n'ya sa likod ko. Lumingon ako at sinamaan s'ya ng tingin. Nakangiting aso lang ito sa'kin kaya napa-irap ako.   "Doon ka sa kabila! Maghanap ka ng ibang counter na pipilahan!" bulyaw ko.   Umiling ito at bahagya pang pinipigalan ang pag tawa.   Umirap ulit ako at pumihit na paharap ulit. Sa pagtalikod kong 'yon ay doon ko na narinig ang pag hagalpak n'ya ng tawa kaya napatingin sa kan'ya ang mga tao.   "Asawa mo, Ineng?" tanong nung matandang nasa unahan ko. Inilingan ko ito at napatawa lang s'ya ng bahagya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.   "Tell me your review about the products that I recommend…" He whispered against my ear. Nakiliti ako nang bahagya doon kaya hinila ko ang buhok at piningot ang tenga.   "Manahimik ka na!" tanging tawa lang ang sinagot n'ya sa'kin habang marahang inaayos ng dalawang kamay n'ya ang nagulong buhok.   "Kawawa naman 'yung lalaki…"   "Ang brutal naman nung jowa. Dapat d'yan sa babae ay iniiwan."   Binalingan ko nang tingin ang babaeng nasa gawing kanan ko at inirapan ko sila. Sinigurado ko pang kitang kita nila ang pag irap ko.   Natapos kaming mag grocery ni Jaronn at dumiretso kami agad sa bahay para ibaba lahat ng binili ko para bukas.   Naabutan naming doon si Mimi na kumakain pa lang ng tanghalian kaya doon na rin napakain si Jaronn. Wala si Papa dahil nasa munisipyo pa ito at isa sa mga tumutulong mag organize sa event na mangyayari bukas.   I think there is one senator na pupunta dito at ilang mga artista din kaya todo handa ang mga tao para sa event. Every year naman ay may dumadating na guests kaya every year ay garbo ang event.   Hindi na sana ako sasama pa kay Jaronn sa paghahatid ng grocery nina Den-den pero napilit n'ya ako at si Mimi. No choice ako kung hindi ang sumama sa kan'ya.   Pag dating namin sa bahay ni Red na naka-locate sa may barangay uno, ay lahat nang nandon ay napatingin sa pagdating namin.   Napag alaman ko din na sa labas pala ng lumang bahay nina Red ginaganap ang pagdiriwang. Nakatayo na ang stage sa may harap at may nakakabit na ding shower sa may gitna ng daan.   Nalaman ko din na club nila ang nag pa-uso ng shower na 'yon. Well, basaan naman kasi 'yon at wala kang palag kung buhusan ka man nila ng malamig na malamig na tubig dahil ganon talaga pag parade ng lechon.   Nagdadala pa nga ang iba ng higanteng water gun at ang iba ay hose nila sa bahay. Pero ang club nina Jaronn ay iba, may shower silang malaki at 'yon ang nagsisilbing pang basa sa mga dumadaan tao.   Naisip daw 'yon ng tatay ni Red dahil tinatamad daw ang mga ito mag buhat ng timba tsaka ibuhos sa mga dumadaan kaya naisip nila 'yon. Kalaunan ay marami na ring nakigaya sa kanila.   Taga-Balayan ako pero tuwing parada ng lechon ay nasa bahay lang ako simula bata. Hindi ako makapag gala or ano pa man kase naiinis ako pag may nang babasa sa'kin.   Kumakain lang ako or natutulog lang pero hindi lumalabas ng bahay, tanging sina Mimi lang. Mas masarap matulog at kumain.   Pero this year yata ay maiiba. Hindi lang naman ako pinatulog ni Jaronn nang malaman n'yang hindi ako lalabas ng bahay sa parada. Pati si Atlas ay naki-sama pa sa pang gugulo sa'kin.   Ang hindi ko kinaya ay nung si Rehan na ang pumilit sa'kin.   "Wala ka pala eh! Rehan lang malakas." Asar ni Atlas kay Jaronn.   "Manahimik ka ha. Punyeta ka." Hasik naman nung isa.   Girl, ang rupok ko pala. Napa-oo agad ako kay Rehan!   Tinulungan ko sa grocery bags si Jaronn at pumasok sa lumang bahay nina Red.   Nadaanan ko pa si Atlas na kumakain sa kusina at nakatulalang nakatingin sa'ming dalawa ni Jaronn.   Matapos hindi mag pakita sa'kin, gan'yan s'ya ngayon.   Binati naman ako ng mga kaibigan nila at nagpakilala pa. I must say that they are all good-looking guys. As in. But for sure, mga babaero ang mga ito.   Ang iba pa nga ay nakahubad pa habang nag aayos ng stage at nagwawalis sa tapat.   "JL?" tawag ko sa katabi kong naka-upo at nakatitig lang sa mga naggagawa. "Sinong banda ang nakuha n'yo?"   "The Primus." Sabi n'ya tsaka umirap sa sa'kin.   Napasinghap naman ako sa narinig at hindi makapaniwala sa mangyayari bukas.   Makikita ko na sila bukas! Yung kumpleto!   Ilang minuto lang ang lumipas nang lumabas si Atlas galing kusina at dire diretsong tumungo sa'kin para hilahin ako papalabas ng gate. Nakamasid lang sa'min si Jaronn habang umaalis.   Dinala ako ni Atlas sa tapat na mayroong tindahan. Nagtataka ko namang binawi ang kamay ko mula sa higpit ng pagkakahawak n'ya.   Bumili s'ya ng softdrinks at hindi pa nag alok kaya napa-irap ako.   "Isinama mo lang ba ako dito para inggitin na may coke ka?"   Parang dinaanan lang ng hangin ang coke na hawak n'ya dahil mabilis n'ya 'yong nilagok ng dire diretso.   "Hindi." He used the back of his palm to swipe off the excess coke around his lips. Bahagya pang namumula ang labi n'ya sa ginawa n'yang 'yon.   "So, bakit nga?" alanganing tanong ko.   I have this feeling na hindi maganda. I know Atlas. I know my best friend well. Alam ko kung may bumabagabag bas a kan'ya or wala.   "Lex called kaninang 5 ng umaga." I stilled.   Literal na napatigil ako at natutop ang bibig. After so many weeks ay nagparamdam din s'ya. How is he?   "T-Then? What happened? Is he okay?" Sunod-sunod na tanong ko. Namamawis ang mga palad ko at nanginginig ang mga tuhod ko. May pakiramdam na ako sa nangyayari.   Lumingon ito sa'kin at mabilis na umiling.   "He is not, Alexia. He's not." He admitted.   I knew it.   I sighed and bit the inside of my cheeks to stop myself from crying.   "A-Ano daw findings ng doctor? Makukuha pa daw ba sa gamot?" I added.   Umiling muli ito at mariing pinikit ang mata. "I don't know, Alexia. Dalawa lang kaming sinabihan n'ya ng kondisyon n'ya. Ako at si Jerome at ang gusto n'ya pang makaalam na isa ay ikaw."   Hindi ako umimik dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.   Jesus. I hope he's fine. He's a strong man. He doesn't deserve any of this.   Inilabas ni Atlas ang cellphone nang tumunog 'yon. I saw the caller and it's Kuya Jerome. Tumingin sa'kin si Atlas kaya tumango ako. Ni-loud speaker n'ya 'yon para rinig ko.   "Atlas. Atlas." I heard Kuya Jerome in the other line. "Hey, I'm here. What's with the rush?" Atlas asked.   "I have good news coming from Lexis." He cheerfully said. "Makukuha pa daw sa gamot 'yon kaya 'wag daw tayong mag alala at 'wag na lang din daw ipaalam sa iba. Imagine my relief when I heard that news."   Biglang umaliwalas ang mukha ni Atlas na kanina ay para pinag sakluban ng langit at lupa. I happy that he's like that to Lexis kahit na hindi naman talaga sila yung mag babarkada. 'Yung nandyan 'yung pag aalala at pag mamahal.   Tumingin sa'kin si Atlas at ngumiti bago inilagay pabalik sa bulsa n'ya ang cellphone. "Nasabi ko na kay Jerome na may alam ka. Baka daw umuwi ulit sila dito pero hindi nagsabi kung kelan. Surprise daw."   I should be happy but I know there is still something wrong. Siguro 'yung wrong na 'yon ay 'yung hindi pa nag sisink in sa utak ko na may sakit si Lexis.   I don't want to lose a friend that early. I still want to know Lexis more.   "Ano ba, Atlas! Punyeta kang lalaki ka! Malamig! Bukas pa ang basaan ha!" Sigaw ko nang buhusan ako sa likod ng malamig na tubig ni Atlas.   "Ayaw mo non una ka agad. Advance ka, girl?" He laughed kaya na kurot ko s'ya sa balikat yung tipong baon yung kuko ko.   Basang basa na ang damit ko dahil kanina pa ako pinagtitripan ni Atlas. Gabi na and still nandito pa din kami sa bahay ni Red.   Hindi kagaya kanina na ako lang ang babae dahil dumating ang mga iilang kapatid na babae ng mga kaibigan ni Jaronn at Atlas.   Dumating din ang iilang mga magulang nila para kamustahin kami dito kung ano na ang nagyayari. Na-meet ko sila isa isa at masasabi ko naming mababait naman sila.   Naghihiwa ang mga katulong na inatasan ni Tita Silva, Mommy ni Red, para bukas. Nalaman ko din na Daddy ni Red ang magluluto mamayang madaling araw.   Nang malaman nga nilang Chef ako ay hindi na nila ako tinigilan. Ako ang pinatitikim sa mga niluluto or ginagawang desserts.   Masaya na sana kaya lang may epal na umaaligid sa'kin at binubuhusan ako ng tubig.   "Pag nagantihan kita. Tamo, iiyak kang bwiset ka!" Sigaw ko ulit. Atlas just made face at me at tumakbo na paalis ng kusina.   Bumalik ako sa ginagawa kong paghihiwa at napa-iling iling na lang. Tuwang tuwa naman sa'kin ang mayordoma nina Red dahil maasahan daw ako at napaka-sipag.   Well, ano pa ba.   "Alexia…" Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita si Jaronn na nakangiti ng pilit habang nakapamulsa pa.   "Yes? What can I do for you?" Nakangiti kong bati. Napatingin ito sa damit kong basa at nagtatakang tumingin sa'kin.   "Epal kasi si Cassius binubuhusan ako ng tubig kanina pa." Napasimangot ako nang matawa s'ya. Buti na lang at itim ang suot ko at hindi puti kundi 'di ko mapapatawad ang walang hiyang Tolentino na 'yon.   Hindi naman malamig at hindi rin mainit sa dirty kitchen ng mga Gallego kaya hindi ako nilalamig kahit pa basa ang damit ko.   Ewan ko ba pero kahit noong bata ako ay hindi ako sakitin. Maulanan man or maarawan or minsan matuyuan ng pawis pero hindi ako nagkakasakit dahil doon. Pwede pa ang kumain ng ice cream at uminom ng malalamig dahil may tonsillitis ako.   "Baka magkasakit ka." Sabi nito ngunit umiling ako.   "Strong ako ha! Hindi 'to sakitin!" I said and I flexed my arm in front of him. "Bakit ka nga pala nandito?" "Bakit bawal ba? Bahay mo?" Pabalang na sagot nito.   "Hoy, ikaw punyeta! Natututo ka na ng kabastusan! Pareho na kayo ni Cassius!" Sigaw ko kaya ang ilang mga katulong ay napahagikhik habang nag gagayat.   "Kabastusan? Mas bastos ako kay Cassius kung alam mo lang." He smirked.   "Ay, true 'yan! Mas bastos 'yan sa'kin lalo na sa chikababes. Witwew!" Pumasok pala ulit si Atlas sa kusina at kumuha ng tubig.   "Eww?" Napangiwi ako dahil don.   "Shut up, Atlas! Hindi ako kagaya mo sa babae!" Tinuktukan ni Jaronn si Atlas sa ulo.   "Kapal mo! Parang hindi ka namin narinig na dinidirty talk mo 'yung isang anak ng senior mo."   "The f**k, Jaronn? Totoo ba?" Natatawang tanong ko.   Magsasalita na sana si Jaronn to defend himself pero naunahan ito ni Atlas.   "Na-record naming 'yon. Gusto mo marinig—" bago pa ako makasagot ay nabatukan na ulit ni Jaronn si Atlas kaya umalis na din ito na himas himas ang ulo.   "f**k you, Jaronn Levin!" He shouted while walking away.   Napatingin naman sa'kin si Jaronn at nag iwas din ng tingin kalaunan. Napakamot ito sa batok n'ya at nahihiyang tumingin sa'kin.   "Aguy, si Jl nahihiya…" Manang Selya teased Jaronn. "Babae ka pa ha."   Mas lalong namula ang mukha ni Jaronn at pabulong na nag mumura. "I-It's not that Manang Selya—"   "Sows. Huli ka pero 'di kulong. Pag 'yan nalaman ng crush mo…" Ate Melanie added and looked at me with meaning.   Napapalatak naman si Jaronn at ginulo ang buhok n'ya. Dahil sa ginawa n'yang 'yon ay nagmukha s'yang naki pagsabong sa may kanto at s'ya ang talo.   Natawa ako ng bahagya kaya nilapitan ko s'ya at inayos ang mga nakatabing na buhok sa mukha.   "Babae pa…" I teased him too.   I heard him groaned at mas lalo pang ginulo ang kaninang magulo n'yang buhok.   "Ayan, pati tuloy crush mo inasar ka na!" Sigaw ng isa pang katulong.   Napatingin ako kay Jaronn at nakita ko s'yang napatitig sa'kin.   Tinuro ko ang sarili ko at ngumiti, "Crush mo 'ko?!"   Hindi ito sumagot at inilihis na lamang ang tingin sa lamesang puno ng gulay.   "Ano 'yong puti na 'yon, Ate? Okra ba 'yan?" tanong nito na halatang iniiba lang ang topic.   Natawa kaming lahat sa kan'ya at nang makita n'yang tumatawa ako ay mabilis itong lumabas ng kusina.   "Alexia, nandyan 'yung mga magulang ni Jaronn. Bumisita sila. Tara sa labas?" Niyaya ako ni Atlas lumabas ng bahay dahil nasa may terrace daw ang mga ito.   Buti na lang ay nag aayos ako ng sarili nang tawagin n'ya 'ko. Paalis na kasi ako dahil hinahanap na ako ni Mimi. Si Atlas ang mag hahatid sa'kin dahil sabi n'ya s'ya na daw at may bibilhin lang din s'ya sa 7/11 kaya pumayag na ako. Naunang lumabas ng guest room si Atlas at ako naman ay tinignan pa muna ang sarili bago sumunod sa kan'ya.   Umuwi na ang iba sa mga kaibigan nila at iba naman ay dito naman natulog. Lahat ng malalapit ay lumayas at babalik na lang daw bukas at lahat naman ng sa bukid pa ang bahay kagaya ni Rimo na taga- Dilao pa ay dito na natulog.   Naabutan ko si Atlas na nandon pati si Red at Zed na kausap ang sigurong mga magulang ni Jaronn. Binalingan nila ako ng tingin at masaya akong binati ng Mommy at Daddy ni Jaronn.   I guess, magulang din sila ni Lexis kasi magkapatid silang dalawa.   "Hi, hija… I'm Lorraine." Pakilala ni Tita Lorraine. "This is my husband, Damien…"   Nginitian ko sila, "Alexia po. Nice meeting you po—" Nabitin sa ere ang kamay ko nang magtangka akong iabot kay Tito Damien.   "Why are you two doing here?" I heard a hoarse voice coming to us.   Basa ang buhok nito na tila katatapos lang maligo. Pinapunasan pa n'ya ito ng tuwalya at pagkatapos ay sinukbit n'ya 'yon sa kaliwang balikat.   Mariin ang tingin n'ya sa mga magulang na para bang may ginawang kasalanan na Malaki ang mga ito sa kan'ya.   Lahat kami ay napaayos ng tuwid at si Rimo na katabi ko ay nasamid pa sa sariling laway kaya lahat kami ay napatingin sa kan'ya.   "S-Sorry… nasamid lang ng very light." He apologized.   Bumalik ang tingin ni Jaronn sa gawi ng mga magulang at nakita ko ang pagdaan ng hindi ko malamang emosyon sa mukha n'ya. He remains calm and mad at the same time. Hindi ko alam kung paano n'ya nagawa 'yon.   "A-Ahm… kumain na po kayo?" basag ko sa katahimikan.   Ngumiti lang si Tita Lorraine sa'kin at umiling.   Niyaya sila ni Rimo at Atlas sa kusina para ipaghanda ng pagkain. Umirap si Jaronn habang dumadaan ang magulang sa gilid.   Kaming dalawa na lang ang naiwan at hindi ko napigilang hampas hampasin ang braso n'ya.   "A-Aray—" Sinasalag n'ya ang bawat paghampas ko sa kan'ya. "W-What's your problem!? Nakakasakit ka, Alexia!"   "Problem? Your attitude, Jaronn Levin! Ang samang tignan na ganyan ka sa mga magulang mo! Ang bastos, tangina." I gritted my teeth.   Mabilis akong umalis kung nasaan s'ya dahil hindi ko yata s'ya kayang makita.   I have parents. I have my mom and dad and so he does. Kahit anong gawing pang aalipusta or kahit anong problema, kung may galit ka, rumespeto pa din.   Pamilya ay pamilya. Pagdating ng araw pamilya mo lang din ang nandyan at naka-agapay sa'yo lalo na ang magulang.   Be thankful that you have parents with you. That you have a complete family. Isipin mo 'yung mga taong walang kinalakihang magulang at minsan ay pinalaki pa ng isang single parent.   Always remember that communication and connection are the keys to have a good relationship to your parents. Kung may problema ka sa kanila, sabihin mo nicely and respectively. Kung hindi sila nakikinig, gumawa ka ng paraan. Umiyak ka, magdrama ka sa harap nila but don't shout at them.   You have your brain. Gamitin mo. At ang pag gamit ng utak ay dapat sa tamang paraan.   Naabutan ko sa kusina ang lahat na masayang nagtatawanan at nag uusap. Pasimpleng kong hinatak sa manggas si Atlas dahil uwing uwi na ako.   "Saglet, mapupunit na damit ko!" He squealed while I'm dragging him out of the house.   "Iuwi mo na ako, Tolentino!" Tumigil kami sa harapan ng Yamaha Mio Aerox 155 ng tatay n'ya.   Mahilig ang tatay n'ya mag collect ng iba't ibang motor. Simula sa mura hanggang sa pinaka mahal kaya hindi pinapagalaw at pinagagamit ng tatay n'ya ang mga motor kahit kanino.   Hindi ko lang alam kung paano na dekwat ni Atlas 'to sa.   "Paano mo naman 'to na dekwat sa tatay mo, aber?" tanong ko habang hinahanap n'ya ang susi sa bulsa.   "Nag mi-make love sina Papa at Mama kaning umaga hanggang tanghali kaya 'di n'ya ako napansin na napuslit ko 'to." My jaw hanged open. He chuckled at my response at marahang pinisil ang ilong ko.   "Tarantado, amputa talaga." I whispered. Sumakay na s'ya sa motor at binuhay ang makina. Nasa gilid n'ya lang ako at inaayos muna ang sarili bago sumakay.   Humawak ako sa balikat ni Cassius bilang suporta sana sa pag angkas nang makarinig kami ng sigaw na nanggagaling sa gate ng bahay.   "Alexia!" He went to us at mabilis akong hinawakan sa braso.   I rolled my eyes at him and keep my distance at him. Lumapit ako sa gilid ng aking bestfriend na nakasakay pa din sa motor.   I heard Atlas laughed at what I did.   "U-Uuwi ka na?" Jaronn asked. He gently brushed his hair up using his finger. I suddenly bit my lips because of that.   "Oo, kaya please, 'wag kang umepal kasi antok na antok na ako."   "A-Ako na maghahatid sa'yo sa bahay." He looked at me with a pleading eye.   "Parang aso, amputa." Narinig ko na naman ang mala-demonyong tawa ni Atlas.   I crossed my arms on my chest and sighed a bit. "Hindi ako nag papahatid sa mga anak na hindi nirerespeto ang magulang kahit konti."   He bit his lower lip and he avoided my gaze.   "Mauubusan ako ng gasolina sa inyo, pusanggala." Pinatay ni Atlas ang makina ng motor n'ya bago hinagis ang susi kay Jaronn na nagtataka din sa inasta n'ya.   "Ikaw maghahatid 'di ba?" He asked to Jaronn. "Ingatan mo 'to, tanga." Turo sa'kin ni Atlas and Jaronn nodded.   "But, Atlas—" singit ko.   "Ang pampam mo, teh, 'di bagay." Mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay si Atlas habang sumisigaw ng, 'Gusto ko na ng girlfriend! Bigyan n'yo na ako!'   Naasar akong tumingin kay Jaronn na nakatitig din pala sa'kin. "Anong tinitingin tingin mo d'yan ha?! Gusto ko na umuwi!"   Mabilis s'yang sumakay at sumunod agad ako. Nakahawak ako sa likod na bahagi ng upuan ng motor para hindi ako mahulog.   "Baka mahulog ka kumapit ka sa'kin." He gently said.   "Tsansing 'yon. Tsaka anong akala mo sa'kin hindi marunong umangkas sa motor kagaya ng mga babae sa libro at pelikula? Na kailangan pang yumakap sa likod ng driver? Duh, not me." Masungit na sabi ko.   "Nag-aalala lang naman, ang sungit naman po."   Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil naka motor. Para naman akong sunabunutan ng sampung bruha dahil sa buhok ko pag baba.   "Ang bilis mo kasi mag patakbo! Tignan mo tuloy 'yung buhok ko parang pugad na ng ibon!" Singhal ko dito pag ka baba.   I heard him chuckled at lumapit sa'kin. S'ya na mismo ang umayos sa buhok na magulo. He gently brushed his finger on to my scalp down to the end.   Sobrang lapit n'ya sa'kin at naamoy ko na ang pabango n'ya. Kung titignan kami sa malayo ay para kaming mag ka-yakap pero ang totoo ay hindi sadyang sobrang lapit lang naming sa isa't isa.   My breathing hitched when he looked down at me while still brushing my hair.   "Sorry." He said.   Mabilis akong lumayo sa kan'ya at nag habol ako ng sariling hininga.   It's not healthy when I'm with him.   Umayos s'ya ng tayo at pilit na ngumiti sa harap ko.   "I'm sorry if you see that side of me. It's uhm… uhm…I have a problem with them na hindi pa naayos." He looked at me again and I looked at him also.   I saw a sincerity and sadness in his eyes.   I suddenly realize something that I shouldn't act that way also. Hindi ako alam ang tunay na kwento sa side n'ya at hindi ko alam kung anong rason n'ya. Maybe, he has a problem with his parents.   Nag-init ang mga sulok ng mata ko. I bit the inside of my cheeks para pigilan ang luha.   I must ask first before jumping into a conclusion.   Ang hirap kasi sa'tin kung ano lang 'yung nakikita at naririnig kahit mali, 'yon ang paniniwalaan kahit hindi pa nalalamn ang side at opinion ng bawat isa.   Masyado akong nadala at nag overthink dahil lang may magulang din ako. Hindi rin naman ako perperktong anak at hindi rin naman sila perpektong magulang kaya hindi maiiwasan ang problema.   I just don't want to see other children or maybe other adults to treat their parents in the wrong way. And again, I was too judgmental earlier and still not right to jump into conclusion.   Lumapit ako kay Jaronn at niyakap s'ya ng mahigpit. I tiptoed a bit and now, my face is buried on the hollow of his neck.   "Hey, I'm sorry also. It's none of my business, I know. I shouldn't jump into conclusion without knowing your side." I sobbed.   Hinagod n'ya ang likod ko at mahigpit na din ang yakap sa'kin.   "I'm sorry. I thought that I'm your friend naman kaya pwede kitang pagsabihan pero hindi ko nga pala alam yung problem mo. I'm sorry! I feel like I'm one of those useless and stupid friends you have!"   Shocks, parang nag iinarte na tuloy ako sa harap n'ya, 'I feel like I'm one of those useless and stupid friends you have!' nye nye… ang pabebe ko.   "It's okay… my girl is already forgiven." Nawala tuloy ang pag tingkayad ko at feeling ko, kung 'di n'ya ako hawak ay matutumba ako sa mga pinagsasabi n'ya.   Kung kanina ay nakasubsob ako sa leeg n'ya, ngayon naman ay nakahilig na ako sa dibdib dahil hanggang doon lang ang inabot ng height ko pag hindi nakatingkayad.   I felt him sniffing my hair and put light kisses on the top of my head. I blushed a bit.   He brushed my hair again and hummed a familiar song.   Tonight by Fm Static.   "Hey, don't hum. I might fall asleep in your embrace." My eyes are about to close.   "Sleep. I don't mind you sleeping in my arms. If I could wish, that these moments with you can last forever. I'll find a way to make it come true, whatever it takes and the consequences." He tightens the hug.   I don't know what to say because I fell asleep before I could hear his answer.   Sa ilalim ng buwan, langit at bituin, naranasan ko kung paano ang higpit ng mga yakap, ang mga sabik na sabik na mga halik at kantahan ng hinding hindi ko makakalimutang tao.                                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD