8

5951 Words
8 "Good morning, Jaronn!" Sutter greeted me pagkapasok ng condo ko. Then, he sang his favorite song while clapping his hands, "— My Honeybunch, Sugarplum, Pumpy-umpy-umpkin, You're my Sweetie Pie!" Kasunod n'yang pumasok sina Zed at Den-den na nakasimangot kaya nagtataka akong lumingon sa kanila. Bakit sila nandito? Napapailing iling na lang ako nang makapasok sa kusina para ituloy ang almusal ko na naudlot dahil nag doorbell sila. It's just 2:30 in the morning tapos nandito sila para lang manggulo at manira ng umaga. I changed my mind; I'm not yet leaving like a said a while ago. Maybe, mga 9 a.m na lang ako aalis or before lunch. "You're my Cuppycake, Gumdrop, Snoogums-snoogu—" "Suman, shut up! Pa-ulit ulit na lang 'yang sugarplum sugarplum humpy humpy humpy you're my sweetie pie mo!" Den-den shouted. Humila ito ng isang upuan sa dining tsaka doon na-upo. Kumuha s'ya ng tinapay at palaman tsaka kinain 'yon. Si Zed naman ay mabilis na pumunta sa kusina para magtimpla ng favorite n'yang kape bago umupo sa tabi ko. "Eng! Your lyrics are wrong!" Sutter said annoyingly. "Pumpy-umpy-umpkin 'yon! Hindi humpy humpy humpy, tanga!" "I don't care, just shut up!" Binelatan na lang s'ya ni Sutter pagkatapos ay kumuha ito ng tatlong pandesal sa lamesa at nagtimpla ng gatas tsaka pumunta sa sala para doon kumanta. Natatawa tawa lang si Zed habang umiinom ng kape sa tabi ko. Then, Den-den has a dark face while eating pandesal. "Bakit ba nandito kayo? Alas dos pa lang oh," I asked Zed. Kumuha ulit ako ng pandesal para kainin. 2 pa lang ng umaga pero may pandesal na agad akong nabili. May malapit na 24 hours bakery dito sa condo kaya bumili ako ng 50 pesos. Palagi kasing 20 pesos lang ang binibili ko pero ewan ko ba kung bakit singkwenta ang binili ko ngayon. Siguro na sense ko na agad na may mga asungot na dadating. "Sasama kami." He simply said. "Saan naman?" Bakit ba sila laging sumasama sa'kin? Pag ako ba pumunta sa langit sasama pa din ba sila? "Uuwi ka ngayon 'di ba? Sama kaming three," Si Sutter na ang sumagot na kababalik lang galing sala. Tinaas pa n'ya ang tatlong daliri n'ya para ipakita sa'king tatlo 'yon. Kumuha ulit ito ng pandesal at kinulbit pa si Den-den para asarin bago bumalik sa sala. "Anong kayong tatlo?!" sabi ko. "Malapit na ang parada doon, 'di ba?" tanong n'ya kaya tumango ako. "Oh 'yun naman pala, edi kaya kami uuwi dahil don." "Hoy, June 16 pa lang ngayon. June 24 ang parada ng lechon. Ang aga n'yo umuwi!" Well, parada ng lechon is one of the biggest celebrations that happened every year in our province. "Bakit, naasikaso n'yo na ba 'yung club doon? May fund na ba para sa pagkain at alak natin? May lechon na kayong inorder? May design na ba ang tshirt? May banda na kayong nahanap? Ayos na ba 'yung sprinkler?" sunod-sunod na tanong ni Den-den na kaharap ko lang. Bakit ba ang init ng ulo nito? "Wala pa." napasimangot tuloy ako dahil hindi pa nga pala na aayos lahat. In Balayan, we have different clubs during parada ng lechon. That clubs are based on you; it can also be consisting of family members or even close friends. If you already have a club, you have to decide what are you going to do in June 24 kaya nag kakaroon ng meeting. Pwedeng kumuha kayo ng banda para tumugtog during the celebration. Pwede ding maghanda ng sangkatutak na pagkain para sa mga bisita. Pwede rin namang may mga personalized tshirt kayong ipapagawa at marami pang iba. "See? Kaya kami ang uuwi. Hindi n'yo naman maaasikaso nina Red 'yon. Si Cassius nga last last week pa nandoon pero hindi pa nakakapag plano." Den-den added. "Sino ba ang president natin this year?" tanong ko kaya nagkatinginan 'yung dalawa. "Wala pa." sabay nilang sagot kaya napahilot ako ng sintido ko. Also, kailangan ng president sa isang club. Nagpapalit palit 'yon every year. Madaming may ayaw sa president kasi majority sila ang gagastos. Kung 2,000 pesos ang ambagan ng members, automatic doble or triple ang ambag ng president. But it's fun being the president because you have the authority to tell what to do to the club. "Uuwi kayo doon ng wala pa ring plano kasi wala pang president?" "Madali na 'yon, bro. Magpapalabunutan na lang tayo pag-uwi natin." Zed answered. I just sighed and continue eating. Zed, Den-den, and Sutter stayed here at my condo at talagang sineryoso nila ang pag sama sa'kin. Before lunch kami umalis, 10 a.m. to be exact. Gusto pang kumain ni Sutter sa may Tagaytay pero hindi na kami pumayag dahil gusto agad namin nina Den-den maka-uwi at makapag pahinga. Tulog si Sutter na nasa shotgun seat, nakakumot pa ito dahil nilalamig daw. Si Den-den naman ay tulog din at nakahilig sa balikat ni Zed na nagcecellphone. I checked my phone na kanina ko pa pinatay. I saw 1 missed call from Den-den then 7 missed calls from Red that's why I called him back. Bago pa s'ya magsalita ay inunahan ko na, "Zanred, wala ako sa Manila kaya kung ano mang yang favor mo na 'yan, pagbalik ko na lang." "Fucker! Buti na lang pauwi ka na!" sagot nito sa kabilang linya kaya nagtaka ako. "Bakit nasaan ka ba?" tanong ko. "Nasa bahay namin..." "You have so many houses, bro! Ginagago mo ba ako?!" naiinis na sabi ko. Narinig ko itong tumawa, "Relax, relax... I'm already here in Balayan. It supposed to be a surprise for the four of you— five pala kasi kasama si Atlas." "Okay." Sabi ko. "Yan lang ba ang itinawag mo?" Natahimik ito sa kabilang linya, "Ahm, pagkadating mo na lang sa bahay mo, ano..." "Ano? Ayaw agad sabihin! Kinakabahan ako! Lintek." "Ih, I'll tell na nga lang when you got home with the gang. I'm going to hang up this na, bye." I sighed annoyingly. Why am I even friends with them? Those scumbags! "Sino 'yon?" tanong ni Den-den na kagigising lang at magulo pa ang buhok. "Nasa Tuwi na pala tayo." I saw Den-den and Zed in rear view mirror. Si Den-den ang gising ngayon habang si Zed ay nakahilig sa balikat ni Den-den habang nakapikit. Nagpalit lang sila. "It's Red." Sagot ko habang nag dadrive. "Kabubukas ko lang ng cellphone ko kanina tapos may seven missed calls s'ya kaya tinawagan ko." "Bakit nga pala patay ang cellphone mo kanina pa?" He innocently asked. And again, chismoso spotted. "Tinawagan kita kanina nung nasa parking lot kami ng condo mo para sunduin mo sana kami pero patay ang phone mo." He said. "Tapos tinatawagan ka ni Rimo kanina sa messenger pero wala ka pa din, so why?" "Next time." I simply said. "Next time, next time tapos wala na! Hindi mo na ikukwento." Masungit na sabi nito. "Lower down your voice, Montejano." Zed groaned. I heard Den-den said sorry to Zed and tapped his head. "Sige, sige. Don't mind me, tulog ka pa." Bumaling ito sa'kin at masamang tumingin. "Ano nga? Bakit nga?" "Wala nga. Not important, Den-den. You know my dramas in life, right? 'Yon lang 'yon." Sabi ko. "Weh? Kwento mo na! Uhaw ako sa chismis ngayon." I sighed again and ended up telling him everything. "Putangina, Raeden Achim! Pag ako inasar mo sa harap nina Atlas at Sutter, yari ka talaga sa'kin." Sigaw ko. Hindi ito nagsasalita at bagkas sa mukha nito ang pagkagulat, "I was shocked..." Tumango-tango ako, "Oo, halatang halata nga." "Bro, I just can't believe." "You can't believe that me and Kuya likes a same girl?" I chuckled because of his expression. Umiling ito at tumingin sa'kin, "I can't believe that you already have a crush on someone! This is like an achievement, bro! Achievement!" "Quiet!" Zed shouted. "I'll pretend that I didn't heard everything." "Sige, sige. Mag pretend ka tapos mamaya ko ikukwento ko ulit sa'yo. You are not talkative like Sutter and Cassius naman eh." It's not a problem if Zed heard everything. He's a quiet type of person and he's not like gossiping other's life unlike with my other friends. Tinignan ko si Sutter sa gilid ko at tulog na tulog pa din s'ya kaya walang problema. Pag nalaman nito ang ikwinento ko kay Den-den ay paniguradong aasarin n'ya ako. "Pero bro, balik tayo sa'yo." Sabi ulit ni Den-den na hindi pa pala tapos ma-shocked. "Sa ilang years kitang kaibigan, ngayon ko lang nalaman na nagka-crush ka sa totoong tao!" "Why?" napakunot ang noo ko dahil doon. "Hindi ba totoong tao si Im Nayeon at Yoo Jeongyeon?" Napangiwi naman ito sa narinig, "Totoong tao, pero ano ka ba? Kpop star 'yon! Mahirap makuha 'yon. What I mean is... ano," Nag-isip pa ito at patingin tingin pa sa taas. "Ayan, nakalimutan ko na tuloy ang sasabihin ko! Ikaw kasi," He retorted. I just laughed and he already stopped talking. Pero hindi pa rin titigil ang isang 'to, baka mamaya ay ipagpatuloy n'ya ulit. It's already 3 in the afternoon when we arrived at my house. Doon sila nagpababa muna at umalis din after 5 minutes para umuwi sa mga bahay nila. Walang tao sa bahay ngayon dahil si Kuya ay nakauwi na nung nakaraan pa tapos sina Tito at Tita ay nagbakasyon. Walang kuryente ngayon sa bahay dahil nakababa ang breaker. Hindi na ako nag abala pang itaas 'yon dahil aalis din naman ako at pupuntahan si Red. Pero bago pa ako maka-alis ng bahay ay bumungad na agad sa'kin si Red na hingal na hingal at hinahapo. Binuksan ko ang gate naming at pinapasok s'ya sa bahay. "J-Jaronn..." Hinihingal na sabi nito. Hinawakan ko ito sa balikat para maalalaya, "Ano bang nagyayari sa'yo ha? Natatanga ka naman ba?" "Tanga, hindi!" sagot nito ng makapasok kami sa bahay. Pinaupo ko s'ya sa sofa at binigyan ng hindi malamig na tubig. "Ang init naman dito, wala ba kayong electricfan?" tanong nito habang pinapaypayan ang sarili gamit ang tshirt n'yang suot. "Pinapasok at pina-upo ka na nga nagrereklamo ka pa." sagot ko tsaka kinuha ang basong tapos na n'yang inuman at nilagay 'yon sa isang tabi. "Syempre dapat lubus-lubusin na, minsan ka lang maging mabait." I just rolled my eyes at him, "Why are you here? Papunta pa lang ako sa inyo pero dumating ka na agad. What's with the rush?" Napasapo naman s'ya sa noo n'ya na tila nakalimutan n'yang 'yon ang ipinunta n'ya. "Bro, just this once please." He pleaded. Nanlalaki naman ang mata kong napabaling sa kan'ya, "Seriously? What is it? You are the last person I know that will beg someone to help him. This must be serious, right?" He's Zanred Noxxus Gallego and he's rich. Hindi s'ya nakadepende sa kung sinong tao. He likes it to do it on his own. He's this type of guy na sobrang mysterious at hindi mo mabasa ang emosyon kung 'di kayo close. First assumption ng mga tao sa kan'ya ay suplado, masungit, mayabang at babaero. But the truth is, he's not. When he's with us, he is a transparent guy. We can easily determine if he's lying or not or what is his feeling at that moment. At hindi talaga s'ya babaero. Hindi talaga! Period. "Because..." nag aalinlangang sabi n'ya. "What?" Tumikhim ito bago nagsalita, "I-I have a blind date." Okay, hindi na bago sa'kin 'yon. Hindi nga s'ya babaero. "Oh? What it is going to do with me?" I asked. Huminga muna ito ng malalim habang kinakagat kagat ng mga kuko n'ya sa daliri. Anxiety. Hindi naman s'ya ganito pag may date s'ya. It feels like it's unreal. Si Red ba 'to? "I-I said to the girl that I'm a doctor, an ophthalmologist ..." Okay, it's true. Ophthalmologist nga s'ya. "Then?" "Then, I have a tanned skin." Sabi n'ya kaya napakunot ang noo ko dahil hindi naman s'ya tanned skin. Isa s'yang tisoy! "I also said that I'm a sporty guy." He added which is not true. Hindi s'ya sporty kasi tamad ang isang 'to! "Hmm, next is I have a mole beside my right brows." Sabi pa nito kaya napahawak ako sa nunal kong nasa tabi ng kanang kilay ko. What's happening? Don't tell me... "And, I also told her that I have an allergy to dust and smoke that is why I always have a mask on my face." "What the f**k!?" I screamed. "Don't f*****g tell me that I'm the one who'll be going to meet your girl?" He just nodded. Another ka-gaguhan from him! I messed my hair out of frustration then I looked at him, "Why? Why did you drag me into this mess? Paano kung maghabol sa'kin ha?" Umayos ito ng upo at humarap sa'kin ng todo, "Bro, ganito kasi 'yan—" "Make sure na may sense ang explanation mo." "Oo na, oo na." then he nodded. "Just please help me with this one. You are just going to date her and eat outside with her today then after that, you can rest in peace na." "The f**k?!" I smacked his head because of that, "So bakit nga ginawa mo 'yon? Bakit ako ang sinabi mo? Ano-ano ba ang sinabi mo sa kan'ya? Anong pumasok sa utak mo at pinasok mo 'to? "Okay, easy. Sasagutin ko 'yan." He said. "I just happened to chat with her in a well-known dating app—" "Dating app?" I chuckled. "Unbelievable." "Shut up! I'm just bored at that time!" So, defensive. "Oh tapos?" I asked. "We chatted then it turns out that she's fun to talk with and her province is also here but, not fun to tell her my real name and real status in life." "Ah kaya ako ang ipinain mo ganon? Paano naman ako? Malay mo criminal 'yon or serial killer or what?" I just said in annoyance. What a good friend. Ipapahamak pa ako. "Kasama mo 'ko mamaya, tanga! Nasa kabilang table lang ako. I asked her to meet me because I-I want to know her. I set the time and place then, seconds after, she asked me what I looked like. Then, I answered what you look like." He seriously said. I scratched my head and sighed, "You're also handsome, Zanred. You are rich! You are kind— sometimes. I don't get it why you didn't want to show yourself to her." "Ahm, 'cause I-I'm shy..." I tsked. "Also, you know naman na people only like me because they'll have benefited from me, except you, guys. I don't want that." "Pero nagsisinungaling ka eh!" "No! Aamin din naman ako after tsaka I even told her that my name is Noxxus and I'm a doctor. Totoo naman ang mga 'yon 'di ba?" Sabi n'ya kaya napairap ako. Oo, 'yun lang ang totoo sa sinabi n'ya pero the rest ay puro kasinungalingan at kahibangan na. What the f**k is wrong these guys? Why are they so torpe!? Well, I get him at some point but, it's not right talaga to lie to other people. "How many days na kayong magka-usap?" I suddenly asked. "One month? I don't clearly remember." He said then pilit na ngumiti. "Please, help me." "Sige, tutulangan kita pero pag naghabol bahala ka na ha? Pero kung may iba ka pang rason kung bakit mo 'to ginagawa at nasaktan 'yung babae dahil doon, magkalimutan na tayo, Red. Sinasabi ko sa'yo talaga. Ingatan n'yo naman 'yung mga babae, bro!" "Yes, sir. Salamat ng much, much, and much" He smiled widely. "Tara na, magbihis ka na sa taas. Kailangan naka pang doctor attire ka sa date n'yo ngayon." "Huh? Ngayon na agad?" Hinila na n'ya ako sa taas at pumasok kami sa kwarto ni Kuya at doon kumuha ng damit para ibihis ko. 4 p.m. daw ang usapan nila kaya nandito na kami sa paboritong kainan ni Red. Ang Jollibee. Dumating na 'yung babae and I must say that he's not Red's type. She's too simple and shy but pretty. Also, cute because she has shoulder length hair then, she's not super sexy at all 'cause she's a little bit chubby. Kung may ganito akong kapatid malamang ay lagi ko nang nakurot ang pisngi n'ya. Red's type was sexy, smart, and beautiful. Tipong mababali talaga ang leeg n'ya kakatingin sa mga babaeng naglalakad na kita ang cleavage or what. Ayos lang naman sa'kin ang ganitong girl, hindi naman ako pihikan pero I would say no to this cute and chubby girl because someone already caught my attention. And Red is right. She's fun to talk with. She's a jolly and bubbly girl. Hindi man lang n'ya nanotice or nahalata man lang na hindi ako ang nakaka-usap n'ya kung di si Red. Red is a little bit far away from us. He borrowed one of my hoodies and he bought a newspaper earlier to hide his face. When we are done eating ay hindi muna kami tumayo at nag kwentuhan muna ng ilang minutes. After non ay nagpaalam na s'ya sa'kin na uuwi na. "Hatid na kita?" I politely asked. Even though I'm not her real date, I would still gladly accompany her to her house. She should be home safely and all girls too. "No, thanks. Magpapasundo naman ako kay Papa." She smiled widely. Kinuha nito ang bag sa gilid n'ya at sinukbit 'yon sa balikat n'ya. "Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo personally," She extended her hand on me, "I'm Alliana." I took it and shook it, "I'm No—" "You're not Noxxus." She shook her head. Napatayo ako dahil doon, "What? I'm Noxxus." "You're not. Just tell me your real name and please be honest with me." She chuckled. "Noxxus told me that after our date, we'll stop talking to each other. There is no use for hiding kasi hindi na kami magkikita or mag-uusap na kahit kelan." I looked into her eyes, "Jaronn Levin Castaneda but, Jaronn na lang." "Okay, Jaronn." She nodded then smiled again. She took her phone and do something before she showed it to me. It says in the screen that Red's number is already been deleted and their conversation is already been ended in the app. "Paano mo nga pala nalaman na, you know... I'm not Noxxus." I asked. "From the very beginning that I saw you. I understand why he doesn't want to date me. No one else did but only you. They don't date me... because look at me, I'm not their type." I saw a glimpse of sadness in her eyes. "Thank you, Jaronn. Thank you for being my first date in my life. I'll treasure that and will never forget you." "Welcome. I will not forget you too, Alliana." I said before she bid her goodbye to me. She is smiling while walking away. Umalis ako sa table namin at nilapitan si Red na kunwari ay nagbabasa ng newspaper. Piningot ko ang tenga n'ya at minura s'ya. "Tanga ka. Don't talk to me ever again." Umalis na ako sa Jollibee at umuwi sa bahay. Tinanggal ko ang mask ko at itinapon 'yon sa katabing basurahan bago buksan ang gate. Hindi pa ako nakakabukas ay may tumawag na sa pangalan ko mula sa malayo. "Jaronn!" "Hello, Jaronn!" "Fan na fan mo 'ko, Jaronn." "Jaronn, anakan mo 'ko!" They shouted and I saw my friends running towards me. Sutter, Zed, Atlas, and Den-den. "Who shouted the last part?!" I screamed. "Me!" Sutter proudly said kaya binatukan ko s'ya. Tinignan ko naman sila isa-isa at ramdam kong kagagaling lang ng mga 'to sa gala. "Saan kayo galing?" tanong ko. "Kakatapos lang naming mag jogging tapos kakain na kami sa 7/11. Sama ka?" Den-den answered. Kaya pala ganito ang attire nila. Buti naman at naisipan nilang mag jogging din minsan. Mga wala nang exercise ang mga tao pag nasa Manila. "Sige pero intayin at samahan n'yo muna 'ko. Bihis lang ako." Sabi ko. Isa isang bumagsak ang balikat nila at nakasimangot. "Jaronn, gutom na kami! Mamaya ka na magpalit!" Atlas groaned. Binuksan ko ng maluwang ang gate bago sila tinignan. "Samahan n'yo nga muna ako sa loob tapos pa-bukas ng ilaw then, aalis na tayo." I asked. Nagkatinginan silang apat at umiling, "Gutom na kami!" "Sumunod ka na lang tas jogging ka na rin." Den-den said. Then they run fast. These fuckers! I run also because I can't enter the house. I need their help. Ayaw ko naman mag papasok ng kung sino-sino sa bahay. When I'm half away from running to them, I sneezed and cough. That's when I realized that I don't have any protection from dust and smoke. I stopped from running and kinuha 'yung lab coat kong nakasabit sa balikat para takpan ang ilong at bibig ko. I started to feel itchy in my neck part. I run again and I saw them entering in 7/11. When I saw them, I stopped running and decided to just walk na lang kasi malapit na naman. Batok talaga sa'kin ang abot ng mga 'to! Hingal na hingal akong pumasok ng 7/11. I roamed my eyes around and saw a few people buying their pieces of stuff. I look at my side and saw Cassius with a girl. I didn't saw the face of the girl because she's facing the wall. "Cassius, where is Den-den? That motherfucker son of bitch." I asked. "O-Oh, Jaronn, ikaw pala 'yan. Nandito ka na pala..." gulat na sabi ni Atlas. Yes, motherfuckers! Makakaganti din ako sa inyo. "Oo. Tinakbuhan n'yo pa nga ako kanina 'di ba? Ang saya pala mag jogging ng naka-formal attire." Sarkastiko kong sabi. Inilibot ko pa ang tingin ko sa buong store bago umupo sa tabi ni Atlas dahil nahilo ako ng bahagya. Atlas even asked me to buy him food but, of course, I refused. Ano s'ya sinuswerte? Minutes have passed when my friends finally here. Kung hindi lang ako nahihilo at nasakit ang ulo ay baka mabatukan ko pa isa isa ang mga 'to. But I realized na 'yung babaeng kausap ni Atlas ay si Alexia. I have to be good in her eyes. They are talking and talking and talking non-stop lalo na si Sutter na akala mo nakakain ng p**e ng baboy sa sobrang ingay. Isa pa 'tong si Den-den na bawat galaw ni Alexia at bawal galaw ko ay binibigyan ng meaning. He is teasing me every time! Buti na lang at maayos ang lagay ng utak ni Zed at pinanindigan talaga na walang alam. I can't help but feel annoyed when I'm looking at Atlas. First, is when he insisted na magpakilala ako formally kay Alexia. I don't have a choice but to do it. I don't want to, kaya nga nagtatago at nananahimik ako sa isang tabi tapos eepal naman sila lalo na si Den-den at Sutter na kahit sa paglalakad namin pauwi ay walang patawad. Then, I remembered that Alexia said cute daw si Sutter. Cute my ass! That Chinese is ugly and annoying. Nangangati na ako at nananakit na ang lalamunan ko dahil sa allergy. Thanks to God that it's not a severe allergy like I used to have since I am a kid. Pagpasok namin sa bahay ay mabilis akong pumasok sa kusina para kumuha ng gamot. Sumunod din sa'kin si Zed at Den-den na kakakuha lang ng cream sa taas. I removed my polo and seated in one of the stools there like a king. Well, there are my servants. Bow down to me, assholes. Alexia and Atlas arrived at kitchen at the same time. Napa-irap ako ng nakangiting aso sa'min si Atlas. Den-den teased Alexia kaya bahagyang namula ang pisngi nito. I look at my side and hide my smile on them. Mabilis ding nawala 'yon nang sumabat si Atlas. That night went well. Humiling pa nga ako sa mga oras na 'yon kung pwede i-extend pa. Baka after that night, wala na ulit. She texted me para mag thank you sa ginawa ko. Hindi na ako nakapagreply kasi hindi ko alam ang isasagot! All I know was to smile widely before I drifted to sleep. Maybe, kahit ibang tao ang nasa kalagayan n'yang 'yon or ibang babae ang kasama ko, I think I would still do the same. I'd still protects and keeps her away from danger. I have my mom, also a girl, a woman. Even though I'm not in good terms with her and Dad but still, she's a girl, and I respect her. Girls are must be respected regardless, the body, the face, the virginity, sexuality, and many more. One thing that I'm thankful for was, God made me realized and thought me about things that many men did not know nowadays. When I woke up in the morning, or should I say when someone interrupts my sleep, I immediately took a bath and fixed myself. That someone that I'm talking about is none other than Atlas together with the famous keyboardist of their band, Rehan. Gusto daw ni Rehan magliwaliw ngayong araw kaya nagyaya na, kaya lang ay may pupuntahan si Atlas na hindi ko alam kung saan kaya ako ang pinapasama nito kay Rehan. Liwaliw? 5 ng umaga? Liwaliw? Nakasimangot akong nakasunod kay na Rehan habang naglalakad kami, na hindi ko alam kung saan patungo. Basta ang alam ko ay pinapatay ko na sa tingin 'yung dalawa na tumatawa pa. "We're here!" Sigaw ni Atlas habang nakadipa ang dalawang braso. Nasa tapat kami ng bahay na hindi naman kalahikan pero maganda. A 2-storey-house na color peach and pink ang pintura ng labas pati ang gate ay pink din. What's with pink and peach? May lumabas doon na babaeng nasa mid-40s or something at mabilis na ngumiti sa'ming tatlo.  "Tita!" bati ni Atlas tsaka humalik sa pisngi at nagmano, nagmano din kami Rehan sa kan'ya. "Magandang umaga sa inyong tatlo." Nakangiting bati nito. "Pagka gwapo ba ng mga kaibigan mo, Atlas. Pagka gwapo n'yong tatlo, sadya." Napa-irap naman si Atlas sa'min dalawa ni Rehan, "Ako ang pinaka gwapo ha. 'Wag kayong masyadong assuming." Pinitk lang ni Rehan ang tenga nito kaya natawa kaming apat. Mabilis kaming pinapasok at pinagalmusal ni Tita Trix. Nalaman pa naming kadarating lang daw ni Tita sa bahay dahil galing daw itong Calatagan at doon natulog. Kanina nga habang kumakain kami ay tinititigan n'ya ako na para bang sinusuri kaya medyo nailing ako. "Jaronn? Tama?" Tanong n'ya kaya tumango ako. "Parang may kahawig ang mata mo, hijo. Kakapunta lang din noon dito noong nakaraang linggo." Magkakatabi kaming tatlo sa hapag at ang nasa gitna. Si Rehan sa kaliwa at si Cassius ang sa kanan. Napatikhim naman si Cassius sa narinig, "Si Lexis ba, Tita?" Lexis? Si Kuya? Nakapunta na dito si Kuya. "Ah, oo nga. Gwapo din ang batang 'yon. Kasama n'ya si Jerome nung nag punta dito." Sagot ni Tita Trix. Inilihis naman ni Atlas ang topic at kung saan saan na nga napunta 'yon. Nang matapos kami kumain ng kape, pandesal at puto. Sabi ni Tita ay may part two pa daw 'yung breakfast dahil magluluto s'ya ng sopas. Sinabihan na naming na kahit 'wag na pero pinilit kami kaya pumayag na rin. Libreng sopas din 'yon, sayang. Buti na lang sumama ako at kahit papaano ay nakita ko 'din ang Mimi ni Alexia. Inakyat ni Atlas sa kwarto si Alexia para tignan kung gising na. Gusto ko sana sumama sa taas kaso... 'wag na lang. Swerte naman, Atlas. "Wala, tulog pa." Cassius said while heading to the sofa. Dinala naming ditto sa sala ang kapeng hindi pa naming nauubos dahil mainit pa at nadekwat pa ni Cassius ang isang balot ng pandesal at dalawang hotdog na nasa tinidor habang si Rehan ay kanina pa daldal nang daldal sa tabi ko pero 'di ko pinapansin. Walanghiya kahit kelan. Binuksan ni Atlas ang TV kaya nanood na lang ako. Hindi muna ako kakain ng marami dahil may sopas mamaya. Buti na lang dalawang pandesal lang kinain ko tapos isang puto na kulay brown. "Rehan?!" Nagulantang kaming tatlo sa sigaw na 'yon. Bahagya pang nahulog ang hotdog na kinakain ni Atlas dahil sa gulat pero nasalo din naman n'ya 'yon. Mabilis nilapitan ni Alexia ang katabi ko at niyakap. Parang hindi makapaniwalang nandoon si Rehan sa harap n'ya. At ang matindi pa ay balak n'yang halikan pa 'yon! Imagine my gulat because of that! Buti na lang nandyan si Atlas para umawat. Aga-aga nababadtrip ako. Magaling lang naman mag piano 'yan. Tsk. Sa sobrang excited ni Alexia kay Rehan ay mabilis itong nag pa autograph dito. Nangasim naman ang mukha ko nang makitang nakangisi at pasulyap sulyap sa'kin si Rehan habang na pirma kaya inismiran ko s'ya. "Kahapon si Atlas, ngayon iba naman." I whispered then tsked. Kaya ko din naman kasi mag piano ah! Tugtugan pa kita sa piano ng Happy Birthday song sa birthday mo! May kanta pa 'yon, libre lang. Tinawag na kami ni Tita Trix dahil luto na daw 'yung sopas kaya mabilis na umalis si Rehan at Cassius. Gusto ko ng sopas kanina pero ngayon ayaw ko na. Nag-automatic na nabusog ako. "G-Good morning, Jaronn," sabi n'ya. "T-Tara sa dining, kain tayo." Tao pa pala ako. Binabati pa pala ako. Hindi ako tumayo or sumagot man lang. Naramdaman ko naman ang kamay n'yang hinatak ako patayo. Nagulat ako sa inasta n'ya pero pinigilan kong maglabas ng emosyon sa'kin mukha. "Salamat na lang pero tapos na ako kumain kanina pa." Malamig kong sabi. Buti ay 'di ako pumiyok or what kasi ramdam kong parang may biglang sumabit na kung ano sa lalamunan ko. Humigpit lalo ang hawak n'ya sa kamay ko. Hindi ko naman mapigilang mag react doon. Kung pwede lang pigilin ang pan-lalamig ay napigilan ko na. Ramdam ko dina ng butyl ng pawis na namumuo sa noo at likod ko. Akala ko nanlalamig ka? Ba't pinag papawisan? Tumagal pa kami ng ilang minuto nag anon dahil sa pangungulit nang may tumkhim mula sa pinto nila. Tuluyan na akong nanigas sa kinatatayuan ko nang mapagtantong Papa ni Alexia 'yon. Mabilis akong binitawan ni Alexia at pumanik na agad ulit sa kwarto n'ya. Mariin ang titig sa'kin ng Papa na para bang sinusuri ako. "Ang aga-aga pa. Ligaw agad? Mga bata nga naman, oo." Sabi nito tsaka pumasok sa kusina para kumuha lang ng isang mangkok ng sopas at lumabas ulit. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag tsaka pumunta sa kusina at kumain. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na si Atlas umalis pero tumanggi na akong sumama at doon muna sa bahay. Someone asked me to have lunch in this house and she will make it for me. So, I better wait. Masyadong natuwa si Tita Trix sa'min kaya ayos lang sa kan'yang mag stay ako hanggang lunch with Alexia. Na-kwento ko rin naman na wala akong kasama sa bahay kaya wala rin akong magiging kasama maglunch since busy na sina Den-den ngayon sa club. Umalis na din sina Tita Trix kasama si Tito Greg. Bibisitahin daw nila 'yung grocery store nila sa palengke kaya maghapon silang wala at puro katulong lang ang maiiwan tsaka si Alexia. "Don't do anything stupid, young man." Matalim at nakakatakot na sabi ni Tito Greg bago umalis. Nanood lang ako ng TV at nang magsawa ay nagcellphone na lang ako. After 30 minutes ay nagsawa na din ako kaya umupo ako sa sofa at sumandal habang nakatingin sa hagdan. Minutes passed then I already heard her shouting while going downstairs. Nagulat pa ito na nandoon ako at bahagya pang nanlalaki ang mata. Did she forget what she offered me earlier? "You asked me earlier if I want to eat lunch with you like a date or what and you'll cook for me," sabi ko. "So, here I am, I'm willing but you have to cook my favorite." Nanatili lang itong nakatayo na para bang hindi pa nagsisink in ang sinabi ko. 'Yung libreng lunch ko! Remember it! "Ah, ganon ba," sabi n'ya at tumango-tango. "I-Intayin mo 'ko dito, kukunin ko lang wallet ko tapos mamamalengke tayo." Ngumiti ako at tumango. Nagmamadali itong umakyat sa taas para kunin ang wallet n'ya. Pinatay ko na ang TV at inayos ang sala nila. Kinuha ko ang extra mask ko sa loob ng bulsa at tinapon 'yung kanina. Nang makababa ito ay mabilis din kaming umalis ng bahay. She's distant from me. Ni ayaw n'ya akong sabayan mag lakad. Why is that? Naligo naman ako. Naglalakad kami papunta sa kanto para pumara ng tricycle. Pila naman 'yon kaya mabilis kaming nakakuha. Nakakuha kami ng tricycle na may sakay ng dalawa pero nasa likod 'yon ng driver kaya ang loob ay bakante pa. Nauna si Alexia papunta sa tricycle at hindi pa din nagsasalita. Pero bago pa s'ya makapasok ay napatigil ito hinarap ako. "Yes, Miss?" I asked. Nag iwas ito ng tingin at kinagit ang pang ibaba n'yang labi. Uh-oh. Dangerous. "Una ka na pumasok. Sa loob ka." Sabi nito at hindi pa rin nakatingin. Naalala pala n'ya. Well, pwede naman akong hindi sa loob. May panyo naman akong dala na pwedeng ipangtakip sa ilong at bibig ko kahit may mask ako. Pumasok ako sa loob at sumunod s'ya. Sinabi n'ya sa tricycle driver kung saan kami pupunta. Nasa labas lang ang tingin n'ya at sobrang sinisiksik ang sarili n'ya sa gilid na parang anytime mahahalikan na n'ya 'yung stainless na harang. "Come here. Bakit ang layo layo mo? Baka mahulog ka d'yan." Sabi ko tsaka hinigit ang braso n'ya papalapit sa'kin kaya ramdam na ramdam ko ang katawan n'ya sa katawan ko. Dahil sa ginawa kong 'yon ay ako din ang nag dusa. Galing. Sa malaking palengke ng Balayan kami bumili. Sa tingin ko ay halos kilala na s'ya ng mga tao or tindera dito. Since I want adobo, pumunta kami sa meat section agad. I look like an idiot here. Para akong isang batang walang kakilala nasa tabi lang ng nanay n'ya habang ang nanay n'ya ay kung kani kanino nakikipag usap. "Alexia, magkano lahat aabutin? Ako magbabayad, since ako naman ang makikikain." Sabi 'ko bago s'ya makapili ng karne. "Huwag na, ako na. Bisita ka namin, kaibigan ka ni Atlas at kapatid ka ni Lexis kaya ako na." Napatahimik ako nang banggitin n'ya ang pangalan ni Kuya. Pero pinilit ko pa din s'ya at binigay ang buong wallet ko sa kan'ya. "Ikaw na magtantya ng bibilin. May cash ako d'yan. Dyaan ka na kumuha." Sabi ko at tumango na lang s'ya tsaka ngumiti. Naiilang din ako sa dami ng tao dahil hindi naman ako namamalengke sa'min. O kaya sa grocery store ako bumibili ng meats and fish and aircon doon. Unlike here na tagaktak na ang pawis ko. Hindi ko naman maabot ang panyo sa bulsa ko dahil may hawak hawak akong mga supot na pinamili namin. Katabi ko lang si Alexia at ang tanging hawak lang n'ya ay cellphone n'ya, cellphone ko na nahulog kanina kaya s'ya na ang naghawak, wallet n'ya at wallet ko. All the time na nandito si Alexia ay nakangiti s'ya. The side view of her is perfect. Actually, at any angle, she's perfect. Halos mabitawan ko naman ang dala ko nang bigla s'yang tumingin sa'kin habang nakangiti. "Pinagpapawisan ka na. Wala akong dalang pamunas. Meron ka ba?" tanong nito. Parang naumid ang dila ko at hindi nakapagsalita. Tumango na lang ako dito bilang sagot tsaka nginuso ang side pocket. Mabilis nitong kinuha 'yon sa bulsa ko at pikit mata 'ko habang ginagawa n'ya 'yon. Too much for my heart. I can't take it na. It's beating rapidly talaga. Tumingkayad ito tsaka inabot ang mukha ko, "Tumungo ka konti! Nakatingkayad na ako 'di pa din kita abot!" Sinunod ko s'ya at tumungo ng bahagya para mapunasan ang pawis ko. Sa noo, pisngi at leeg n'ya pinunasan. Kita ko naman ang mga tingin ng mga tao sa'min pero wala akong paki alam. Pero si Alexia ay mayroon kaya mabilis n'yang nilayo ang sarili n'ya sa'kin. People. People. Panira amputa. Umuwi na kami sa bahay at nag umpisa na s'yang magluto. Buong duration ng pagluluto n'ya ay nakatanga lang ako sa isang tabi dahil 'di naman ako makakatulong. Tinanong n'ya ako kung bakit pa ako nandoon tapos kung nasaan daw sina Atlas at ang baby n'yang si Rehan tapos sina Tita daw asaan. Iba ang way n'ya ng pagluluto ng adobo. May sprite 'yon kaya medyo matamis tapos iga ang sabaw. I didn't know that she's a great cook. Atlas didn't mention to me that she's a Culinary Arts graduate. "Hey, careful." Paalala n'ya sa'kin habang sumusubo ako ng sunod sunod. "You want rice pa?" tanong n'ya kaya tumango ako. Nilagyan n'ya ang plato ng kanin at ulam pa. "Ang sarap mo naman panoorin kumain." Sabi nito ng nakangiti. Katapat ko lang ito at kumakain din ng marami. Why did she deliver that in a way na naiiba ang meaning sa'kin? Tumikhim ako at uminom ng tubig, "Why?" "Parang pag tignan ka kasi kumain tapos ganon pa, 'yung nanonood sa'yo mabubusog agad. Magana eh. Masarap ba?" "Yeah! The best!" Sabi ko at nag thumbs up sa kan'ya at bumalik na ulit sa pagkain. "Ahm, Jaronn?" tawag nito sa'kin. "Hmm?" "How's your Kuya? May balita ka ba?" She asked. Tumingin ako sa kan'ya tsaka umiling. Buti na lang ay ubos na ang pagkain ko kung hindi ay matitira lang 'yon dahil nawalan na ako ng gana. I insist na ako na ang hugas ng plato kaya pumayag na s'ya since mag didilig s'ya ng halaman dahil nagtext si Tita sa kan'ya na gawin 'yon. "Buti ka pa masipag maghugas. May kilala ako kasi ako na tamad at ayaw gawin 'yon." Tumawa pa ito tsaka lumabas ng kusina. I know who is she talking about. Napatigil ako sa pagsasabon ng pinggan. Tinukod ko ang kamay ko sa lababo at tumungo tsaka agak na tumawa. Ilang minuto pa akong ganito bago ko itinuloy ang pag huhugas. Si Kuya na naman. Lexis na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD