7

5139 Words
7   “Beshie, ngalay na ngalay na ako. Bitbitin mo naman ‘yung isang plastic, please.”   Beshie ang tawag pag may kailangan.   “Bahala ka d’yan.” Natatawang sagot ko at mabilis na naglakad para maiwan s’ya.   “Alexia!” I heard him shouted.   Nasa palengke ako ngayon at bumibili ng ingredients para sa ulam naming mamayang tanghali. Mimi asked me if I can cook sinigang for lunch, I said yes.   I’m with Atlas right now. S’ya ang pinagbuhat ko sa lahat ng pinamili namin dahil nagtatampo ako sa kan’ya. Una, ay dahil last last week pa s’ya dumating, wala man lang paramdam at ang pangalawa ay ang hindi n’ya pagsasabi na isa na s’yang singer.   Akalain mo ‘yon, ang isang ‘famous singer’ kuno ay nakasama ko sa pamamalengke at bestfriend ko pa.   Marami pa lang fans ‘to eh tinatanga tanga ko lang ‘to minsan.   Nito ko lang nalaman na s’ya ang hinahanap or should I say nagtatagong member ng The Primus. Sobrang idol ko pa naman sila tapos malalaman ko kasali yung bestfriend ko.   Bigla tuloy akong naumay.   Kaya pala napauwi s’ya dito para sabihin sa’kin ang major secret n’ya. Akala ko naman broken hearted talaga sa babae tapos iilan lang pala ang may alam.   Amputa talaga n’ya.                  Then, magkaibigan din pala sila ni Lexis, nung party ko lang nalaman. Umuwi na rin pala last week pa sina Kuya Jerome at Lexis at nag pa iwan naman itong epal na ‘to.   “Luh, si Alexia, ang pampam.” Rinig kong sabi n’ya habang humahabol sa’kin palabas ng palengke.   Hindi ko s’ya pinansin at nagdire-diretso ako sa paglalakad. Niyaya pa ako ng mga tricycle driver sumakay pero pinili ko na lang maglakad.   “Hoy! Hindi ba tayo sasakay? Pagod na pagod na ako at nanghihina na ang katawan ko.” Madramang sabi n’ya habang humahabol pa din sa’kin.   Ang laki laki n’yang tao tapos akala mo mamatay s’ya sa apat na supot na plastic na bitbit n’ya.   “Hoy! Mahiya ka nga, Atlas. Wala pang limang kilo ang bigat n’yang dala mo pag pinagsama sama.” I rolled my eyes at him.   “Dali na sakay na tayo!” umiling ako kaya bumagsak ang balikat n’ya.   “Bibigyan kita ng latest album ng TP!” lumapit s’ya sa’kin at bumulong, “Yung album na next month pa irerelease.”   Napatingin ako sa kan’ya ng masama. Alam n’ya ang kahinaan ko. Isa talaga ako sa fangirls ng TP at mahirap tanggapin ang alok n’ya.   “S-Sige! Siguraduhin mong bibigyan mo ‘ko ha?”   Inakbayan n’ya ako at hinila sa mga nakapilang tricycle.   “Sus, oo naman. Alam na alam kong isa ka sa mga die-hard fan ko.” He smirked.   Pumasok na ako sa loob at ganon ‘din s’ya habang bitbit ang pinamili namin.   “Tanga, hindi mo ‘ko fan. Fan ako ng buong TP except you. You hide, remember?” Sabi ko sabay irap kaya natawa s’ya.   “I did it for a reason, Lex.” Sabi n’ya.   Umandar na ang tricycle at tinanong kung saan kami bababa.   “Sa barangay tres lang, Kuya.” Sagot ni Atlas.    Bumaling ito sa’kin, “Sino ba crush mo sa TP? Pabibigyan kita ng halik sa crush mo.”   Nanlaki naman ang mata ‘ko at nahampas s’ya sa braso, “Putangina! Talaga? Atlas, pag ako binibiro mo, nako!”   “Aray! Ang sakit mo namang manghampas!” hinihimas n’ya ang braso n’yang nahampas ko kaya kinurot ko naman s’ya. Masama naman n’ya akong tinignan.   “Sino nga?! Baka magbago isip ko.” He asked again. “Baka ako ‘yan, Beshie, ha? Hindi ako nanghahalik ng kaibigan. At mas lalong ‘di ako nantatalo ng kapatid or pinsan ng kaibigan ko.”   “Oh talaga? Kwento mo sa lelang mo ‘yan.” Asar na sabi ko. “By the way, si Pivo ang gusto ko!”   “Montejano?” tanong n’ya kaya tumango ako.   “Huwag dun, Lex. May babae na ‘yon, kapatid ni Luwe. Ayaw mo namang mapatalsik dito sa Balayan, ‘no?” tumango ako at napasimangot.   My ultimate crush! Sabi n’ya sa interviews n’ya single s’ya! Tapos malalaman ko sa epal na ‘to na taken na pala.   Eto pa, ‘yung isang Montejano na pinsan nila ay nagcomment sa picture namin! Hindi ko akalaing kilala ako nung guy na ‘yon. Sabi naman ni Atlas ay madalas n’ya akong nakukwento sa iba.   Luwe is our Mayor at may kapatid itong dalawa. Isang babae na bunso at isang lalaki na sumunod sa kan’ya. Si Rehan ‘yung lalaki at super gwapo n’ya, nakakahilo.   Rehan is part of TP. He’s the keyboardist kaya bali-balita ko magaling s’ya mag ano. Mabilis daw daliri sa ano… sa piano.   “Si Rehan na lang! Gustong gusto ko s’yang makita.” sigaw ko.   “Rehan? Hindi mo pa nakikita si Rehan? Taga dito ‘yon ah.” Nakakunot noong tanong n’ya.   “Eh hindi ko pa nga din nakikita si Mayor Luigie! Obvious naman na hindi ko pa s’ya nakikita dahil kung makita ko man s’yang pakalat kalat sa kalye, hahalikan ko agad!”   “Scary!” sabi n’ya. “I should say to Rehan that he must not go out here in Balayan without a police men or bodyguard.”   “Hoy, siguraduhin mong makikita at mahahalikan ko si Rehan, ha?” tanong ko sabay sabunot kay Atlas.   “Oo na! Aray!”   Nakarating kami sa bahay at nagumpisa na agad akong magluto. Sa’min kumain ng lunch si Atlas at after din non ay umalis na din.   Eat and run.   Bandang hapon ay naligo na ako at nagpaalam kay Mimi na sa 7/11 na lang ako kakain dahil nagkicrave ako sa big bite at chicken nila. Pumayag naman s’ya dahil aalis din daw s’ya papuntang Calatagan at doon s’ya matutulog sa pinsan n’ya.   Dahil 6 p.m. na at medyo nagdidilim, pa-unti na ng pa-unti ang tao sa palengke nang dumaan ako. Katapat lang ng palengke ang 7/11.   Pumasok ako sa loob at naghanap ng mauupuan, nakahanap ako sa malapit sa may pinto. Inilagay ko ang payong na dala ko tsaka bumili.   Habang kumakain ay napatingin ako sa wind chime na tumunog at pumasok doon ang apat na lalaki na mukhang katatapos lang mag jogging.   Nagtutulakan pa ang mga ‘to kung sino ang unang papasok.   Ang dalawa sa kanila ay naka hoddie na color maroon at color black. Nakataas ang hood non sa ulo nila kaya hindi ko makita ang mga mukha nila.   Ang isa naman ay naka long sleeve sports top na color gray, bumaba ang tingin ko sa braso nitong may meskels kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko pa nakikita ang kabuuan ng braso n’ya pero parang maugat ‘yon. Shet.   Hindi ko rin naman s’ya makilala dahil naka baseball cup ito na nagtatabing sa mukha n’ya.   At ang huli ay nakasimpleng white shirt, running shorts na color gray at rubber shoes. Nagpupunas ito ng mukha n’ya at bahagya rin namang nakatalikod sa’kin kaya hindi ko rin makilala.   Hindi ko na tinignan pa ang kabuuan nung naka-white shirt dahil alam ko naming pare-pareho silang magkakaibigan na merong meskels.   “Gago! Wala akong dalang pera pala!” rinig kong sigaw nung naka-maroon na hoodie.   Sumubo muna ako ng kanin at chicken bago sila pinakinggan ulit. Nasa may tapat lang sila ng freezer kung saan nakalagay ang mga ice cream at yelo.   “Oh ‘yan kabobohan mo, alis ka nang alis sa bahay n’yo ng walang dalang pera.” The guy with white shirt said habang kumuha ng cornetto sa freezer.   “Bahala ka magutom, Atlas. Tara na nga, Zed.” Tumalikod ang naka-itim na hoodie at pumunta sa kung saan kasama yung naka gray na long sleeves.   Narinig ko ang pangalan ng bestfriend ko kaya lalo akong napatingin sa gawi nila na hindi ko alam nakatingin din sa’kin yung lalaking naka-maroon.   And confirmed, si Atlas na kuripot nga.   “Beshie kong ubod ng ganda!” umupo ito sa may harapan ko at walang pakundangang kumagat sa hotdog sandwich ko. “Pakagat lang ako.”   “Atlas naman! Ang yaman yaman mo naman eh! Trenta pesos lang ‘yan, bumili ka!” inagaw ko sa kan’ya ang pagkain ko kaya binelatan n’ya ako.   Nangagalaiting nakatingin ako kay Atlas habang ngumunguya at nakangisi pa. Gusto ko sana s’yang tusukin ng tinidor!   Tumunog ulit ang wind chime na senyales na may pumasok kaya napatingin ako doon. Parang tumigil naman ang mundo ko at gusto ko na lang magpakain sa lupa nang makita ko kung sino ang pumasok.   Dali-dali akong yumuko at bumaling sa ibang direksyon para ‘di n’ya makilala.   The mountain dew guy is here!   “Hoy, ayos ka lang?” tanong ni Atlas sa’kin kaya bahagya akong napatingin sa kan’ya.   “Cassius, where is Den-den? That motherfucker son of bitch.” The mountain dew guy looked annoyingly to Atlas.   “O-Oh, Jaronn, ikaw pala ‘yan. Nandito ka na pala…” gulat ding sambit ni Atlas   “Oo. Tinakbuhan n’yo pa nga ako kanina ‘di ba? Ang saya pala mag jogging ng naka-formal attire.” Sarkastikong sabi n’ya.   Sumulyap ako doon sa lalaki at tama nga s’ya, masaya nga talagang mag jogging ng naka-formal attire kung s’ya ang gagawa. Tinitigan ko ito ng palihim at inoobserbahan ang bawat galaw n’ya.   Omg! Stop drooling!   The mountain dew guy named Jaronn is wearing a white long sleeve polo, the sleeves are rolled up to his elbow, black slacks and a leather black shoe. The first three buttons of his top are unbuttoned and I noticed na sobrang pawisan s’ya at bagsak ang buhok dahil sa pawis.   He has a Rolex in his left wrist.   Napansin ko rin na may puting lab coat na nakasampay sa kaliwang balikat n’ya at may hawak naman itong stethoscope sa kanang kamay.   Napakunot naman ang noo ko. He’s somewhat familiar to me. Not just the wardrobe but also his eyes.   Napatungo ulit ako nang makita ko s’yang tumabi kay Atlas. Hindi n’ya siguro ako napapansin pa dahil parang tila hinahapo pa ito.   “Jaronn, libre mo ‘ko.” Makapal ang mukha na sabi ni Atlas.   “Ayaw!” sigaw  nito sa katabi at biglang napasubsob sa lamesa.   Napansin ko din ang pamulala ng tenga n’ya pati ang mga pantal na nasa leeg nito.   “Ikaw na lang, Beshie. Libre mo ‘ko,” ungot pa ni Atlas.   Umiling ako at tinuro ang lalaking nakasubsob sa mesa.   “Oh, ano, bakit? Crush mo?” Atlas asked kaya napa-irap ako ng wala sa oras.   Isinenyas ko kay Cassius yung leeg nung lalaki na puno na ng pantal kaya napatakip s’ya ng bibig dahil sa gulat.   “Holy f**k!” mura n’ya. “Jaronn, Jaronn,” bahagya nitong niyuyugyog yung lalaki.   “Humarap ka sa’kin, tanga.” Hinawakan ni Atlas ang balikat nito at pinaharap sa kan’ya.   “Putangina ka, bakit wala kang mask?!”   “Ano?” Parang bangag na sagot nito kay Atlas. Narinig ko ang mahihinang mura ni Cassius tsaka tinawag ang mga kasama n’ya.   “Zed! Den-den! Suman!” Sigaw ni Atlas kaya napatingin ang mga ibang customer sa kan’ya.   “Hinaan mo boses mo.” Nanggigil kong sabi sa kan’ya. “Sino ba ang mga kasama mong ‘yon?”   “Yung mga kaibigan kong mayayaman pero kuripot!” He tsked. Inakbayan nito ang kaibigan n’yang may rashes.   Oo nga pala, bukod nga pala sa’kin ay may iba pa s’yang mga kaibigan. ‘Yon ang mga kaibigan n’ya simula pag kabata. Hindi ko pa sila na memeet in person pero naririnig ko na kay Atlas ang pangalan n’ya.   “Bakit ba? Hindi pa ako nakakakuha ng siopao…” reklamo nung naka-itim at bumaling kay Jaronn.   “S-Si ano ba ‘yan…”   “Oo, gago! At inaatake ng allergy n’ya! Tarantado ka, Den-den! Pag ito na tuluyan, nako sinasabi ko sa’yo.” Pagbabanta ni Atlas kay Den-den.   Lumapit ‘yong Den-den kay Jaronn at sinalat ang noo nito at leeg, “Gago, b-bakit ba lumabas ka pa ng bahay? Tapos hindi ka man lang nag suot ng mask or what.”   Nagmulat ng mata ‘yung Jaronn at tinignan ng masama si Den-den, “Sabi ko ‘di ba na hintayin n’yo ‘ko pero anong ginawa n’yo iniwan n’yo ‘ko doon.”   “Malay ba naming susunod ka tapos sinunod mo din naman ang sinabi nitong si Den-den na mag jogging ka na lang.” Atlas added.   “Idiot! Alam n’yo nang takot ako sa dilim tapos iiwan n’yo ako sa bahay ng walang ilaw?” reklamo ni Jaronn.   Parang tuluyan akong naging hangin sa paningin nila. Well, masarap kumain pag may pinapanood kaya mabuti na rin ‘to para naman hindi ko ma-feel na nag-iisa ako.   “Bro, umuwi ka na at uminom ng gamot.” Sabi nung naka long sleeve na gray nakakabalik lang. “Sasamahan ka na namin, promise.”   Kasama nitong bumalik ‘yung naka-white kanina habang kumakain ng cornetto. Kumaway ito kay Jaronn at inirapan lang s’ya nito.   “Huwag na, iniiwan n’yo naman ako.” “Arte mo ha, pampam ka din eh kagaya nitong kaibigan ko,” napa-angat ako ng tingin at nakitang itinuro ako ni Atlas kaya napatingin sa’kin ang lahat.   Para gusto kong maglaho na lang bigla dahil feeling ko talaga ang haggard haggard ko ngayon tapos ang gugwapo pa ng mga kaibigan ni Atlas at lahat ay may pinagmamalaki.   Big time!   “Ikaw ‘yung Alexia ‘di ba?” tanong sa’kin nung naka white. “Ako ‘yung nag comment sa picture n’yo! Ano ipapalit mo ba ako kay Atlas bilang kaibigan mo? Mas gwapo ako ‘di ba?”   Napatigil ako sa pagkain at narinig kong napasinghap si Atlas.   “Hoy! ‘Wag mong nilalason ang isip ng kaibigan ko ha! Ako lang ang favorite n’ya at ako lang ang gwapo, ‘di ba, Zed?!” sabay tingin sa naka long sleeve na gray.   “Ang kapal ng mukha n’yo po.” Sagot ni Zed.   Nakangiti naman sa’kin ‘yung Den-den at nangaasar na tumingin kay Jaronn. Si Jaronn naman ay mariin ang titig sa’kin.   Parang anytime mahuhubadan na n’ya ako sa titig n’ya kaya umiwas ako ng tingin.   “Jaronn, ‘di ba ano…” nang aasar na tawag nung Den-den kay Jaronn. “S’ya yung ano…”   “Shut up, Den-den!”   “Hoy, ano ‘yan? May secret kayo ‘no? Bakit ‘di ko alam?” Umupo sa tabi ko si Suman at bumaling din sa’kin ang tingin.   Ngumiti s’ya at nawala ang mata n’ya dahil doon.   “Hi, Miss Alexia!” bati n’ya ulit sa’kin. “Sutter po pala.” Inilahad n’ya sa’kin ang kamay n’ya kaya inabot ko ‘yon.   Ang cute naman nito.   “Alexia rin po pala,” sabi ko. “Ang cute mo naman po, Sutter.”   Nabitawan ni Sutter ang kamay ko at humarap sa mga kaibigan n’ya.   “Bro, ganito pala kiligin ‘no? Para akong magiging kitikiti,” sabi n’ya sa mga kaibigan n’ya tapos ay bumaling ulit sa’kin.   “Salamat po ng marami, Miss Alexia. Mas magiging cute pa po ako sa paningin n’yo sa mga susunod na araw.” Parang batang sabi nito.   Napasipol si Den-den sa narinig, “Bro, Miss Alexia daw! Ano na? Punyeta talaga ‘tong Chinese na ‘to ‘no?”   Pinukulan naman ng masamang tingin ni Jaronn si Den-den.   Kalaunan ay lahat sila nakipag kamay sa’kin at nakipag kilala pwera kay Atlas at Jaronn.   “Jaronn, magpakilala ka naman sa bestfriend ko.” Ungot ni Atlas dito.   Jaronn just shrugged pero inilahad din n’ya ang kamay n’ya sa’kin.   “Jaronn,” inabot ko ‘yon at nginitian s’ya.   “Alexia,” sagot ko. “Nice meeting you again.”   “Ayiee.” Asar na pabulong ni Den-den sa gilid habang nagpipigil ng tawa.   “Putangina ka talaga, Den-den.” Mahinahon ngunit may diing mura ni Jaronn sa kaibigan.   Nagkwentuhan pa sila or should I say kwinentuhan pa nila ako ng mga isang oras bago nagyaya yung Zed na umuwi sa bahay ni Jaronn dahil iinom pa daw ito ng gamot.   Sumama muna ako sa kanila dahil kasama ko naman si Atlas. Kompyansa naman akong hindi ako ipapahamak nito, nanakawan pwede pa.   “Sure ka talagang sasama ka sa’min?” tanong nung Zed. Pansin ko na s’ya yung pinaka seryoso sa kanila.   “Oo, nandito naman si Atlas tsaka sa kabilang kalye lang naman ang bahay namin.”   Nauuna maglakad si Atlas, Jaronn, Sutter at Den-den. Habang kami nung Zed ay nasa likod lang habang nakamasid sa pag iingay nila.   Lumingon si Den-den sa’min at ngumisi.   “Yari ka mamaya, Zed.” Natatawang sabi nito.   Napalingon ako kay Jaronn na masama ang tingin kay Den-den na katabi n’ya lang.   “Kanina ka pa ganyan nang ganyan, Montejano. Nasisiraan ka na ba ng ulo?”   “Maya, kwento ko sa’yo.” Nagliwanag naman ang mukha ng katabi ko. “ Or bukas.”   Mga gossiper.   “Sige, sige, gusto ko ‘yan.”   Boys and their secrets.   Nakarating kami sa bahay nito at kagaya nga ng sabi ni Jaronn kanina ay madilim ‘yon at walang ka-ilaw ilaw.   Takot s’ya sa dilim?   “Bro, anong nangyari sa bahay n’yo?” tanong ni Sutter.   “Wala si Tita at Tito tapos ang mga katulong naman ay day off.” Sabi nito habang kinukuha ang susi sa loob ng bulsa n’ya.   “Eh bakit hindi mo binuksan ang ilaw?” tanong pa din ni Sutter.   “Nasa may kusina pa ang breaker at ang layo pa ng lalakarin ko papunta doon baka hindi pa ako nakakarating ay nag collapse na ako sa sahig.”   Napatango tango naman ang mga kaibigan n’ya na animo’y naiintindihan s’ya.   Siguro ay kaparehas din namin sila  na pag walang maiiwang tao sa bahay ay binababa ang breaker lalo na pag magtatagal kami sa ibang lugar.   Nang mabuksan ang gate ay umuna si Zed para siguro pumunta sa kusina. Wala pang ilang minuto ay sumigaw na ito na pwede nang buksan ang ilaw.   Pumasok kami sa loob ng bakuran at tumingin sa’kin si Jaronn. Naunang pumasok sa main door sina Den-den habang ako ay nakatigil dahil tumigil din ang nasa harapan ko na si Jaronn.   “B-Bakit?” naiilang na tanong ko.   “Mauna ka na pumasok,” gumilid ito ng ka-unti para maka-daan ako.   Sinunod ko s’ya kaya na-una ako at naka-sunod lang s’ya sa’kin. Napakagat labia ko nang parang naramdaman kong nakatitig s’ya sa’kin mula sa likuran.   Parang nanghihina ang dalawang tuhod ko, buti na lang ay lumapit agad sa’kin si Atlas kaya napakapit ako sa braso n’ya.   “Ba’t ang tagal mo?” bulong nito sa’kin nang maka-upo kami sa couch. Parang feel at home umasta ‘tong si Atlas pati ang mga kaibigan n’ya habang ako ay nasa isang gilid at takot gumalaw.   “Wala!”   “Sows! Oo na lang,” hinila ako nito sa kusina kung nasaan ang mga kaibigan nito na doon dumiretso pag ka pasok.   Napaatras naman ako nang abutan ko silang pinapahidan ng cream ang leeg ni Jaronn na nakahubad ngayon. Ang white polo na suot n’ya kanina ay wala na.   Wala na! Hubad na!   Inabutan ni Zed ng tubig at gamot si Jaronn at ininom din naman agad n’ya ‘yon. Sa ilang segundong paginom n’ya ng tubig ay sa kan’ya lang ako nakatitig.   Sa leeg at adams apple to be exact.   “Miss Alexia, gusto mo tumulong?” alok sa’kin ni Den-den na nakangisi. Nasamid naman sa sariling laway si Jaronn habang ako ay umiwas ng tingin.   Gusto ko na sanang tumango pero baka sabihin nilang sobrang landi ko. Pero gusto ko talaga eh.   May violent reaction naman agad si Atlas doon, “Hoy! Bawal ‘yon!”   “Ay, ang protective naman.” Sabi ni Den-den. “What can you say, Jaronn?”   “Den-den!”   “Nako, ‘wag n’yo ngang nilalandi ‘tong kaibigan ko. Marupok ‘to, guys. Ingat kayo.” Narinig kong tumawa sila maliban kay Jaronn habang ako ay hinampas ko ang katabi ko sa braso.   “Ouch!”   Tumagal lang kami ng isang oras doon at napagdesisyunan na nilang umuwi. Nagulat pa ako ng bumaba si Jaronn galing sa itaas na may dalang bag.   “Tara, Zed.” Yaya nito.   Nagtatanong naman ang mata kong tumingin kay Atlas.   “Hindi n’ya kayang mag-isa sa isang malaking bahay. It’s his past.” Kwento sa’kin ni Atlas. “Kay na Zed tutulog ‘yan, sa may tapat ng school ang bahay nila, ‘yung karinderya doon sa may barangay onse.”   Napatango tango naman ako. Buti na lang at may mga kaibigan ‘tong si Jaronn na sobrang babait kahit minsan ang gagago.   Gusto ko rin maranasan ang ganoon, yung marami kang kaibigan tapos lahat kayo nagdadamayan para sa isa’t isa. Walang bababa at walang tataas ng iisa lang dapat lahat at sabay sabay.   I’m still thankful pa din kasi binigyan naman ako ng mga bestfriend na minsan may sapak sa ulo, si Mariella at Cassius. Hindi naman nila ako iniwan at lagi silang nandyan for me and vice versa.   Lumabas na kami ng bahay ni Jaronn at nag paalam na sina Sutter at Den-den na mauuna na. May motor silang ginamit at doon sila sumakay na dalawa. Si Sutter ang driver habang si Den-den ang angkas.   Magkapit lang naman daw sila ng tinutuluyan kaya pwede nang sabay.   Lumapit si Atlas sa tricycle na nasa gilid.   For sure kay Tito ‘yon at tinakas na naman n’ya. Sabi naman ni Atlas sa’kin kanina ay ihahatid muna n’ya kami bago s’ya umuwi.   Sumakay ‘yung tatlo sa tricycle, si Atlas ang driver tapos ang nasa likod nito ay si Zed na nagcecellphone at naka earphones tapos ang nasa loob ay si Jaronn habang ako ay nakatayo lang sa gilid.   “Alexia! Sakay na, ano ba!” sigaw ni Atlas.   “Gago! D’yan lang ang bahay ko sa kabilang kalye lalakarin ko na lang.” sabi ko.   “Hindi, ihahatid kita, sakay!” sabi nya ngunit hindi ako gumalaw. “Isa!”   Nakita kong bumaba si Jaronn ng tricycle at mabilis na lumapit sa’kin at hinila ang wrist ko.   “Dinala ka ni Atlas dito kaya ibabalik ka n’ya sa ayaw at sa gusto mo.” Sabi ni Jaronn habang na-una itong sumakay ngunit hindi pa rin binibitawan ang pulso ko.   Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay na lang.  S’ya ang nasa loob at ako ang may nasa bandang labas, bale s’ya ang nasa kaliwa ko.   “Sows! Sasakay din pala kailangan pang hilahin sa pulsuhan. Tsk, bagong teknik na ba ‘yon?”   “Daming satsat! Mag drive ka na! Gabi na!” rinig kong sigaw ni Zed.   “Opo, eto na nga po.” Sabi nito at pinaandar na nito ang tricycle.   Wala kaming imikan sa loob ng tricycle pero minsan ay sinusulyap sulyapan ko s’ya. Nagpalit na ito ng damit at naligo na rin dahil medyo basa pa ang buhok nito. Nakatingin lang ito sa labas at naka suot na s’ya ng mask.   Napakunot ang noo dahil pamilyar talaga ang taong ‘to. Bakit hindi ko s’ya maalala? Ang hina hina talaga ng memory ko!   Maya maya pa ay tumigil si Atlas sa harap ng 7/11 na tinambayan namin kanina. Nagtaka naman kaming tatlo kung bakit s’ya tumigil.   “Saglit lang naman, bibili lang akong mogu-mogu.” Sabi nito.   “Ang daming commercial naman. Bilisan mo, ha?” masungit na sabi ni Zed kaya napasimangot si Atlas na kalaunan ay pumasok din.   Ilang segundo ang lumipas at ramdam na ramdam ko ang awkward athmosphere naming dalawa. Tumingin ako sa kan’ya pero s’ya ay dedma pa rin. Walang kibo na nakatingin sa harap.   Sumilip ako sa labas at may nakita akong grupo ng mga lalaking naglalakad sa direksyon namin. Nang makita nila ako ay agad akong napaayos ng upo.   Naririnig ko pa silang tinatawag nila ako ng ‘ganda’ kaya medyo natakot naman ako at napasiksik kay Jaronn.   Napatingin sa’kin si Jaronn pero ako ay iwas pa din ang tingin.   Naramdam ko ang kanang kamay n’ya na humawak sa kanang hita ko sa may gilid na parang ikinukulong ang mga hita ko sa braso n’ya at mas lalong isiniksik ang katawan ko sa kanya kaya mas napapapaling ang katawan ko sa gawi n’ya.   Ramdam ko ang init ng kamay n’ya habang marahang hinahaplos ‘yon dahil naka short lang ako. Dumaan ang mga lalaki at sumilip sa loob at nang makitang ganun kami ni Jaronn ay mabilis din na umalis ang mga ito.   “Sorry, hindi ako pwedeng d’yan pumwesto kahit naka mask ako. Mas marami akong malalanghap na kung ano-ano d’yan at baka magpantal ulit ako.” Kwento n’ya habang hindi pa rin inaalis ang kamay n’yang ‘yon at patuloy pa din sa paghaplos.   Parang nanginginig ang mga katawan ko sa mga sandaling ‘yon at para akong mapupugutan ng hininga.   “Next time, don’t wear short shorts or short skirts pag ikaw lang mag-isa ang aalis.” sabi nito at tumingin sa’kin. “Pwede mo namang suotin kung ano ang gusto mong suotin basta suguraduhin mong may kasama kang kaya mag protekta at mag alaga sa’yo pag labas, walang problema ‘yon.”   Tumango ako at ramdam kong namula ang buong mukha ‘ko buti na lang at medyo madilim kaya ‘di n’ya makikita o mahahalata.   Hindi na kami nag imikan hanggang sa bumalik si Atlas na may dalang limang mogu-mogu. Humingi ako ng isa kaya binigyan n’ya ako.   Hindi naman nakatakas ang sa paningin ni Atlas ang kamay ni Jaronn na nasa hita ko pa din na parang ayaw na akong pakawalan.   “Utang yan ha.” Sabi nito kaya napa-irap ako.   Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay doon lang ako nakahinga ng maluwag nang tanggalin na nito kamay n’ya sa hita ko.   Bumaba ako para makababa s’ya. Matalim ang tingin sa’kin ni Atlas na akala mo ay may ginawang akong kasalanan.   ‘Marupok ka.’ He mouthed.   Binuksan ni Zed ang gate nila at nauna nang pumasok. Bago pa man makapasok si Jaronn ay nilingon nito si Atlas.   “Ingatan mo ‘yan.” Sabi nito sabay turo sa’kin pagkatapos ay pumasok na sa loob.   “Ano ‘yon? Uso mag kwento, Lex.” Sabi nito habang may pagsulyap pa sa loob ng bahay ni Zed.   “I don’t wanna!” asar kong sabi kaya binelatan n’ya ako.   Sa likod na n’ya ako sana sasakay pero pinigilan ako nito.   “Hindi ka d’yan, doon ka sa loob. Ingatan daw kita sabi.” He smirked.   “Tigil tigilan mo na ako sa pang rereto mo sa’kin sa iba ha! Inissue mo na ako kay Lexis last week tapos kay Jaronn naman ngayon!”   “Ayaw mo ‘yon, parehong Castañeda ang nirereto ko sa’yo. Magaling pareho sa medical field ang mga ‘yon.” Sagot nito.   “Huh? Parehong Castañeda?” takang tanong ko dito.   “Hindi ko ba nasabi sa’yong magkapatid sila? Hehe.” umiling ako. “But they are not in good terms pero magkapatid pa din sila. May alitan lang talaga.”   “Chismoso ka!”   Sinabunutan ko s’ya bago sumakay sa loob at hinatid ako pauwi. Nakarating ako sa bahay ng wala ng tao at patay na ang ilaw.   Dumiretso ako sa kwarto at nagpahinga lang saglit bago naligo. Pagkatapos ay humiga na ako at kinuha ang cellphone ko.   Tinanong nga pala nila sa’kin ang username ko sa IG at Twitter kaya ngayon ay kan’ya kan’ya ng follow ang mga kaibigan ni Atlas sa’kin.   But Jaronn caught my attention the most.   He followed me, both IG and Twitter.   Sa pagkakatanda ko ay nakasubsob lang ito sa lamesa kanina habang nag kukwentuhan kami nina Sutter. I thought he was asleep at that time, siguro nakikinig din.   Napangiti ako nang maalala ang ginawa n’ya kanina. No one ever did that to me even Atlas. My heart went oopss.   Nag DM ako sa IG at Twitter account n’ya.   Hey, thank you sa kanina! Appreciated, mwuah!   After I hit the send button ay nakatulog na ako ng mahimbing.   Nagising ako ng alas sais ng umaga at mabilis na nag ayos ng sarili. Kumalam na ang sikmura ko at mukha nag hahanap na ng pagkain kaya bumaba ako.   And it’s surprises me na makitang nandoon sa salas si Jaronn na nakababa ang mask hanggang baba katabi n’ya si Atlas na kumain ng hotdog at katabi naman nito ang kumakain ng pandesal na si—   “Rehan?!” sigaw ko ng malakas kaya nagulat silang tatlo.   “Ano ba ‘yan, Alexia! ‘Wag ka namang nanggugulat.” Sabi ni Atlas pero hindi ko s’ya pinansin.   Mabilis kong nilapitan si Rehan at hinawakan ang mukha nito.   Fan girl mode.   Ranger Alijah Alegre is f*****g in my house!   “Totoo ka ba?” nanginginig na sambit ko sabay yakap ng mahigpit sa kan’ya.   Potek! Mainggit lahat ng fan girls n’yo sa’kin! Nanalo na ako, nanalo na ako!   “Rehan, pwede pa-kiss sa cheeks?” Paalam ko sa kan’ya. Hahalikan ko na sana sa pisngi si Rehan pero mabilis akong napigilan ni Atlas.   “Hoy, Alexia, bitaw. Nakakahiya ka talaga.” Inilayo ako ni Atlas kay Rehan habang si Rehan ay nakatulala pa din.   “Epal mo kahit kelan, Cassius!”   “C-Crush mo ‘ko?” tanong ni Rehan kaya mabilis akong tumango ng bongga.   “Oo! Oo! Matagal na, nung isang taon pa. Fan na fan mo ako, fan na fan ako ng TP pwera lang kay Atlas panget!” maligayang sambit ko at napasinghap si Atlas sa narinig.   Mabilis kong kinuha ang album nila at poster sa kwarto at mabilis na nag pa-autograph sa kan’ya. Nakangisi lang si Rehan sa’kin the whole time na pumipirma s’ya habang panakaw nakaw ang tingin kay Jaronn na madilim ang mukha sa kan’ya.   Lumabas si Mimi galing kusina at inaya na kaming kumain. Unang umalis si Atlas at sumunod naman sa kan’ya si Rehan papuntang dining   Ako na may ngiti sa labi at kinikilig pa at si Jaronn na lang ang nasa may sala. Tinignan ko ito at bahagya pa akong nagulat na nakatingin din s’ya ngunit blangko ‘yon.   Walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha n’ya. Pinagpawisan ang kamay kaya mabilis ko ‘yong ikinuyom.   “Kahapon si Atlas, ngayon iba naman.” Bulong n’ya at pumalatak.   Bakit pakiramdam ko ay may nagawa akong kasalanan sa kan’ya ngunit wala naman akong maalala?   Simpleng white shirt at gray jogging pants lang ang suot n’ya tapos pinahiram s’ya ni Mimi ng tsinelas na pambahay. Napansin ko din na may gold necklace s’yang nakasabit sa leeg at naka relo ito kagaya kahapon.   “G-Good morning, Jaronn,” bati ko. “T-Tara sa dining, kain tayo.”   Hindi ko na s’ya hinayaang sumagot kaya tumayo ako at hinatak ang kamay n’ya patayo. Napatingala ako sa kan’ya nang magkaharap kami. Hanggang leeg n’ya lamang ako kaya naaamoy ko ang kan’yang pabango.   “Salamat na lang pero tapos na ako kumain kanina pa.” Malamig na sabi nito.     Humigpit ang hawak ko sa kamay n’ya ng maramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. May nagawa ba akong kasalanan sa kan’ya?   Naalala ko pa ang nalaman ko kagabi na kapatid n’ya ang bagong friend ko na si Lexis. Kaya pala pamilyar talaga ang isang ‘to lalo na ang mata n’ya, si Lexis pala ang kahawig.   “Ahm, tanghalian?” tanong ko. “Gusto mo kumain ng tanghalian dito? Ipagluluto kita ng kahit anong gusto mong ulam.”   Sasagot na sana ito ngunit may narinig kaming tumikhim galing sa may bandang pinto ng bahay.   Pareho kaming lumingon at nakita ko si Papa na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Jaronn.   Mabilis kong binitawan ‘yon at iniwan sila para umakyat sa kwarto. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko!   Mamaya na nga lang ako kakain total maaga pa naman. Nawala ang gutom ko nang makita ko si Rehan sa bahay, parang bigla akong nabusog agad.   Natulog na lang ulit ako para naman maibisan ang pangangamatis sa pula ng pisngi ko.   Nagising ako ng mag aalas nuebe pa lang. Kulang kulang dalawang oras din ang itinulog ko.   Alam kong wala na sina Atlas sa baba dahil maaga silang kumikilos tuwing miyerkules. Kaya kahit alas sais pa lang kanina ay handang handa na s’ya.   Tumutulong kasi ito sa isang karinderya na hindi ko alam kung saan pero nakukwento n’ya sa’kin.   Hindi lang n’ya sinasabi kung saan. Siguro ay nagpatulog ito kay Rehan at Jaronn, ang swerte naman ng customer ng karinderyang ‘yon.   Nagiinat akong bumaba at humihikab pa. Parang kulang pa ang tulog ko pero pagagalitan na ako ni Mimi pag tanghali na akong magising.   “Mi! Ano ulam?!” Sigaw ko habang nasa kalagitnaan pa lang ng hagdan.   Wala akong narinig na sagot kay Mimi. Baka busy na naman ‘yon.   Dire-diretso akong bumaba ng nakasimangot. Akala ko ay wala akong maaabutan sa sala ngunit nagkakamali ako.   Jaronn is looking intently on me habang nakatukod ang siko sa tuhod n’ya at mag ka hawak ang kamay n’yang nasa ilalim ng baba n’ya.   “I want adobo.” Sabi nito. Nanatili akong nakatayo malapit sa hagdan dahil hindi ako makapaniwalang nandito pa s’ya.   “A-Anong adobo?” tanong ko.   Napatayo ito at napalapit sa’kin na may halong pagtataka sa kan’yang mukha ngunit napalitan din ‘yon ng ngisi ilang segundo lang and lumipas.   “You asked me earlier if I want to eat lunch with you like a date or what and you’ll cook for me,” sabi nito. “So, here I am, I’m willing but you have to cook my favorite.”   Shit! Do I sound like I'm asking him to be with me and have a date with me earlier? Did he misinterpret what I said earlier?   Nagtatanong at nagaalok lang naman ako kanina eh! Walang halong kalandian ‘yon!                                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD