CHAPTER 28 Third Person POV Tahimik ang paligid ng condo unit. Nakatutok ang mata ni Matteo sa kawali habang hinihahalo ang chicken curry na malapit nang maluto. Kumalat sa buong unit ang amoy ng maanghang na gata at spices comfort food para sa nasasaktan. Sa likod niya, dahan-dahang lumapit si Cataleya. Nakasuot lamang siya ng oversized na t-shirt at shorts, mukha’y namumula pa sa kirot at konting pagod. Ngunit sa gitna ng lahat, isa lang ang malinaw sa kanya ligtas siya kay Matteo. Tahimik siyang niyakap nito mula sa likuran. Mahigpit. Mainit. Buo. Hindi muna gumalaw si Matteo, naramdaman niyang humigpit ang yakap ni Cataleya. Ang mga palad nito'y nakapulupot sa kanyang leeg, para bang ayaw na niyang pakawalan ang sandaling ‘yon. “Cate?” mahinang sambit ni Matteo. “Hmm?” aniya, na

