CHAPTER 27 Matteo’s POV Pagkatapos kong buhatin si Cataleya paakyat, dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama. Ramdam ko pa rin ang tensyon sa katawan niya. Ang kaninang mga hikbi, pilit niyang pinipigil ngayon. Napaupo ako sa tabi niya, at marahan kong tinaas ang buhok niyang tumatakip sa leeg. Doon ko nakita. Ang mapupulang bakas ng mga daliri ni Nayll sa balat niya. Ang marka ng pagkakasakal. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko, pinipigilan ang galit na muling bumabalot sa akin. Putangina talaga, Nayll... “Cate…” marahan kong tawag. “Okay ka ba?” Nag-angat siya ng mukha at pilit na ngumiti. Pero kahit anong pilit ng ngiti niya, hindi nito kayang itago ang sakit at pagod sa mga mata niya. “I’m okay, Matteo… thank you for being there,” mahinang sagot niya. Hindi ako kumbinsido. Tumi

