PAG-TITIIS

1109 Words
CHAPTER 3 THIRD PERSON POV "Nayll, kain ka muna bago ka pumasok," malumanay na tawag ni Cataleya habang nakatayo sa may dining table. Suot niya ang simpleng apron habang nakahain na ang masaganang almusal. Fried rice, sunny side up eggs, longganisa, at mainit na tsokolate, lahat inihanda niya para sa asawa niyang si Nayll. Bumaba si Nayll mula sa hagdan, suot ang kanyang white coat at ID, handa nang pumasok sa ospital. Hindi man lang siya tumingin kay Cataleya. Diretso siya sa mini bar na nasa gilid ng kitchen, kinuha ang pot ng kape at nagbuhos sa sariling mug. Walang imik. Walang tingin. Walang kahit anong emosyon. "Nayll, please, kahit konti lang. Nagluto ako," malambing pa ring pakiusap ni Cataleya, nilapitan siya at iniayos pa ang pagkakalagay ng kutsara at tinidor sa lamesa. Biglang lumipad ang mug ng kape mula sa kamay ni Nayll, tumalsik ito at sumabog sa sahig, pero hindi lang iyon ang nangyari. Ang mainit na kape, nabuhos sa ulo ni Cataleya, tumulo sa leeg niya, at tumama pa sa dibdib. "AHHH!" napasigaw si Cataleya, napaatras, hawak ang ulo, nanginginig sa sakit. "Hindi mo ba maintindihan, Cataleya?!" singhal ni Nayll habang galit na galit ang mga mata. "Hindi ako kumakain ng luto ng babae'ng hindi ko mahal!" Hindi pa siya nakuntento. Lumapit siya kay Cataleya, hinablot ang ulo nito at buong lakas na idiniin ang mukha ng babae sa mainit na sabaw ng hipon na nasa mesa. Tumalsik ang mangkok, nabasag ang pinggan, at nabalot ng sabaw ang mukha ni Cataleya. "STOP IT, PLEASE!" umiiyak na pakiusap ni Cataleya, nanginginig habang pilit tumatayo mula sa pagkakayuko. Pero wala. Walang awa. Walang kahit anong pag-aalinlangan. "You’re a mistake, Cataleya. A desperate, useless woman. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin dahil hindi mo kailanman makukuha ang puso ko," malamig at matalim ang bawat salita ni Nayll. Bago siya umalis, kinuha niya ang bag niya at humarap muli sa kanya. "Itapon mo lahat ng pagkain na 'yan. Dahil hindi ko kailanman kakainin ang luto ng babaeng hindi ko mahal. Tandaan mo 'yan, kasal lang tayo sa papel. You’re nothing more than a burden." At tuluyang lumabas si Nayll, ni hindi man lang nilingon ang basang-basang si Cataleya, umiiyak at nakasalampak sa sahig. Nang marinig ang pagsara ng pinto, saka lang tuluyang humagulhol si Cataleya. Humawak siya sa dibdib niya na parang mababali, tila'y doon inipon ang lahat ng sakit na hindi niya kayang itapon. "Bakit ganito... bakit ang sakit-sakit..." paulit-ulit niyang bulong sa sarili, pilit pinipigilan ang sariling bumagsak na muli. Sa kabilang banda, pagkarating ni Nayll sa ospital, bumungad agad ang kaguluhan sa ER. "Doc Villafuerte, urgent case sa OR. Critical. Male patient, metal puncture sa mata," sabi ng nurse habang humahabol sa kanya. "Vitals?" "BP dropping. Possible rupture sa optic nerve." "Alert surgery team. Prep the room. I’ll scrub in within five." Naka-focus si Nayll. Wala sa isip niya ang nangyari sa bahay. Para sa kanya, trabaho lang. Wala siyang panahon para sa kahit anong guilt o konsensya. Habang nilalakad niya ang hallway papunta sa OR, saglit siyang tumigil sa harap ng glass wall at napatingin sa repleksyon niya. Ang lalaking nakatingin pabalik sa kanya ay walang emosyon, walang bakas ng awa. Para bang ang puso niya’y niyelo na’t hindi na marunong tumibok. "Seraphina..." bulong niya sa sarili. "This is all for you." Pero kahit sinabi niya iyon, isang saglit na imahe ni Cataleya ang pumasok sa isipan niya—yung basang buhok nito, yung luha sa mata habang paulit-ulit na tinatanong kung bakit. Agad niya itong inalis sa isipan. "Walang kwenta. She chose this. Ginusto niya ito." Pagdating niya sa OR, suot na niya ang gloves at surgical gown. Sa loob, naghihintay na ang team niya. "Scalpel." Nagsimula ang operasyon. Sa bawat paghiwa, bawat utos, bawat paghinga niya, lahat ay para mawala ang ingay sa utak niya. Pero sa likod ng bawat katahimikan, naroon pa rin ang impit na iyak ni Cataleya sa loob ng mansion. Nagpatuloy ang operasyon ni Nayll sa pasyente. Habang nakatutok siya sa microsurgery ng mata, walang ibang laman ang isip niya kundi ang procedure. Precise ang bawat galaw ng kamay niya. Nakatutok ang mga nurses at assisting doctors habang siya ay tahimik at seryosong gumagalaw. "Scalpel," utos niya. "Here, Doctor," sagot ng nurse. "Clamp." "Clamp in position." Ilang oras din ang inabot ng operasyon. Pawisan si Nayll, pero hindi niya pinapansin. Isa ito sa mga bagay na nagbibigay sa kanya ng sense of control, ang pagiging doctor. Hindi tulad ng gulong-gulo niyang personal na buhay, dito, lahat ay may direksyon. Pagkatapos ng final suture, tumingin siya sa assistant niya. "Vitals stable?" "Yes, Doctor. Patient is stable." Tumango si Nayll. "Good. Close him up. I'll brief the family." Lumabas siya ng OR, suot pa ang kanyang surgical cap at mask. Agad siyang sinalubong ng ina ng pasyente. "Doctor! Kumusta na po ang anak ko?" "The operation was successful. He's safe now, but we still need to monitor him in the next 24 hours for complications." "Salamat po, Doctor. Thank you so much." Ngumiti siya ng bahagya, isang pag-ngiting hindi niya maibigay kay Cataleya kahit kailan. Pagbalik niya sa lounge, naupo siya at nagbuntong-hininga. Sa isip niya, bumalik ang mukha ni Cataleya, ang takot sa mga mata nito, ang sigaw ng sakit matapos buhusan ng kape. Pero agad niya iyong iniwas sa isip. "She chose this life," bulong niya. "She wanted me... now she has me. But not the way she dreamed." Hindi niya alam, sa mga oras na iyon, si Cataleya ay nakaupo sa sahig ng kitchen, basang-basa ng kape at sabaw, umiiyak, mahigpit na yakap ang sarili, nagtataka kung saan siya nagkamali. Samantala, sa ospital, dumaan ang ilang oras. Bumalik si Nayll sa monitoring room ng pasyente. Tiningnan niya ang eye chart na pinaghahandaan ng pasyente. May posibilidad na bumalik ang paningin nito, pero kailangang pagdaanan pa ang matinding therapy. Habang tahimik siya roon, biglang nag-ring ang phone niya. Si Seraphina. "Nayll, are you done?" "Just finished." "Can you come over? I need you tonight." Napapikit siya. Napagod man ang katawan niya, pero ang puso niya... handang sumunod kay Seraphina. "I’ll be there in an hour." At sa sandaling iyon, hindi niya alam na sa mansion, si Cataleya ay isinugod ng maid sa private doctor nila dahil sa first degree burn na tinamo sa leeg at balikat. Tahimik ang luha ng babae habang tinitiis ang sakit—hindi lang ng sugat, kundi ng katotohanang sa puso ng lalaking pinakasalan niya, wala siyang halaga. At doon nagtapos ang araw. Isang tagpong kay sakit para sa babaeng handang magmahal ng totoo... at isang lalaking mas piniling saktan kaysa aminin ang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD