Chapter 17

2252 Words
Hindi maiwasang kaawaan ni Love ang kanilang Battalion Commander. Mabait kasi itong tao at masayahin kung kaya't sa tingin ni Love ay hindi deserve ng BatCom ang ganoong karanasan. Nagpatuloy lamang ang pagkukwento ni Nabong sa buhay ni Lovendaño. Kaklase pala ni Nabong sa Statistic subject si Lovendaño kung kaya't naging close sila at nakapagkwento tungkol sa kanilang buhay. "Ilang buwan lang si Sir Labs nagtrabaho sa restaurant na iyon at biglaang nagsara. Akala niya, iyon na ang makakatulong sa kanya hanggang makatapos siya, pero hindi pala. Naghanap ulit siya ng mapapasukan pero nahirapan na siya maghanap dahil puro fulltimer ang hanap ng mga inapplyan niya. Pero hindi pa rin daw siya pinabayaan ng Diyos dahil kung kailan bayaran na ng upa niya ay bigla siyang tinawagan ni Ma'am Vega. Professor nila sa isang subject at may catering service na business. Pinakiusapan siya kung pwede raw ba siyang kunin na waiter. Pumayag naman agad si Sir Labs. Nagserve lang raw siya sa mga tao sa event at binigyan siya ng limang daan ni Ma'am Vega at nagpauwi pa sa kanya ng mga pagkain. Pinambayad niya raw agad iyon sa landlady niya." "Ang hirap naman ng buhay niya. May pambayad nga siya ng bahay pero paano na ang kakainin niya sa mga susunod pang araw?" Nalulungkot na komento ni Jai. "Ito na nga. Pagdating sa school, alam ng mga kaklase niya ang nangyayare sa kanya kaya kapag lunch time na, nag-aambagan ang mga kaklase niya para mabilhan din siya ng makakain o kaya may nagbibigay sa kanya ng kanin at ulam. Pagdating sa gabi, minsan meron, pero madalas wala." Nanginginig na ang boses ni Nabong. "One time nga raw, apat na araw na siyang walang kain. Papasok sa school, magROTC pa at uuwi ng bahay para lang matulog. Willing naman daw siyang bigyan ng mga kaklase niya pero nahihiya na siya kaya kapag tinatanong siya kung may lunch na ba siya, sasabihin niya oo at pupunta na lang siya sa DMST Office para doon magpalipas ng oras. Hapon na daw iyon, maaga raw siyang umuwi at hindi na siya tumambay sa DMST office dahil nanlalambot na ang tuhod niya. Bigla daw may kumatok na Junior niya sa bahay niya. Tapos nagbigay daw ng isang supot ng mga pagkain. Delata, noodles, bigas, kape at asukal. Halos mangiyak-ngiyak raw siya at todo pasalamat siya sa junior niyang iyon. Nagsaing agad siya kahit nanginginig na ang kamay niya sa gutom at hindi na siya nakapaghintay, binuksan na daw niya ang isang sardinas at pinapak na niya. Habang kumakain siya, tulo daw ng tulo ang luha ni Sir Labs. Ayaw niyang kinakaawaan siya pero siya mismo nakaramdam ng awa sa sarili niya. Para daw siyang pulubi noong mga oras na iyon na gutom na gutom." At tuluyan nang umiyak si Nabong. Tumutulo na rin ang mga luha nina Love, Jai at Jacinto. Awang-awa sila sa naranasang hirap ng buhay ni Lovendaño. Lalo silang hindi makapaniwala sa ganoong pangyayare. Nabuo ang matinding paghanga sa puso ni Love. Napakatatag pala at napakamatiising tao ni Lovendaño. Ninais tuloy ni Love na maging isang kuya si Lovendaño. Naisip niya ang kanyang sarili. Kahit papaano ay maswerte pa dahil hindi niya naranasan ang ganoong kahirapan dahil hindi siya pinabayaan ng kanyang Uncle Reynold kahit na ba sinusungitan siya ng kanyang Auntie Charity. Pagkatapos magkwento ni Nabong ay kanya-kanya silang komento hanggang sa sumapit ang alas-onse ng gabi at nakaramdam sila ng antok. Hindi nagtagal ay dumating nanaman si Monic at Hiyara at may dala-dala silang sopas na nakalagay sa papercup na may kalakihan. Dadalhan nila ang lahat ng nakapost ng mainit na sopas. Inabisuhan rin sila nito na pagsapit ng 11:50 ng gabi ay iwan na muna nila ang kanilang posts upang magformation sa gilid ng covered court. Nakaramdam sila ng kaunting excitement at kaunting pag-aalinlangan. At bilang mga babae silang apat ay naiisip nilang nakakahiyang mag-aya sa lalaki na gusto nilang isayaw.. Rinig na rinig pa rin ang tugtugan mula sa covered court at kahit papaano ay nawala ang antok nila dahil sa mainit na sopas. Habang papalapit ang oras ay hindi maiwasang kabahan ni Love. Pinanlalamigan siya ng kamay at kumakabog ng malakas ang kanyang dibdib. Abala siya sa pag-iisip kung paano ba niya aayain ng sayaw si Romero. Kinakabahan siya dahil baka tanggihan siya nito o kaya naman baka hindi niya ito makita mamaya kung kaya't mawawalan siya ng pagkakataon na makasayaw ang binata. "Tara na, buddy!" Sabi at tapik sa kanya ni Jacinto kaya bumalik siya sa sarili. Tapos na ang kanyang pagmumuni-muni. Malapit na siya sa katotohanan. Nagmamadali silang pumunta sa gilid ng covered court at sumama na sila sa formation ng iba nilang kabuddy. Mabilis silang nakumpleto kung kaya't binibiro sila ng kanilang senior officers. "Aba! Hindi halatang excited kayo ah. Kanina, tulo laway na kayo sa posts niyo tapos ngayon buhay na buhay kayo." Ani Suarez. Nagkahagikhikan tuloy silang mga 4CL. "Pagsapit ng alas-dose ay tatawagin kayo ng emcee. Bibigyan nila kayo ng tatlong kanta para makasayaw ang sinumang nais ninyo na makasayaw. This is your only time para matupad mo ang matagal mo ng pangarap.. ang makasayaw si kras." Ani muli ni Suarez na nagbunga ng kaunting hiyawan at tawanan. "Sino dito ang gustong makasayaw si Sir Romero niyo?" Hindi nagtaas ng kamay si Love ngunit nawindang siya ng may halos limang kabuddy siya na gustong maisayaw si Romero. Kung kanina ay kinakabahan siya dahil baka tanggihan siya, ngayon naman ay tila nawawalan na siya ng pag-asa. "Calling the attention of all ROTC-COQC cadets. Ito na ang oras na pinakahinihintay ninyo. Taon-taon naglalaan ng ilang minuto para sa tatlong kanta ang SSG officers upang pagbigyan kayo ng pagkakataon na maisayaw ang mga nais ninyong isayaw. Parte na rin ito ng aming pasasalamat sa pagbabantay at pagbibigay seguridad dito sa ating paaralan. It's your time to shine. Break a leg!" Wika ng emcee. Binigyan sila ng espasyo para sa kanilang grand entrance. At kung minamalas nga naman si Love, naunahan na siya ng kanyang kabuddy kay Romero. Nanlumo siya bigla. Hindi ito ang inaasahan niya. Bakit nga naman hindi niya naisip na maaaring pag-agawan si Romero at maunahan siya ng iba? Si Jai ay may kasayaw na. Pinuntahan kasi nito kaagad ang crush nitong BSBA. Si Monic naman ay may kasayaw na rin. Kaklase niya ito noong highschool at close friend na rin. Hindi na niya alam ang gagawin. Parang gusto na lamang niyang magtago at hintayin na matapos ang ilang minuto na inilaan para sa kanila. Aalis na sana siya ng may humawak bigla sa braso niya. Sa kanyang paglingon, isang maamo at nagsusumamong mukha ni Gelo ang sumalubong sa kanya. Sa mga tingin na iyon ni Gelo ay nagkaroon siya ng kaunting pag-asa. Hindi pala siya babalik sa posts nila ng zero. Marahan siya nitong hinila palapit at ikinawit ni Gelo ang mga braso ni Love sa balikat nito kasabay ng paglapat ng mga palad ng binata sa baywang ni Love. "Hinanap talaga kita, alam mo ba iyon?" Wika ni Gelo na may tipid na ngiti sa mga labi. Napangiti rin ng kaunti si Love at hindi makatingin ng matuwid kay Gelo. Naiilang siya rito at nahihiya dahil hindi man lang sumagi sa isip niya ang kaklase niyang ito. "Sa-salamat." Nahihiyang tugon ni Love. "Bakit ka nagthe-thank you?" Masiglang tanong ni Gelo. Nais ng binata na pagaanin ang lahat kay Love. Batid kasi ng binata ang nararamdamang pagkadismaya ni Love sa hindi malamang dahilan ng makita niya itong aalis na sana sa gitna ng maraming tao. "Wala lang. Gusto ko lang." Tugon ni Love. Iniiwas niya ang mukha sa binata dahil baka mahalata nito ang pinipigilang ngiti sa mga labi. Kung kanina ay naiilang siya, ngayon naman ay nasisiyahan na siya. Tila naging knight in shining armor niya kasi si Gelo. "Nye! Pwede ba yun? Wala lang? Gusto mo lang?" Natatawang sagot ng binata at tila nanigas siya sa sunod na ginawa ni Love. Niyakap siya ni Love at hindi nagtagal ay tinugunan niya ang yakap ng dalaga. Magkayakap sila habang nagsasayaw. May kaunti silang narinig na kantiyaw mula sa kanilang mga kaklase ngunit wala ng pakialam si Love. Masaya siya dahil may isang Gelo na concern sa kanya. Isang Gelo na muntik na niyang makalimutan. Sa hindi malamang kadahilanan, hindi napigilan ni Love ang kanyang emosyon. Hindi rin niya alam kung bakit siya umiiyak. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya kay Gelo at ganun rin ang binata. Naramdaman ni Gelo ang pag-iyak ni Love at nais niya sana itong tanungin ngunit nanatili itong tahimik. Nang matapos ang unang kanta ay lumuwag na ang pagkakayakap ni Love kay Gelo. Kinuha agad ng binata ang panyo sa bulsa ng pantalon nito at kusa niyang hinarap ang mukha ni Love upang punasan ang luha sa maganda nitong mukha. "P-pasensiya na, ha." Nauutal na wika ni Love "Wala yun. Hindi ko na tatanungin kung bakit ka umiyak pero alam kong hindi iyon tears of joy. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, hinding-hindi kita paiiyakin at kung sakaling hindi maiiwasang mapaiyak ka, sisiguraduhin kong tears of joy iyon." Dire-diretsong sabi ni Gelo. Napatulala si Love sa kanya. Hindi pa nagsisink-in lahat sa sistema ni Love ang mga sinabi ng binata. "Love, payagan mo akong ligawan ka. Gustung-gusto na kita first day of school pa lang. Natakot ako na lapitan ka pero naisip ko na kung hindi ako gagawa ng move, hindi ko malalaman ang mga tanong sa isip ko. Naghintay ako, Love. Naghintay ako sa tamang pagkakataon. At ito na iyon. Kaya sana, payagan mo akong manligaw sa iyo." Nagsusumamong wika ng binata at tuluyan na ngang nagsink-in sa utak ni Love ang nais iparating ito. Hindi sumagot si Love. Hindi niya alam kung paanong sasabihin na hindi siya pumapayag. Naaawa siya para rito. Ayaw niya itong paasahin ngunit natatakot at nahihiya siyang i-reject ito. Sa maikling minuto na iyon ay marami na agad ang pumasok sa kanyang isipan. Hindi siya pwedeng magpaligaw dahil hindi pa siya pwedeng magnobyo. Nahihiya siya sa kanyang Uncle at siguradong makakarinig siya ng maaanghang na salita mula sa kanyang Auntie Charity. Ayaw niyang madisappoint sa kanya ang mga kasama niya sa bahay. Lalo na sa panahon ngayon na kapag may pinakilala kang manliligaw o nobyo ay iisipin nila agad na ikaw ay mag-aasawa na. "I'll take it as a yes. Siguro nahihiya ka lang. You're time is over. Hihintayin kita sa pag-uwi ninyo mamaya." Nakangiting sabi ni Gelo. Hindi na namalayan ni Love na natapos na ang alloted time para sa kanila. Nagformation muna sila bago bumalik sa kani-kanilang posts. Kaniya-kaniyang kwento ang tatlo niyang kabuddy na kasama sa post habang si Love naman ay lumilipad ang isip. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit hindi pa niya pinrangka si Gelo. Naiinis siya sa sarili. Imbes na wala siyang iisipin, nagkaroon tuloy at natetensyon siya. Hindi siya natutuwa sa nangyayare. "Hoooy! Nakikinig ka ba Love?" Sabi ni Jai sa kanya. "A-ah oo. Oo." Pagsisinungaling ni Love. "Sige nga, ano ang huling tanong ko sayo?" Paninigurado ni Jai kahit na alam niyang absent-minded si Love kanina. Hindi nakasagot si Love. "Kung anuman iyang iniisip mo, isantabi ni muna. Ito ang tanong ko, sinu-sino ang nakasayaw mo kanina?" Tanong ni Jai at napailing na lang si Love habang natatawa. Sa lahat kasi ng itatanong ay bakit iyon pa? Hindi pa nga siya makamove-on sa paghingi ng permiso ni Gelo sa panliligaw sa kanya tapos ay ipapaalala pa ni Jai lalo ang nangyare sa kanya kanina lamang. Sasabihin rin naman niya sa kaibigan ngunit sa ibang araw na lamang dahil may iba silang kasama. Sumapit ang alas-tres ng madaling araw. Antok na antok na sila. Kahit papaano ay nawala na sa isip ni Love ang nangyare dahil sa kadaldalan ng mga kabuddy niya. Pero hindi na rin niya mapigilan na mapahiga sa sahig dahil sa antok na nadarama. Nais pa sana niyang makinig sa kwento ni Nabong at Jacinto ngunit unti-unti siyang hinihili ng antok. Hanggang sa nagising siya makalipas ang ilang minuto at nakita niyang tulog na rin ang tatlo. Muli siyang bumalik sa pagtulog at hindi na iniintindi kung may makakita man sa kanila na natutulog silang apat. Naalimpungatan siya dahil tila may tao. Pagmulat niya ng mata ay nasilaw siya. Tinakpan niya ang mata at dahan-dahang umupo. Ganun na lamang ang pagkagulat niya ng marealize kung sino ang nagtatapat ng flash light sa kanyang mukha. Si Lovendaño!!! Dali-dali niyang ginising ang tatlo at mabilis pa sa alas-kwatro na nagsitayuan ang mga ito. Tawang-tawa naman si Lovendaño sa kanila. "Tutulog-tulog pa kayo ha! Yan! Huli kayo." Natatawang wika ni Lovendaño. Humingi sila ng pasensya sa BatCom at tinanggap naman nito iyon. "Okay lang naman matulog, basta huwag papahuli. Eh kaso nahuli." Wika ni Lovendaño. "Dahil diyan, paparusahan ko kayo. Tamang-tama, tumutugtog ang Time of my Life, sumayaw muna kayo diyan para mawala ang antok mo." Nagreact silang apat ngunit wala silang magagawa. Obey first before you complain, ika nga. Nagsisayaw nga silang apat sa post nila. Habang si Lovendaño naman ay pinapailawan sila ng flashlight na nagsilbing disco light. Makalipas ang ilang saglit ay pinahinto rin sila ni Lovendaño at nagkwento tungkol sa Acquiantance Party. Tawang-tawa silang apat nang ginaya ni Lovendaño ang parang timang na sayaw daw ng mga estudyante na nakita niya sa covered court. Sa kabilang banda, sa bawat pagtawa ni Lovendaño at sa kanyang bawat pagngiti ay lalong napapahanga niya si Love. "Paanong nagagawa pa niyang maging masaya sa kabila ng kahirapan niya sa buhay?" Tanong sa isipan ni Love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD