Chapter 16 - Short update

778 Words
Nagtatakang napakunot ang noo ni Paolo nang makita ang kaniyang kagamitan sa labas ng gate ng bahay ng kanyang Auntie Veron. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya mula sa kamay ng kanyang matandang tiyahin. Gulat at hapdi ang naramdaman ni Paolo. Hindi siya nakaimik agad dahil tila nabingi pa siya dahil sa malakas na pagkakasampal sa kanya. "Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito! Hindi mo pa rin ba naintindihan nang makita mo ang mga gamit mo sa labas ng gate?! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo sa loob ng pamamahay ko! Wala kang utang na loob! Magnanakaw ka!!!" Sigaw ng kanyang tiyahin at akmang susugurin sana muli siya nito ngunit sa pagkakataong ito ay naging maagap si Paolo. Nahawakan nito ang mga braso ng tiyahin at mahigpit nito iyong hinawakan. "Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako! Bastos kang bata ka!" Sigaw ng Auntie Veron niya. "Hindi kita bibitawan hanggat hindi ko nasasabi ito sa iyo. Unang-una, wala akong utang na loob sa iyo dahil sa mahigit isang taon kong pagtira rito, lahat yun pinagtrabahuhan ko. Halos gawin ninyo akong alipin sa loob ng basurang bahay na ito. Kahit isang pagrereklamo, may narinig ba kayo sa akin? Wala!!! At ang huli, para ho sabihin ko sa inyo, wala akong ninanakaw sa pamamahay mo. Kung anuman ang nawawala sa inyo, huwag agad ako ang pagbibintangan ninyo dahil hindi lang naman ako ang nakatira rito. Matagal ko nang gustong umalis, sa totoo lang Auntie. Salamat dahil nagkusa kayong paalisin ako rito sa impyernong pamamahay na ito. At sa huling pagkakataon, susundin pa rin kita. Hinding-hindi na talaga ako magpapakita sa pamamahay mong ito dahil hindi ko rin naman gustong manirahan kasama niyo!!" Marahas na binitiwan ni Paolo ang braso ng kanyang tiyahin at tuluyang tinalikuran ang matandang dalaga. Habang pinupulot niya ang kanyang kagamitan sa labas ng tarangkahan ay biglang buhos naman ng luha sa kanyang mga mata. "Kainis! Naparusahan na nga kami ng 1CL kanina tapos pag-uwi ko nasampal pa!" Sabi ng isip ni Paolo. Nang naiayos na niya ang kagamitan ay nagsimula siyang maglakad-lakad. Hindi niya alam kung kanino siya lalapit. Wala siyang mapagsabihan ng problema ngayon. Hindi rin naman niya nakakausap ang ina dahil walang signal sa kanilang probinsya. Nakarating siyang simbahan. Naupo muna siya sa labas at nag-isip. Makalipas ang ilang oras ay kumalam ang kanyang sikmura. Alas-diyes na nang gabi ngunit nagdadalawang-isip pa rin siya sa nais niyang gawin. Naisip niya kasing kausapin at puntahan ang kabuddy niyang si Roger dahil matalik rin naman niya iyong kaibigan. "Bahala na." Mahinang sambit ni Paolo sa sarili. Naglakas loob siyang pumunta sa bahay nina Roger. At hindi nga siya nagkamali ng nilapitan dahil welcome na welcome siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Pinaghanda agad siya ng hapunan ng nanay ni Roger at pinagtimpla pa siya nito ng gatas. Sa kabila ng kahirapan ng pamilya ng kanyang kaibigan si Roger, ay isang mabait at masayang pamilya naman sila. Tumira muna si Paolo roon ng isang linggo matapos niyang makaipon ng pambayad sa renta. Pinagsabay ni Paolo ang pag-aaral, ROTC at pagtatrabaho. Kahit ganoon ang kanyang kalagayan ay hindi mababakas sa mukha ni Paolo ang pagod. Magiliw niyang tinanggap ang pagsubok na ibinabato sa kanya at nakangiti niya itong nilalabanan. Nang dumating ang enrollment for second year ay hindi na namroblema si Paolo sa pambayad ng kanyang tuition fee. Sapat kasi ang sinasahod niya para sa kanyang allowance at pag-aaral. Nagtraining din siya sa isang kampo sa Cavite sa loob ng isang buwan dahil kailangan iyon upang maging lubos na ROTC officer. Mabait ang boss niya sa pinagtatrabahuhang restaurant kung kaya't may trabaho pa rin siya pagkatapos niyang magtraining sa kampo. Maliit lamang ang bahay na inuupahan ni Paolo. Kung tutuusin ay hindi naman iyon konkreto. Pawang mga yero ang nagsisilbing pader ng kanyang bahay. Makinis naman ang sahig niya at alaga niya ito sa pagbubunot at paglalagay ng floorwax. Napakaliit lang talaga ng bahay niya. Ang kanyang banyo ay tarpaulin lamang ng kumandidatong kapitan sa lugar na iyon ang nagsisilbing panakip o pinto. Sa ibang salita, barong-barong ang kanyang inupahang bahay at sa halagang limang daan ay walang pagdadalawang isip na sinunggaban iyon ni Paolo. Bagamat maganda naman ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Roger ay pinilit pa rin niyang makaalis sa bahay ng kaibigan sapagkat nahihiya siya at ayaw niyang kinakaawaan siya. (A/N: Short update lang po muna dahil buhay po ito ng paghihirap at pagsusumikap ni Paolo. Babalik po tayo Acquiantance Party sa next chapter at doon itutuloy ang narration. May mga bahagi kasi ng buhay ni Paolo na secret muna at bawal pa i-reveal.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD