Lalong ginanahan sa pagpasok sa eskwela si Love. Para sa kanya ay isang inspirasyon si Romero sa pag-aaral niya. Makita lang niya ito kahit isang beses sa isang araw ay buo na ang araw niya.
Napakalakas talaga ng dating nito sa kanya kaya hindi na siya magtataka kung marami siyang kaagaw kay Romero. Everytime kasi na nakikita niya ang binata, palaging may pumapansin at bumabati dito at kadalasan ay kababaihan.
Napapasimangot na nga lang siya paminsan dahil halatang-halata na kilig na kilig ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya.
Sa pagkakatanda niya ay Education student si Romero noong minsang nagpakilala ito sa stage noong NSTP Orientation. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting panghihinayang dahil ka-course na sana niya ito kung hindi lang siya lumipat ng DCS. Edi sana ay mas madalas niya itong masisilayan dahil magkabuilding lang sila.
Mabilis na lumipas ang araw, at pumatak nanaman ang araw ng Sabado.
Lahat sila ay nakasuot na nang asul na tshirt na may logo ng eskwelahan at may tatak NSTP sa likurang bahagi at nakamaong na pantalon.
Nagkaroon ng maikling program at maya-maya lamang ay pinalabas na sa kanila ang classcard para sa NSTP subject.
Oras na para mamili ng mga estudyante kung ano ang pipiliin nila. Nagkaroon ng tatlong hanay. Pipili na sila kung LTS, CWTS o ROTC.
Pinaka kaunti ang pumila sa LTS at pinakamarami sa ROTC.
Sina Jai, Monic at Love naman ay nagtatalo-talo pa.
"Ano sa inyo?" Tanong ni Love.
"ROTC." Sabay na sagot ng dalawa.
Nalungkot si Love sa desisyon ng dalawa.
"MagLTS na lang tayo. Alam nyo naman na gusto ko talagang maging teacher pero hindi ko na iyon matutupad diba? Kahit sa LTS man lang, makaranas akong makapagbigay ng serbisyo at makapagturo." Pamimilit pa ni Love ngunit buo na ang desisyon ng dalawa.
Bagsak ang balikat niyang pumila sa LTS at magkasama namang pumila si Jai at Monic sa ROTC.
Malapit na si Love para magregister sa LTS nang may mareceive siyang text mula kay Monic.
Tumingin ka sa harap ng pila namin -Monic.
Pagkabasa ni Love sa text na iyon ay agad nga siyang lumingon doon.
Muntik nang maghugis puso ang mga mata niya pagkakita niya kay Romero na kasalukuyang nag-aassist sa mga nais magROTC. Nakasuot nanaman siya ng BDA uniform. Mas gwapo siya kapag nakaBDA at ang lakas talaga ng dating. Napakasnappy pa nitong tignan.
"Next!" Sabi ng coordinator sa LTS. Siya na pala ang sunod ngunit agad siyang humingi ng paumanhin at sumingit sa pila nila Jai and Monic.
Nagbago na ang kanyang isip. Lilipat na lang pala siya ng ROTC.
"Oh ano? Lilipat ka rin pala eh." Sabi ni Jai na todo ngiti pa.
"Hooy! Syempre, di ko kaya kayang mawalay sa inyong dalawa. Diba nga, one for all, all for one." Pagpapalusot ni Love. Agad naman niyang nakita sa mga reaksyon ng kaibigan ang pagdisagree sa sinabi niya. Halatang hindi naniniwala.
Pero sa maniwala man sila o hindi, nalulungkot talaga siya na magLTS mag-isa. Isa rin talaga ang mga kaibigan niya sa rason kung bakit niya pinili ang ROTC.
Habang nakapila ay napadako naman ang paningin niya sa pila ng CWTS. Nagulat pa nga siya na makitang nakapila doon si Cherry. Akala niya ay ROTC ang pipiliin nito dahil kay Lovendaño.
Pangsampu si Love sa pila. Malapit na siya. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang may kumalabit kay Romero na babaeng ROTC officer din na may nakaburdang Caballero sa BDA uniform. Pinalitan nito si Romero sa pwesto niya.
"Ay! Hala wala na si Sir Romero!"
"Ano ba yan! Kung kailan malapit na tsaka naman pinalitan."
"Ano ba naman yan!"
Nakarinig din siya ng iba't-ibang reaksyon at komento sa pag-alis ni Romero. Nagkatinginan na lang silang tatlo na magkakaibigan.
Sa mga tinginan at ngitian pa lang nila ay nagkakaintindihan na sila.
Napakarami talagang karibal ni Love kay Romero. Ganoon siguro talaga kapag ROTC officer, malakas ang dating, nakakaguwapo at nakakaastig naman tignan sa babae.
Nang matapos ang registration sa ROTC ay pinaghiwalay ang formation ng lalake sa babae. Nauna nang natapos ang LTS kanina at dumiretso sila sa Education Building habang ang CWTS naman ay dumiretso sa College of Business Bldg. Ang ROTC naman ay naiwan sa covered court.
Nahati na sila sa dalawa. Inayos din sila according sa kanilang height. Una ang matatangkad sa pila hanggang sa pinakabansot.
At nang maisa-ayos sila ay nakabuo sila nang walong platoon. Apat na platoon sa babae at apat na platoon din sa lalake.
Matangkad si Love kaya napabilang siya sa Alpha Company habang si Jai at Monic naman ay napabilang sa Bravo Company.
Next Saturday pa naman daw ang training day at kailangan nilang tandaan ang kanilang platoon at company. Bawat platoon ay mayroong platoon leader at para hindi magkalimutan ng platoon ay kinuha nito ang mga pangalan nila.
Nang makuha na ang mga pangalan nila ay pinagform uli sila ng ROTC Officers.
Nang nakatayo na silang lahat ng maayos ay nagkanya-kanya na ring puwesto ang mga ROTC officers.
May apat na company commanders. At may anim na officers pa ang nasa unahan nang isa pang pinakaboss sa lahat ng ROTC officers o tinatawag nilang Batallion Commander.
Maliit at kaunti lang naman ang cadets at officers kaya Batallion lang ang kaya nilang buuin. Hindi tulad sa ibang eskwelahan na ilang batallion ang mayroon.
Laking gulat talaga ni Love nang magsimulang sumigaw si Lovendaño at magcommand. Napakalakas ng boses nito at rinig na rinig sa buong covered court. Maski yata sa katabing building ay maririnig iyon.
Si Lovendaño pa pala ang pinakabatallion commander. Hindi niya iyon inaasahan. Isang batallion commander pala ang bumuhat sa kanya noong NSTP Orientation. Habang si Romero naman ay company commander.
Well, kahit ganoon ay proud pa din si Love kay Romero at hindi mababago ang pagtingin niya dito.
Tinuruan sila ng mga basic drills pati na rin kung paano ang tamang pagtayo. Ilang degree ang buka ng paa at kung nasaan ang mga kamay nila. At ang pinakaimportante, dapat ay tiger look. Bawal ang patawa-tawa kundi mase-mase ang buong platoon dahil kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat.
Nag-inform na din sila ng mga dapat dalhin sa kanilang first training day next Saturday. Tickler, white handkerchief, hair net, garisson belt at magsuot ng white socks.
Kinausap sila ng mga officers. Maski babae ay ang lalakas ng boses. Hiyang-hiya naman ang boses ni Love na napakahinhin at hindi yata marunong manigaw. Kung sisigaw man si Love ay baka pumiyok agad ito dahil soft spoken siya. Baka nga makatulog pa ang kausap ni Love kapag nagsasalita siya dahil sa malamyos na boses niya.
Sinabihan sila kung sino daw ba ang willing maging ROTC officers someday.
Maraming nagtaas ng kamay. At ang mga nagtaas ng kamay ay pinaformation sa isang gilid.
Nagulat na lang siya nang makita ang dalawang kaibigan na nakaformation kasama ang ibang gustong maging ROTC officers.
Napasapo siya sa kanyang noo. Iba talaga ang trip ng mga kaibigan niya. Napipilitan na nga lang siya magROTC tapos may balak pa ang mga ito mag-officer.
Oo nga at crush niya si Romero pero wala naman siyang balak na sundan ito sa organization na iyon. Sapat na sa kanya ang makita ito araw-araw at syempre unli every Saturday, pero ang sundan pa ito doon? It's a big NO. As in no way! Hindi siya desperada. Lalo na at ang payat ng kanyang katawan. Hindi rin malakas ang loob niya. At lalong hindi malakas ang boses niya.
Astig at very intimidating ang mga ROTC officers, isang tingin lang nila ay mapapasunod ka na nila at hindi niya maimagine ang sarili na magiging kapareha nila someday. Baka nga kapag naging ganoon siya ay bastus-bastusin lang siya dahil hindi siya powerful tignan. Kaya no no no no talaga.
Maya-maya lamang ay inayos uli kami nang aming platoon leader dahil ididismissed na daw kami ayon sa aming company commander.
Nang maayos na ang lahat at nasa kanya-kanya nang pwesto ay nagmartsa-martsa pa ang anim na officer sa harap ni Lovendaño. Hindi niya talaga maiwasang humanga. Mapababae man o lalake ay napakapino ng kilos at pare-parehong may pitik.
"Talupaaaaad!! Humanda!!"
"Harap sa likod, rap!"
"Tiwalag!"
"Sir, thank you, Sir!" Sabay sabay na sabi ng mga kadete bilang tugon sa kanilang batallion commander.
Sumenyas si Love na mauuna na siyang umuwi kina Jai and Monic. Bahala na sila sa buhay nila basta uuwi na si Love. At least ay makakagawa siya ng home work nila sa Shorthand 1.
PAGDATING ng Lunes ay abala nanaman sila sa pag-aaral. Hirap na hirap si Love sa subject nilang Shorthand 1 dahil tila bumalik siya sa kinder na kung saan ay nagsisimula pa lamang siyang matutong sumulat.
Everyday kasi ay may panibagong brief forms silang dapat na tandaan at isaulo dahil iyon ang mga salitang madalas gamitin. Kapag may quiz sila ay halos kalahati lang ang nakukuha niyang tamang sagot.
Matalino naman si Love, magaling siya sa lahat ng subject maliban na lang sa Shorthand 1 nila. Maski ang major subject nila na typing 1 ay magaling siya dahil nasusunod niya ang mga rules sa typing and at the same time ay accurate at efficient siya.
After nila maglunch ay may 3 hours vacant time sila dahil ang professor nila sa next subject after lunch ay hindi makakapasok.
"What if ngayon na lang tayo bumili ng gregg shorthand 1 sa bookstore? 3 hours naman ang vacant time natin eh." Pag-aaya ni Love sa mga kaibigan. Napag-usapan kasi nilang bumili na lang ng libro kaysa makipag-agawan ng libro sa library. Nagkatinginan si Jai and Monic at sabay na umiling.
"Ang totoo kasi niyan Love, kapag vacant time daw namin, pwede kaming pumunta sa DMST office at doon na maglagi. Para na rin makilala namin ang iba pa naming kabuddy." Paliwanag ni Monic.
Tinaasan sila ng kilay ni Love.
"So kinacareer niyo talaga ang pagcacadet officer ah?" Nagtatampong saad ni Love ngunit nagmukha siyang nagtataray.
Tumango ang dalawa sa sinabi niya at napabuga na lang siya ng hangin.
Pumunta na ang dalawa sa DMST office at siya naman ay mag-isang tumungo sa library. Doon na lang muna siya tatambay ng tatlong oras, total naman ay naka-aircon ang library kaya masarap tumambay doon.
Isang oras pa lang ang lumipas pero bagot na bagot na si Love. Hindi siya makapagconcentrate dahil nangangatog na siya sa lamig sa loob ng library. Kaya ang ginawa niya ay ilalabas na lang niya ang libro at makikitambay na lang siya kasama ang iba niyang kaklase.
Pumila na siya sa librarian. Ibibigay pa kasi sa librarian ang library card at ililista kung anong libro ang hihiramin.
May makikidaan sa harap niya kaya bahagya siyang umatras. Ngunit sa kanyang pag-atras ay may naapakan siyang paa.
"Ay sorry sorry.." agad na sabi ni Love at agad din niyang iniangat ang paa niyang nakaapak sabay lingon sa kanyang likuran.
Muntik pa siyang maout-of-balance. Mabuti na lang maagap siyang nahawakan sa braso ng naapakan niya. Muntik na siyang mapatili. Pero nakalikha pa rin iyon ng ingay kasabay ng tunog ng pagkahulog ng libro kaya nag-sshh ang librarian.
Sobrang bilis ng pangyayare at halos manigas siya nang makitang si Lovendaño pala iyong naapakan niya.
Bahagya siyang napatulala at nung nagising sa realidad ay agad siyang umayos ng tayo.
Dumapo ang paningin niya sa librong nasa sahig at agad niya sana itong pupulutin ng may makauntugan naman siya.
"Aray." Mahinang daing niya.
Narinig niya ang pagsinghap ng ibang estudyante sa loob ng library na nakakita sa kanila.
Labis na siyang nahihiya sa mga pangyayari. Nais na lamang niyang maging kabute.
Sabay silang tumayo at sapo pa rin ni Love ang noo niyang mukhang magkakabukol. Pagtingin niya kay Lovendaño ay tila nagpipigil ito ng tawa.
"Love, okay ka lang ba?" Mahinang sabi ng kaklase niyang si Gelo na bigla na lamang sumingit.
Napasapo si Love sa ulo niyang nauntog.
"A-ah oo. A-ayos lang ako." Utal-utal na sagot ni Love. Bigla siyang kinabahan sa unti-unting pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Lovendaño.