Chapter 4

1686 Words
Nang matapos ang vacant time nilang tatlong oras ay nagsipuntahan na silang magkakaklase sa kanilang assigned classroom para sa susunod at huling subject. Wala pa sina Jai and Monic kaya nanahimik lang si Love sa upuan niya. Nalulungkot siya dahil sila na nga lang ang kaibigan niya, mukha pang mapapalayo ang mga ito sa kanya dahil sa ROTC. Nagtatampo siya sa mga ito. Siya na nga ang nag-adjust sa pagpili ng ROTC tapos pati ba naman sa pagcacadet officers nila? Pero ilang oras pa nga lang na hindi sila magkakasama sa loob ng campus ay nalulungkot na siya paano pa kaya sa mga susunod na araw? Hindi nagtagal ay dumating na ang dalawa. Nginitian lang sila ni Love nang makaupo ang mga ito sa tabi niya ngunit hindi na niya kinausap pa hanggang sa matapos ang klase nila. Isang oras lang naman iyon kaya alas-kwatro pa lang ng hapon. Ngayon sana ang usapan nila na bibili ng libro right after daw ng class. Ngunit heto nanaman ang dalawa niyang kaibigan, babalik daw sa DMST office at nakikisuyo pa na kung pwede ay siya na lang ang bumili ng libro nila sa bookstore. Tahimik lang na pumayag si Love at nang maiabot na sa kanya ang pera nila ay agad din niyang tinalikuran ang dalawa. Nakayuko siya habang naglalakad sa gilid ng daan sa loob ng university. Para if ever may dumaan na sasakyan, hindi na siya paharang-harang pa. Ngunit agad din siyang napaangat ng tingin ng makarinig siya ng mga yapak na sabay ang tunog. Makakasalubong lang naman niya ang mga ROTC officers na nakaathletic attire habang nagjojogging. Umakyat agad siya sa gutter at hinayaan na makalampas ang mga ito. At siyempre, hindi nakatakas sa paningin niya ang nag-iisang inspirasyon niya. Si Papa R. KINABUKASAN, nagulat na lang si Love na nasa classroom na ang dalawa niyang kaibigan. Himala dahil ang aga ng mga ito. Siya kasi lagi ang nauuna sa kanilang tatlo. Dala-dala na niya ang librong gregg na pinasuyo sa kanya kahapon. "Good morning, Love!" Masiglang bati sa kanya ng mga kaibigan. "Good morning!" Bati rin niya dito ngunit kinulang ng energy at hindi napantayan ang mataas na energy ng dalawa. Nilapag lang ni Love sa armchair ng dalawa ang libro nila. Umupo na siya sa gitna nilang dalawa at sabay na kumapit ang mga ito sa braso niya at humilig pa sa balikat niya. "Huwag ka na magtampo, Love." Wika ni Monic. "Kahit di mo aminin, ramdam namin." Sabi naman ni Jai. Napahagikhik tuloy si Love dahil ang lalambing ng mga kaibigan niya ngayon. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na sinusuyo nila siya ngayon. Hindi nila alam na may nabuo na siyang desisyon mula pa kagabi. Iyon ang huling nasa isip niya bago siya makatulog. "Ano ba kayo! Okay lang sa akin." Sincere na sagot ni Love. "Talaga? Okay lang?" Paninigurado ni Jai. Tumango lang si Love. "Alam mo ba Love, ang saya-saya doon. Marami kaming nakilala na taga-ibang course. Tapos mawawala talaga ang hiya mo dahil nagpatalent portion sila kahapon. Ang saya lang talaga, puro lang kami tawa." Pagkukwento ni Monic. "Kaya nga eh! Kaso nga lang, hindi talaga naging buo ang saya namin ni Monic. Alam mo ba kung bakit?" Ani Jai. Ibig niyang mapangiti dahil alam niyang hinihikayat siya ng mga kaibigan niya. "Bakit?" Sagot niya sa tanong ni Jai. "Kasi wala ka..ayiiieh!" Sabay na sagot ng dalawa sabay sundot sa tagiliran niya na ikinatawa naman niya dahil nakiliti siya. "Eh ginusto niyo naman iyan eh. Nagsasaya kayo tapos ako etsapwera na. Ganyan naman kayo eh!" Kunwaring pagtatampo ni Love. "Sa totoo lang, hindi ka naman namin pipilitin eh. Kasi ito talaga ang gusto namin. Hindi ka ba naaastigan sa mga female cadet officers? Ako kasi, pagkakita ko pa lang sa kanila, napasabi agad ako na.. gusto ko din maging tulad nila.. na balang-araw..makakapagsuot din ako ng uniform nila.." ani Monic na tila nagde-day dream pa. "Korek! Tsaka Love, kapag tuluyan kaming naging COQC, mas madalas na kami doon. Kapag vacant time ay doon na kami tatambay. Kapag uwian, didiretso uli kami doon dahil kailangan namin magreport. In short, hindi ka na namin madalas makakasama." Sabi naman ni Jai. "Tsaka ayaw mo nun, mas madalas mo nang masisilayan si Papa R." Wika naman ni Monic. Napaikot ng wala sa oras ang kanyang mga mata at pinipigilan na mapangiti. "Pag-iisipan ko." Maikling tugon ni Love. Pero ang hindi nila alam ay nakapagdesisyon na siya at super excited na din siya. Sunud-sunod ang klase nila tuwing Tuesday at Thursday. Walang vacant time sa umaga at tanging lunch break lang ang pahinga. Ngunit mas maaga naman ang uwi nila dahil hanggang alas-dos lang ng hapon ang klase nila. Nasa hallway na sila sa ground floor ng building at oras na para umuwi. Expected na niyang didiretso na ng DMST office ang dalawa kaya naman bago pa sila maghiwalay ng landas ay nagsalita si Love. "Wait lang. Monic.. Jai.." ani Love. Tahimik lang na tumingin ang mga kaibigan niya sa kanya. "Ang totoo niyan, ilang beses kong pinag-isipan ito.." panimula ni Love. Ngunit nagsisimula pa nga lang siya ay agad nang niyakap siya ng dalawa ay nagtatatalon pa. "Omg! Sasali ka na rin sa amin?" Excited na tugon ni Jai. Tumango na lang si Love bilang sagot. "Oh eh ano pang hinihintay natin, tara na!" Sabi naman ni Monic sabay hila sa kanya para pumunta na ng DMST office. Ngunit hindi nagpahila si Love. Kaya naman, napatingin muli ang dalawa sa kanya. "P-pwede pa naman siguro sa susunod diba? Kasi hindi pa ako nakapagpaalam sa Uncle ko. Kailangan ko munang sabihin sa kanila ang tungkol dito." Nahihiya pa niyang sabi. Kahit naman kasi nakapagdesisyon na siya para sa sarili niya ay kailangan pa rin niyang ikonsidera ang Uncle Reynold niya na siyang nagpapaaral sa kanya. Nagkatinginan si Monic and Jai. "Gusto mo, samahan ka namin?" Alok ni Monic na agad namang tinanggihan ni Love. "Ako na ang bahala. Huwag nyo na akong samahan magsabi kay Uncle Rey." Ani Love. Lumapit sa kanya si Monic at inakbayan siya. "Actually, may mga benefits din naman na makukuha tayo doon. Kapag naging ganap na cadet officers tayo, may scholarship tayong makukuha. Ang saya nun, diba?" Mahinang sabi sa kanya ni Monic na sinegundahan pa ng pagsang-ayon ni Jai. Nagningning naman ang mga mata ni Love sa narinig. Scholarship. Pero syempre, kailangan paghirapan para makakuha nun. Kapag siguro nagkaroon siya ng scholarship ay baka makapag-aral na siya ng 4 year-course. PAGKATAPOS nilang maghapunan ay saktong tumambay pa ang Uncle Reynold niya sa veranda habang nagtsa-tsaa. Mabilis niyang tinapos ang kanyang hugasin at dali-daling pumunta sa kinaroroonan ng kanyang Uncle. "Ahm, Uncle Rey.." tawag dito ni Love. Nilingon naman siya agad nito at nginitian. "Ano'ng sa atin?" Napahawak pa si Love sa laylayan ng damit niya. Kinakabahan siya dahil baka hindi siya payagan. Pero gagawin naman niya ang lahat upang payagan siya nito. "Uncle, magpapaalam po sana ako sa inyo." Nakayuko niyang sabi. "Hindi pwede." Matigas na sagot ng uncle niya. Hindi siya makapaniwala sa naging sagot ng kanyang uncle. Hindi pa nga niya nasasabi tapos hindi na agad siya pinayagan. Tumingin ito sa kanya ng may nakakalokong ngiti atsaka tumawa. "Biro lang. Halika nga rito! Maupo ka riyan. Ano bang ipagpapaalam mo?" Sabi ng tiyuhin niya. Napangiti na rin si Love at nakahinga ng maluwag. Umupo siya sa tabi ng kanyang uncle at tumingin dito ng seryoso. "Gusto ko po sana magjoin sa ROTC para maging officer." Panimula ni Love. Hindi nakatingin ang uncle niya sa kanya. At nang walang makuhang tugon mula rito ay muli siyang nagsalita. "Kapag naging ganap po akong officer, may inooffer na scholarship ang school namin. Magkakaroon na po ako ng chance na magkaroon ng bachelor's degree." Pangungumbinse pa niya sa kanyang tiyuhin. Sa wakas ay napatingin ito sa kanya nang nakangiti. Tumango ito sa kanya. Napangiti rin si Love dahil sa positibo nitong tugon. "O sig---" "Sigurado ka? Gusto mo maging ROTC officer? Alam mo ba ang pinapasok mo? Habang ganyan kapayat ang katawan mo, kakayanin mo ba? Dinadahilan mo pa ang scholarship eh kapag naaksidente ka diyan edi mas malaki ang gastos!" Sabat ng kanyang Auntie Charity na kanina pa pala nakikinig sa kanila. Sabay silang napatingin dito. Ang kaninang kaunting pag-asa ni Love ay biglang naglaho. Kahit sanay na siya sa pagiging kontrabida ng kanyang Auntie Charity ay hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa mga pinagsasabi nito. "Charity naman oh. Hayaan natin si Love sa kagustuhan niya. Hindi na nga niya nakuha ang gusto niyang kurso tapos pipigilan mo pa siya sa gusto niyang gawin. Bakit hindi natin siya pagbigyan ngayon? Hindi naman niya susubukan ang isang bagay kung alam niyang hindi niya kaya. Si Love ang mas may higit na nakakaalam sa kakayanan niya. Kaya napagdesisyunan ko na payagan siya." Pagtatanggol sa kanya ng uncle niya. Napangiti siya dito ng kaunti. Pagtingin niya sa kanyang Auntie Charity ay nakatitig pala ito sa kanya ng masama. Nagbaba na lang tuloy siya uli ng tingin. "Siguraduhin mo lang Love na hindi mo kami mapeperwisyo sa pagROTC ROTC na iyan ha! Dahil hindi kami mag-aaksaya ng pera para sayo!" Sabi nito sabay pasok sa loob ng kanilang bahay. Inakbayan naman siya ng kanyang tiyo. "Pagpasensyahan mo na ang Auntie mo. Nagmemenopause na kasi eh." Bulong sa kanya nito na ikinahagikhik naman niya. Alam na alam talaga ng uncle niya kung paano pagagaanin ang kanyang kalooban. Eversince ay hindi siya pinatunguhan ng maayos ng Auntie Charity niya. Palagi itong galit sa kanya katulad ni Cherry. Ayaw naman niyang alamin kung ano ang kinagagalit ng mga ito sa kanya at baka mas lalo pa siyang pag-initan. "Susuportahan kita anak sa gusto mong iyan. Magsabi ka lang sa akin kapag may kailangan ka ha?" Sabi pa nito sa kanya. Maluha luha naman niyang niyakap ang kanyang uncle. Nagiging emosyonal talaga siya kapag naririnig niyang tinatawag siyang anak ng uncle niya. Lumaki kasi siyang walang ama kaya nakita niya ang mga katangian ng isang ama sa kanyang uncle at kahit hindi nito alam ay ama talaga ang turing niya dito. "Salamat po, Uncle Rey."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD