Dumating ang araw ng Sabado at ito ang kanilang First Training day.
Kahit pinayagan na si Love ng kanyang Uncle ay hindi pa rin niya ito pinapaalam sa mga kaibigan.
Kahit nakapagdecide na kasi siyang saluhan ang mga kaibigan sa ROTC ay tinitimbang pa rin niya kung kaya ba talaga niyang maging isang cadet officer.
Nakaformation sila sa loob ng covered court. May mga bagong dating na galing pa sa ibang school para lang makapagROTC. Criminology students ang mga ito na galing pa sa private school. Wala pa kasing ROTC unit sa kanila kaya dumadayo pa sila ng ibang university para makapagROTC. Balita ni Love ay CWTS at LTS lang ang available sa school ng mga criminology students na iyon.
Nakapusod silang mga babae na nilagyan ng hairnet ang binilog na buhok. Nasita pa nga siya ng isang babaeng officer na nagngangalang Caballero dahil hindi neat ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Pansinin kasi si Love dahil siya ang tandis. May mga baby hair kasing nakakatakas at tumitikwas. Pinayuhan siya nito na mag gel o kaya gumamit ng hair spray sa susunod. Pinakagat pa nito sa kanya ang kanyang labi. Masyado daw kasing halata ang liptint na nilagay niya sa kanyang labi. Nahiya tuloy siya. Kaya kasi siya naglagay nun ay dahil maputla ang mga labi niya.
Nakahinga na siya ng maluwag ng umalis na sa kanyang harapan si Caballero.
Tinuruan nanaman sila ng basic drills. Paminsan pa nga ay natatawa siya sa iba na hindi agad makagets ng tamang pagharap sa kaliwa at kanan. Iyong iba ay nalilito kung saan ba ang kanan at kaliwa kaya ang ending ay nagkakaharapan ang mga ito.
Pinaupo muna silang lahat. Naka-indian sit sila habang nakalagay ang mga nakatikom na kamay sa magkabila nilang tuhod. Straight body at dapat diretso lang din ang tingin.
Nagsalita ang isang officer na lalake na may kaliitan na nagngangalang Suarez na siyang Battalion S3.
Pagalingan daw ng company sa pag-execute ng mga basic drills. Dapat daw ay sabay-sabay at iisa ang yabag at pagpadyak ng mga paa.
Alpha Company ang una. Dalawang platoon lang ang meron sa bawat company, ang Alpha 1st na puro lalake at Alpha 2nd na puro babae. Kabilang sa company na iyon si Love kung kaya't sabay-sabay silang tumayo.
"Humanda!" Panimulang sigaw ng Alpha Company Commander na si Romero. Hindi niya akalaing ito pala ang kanilang company commander dahil busy ito noong nakaraang Sabado. Kaya naman, mula pa kanina ay buong-buo na ang araw ni Love. Hindi niya maiwasang magpigil ng ngiti sa tuwing humaharap sa kanila si Romero at magcocommand. Kahit nasa Alpha 2nd siya at bahagyang nahaharangan ng mga kalalakihan sa Alpha 1st si Romero ay hindi iyon alintana ni Love dahil para sa kanya ay tanging si Romero lamang ang nakikita niya.
Napakagwapo talaga nitong tignan sa suot na BDA at napakaganda ng tindig.
Lahat nang kadete sa Alpha Company ay matikas na tumayo.
"Snappy ah." Komento ng isa sa mga ROTC GMA instructor na kasalukuyang nanunuod sa kanila.
Nagsimulang magcommand si Romero at naging matagumpay ang drillings nila. Walang kahit isa na nagkamali kung kaya't umani iyon ng papuri at palakpakan.
"Handa, Palakpak!" Sigaw ni Suarez at lahat ay sabay-sabay na nagmilitary clap.
Clap clap, clap clap clap, clap clap clap clap, clap clap, "WHO ARMY!!"
Sumunod ang Bravo Company. Matitikas din ang tayo ng mga ito subalit maraming palpak sa drillings kung kaya't mas magaling pa rin ang Alpha Company.
Ganoon din ang nangyari sa Charlie at Delta Company at napuno ng tawanan ang covered court dahil sa mga palpak na kadete.
Tawang-tawa sila kapag may nagkakamali ng pagharap sa kaliwa o kanan. Mayroon pa nga na nagkamali sa pagharap kaya ang ginawa ng nakaharapan niya ay tinalikuran siya para maging pareho sila ngunit huli na para marealize ng kadete na iyon na tama naman pala siya noong una. Na sana pala, hindi na niya ginaya ang kanyang nakaharap.
Nang matapos ang basic drillings ng lahat ay pinatayo silang lahat. Nag-inform na ang sunod na gagawin nila ay ang classroom instruction. Ngunit inaayos pa ang mga room na gagamitin nila kung kaya't maghihintay pa sila ng hudyat para dito.
"Sino dito ang tumawa kanina? Itaas ang kamay." Wika ni Suarez.
Bakas sa mga mukha ng kadete ang pagtataka ngunit kahit ganoon ay may mangilan-ngilan pa rin na nagtaas ng kamay.
"Sila lang? Eh halos lahat kayo ay tumatawa kanina eh." Nakapameywang na sabi pa uli nito.
Marami pa rin ang nagtataka sa biglaang pagtatanong ni Suarez. Isa na doon si Love na kung pwede lang magtaas ng kilay ay ginawa na niya.
Aminadong tawang-tawa si Love kanina pero pigil na pigil ito at hindi nagpapakita ng pagiging lousy. Naiinis pa nga siya sa ibang kadete na nagagawa pang pumalakpak at humalakhak na para bang walang bukas habang nanunuod ng company drill.
"Okay, lahat ng nagtaas ng kamay, ibaba niyo na ang kamay niyo at pumunta kayo dito sa harap." Agad namang tumalima ang may sampung kadete. Tila naiinis naman si Love sa kahihinatnan ng gustong mangyari ng Suarez na ito.
"Lahat ng hindi nagtaas ng kamay, tumayo."
Slow motion pa ang pagkakatayo ng iba. Halatang nagpapakiramdaman pa kung may kikilos para tumayo.
At dahil doon ay hindi nagustuhan ni Suarez ang nakikita. Si Suarez na lang kasi ang natira sa Battalion Staff dahil busy na sa pag-aasikaso ng classroom ang ibang officers.
At bilang Field/Operations officer ay nais niyang bigyang leksyon ang mga kadeteng hindi naging tapat at nagpakalousy habang nagdri-drillings ang ibang company.
"Humanda!" Sigaw ni Suarez. Napakaseryoso na nang pagmumukha nito at halata ang pagkadisgusto
Agad namang nagsitayo ng tuwid ang mga kadete.
"Lahat kayo, SQUAT!!" Sigaw ni Suarez.
Sumunod ang lahat sa kanya. Nagsquat din ang sampung tapat na kadete ngunit pinigilan niya ang mga ito.
"Lower."
Binabaan naman ng mga kadete ang pagkakasquat.
Ngunit may nakikita pa rin si Suarez na madadaya at hindi proper ang pagkakasquat.
Karamihan pa man din sa mga madadayang kadete ay mga lalake kung kaya't pinupuntahan niya ito at tinuturuan ng proper squatting.
May limang minuto na rin na nakasquat ang mga basic cadets at nakasimangot na si Love.
Ito ba ang gusto nila Jai at Monic? Sabi ng isip ni Love. Napapairap na lang siya sa isip niya dahil tagaktak na ang kanyang pawis sa noo.
Hindi nagtagal ay pina-attention silang lahat kung kaya't tumayo na sila ng tuwid.
Tumingin saglit sa suot na relong pambisig si Suarez at nag-anunsyo.
"15 minutes break! Time: 10:15am. 10:30 dapat nasa Magsaysay Building na kayo. Alpha Company, room 101. Bravo Company, room 102. Charlie company, room 103 at Delta company, room 104. Maliwanag?!"
"Sir! Yes, sir!!" Sabay-sabay na sagot ng lahat.
ANTOK na antok na si Love sa classroom instruction. Wala kasi dito ang mga kaibigan niya. Kung bakit kasi ang tangkad niya at mas maliliit sa kanya ang mga kaibigan. Ayan tuloy. Mag-isa siya sa Alpha Company. May mangilan-ngilan din naman siyang kaklase doon pero hindi naman niya iyon kaclose.
Pinakopya sa kanila ang Chain of Command.
Pinakopya rin sa kanila ang mga listahan ng mga ROTC officers at mga designation nito.
Makalipas ang ilang sandali ay pinaliwanag sa kanila ang mga duties and responsibilities ng Battalion Staffs.
Bago maglunch ay natapos na ang classroom instruction at muli silang pinapunta sa covered court.
Unti-unting nakikilala ni Love ang mga officers dahil sa mga pangalan na nakaburda sa BDA nila. Agad din niyang naaalala kung ano ang designation nila.
Pagdating nila sa covered court ay naka-formation na ang Battalion Staff at Battalion Commander.
Agad silang pina-form ng kanilang company commander at pina-call off sila ng kanilang platoon leader upang alamin kung kumpleto na ba sila.
Nang masigurong kumpleto na ang lahat ay nag-announce lamang sila para sa susunod na training day.
Pinahiwalay muli ang mga gustong maging cadet officers. Kahit na buo na ang desisyon ni Love na magcadet officer ay hindi pa rin siya sumama doon.
Sa isip niya ay sa susunod na lang na Sabado.
Marami pang sinabi ang Battalion Commander ngunit mas pinili na lang ni Love na pagmasdan ang likod ni Romero. Naaalala nanaman niya ang unlimited silay niya kanina sa classroom instruction dahil nandoon din si Romero.
"TALUPAAAAAD!! HUMANDA!"
"Harap sa likod, RAP!!"
"Tiwalag!"
Pagkasabi nun ni Lovendaño ay kanya-kanya nang alis ang mga kadete.
Si Love naman ay nilapitan pa sila Jai and Monic.
"Bye mga besties! Mauna na ako sa inyo." Ani Love sa mga kaibigan.
Agad na sumimangot ang dalawa.
"Text-text na lang. Byeee." Muling sabi ni Love at akmang aalis na nang makitang papalapit sa kanila si Romero.
Hinarap niyang muli ang mga kaibigan at nagpigil ng tawa.
Hindi siya mapakali. Ibig niyang magtatalon at magtititili sa sobrang kilig. Hindi siya makahinga ng maayos at ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang buong mukha.
"My gosh! Anong gagawin ko guys?" Natatarantang turan ni Love. Pinapaypayan din niya ang kanyang mukha gamit ang mga kamay.
Nagkatinginan si Jai at Monic at sabay na nagsalita. "Kumalma!"
Nag-inhale exhale si Love hanggang sa kumalma siya ng kaunti.
Ngunit lalong bumilis ang t***k ng puso niya ng may kamay na lumapat sa kanyang balikat.
Agad niyang tinignan ang umakbay sa kanya at pakiramdam niya ay napunta ang lahat ng dugo niya sa kanyang mukha.
Kinagat niya ang mga labi upang mapigilan ang sarili. Hindi na niya kinakaya kaya naman dali-dali siyang nagpaalam sa dalawa at hindi na nag-abalang pansinin pa si Romero.