Dalawang linngo na ang nakalipas simula nang makabalik sila ni Alex galing New York pero hindi pa rin niya ito nakikita o kahit makausap man lang. Binisita niya ito sa office pagkagtapos ng ilang araw na wala siyang marinig na kahit na ano mula dito. Pero hindi niya nakita ito dahil sa reception pa lang ay hinarang na siya. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Tinawagan niya si Joey at sinabi nitong busy si Alex. Hndi siya nito mahaharap kaya mabuti na umuwi na lang muna siya. Sasabihin nito sa amo na nagpunta siya at ipaparating dito na gusto niya itong makausap. Nagtataka man at naguguluhan kung ano ang nangyayari ay umuwi siya gaya ng sinabi ni Joey pero binilin niya na patawagin sa kanya si Alex at gusto niya itong makausap. Pero walang Alex na tuma

