bc

In Between

book_age18+
208
FOLLOW
2.1K
READ
second chance
friends to lovers
drama
secrets
like
intro-logo
Blurb

Bea & Alex

Alin nga ba ang dapat piliin?

Pagkakaibigan na pinagkaingatan sa napakatagal na panahon?

Pagmamahal na pinayabong ng panahon pero hindi pa ring magawang aminin?

Sa pagitan ng kaibigan at pagmamahal, alin nga ba ang dapat na mas matimbang?

chap-preview
Free preview
Bea & Alex - I
Halo-halo ang nararamdaman niya habang pinapanuod si Kris at Alex na nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Ngayon ang engagement party ng dalawa at bestfriend niya ang groom to be na si Alex. Magkaklase sila mula high school, isa siya sa mga sinuwerte na makasama sa scholarship program ng school na pag-aari ng pamilya nito kaya nakapagaral siya sa school na pinapasukan ng isang Alexander Saadvedra, kung saan puro mayayaman ang nagaaral at doon niya ito nakilala na nang kalaunan ay naging matalik na kaibigan. Mahirap lamang ang buhay nila sa Quezon, kung saan nakikisaka lamang ang Tatay Gener niya at nagluluto naman ang Nanay Carmen niya ng kakanin na binebenta nito sa may harapan ng maliit nilang bahay. Dalawa silang magkapatid, siya at ang Kuya Banjo niya. Scholar din ito kagaya niya at nang mag-college siya ay nakatapos na rin ito ng kursong Education. Nakakuha na rin ito ng trabaho sa isang public school sa bayan at gusto nitong umuwi na siya para doon na tapusin ang pag-aaral para hindi na din siya malayo sa pamilya. Pero mas pinili niyang tapusin ang pag-aaral sa school nila Alex. Bago ang graduation nila ng high school ay nag-offer na rin ng scholarship para sa college ang eskwelahan kaya kumuha siya ng exam at nakapasa siya. Dahil sa may trabaho na si Kuya Banjo ay nadagdagan ang allowance niya kaya hindi na niya kailangan na mag-trabaho na kagaya noong nasa high school siya. Kasama sa scholarship ang dorm at allowance para sa food at iba pang gastusin. Pero kulang pa rin iyon may mga projects na hindi kayang icover ng allowance. Nagpapadala kahit papano ang mga magulang pero hindi din kalakihan dahil sabay silang nagaaral ng Kuya niya nang mga panahon na iyon. Pero imbes na abalahin at pagalalahanin ang pamilya ay nagdesisyon siyang maghanap ng mapapasukan at suwerte naman na may nahanap siya. Natanggap siya sa maliit na convenience store na hindi naman kalayuan sa school at sa dorm niya. Mabuti na lang talaga at ang may-ari ay natulong talaga sa mga kagaya niya na nag-aaral at naghahanap ng extrang pagkakakitaan. Ang pasok niya sa klase ay alas nueve hangang alas-singko ng hapon. Ang duty naman niya sa conveninece store ay mula ala siyete ng gabi hanggang alas dose ng hating gabi, maliit lang ang sahod pero malaking tulong na rin para sa mga gastusin niya. Dahil nga sa mahirap lang sila at nakapasok lang siya sa school na iyon dahil sa scholarship ay hindi siya masyado nakikipagkaibigan. Nahihiya siya na malaman ng mga nagaaral doon na hindi siya mayaman kagaya ng mga ito. Lagi lang siyang magisa at hindi masyado nakikisalamuha sa mga kaklase. Inuubos niya ang oras sa library at pagkatapos ay dederetso na sa pinapasukang part time job. Tanda pa niya ang unang araw na kinausap siya ni Alex at hindi niya inisip o inakala na magiging malaking parte ito ng buhay niya. Isang taon mahigit na rin siyang nagtatrabaho sa convenience store nang una niyang makausap si Alex. Nagawi ito sa pinapasukan niya isang gabi na kasama si Kent, na alam niyang bestfriend nito. Base na rin sa mga naririnig niyang usapan ng mga kaklase nila na may gusto dito. Nang makita niya ito na pumasok ito sa convenience store na kasunod ang kaibigan ay kinabahan siya. Hindi niya malaman ang dapat na gawin pero kalaunan ay nakalma niya ang sarili at naiisip na hindi naman siya makikilala ng mga ito. Iba ang itsura niya ngayon kumpara sa itsura niya pag suot ang uniform sa school at sa kaiisipang iyon ay inabala niya ang sarili sa may counter at hindi na pinagtuunan ang mga ito ng pansin. Nag-rerefill siya ng display ng sigarilyo nang may tumapat sa counter at ibinaba ang mga bibilhin nito. Paglingon niya ay nakita niya na si Alexander Saadvedra ang nasa counter. Inabot niya ang mga binili nito na chips, softdrinks at may beer pa. Napaisip siya bigla kung dapat ba niya ito pagbentahan pero nagpatay malisya na lang siya at matangkad naman ito hindi halata na bata pa. Pinunch niya ang mga items at saka tumingin dito “Is that all, Sir?” Tanong niya dito “Did you have dinner?” Tanong nito na kinagulat niya. “Sorry, Sir?” Tanong niya pabalik dito “Beatrice Marie Marasigan. I’m asking if you have dinner already?” Sagot nito at mas lalo siyang nagulat na alam nito ang buong pangalan niya. Pero mas nangibabaw ang hiya na naramdaman niya na kilala siya nito at alam na nagtatrabaho siya sa convenience store. “Mister Alexander Saadvera, please let me do my work. Huwag mo naman sana ako ipahiya” nagpapakumbaba na sabi niya dito. “I understand, tinatanong ko kung kumain ka na ba ng dinner?” Tanong nito ulit sa kanya. “Tapos na po akong kumain.” Aniya dito “Ito lang po ba ang bibilin ninyo?” Tanong ulit niya at sabay ng munting hiling na sana ay umalis na ito. “Ano ang mas masarap iyong asado siopao or hotdog sandwich?” Tanong nito sa kanya na hindi siya inaalisan nang tingin. Kinakabahan man ay ginawa pa rin niya ang work niya “Ahmmm, pareho pong masarap iyong siopao at hotdog sandwich, Sir” magalang na sagot niya dito. Nakita niya ang pagngiti nito pero agad ding nawala at binalik ang seryosong mukha nito. “Then give me two pieces of each” anito. “Okey, Sir” aniya at hinanda ang additional na binibili nito. “Total amount is Eight Hundred Sixty Five, Sir” sabi niya at nilabas nito ang wallet “Pakibukod iyong balot ng siopao at sandwhich” sabi nito sabay abot sa kanya ng isang libo. “Here is your change, Sir. Thank you for coming!” Sabi niya sabay abot ng sukli at plastic nang mga binili nito. Kinuha nito ang sukli at plastic pagkatapos ay lumabas na. Lumipas ang oras at natapos na rin ang shift niya. Kinuha niya ang bag at nagpunta sa stockroom para magpalit ng t-shirt. Pagkatapos ay lumabas at nagpaalam na sa kapalitan ng shift. Paglabas niya sa pinapasukan ay laking gulat ng makitang anduon si Alex na nakasandal sa may kotse nito. Magisa lang ito at hindi na kasama ang mga kaibigan. Hindi nya ito pinansin at naglakad na palayo pero tinawag siya nito “Bea, wait” sigaw nito at wala siyang magawa kundi huminto. Nilingon niya ito “Yes, Mr. Saadvedra. How may I help you?” Tanong niya dito. Lumakad ito palapit sa kanya “You need to have dinner with me. I want to try both the siopao and sandwich. So that I will know which one is really good” Nagulat man siya sa sinabi nito ay magalang niya itong tinanggihan “Sorry, sir. Pero kumain na po ako. Salamat po sa pagimbita. Una na po ako” sabi niya pagkatapos ay nginitian ito at tumalikod na para umalis. “Miss Marasigan, I don’t think it’s wise na tanggihan ako.” Sabi nito na nagpahinto sa balak niyang pagalis. Humarap siya dito na nakakunot ang noo “What do you mean?” Naguguluhang tanong niya dito. Ngumiti ito sa kanya “Ayaw mo naman siguro kumalat sa buong campus na nagtatrabaho ka dito? nakakalokong tanong nito. Kinabahan siya sa sinabi nito, ayaw man niya ay nakaramdam siya ng takot. “Mr. Saadvedra, hindi ko po alam kung bakit mo ginagawa ito pero sana maawa ka naman sa akin. Kailangan ko ang work na ito at wala naman akong pineperwisyong tao. Sana huwag mo po naman ako ilagay sa alanganin” nakikiusap na sabi niya dito. Gusto niya sanang umiyak pero hindi siya magpapakita ng kahinaan dito. “Gusto ko lang makasabay ka sa dinner, masama ba iyon?” Tanong nito sa kanya. “Pero bakit ako? Hindi naman tayo magkaibigan? Hindi din tayo close o kahit nagusap or nagpansinan sa classroom tapos ngayon gusto mo ko makasabay sa pagkain?” Naguguluhang tanong niya dito. “Basta, ikaw ang gusto kong makasabay kumain at alamin kung ano ang mas masarap ang asado siopao ba o ang hotdog sandwich?” Sabi nito at hinila na siya palapit sa may hood ng sasakyan. Sinenyasan siya nitong umupo sa may hood at saka inabot ang siopao sa kanya. Bumuntong hininga siya, naupo sa may tabi nito at nagumpisa nang kumain. “Masarap nga itong siopao?” Sabi nito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan na dumaan sa pagitan nila. Tumango lang siya at nagmadali nang kainin ang siopao na hawak niya. Gusto na niyang makauwi at pagod na rin siya “Dahan dahan lang baka mabulunan ka” sabi ng katabi niya na ikinagulat niya kaya nabulunan siya gaya nga ng sabi nito. Nagmamadali na inabutan siya nito ng bottled water at hinagod ang likod niya. “Thank you” nahihiya niyang sabi dito “Your welcome” anito at nginitian siya. “Tama ka na masarap ang siopao but we have to taste also the sandwich para malaman natin kung ano ang mas masarap” sabi nito na kinindatan pa siya. Kinuha nito ang plastic at inabot ang isang hotdog sandwich sa kanya. “Ahmmm, sir. Hindi ko na po kaya kainin iyang sandwich busog na po ako” magalang na tangi niya dito. Tumingin ito sa kanya at hindi niya mapigilan na humikab. Tumingin ito sa wrist watch nito saka ulit tumingin sa kanya. “Late na pala.” Anito “Ihahatid na kita at sa biyahe ko na ito kakainin. Tapos itong sa iyo, ibreakfast mo na lang ha?” Sabi nito sa kanya. “Ahmmm, huwag mo na po ako ihatid. Magtricyle na lang ako” tanggi ulit niya pero hindi ito pumayag at wala na siyang nagawa kundi umuoo na lang at pagod na rin siya. Nang nakarating sa boarding house ay inabot nito ang sandwich na kinuha na rin niya at nagpasalamat siya dito sa libreng dinner pati na sa paghatid sa kanya. Bumaba siya ng sasakyan at dumeretso na ng pasok sa loob. Kinabukasan ay nakita niya ito sa campus pero hindi siya pinansin. Nalulungkot man ay binalewala niya ang nararamdaman. Malamang ay bored lang ito kagabi kaya napagukulan siya ng pansin. Natapos ang maghapon sa school na hindi siya nito pinansin or sinulyapan man lang. Kaya mabigat ang loob na pumasok siya sa pinapasukan. Natapos ang shift niya at laking gulat niya nang makita itong nasa labas na nagaabang. Kinawayan siya nito at wala na siyang nagawa kundi lumapit dito. “Ano ang mas masarap?” Tanong nito sa kanya. “Yung hotdog sandwich” sagot niya. Tumawa ito “Sabi na eh, pareho tayo ng sagot” sabi nito. Tapos ay hinila siya ulit papunta sa may unahan ng sasakyan nito. Kita niya na may plastic na nakapatong doon at kinuha nito iyon. Inilabas nito ang lagayan at inabot sa kanya. Pagkatapos ay sumenyas na umupo na siya na sinunod naman niya. Tahimik silang kumain at pagkatapos ay hinatid siya ulit. Pinakilala pa siya nito sa driver nito na si Mang Isko. Naging ganon ang routine nila sa mga sumunod na araw, nagaantay ito sa labas at may dalang pagkain. Tahimik nilang kakainin nang sabay ang dala nito at pagkatapos kumain ay ihahatid siya ng pauwi. Pero hindi pa rin siya pinapansin nito pag nasa campus sila. Ayos lang iyon sa kanya dahil hindi din naman niya alam kung anong dahilan nito sa ginagawa. Mabuti ng silang dalawa lang at si Mang Isko ang nakakaalam nang pagkikita nila. Sa ikalimang araw nang pagpunta nito ay nagkuwento siya dito tungkol sa buhay niya at ang dahilan bakit siya nagwowork. Hindi ito nagsasalita at nakikinig lamang. Nang matapos sila kumain ay nagulat siya sa sinabit nito “From now on we are friends. Parte na ako ng buhay mo at parte ka na ng buhay ko. Bawal kang tumangi, okey?” anito na inabot pa ang kamay sa kanya para makipag-shake hands. Hindi na siya nakapagsalita at inabot ang kamay nito sabay tango. Sa hand shake na iyon nagsimula ang malaking pagbabago sa buhay, siya na isang galing sa hirap ay naging bestfriend ng isang mayaman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook