Pagkatapos ng gabing iyon ay naging parte na nga siya ng buhay ng isang Alexander Saadvedra. Ipinakilala siya nito sa mga kaibigan na si Kent at Kris. Magkaiba ang reaction ng dalawa ng makilala siya, si Kent ay nginitian siya at alam niya na totoo ang ngiting binigay nito sa kanya. Samantalang si Kris ay hindi maitago ang labis na pagkagulat ng makilala siya. Nginitian siya nito pero alam niya na pilit ang ngiting ibinigay nito sa kanya.
Buong high school ay magkaklase silang apat sa school na pinatayo ng Lolo George ni Alex. Laki din ito sa hirap kaya nagsumikap makatapos ng pagaaral para mabago ang takbo ng buhay at nagtagumpay ito. Ngayon ay isa na ang Saadvedra Hotel & Resorts sa mga kilalang hotels hindi lang dito sa bansa kundi sa ibang bansa din. Pinatayo din nito ang Saadvedra University na kung saan ay may scholarship program para sa mga gustong magaral pero walang kakayahan na tustusan ang gastusin sa pagaaral at isa siya sa mga pinalad na matulungan ng scholarship na iyon.
Sa paglipas ng panahon ay naging kaibigan na din niya si Kent pero si Kris ay nanatiling mailap sa kanya. Maayos naman ang pakikiharap nito sa kanya at hindi naman siya pinapakitaan ng masama. Pero hindi din siya nito kinakausap at bihirang kibuin parang dedma lang ito sa kanya. Hindi man nito sabihin pero ramdam niya na ayaw nito sa kanya at alam niya ang dahilan kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kanya, may gusto ito sa bestfriend niya.
Nakikita niya sa kilos nito at sa mga simpleng pagsulyap kay Alex pag akala nito na walang nakatingin. Pero napapansin niya at nahuhuli ito sa kadahilanang pareho sila ng nararamdaman para sa binata. Hindi niya naisip na darating ang araw na magiiba ang tingin niya kay Alex. Pilit niyang nilabanan at indenial pa siya nung una pero sa huli inamin na din niya na napabilang siya sa samahan ng mga babaeng naiinlove sa lalaking bestfriend, mahal niya si Alexander Saadvedra ng higit pa sa pagiging magkaibigan.
Magkakaiba ang kursong kinuha nila ng mag kolehiyolo na silang apat, Accounting ang course niya, si Alex ay Business Management dahil ito ang hahawak ng mga negosyo ng pamilya Saadvedra na ito ang tanging nagiisang tagapamagna. Si Kent ay Engineering dahil sa construction business ng family nito. Si Kris ay kapareho ni Alex ng course kagaya nila Leo, Alden at Kira na nadagdag sa grupo nila.
Si Alden ay nagpakita ng interest sa kanya at nagtangka na ligawan siya na ikinagalit ni Alex. Sa unang pagkakataon ay nakita niya kung paano magalit ang bestfriend niya at simula din ng araw na iyon ay iniwasan na niyang makipagkaibigan sa ibang lalaki. Nasa huling taon na sila ng college ng ligawan ni Alex si Kris. Na sinuportahan niya masakit man sa kalooban niya pero tiniis niya ang selos at sakit dahil mahal niya si Alex at alam niyang ito ang nababagay para sa kaibigan.
Matapos ng isang buwan na ligawan ay sinagot na ito ni Kris. Nang maging offcial na magnobyo ang dalawa ay totoong masaya siya para dito. Nakikita naman niya na masaya ito sa piling ni Kris at sapat na iyon para sa kanya. Nagumpisa na rin siyang gumawa ng plano para sa sarili dahil alam niyang hindi niya magagawang kalimutan ang nararamdaman para sa kaibigan kung hindi siya lalayo. Inihanda na rin niya ang sarili dahil alam niyang mawawalan na ito ng oras para sa kanya lalo na at may girlfriend na ito.
Pero nagkamali siya ng akala, walang nagbago sa pakikitungo ni Alex sa kanya. Kung paano siya nito pakisamahan noong hindi pa nito nobya si Kris ay ganon pa din naman. Pansin nga lang niya na mas mahigpit ito ngayon sa kanya. Dati ay nakakaalis pa siya ng hindi ito kasama pero ngayon hindi na dahil hindi siya pinapayagan nito. Palagi din siyang sinasama ni Alex sa mga lakad nito at ni Kris, siya na ang dakilang chaperone sa date ng dalawa.
Tumatangi naman siyang sumama sa date ng dalawa dahil nahihiya siya sa nobya nito. Kaya lang hindi napayag si Alex at nang minsang ipilit niya ang gusto ay nagalit ito. Nawala na ito sa mood at hinatid si Kris, kita pa niya ang inis sa mukha nito ng bumaba sa kotse ng nobyo. Pagkatapos ng insidente na iyon ay hindi na siya umayaw na sumama sa lakad ng dalawa. Nahihiya man siya at nakikita ang inis sa mukha nii Kris pero ayaw niya na maging dahilan siya ulit para hindi matuloy ang date ng dalawa.
Kung dati ay tahimik lang si Kris at dedma sa presensiya niya. Nang maging girlfriend ito ni Alex ay nagiba ang trato nito sa kanya. Ang dating walang kibo ay naging open sa pagsasabi na hindi na siya dapat isama ng nobyo sa mga lakad nila at kahit pa sa lakad ng barkada dahil hindi naman niya kapareho ang mga ito ng katayuan sa buhay. Pero wala ring nangyari at hindi pumayag si Alex sa gusto nitong mangyari na hindi siya isama sa mga lakad nilang dalawa o maging si Kent ay hindi pumayag na hindi siya isasama sa lakad ng barkada.
May isang lakad ng barkada na hindi na naitago ni Kris ang inis at galit sa kanya. Doon niya narealize na talagang hindi sila magiging close na dalawa kahit pa nobya ito ng bestfriend niya. Birthday ni Leo at sa family farm nito sa Zambales gaganapin ang party. Nasa company sila ni Alex dahil aatend ito ng board meeting dahil nasa business trip si Tito Jose. Sinabi niya dito na kila Leo na siya sasabay at si Kris na ang isabay nito pero tinignan lang siya nito ng masama.
Pero ng malaman nitong buong araw ang meeting ay pinasasabay na siya nito kila Leo at ayaw nitong magintay siya ng matagal. Tinawagan nito si Kent at pinasundo siya. Bago sila makaalis ay ang daming bilin nito at balak pa nga na si Mang Isko ang magdrive para daw safe silang makarating sa farm. Pero dinismiss ni Kent ang idea na iyon at biniro si Alex na ito na lang ang ipagdrive ni Mang Isko.
Kita sa mukha nito na ayaw talaga siyang paalisin pero sa huli wala din itong nagawa lalo na ng sabihin ni Mia na inaantay na ito sa meeting room. Nang makarating sila sa bahay ni Leo kung saan ang meeting place ay nandoon na si Kris at Kira, kita ang pagkabagot at inis sa mukha ng dalawa. Kaya siguro hindi na nakapagpigil ang mga ito at nagsalita na para ipakita ang disgusto nito.
“Kira, andito na ang prinsesa, puwede na siguro tayong umalis.” Mataray na sabi ni Kris.
“Baka need pa niya magpahinga at baka pagod sa biyahe” nanguuyam naman na sagot ni Kira.
“Ay, oo nga baka pagod ang prinsesa, kahiya naman kung aalis tayo agad para bumiyahe kahit ang tagal na nating nagaantay.” Sabi ni Kris na umismid pa.
Nakaramdam siya ng hiya at bumigat ang loob niya dahil sa narinig. Yumuko siya at pinigilan ang sarili na maiyak. Baka kanina pa nga ang mga ito na naghihintay kaya hindi niya masisisi ang mga ito kung mainis at magalit sa kanya. Dahil sa kanya kaya hindi nakaalis sa tamang oras.
“Prinsesa?” Narinig niyang tanong ni Kent sa iritadong boses “Excuse me, Kris. The last time I check Bea is the queen and if both of you are upset because we are late just ask King Alex, ok?”
“May problema ba, Kris? Kira?” Tanong ni Leo sa dalawa na iritable din ang boses. “Kung hindi niyo pala gusto na magintay dapat sinabi ninyo earlier para pinauna ko na kayo. Please don’t make the queen uncomfortable. Alam ninyo kung paano magalit ang hari.”
Wala siyang narinig na sagot mula sa dalawa. Bumigat lalo ang loob niya dahil baka magaway ang mga ito ng dahil sa kanya. Kinampihan siya nila Kent at baka lalong magalit ang dalawa sa kanya. Inangat niya ang ulo at tumingin sa dalawa “Pasensiya na, Kris and Kira. Sorry talaga.” Hingi niya ng pasensiya sa mga ito.
“Hindi mo need magsorry, Queen B.” Sabi ni Kent “Wala kang kasalanan. Kris know your place. Alam mo na wala ka sa posisyon para magsalita ng ganyan kay Bea, even you Kira.”
Kita niya ang gulat sa mukha ni Kris sa narinig buhat kay Kent maging si Kira ay tila namutla. “I don’t. .”
“What is happening here?” Boses na pumutol sa kung anumang sasabihin ni Kris.
Hindi na niya kailangang lumingon dahil alam niya kung kaninong boses iyon. Natahimik naman ang lahat at walang gustong magsalita. “Kanina pa ko tumatawag sa iyo, B.” Sabi nito na nasa likuran na niya. Hindi siya makapagsalita dahil naiiyak siya.
“Lo-love, akala ko mamaya ka pa?” Tanong ni Kris dito at naglakad papunta kay Alex.
Pero hindi nito sinagot ang tanong ng nobya at inikot siya paharap dito. Tinignan siya sa mukha at kumunot ang noo. Alam nito na may iniinida siya at hindi nga siya nagkamali dahil sa sunod na sinabi nito “What’s wrong?” Anito at dinig niya ang pagaalala sa boses nito.
Hindi siya sumagot at umiling lang pero dahil siguro sa bigat ng nararamdaman ay tumulo ang luha niya at hindi na niya napigilan ang mapahikbi. Yumuko siya para hindi makita nito ang pagluha niya pero sinapo ng dalawang kamay nito ang mukha niya at pinahid ang mga luha sa mata niya. “Don’t cry.” Sabi nito at kita niya ang pagdaan ng pagaalala sa mga mata nito.
“Lo-love.” Tawag ni Kris dito na nasa tabi na pala nila pero hindi ito nilingon ni Alex na nanatiling nakatitig sa mga mata niya na lumuluha pa rin.
“What’s the matter?” Tanong nito ulit sa kanya. Umiling siya at pinikit ang mga mata. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili dahil nakakahiya kay Kris. “Kent!” Sigaw nito at napadilat siya dahil rinig na niya sa boses nito ang galit.
“Bakit, Bro?” Tanong ni Kent na lumapit sa kanila. “She’s upset. Ano bang nangyari?” Sagot ni Alex dito.
“Kris, Kira, nagtatanong si King Alex bakit daw upset si Queen B” sabi nito kay Kris sinundan nito ng nakakalokong tawa.
Hindi nakasagot ang dalawa at nanatili lang tahimik. Pero nakita niya nagiba ang mood ni Alex dahil sa sinabi ni Kent. Tumingin ito kay Kris at sunod kay Kira. Matalim ang tingin nito sa dalawa at alam niya na galit na ito. Hindi pa man nito alam ang nangyari pero galit na agad ito. Kaya bago pa ito sumabog ay inagaw na niya ang atensiyon nito.
“B” tawag niya dito na nilingon siya. “Sila Kris na ang isabay mo, kila Kent na ko sasabay.” Sabi niya at saka inalis ang kamay nitong nakahawak sa mukha niya at naglakad na papunta sa van. Nang makasakay ay pumuwesto siya sa likod at pinikit ang mata ng makasandal sa upuan. Umayos ka Bea, hindi ka dapat na umarte ng ganyan. Wala kang karapatan at tandaan mong kaibigan ka lang, kastigo niya sa sarili.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakapikit ng may maramdaman siyang umupo sa tabi niya. Tinignan niya at si Alex ang ang nasa tabi niya. Hindi ito nagsalita at nanatili lang nakatabi sa kanya. Mga ilang minuto pa ay sumakay na rin sila Kent at Leo na tahimik din. Pansin niya na wala sila Kris pero hindi na siya nagtanong.
Nanatili silang tahimik ng umalis na ang van. Pero sa kalagitnaan ng biyahe ay nagumpisa ng magkulitan ang tatlo kaya nangulit na rin siya. Sabi ni Alex na nacancel ang meeting dahil sa may family emergency ang isang member ng board. Nag stopover sila para kumain at ng nasa biyahe na ulit ay naging tahimik ang sasakyan dahil tulog si Kent at Leo. Siya naman ay tahimik lang na nakatingin sa dinadaan ng sasakyan.
“Baby” tawag ni Alex at ng lingoning niya at may unan na nakapatong sa may lap niyo “Higa na” aya nito sa kanya. Humiga siya paharap dito at tiningala ito “Hindi ka matutulog?” Tanong niya. “Mamaya na pag nasa farm na tayo.” Sagot nito na hinaplos ang pisngi niya. “Bea, you are very special to me. If there are times that someone will make you feel small or may magsasabi na dapat kang yumuko sa kanila. Please don’t forget your place in my life. No one is allowed to hurt you and always remember that I have your back.” sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya.
Tuluyan ng gumaan ang pakiramdaman niya sa sinabi nito. Nginitian niya ito at tanging tango na lang ang naging sagot niya dito. Yumuko ito para halikan siya sa noo at niyakap niya ang braso sa bewang nito saka ipinikit ang mata. Nagising siya kinabukasan na nasa farm na at nalaman niya na sa helicopter pala sumakay ang dalawa at hindi na pinasabay ni Alex sa kanila.
Hindi niya alam kung nakarating na dito ang nangyari pero nagdesisyon siyang kalimutan na lang iyon at magfocus sa bakasyon nila. Alam niya na lalong nainis at malamang ay abot langit ang galit ni Kris sa kanya. Kita niya sa talim ng mga titig nito sa kanya dahil nanatili si Alex sa tabi niya at hindi siya iniiwan. Hindi din nito masyadong pinapansin ang nobya.
Nang makabalik sila sa Maynila ay bumalik sa dati si Kris. Dedma na ulit ito sa presensiya niya at kakausapin lang siya pag kailangan. Pero bihira ang mga pagkakataon na iyon at tila ba iniiwasan siya nito. Ramdam niya na ayaw pa rin nito sa kanya pero hindi na niya iyon pinagukulan ng pansin.