Bea & Alex - III

2201 Words
Nang makatapos sila ng college ay ipinasok siya ni Alex sa GLS Corp, ang family company nito. Tumangi siya at sinabi dito ang balak niyang paguwi sa Quezon para magtrabaho sa public school na pinapasukan din ng Kuya Banjo niya pero hindi ito pumayag at sinabi na hindi siya puwedeng umalis sa tabi nito. Na nangako siya na hinding-hindi na niya ito iiwan o lalayuan kagaya ng ginawa niya dati ng mag-away sila. Natakot siya ng maalala ang pangyayari na iyon kaya nanatili siya sa tabi nito. Ayaw na niyang daanan pa ulit ang mga nangyari noon. Isang taon na rin siyang nagwowork bilang Accounts Assistant sa Finance Department. Masaya siya sa trabaho dahil kasama pa rin niya si Alex everyday. Sabay silang papasok sa work, sabay kumain ng lunch at dinner, sabay na uuwi at sa condo pa niya natambay si Alex. Wala na siyang mahihiling pa para sa kanya ay she is already living the life she wants and it is with her bestfriend Alexander Saadvedra. Pero alam niya na malapit ng magbago ang lahat dahil engage na ito sa nobya nito ng two years na si Kristina Valle. Nagpropose na nga si Alex kay Kris last month. Kasama rin siya sa special na araw na iyon ng dalawa. Siya din ang kasama ni Alex nang bumili ito ng engagement ring para kay Kris. Binili nito ang singsing may pinakamalaking diamond sa jewelry shop na pinuntahan nila. Binilhan din siya nito ng infinity ring na tinanggahihan niya pero wala siyang nagawa ng isuot iyon ni Alex sa gitnang daliri ng kanang kamay niya sabay sabing “Don’t ever remove this ring.” Wala na siyang nasabi kundi ang tumango na lang. Sa mamahaling restaurant nagpropose si Alex at kinuhaan pa niya nang video ang proposal nito. Sinabihan niya si Alex na dapat lumuhod ito habang nagpoprose pero tumangi ito na gawin iyon. Sa video na kuha niya ay makikita na inabot ni Alex ang box ng ring kay Kris sabay sabing “Pakasal na tayo” na tila ba inaaya lang nito ang nobya na kumain sa labas. Kita pa sa video ang gulat sa mukha ni Kris at ang pag-iyak habang sumasagot ng “Yes.” Masaya siya para sa dalawa at totoo iyon sa puso niya. Masakit man sa kanya ang katotohanan na malapit ng mawala sa buhay niya si Alex ay tanggap niya iyon. Mahal niya si Alex at sapat na ang makita itong masaya sa piling ng babaeng pinili nitong makasama sa habang buhay. Kita niya ang saya sa mukha ni Kris at sa unang beses ay totoo ang ngiti na binigay nito sa kanya. Matapos ng proposal ay hinatid na nila si Kris pauwi sa bahay nito. “Love, baba ka muna. Sabay nating sabihin kila Mama na engage na tayo” masayang yaya nito kay Alex. “Oo nga, B. Uuna na kong umuwi samahan mo na si Kris sa loob” pagsangayon niya sa sinabi ni Kris. “Next time na lang at oras na ng baby ko.” Sagot nito at bumaba na. Kita niya na sumimangot na si Kris mula sa rear view mirror at alam niyang sira na ang araw nito. “Sorry, Kris” hingi niya ng despensa dito pero hindi na ito sumagot. Unang bumukas ang pinto ng passenger seat at saka sumunod ang backseat kung saan siya nakaupo. Yumuko pa si Alex para alalayan siya. “B, samahan mo na si Kris sa loob.” Bulong niya dito. “No” sabi nito at inabot siya para bumaba. Nilingon pa niya si Kris pero nakababa na ito. “Sige na, B” subok ulit niya pero binuhat siya nito para mailabas ng sasakyan. Napatili pa siya at naiyakap na lang ang mga braso sa leeg nito. “Tsk, gumaan ka na naman. Sabi ko sa iyo tigilan mo yang pagdidiet mo.” Sabi nito habang buhat siya. Nakita niya na nakatayo na si Kris malapit sa may pinto at nakatingin lang sa kanila. Walang emosyon na mababakas sa mukha nito pero alam niya na inis na naman ito sa kanya at sira na ang kaninang masayang araw nito. Binaba siya ni Alex sa passenger seat, ikinabit ang seat belt at saka isinara ang pinto. Lumapit ito kay Kris at humalik sa pisngi nito bago naglakad pabalik sa sasakyan at sumakay sa drivers seat. Pagsakay nito ay pinaandar na nito ang sasakyan. “Saan mo gustong kumain?” Tanong nito sa kanya at nilingon pa siya. Pero sinimangutan lang niya ito. “Bakit nakasimangot ang baby ko?” Nangiinis na tanong nito sa kanya. Tinignan niya ito ng masama pero tumawa lang ito. “B, dapat sinamahan mo na si Kris para. ..” “B, please drop it. She knows it is your time.” Putol nito sa balak niyang sabihin. “Kaiangan mong kumain at nabawasan na naman ang timbang mo.” Anito. Hindi na siya kumibo at pinili na tumahimik na lang. Nabalik siya sa kasalukuyan dahil sa tunog ng palakpakan. Pag tingin niya sa dance floor ay nakita niya na naglalakad na ang dalawa papunta sa lamesa na nakalaan para dito. Inalalayan pa ni Alex ang fiance nito sa pagupo. Kumirot ang puso niya ng tignan ang dalawa. Masakit pa rin para sa kanya ang katotohanan na magiiba na ang buhay niya. May umupo sa tabi niya at ng tignan niya ay si Kent iyon. “Paano iyan Queen B ikakasal na ang baby mo?” Tanong nito sa kanya. “Masaya ko para sa kanilang dalawa, Kent. I’m sure na magiging masaya ang pagsasama nila dahil mahal nila ang isa’t isa” sagot niya dito at tinitigan ito sa mata. “Sigurado ka ba na pareho nilang mahal ang isa’t-isa?” Tanong nito na nagpakunot ng noo niya. “Ano bang sinasabi mo?” Nagtatakang tanong niya dito. Tinignan siya nito at tumawa lang. “Pero may gusto lang talaga akong malaman. Matagal na itong tanong sa isipan ko?” Sabi nito at bago pa niya malaman kung anong ibig nitong sabihin ay hinapit siya nito palapit dito at saka inakbayan. Nagulat siya sa ginawa nito, may pagka maloko talaga itong si Kent maging si Leo pero ni minsan ay hindi ginawa ng mga ito hawakan siya. Nilingon niya kung saan ang lamesa nila Alex at nakita niya na naglalakad na ito palapit sa table nila habang nakasunod dito si Kris. “Kent, bitaw na. Andiyan na si Alex” sabi niya sa katabi at sinubukang alisin ang braso nitong nakaakbay sa kanya pero tumawa lang ito at lalo pa siyang hinapit palapit dito. “Kent!” Napapikit siya ng marinig ang galit na boses ng kaibigan. “Let me go” bulong niya ulit dito at sinubukang muling kumawala dito. Pero huli na dahil nakalapit na si Alex sa lamesa na kinauupuan nila ni Kent. “What the f**k are you doing, Kent? Let her go!” Sigaw nito sa kaibigan. Pinakawalan naman siya nito “Bro, binibiro ko lng si Bea.” Sabi nito na tumatawa pa. “Binibiro? Do you think it’s a joke to touch her?” Galit na sabi nito. Pero tumawa lang ulit si Kent. Alam niya ang ginagawa nito, iniinis nito si Alex para pikunin. Inapakan niya ang paa nito sa ilalim ng lamesa. Ang pagtawa nito ay nauwi sa pagngiwi dahil sa sakit na naramdaman. Tumayo na siya at lumapit sa kaibigan. “Nagbibiro lang si Kent, B” sabi niya dito para kumalma ito. Sinubukan pa niya itong hawakan sa braso pero umiwas ito. Nakita niya si Kris na nasa likod nito at nakasimangot. “Ikaw naman huwag ka ng magalit dapat masaya ka ngayon.” Malambing na sabi niya dito. Tumayo na rin si Kent at tumabi sa kanya. Nakangisi pa rin ito na nakakaloko. “Mukha nga na enjoy ka sa pagbibiro nitong g**o na ito.” Galit pa ring sabi nito. Pero imbis na mapikon ay tumawa lang ng malakas si Kent. “Bro, alam ko naman kung gaano kahalaga si Queen B sa iyo. Binibiro ko lang talaga siya. Huwag ka ng magalit” sabi nito kay Alex. “Saka, Bro. Magpapakasal ka na magkakaroon ng sariling pamilya. Need na ng baby mo na maghanap na rin ng makakasama sa buhay.” Sabi nito na tila hinahamon ang kaibigan. Sinalubong ni Alex ang titig ni Kent na tila tinatangap ang hamon nito at sa tagal ng pagiging magkaibigan nila ay ngayon lang niya nakita ang kakaibang talim sa mga mata nito. Mas lalo siyang kinabahan ng ngumiti ito pero kakaiba ang ngiting binigay nito sa kaibigan. “Bro, nakalimutan mo na ba? What’s mine stays mine.” Tanong nito sa kaibigan at saka tumingin sa kanya. “Hindi need ng baby ko na maghanap ng makakasama dahil ako lang ang magiging kasama niya habangbuhay at wala ng iba.” Seryosong sagot nito at saka bumaling ulit kay Kent. Hindi nakasagot si Kent at tila nagulat ito sa naging sagot ni Alex. “Bro, that is not fair. You cannot do that” medyo may galit na sabi nito. “Watch me.” Sabi nito na tila ito naman ang naghahamon kay Kent. Pero hindi na nakakibo ang huli at nanatili na lang nakatingin kay Alex. Lumipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila. Nabasag lang iyon ng magsalita si Kris. Tila ngayon lang nila naramdaman ang presensiya nito. “Love, halika na. Balik na tayo sa table.” Yaya ni Kris kay Alex. “Una ka na, Love. Kakausapin ko muna si Bea.” sagot nito na tumingin sa kanya at alam niya ang ibig sabihin ng pakikipagusap na iyon. “Pero, Love. Puwede mo naman siyang kausapin mamaya. Araw natin ngayon and we should celebrate it together” may halong inis na sabi nito. “Sige na, B. Mamaya na tayo magusap. Intayin kita.” Pagtataboy niya dito. Tinitigan pa siya nito bago sinabing “We will talk later” na galit pa rin at saka bumaling may Kris “Let’s go” saka inalalayan si Kris pabalik sa lamesa nila. Binalingan niya si Kent na iiling-iling sa tabi niya. “Ikaw puro ka kalokohan!” Inis na sabi niya dito at sinuntok pa ito sa braso. “Sorry Queen B but now I know wala ka ng kawala talaga. I really don’t know what he is planning pero be ready for anything.” Nginitian siya nito pero kita niya ang pagaalala sa mga mata nito bago umalis. Bumalik siya sa dating table at naupo doon. Tinignan niya ulit sila Alex at kita niya na seryoso ang mukha nito habang nagsasalita si Kris. Masaya siya para sa dalawa pero sa kabila ng sayang iyon ay ramdam pa rin niya ang kirot sa puso niya. Alam niya na dapat na siyang umalis sa tabi nito dahil magkakaroon na ito ng sariling pamilya. Siya at si Alex ay mananatiling magkaibigan lang at hinding-hindi sila lalagpas doon hindi lang dahil sa estado ng buhay nila kung hindi mahal lang siya nito bilang kaibigan at si Kris ang totoong mahal nito. Tinignan pa niya ang dalawa sa huling pagkakataon bago tumayo at lumabas sa lugar kung saan dinaraos ang masayang araw sa buhay ni Alex at Kris. Pagdating niya sa tinutuluyang condo ay dumeretso na siya ng banyo at naligo. Nang matapos ay nagbihis at naghanda na sa pagtulog. Habang nakahiga ay hindi niya maiwasang maramdaman ang lungkot. Alam niya na hindi niya dapat mahalin si Alex nang higit pa sa pagiging magkaibigan lalo na at kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Walang magiging tugon ang pagmamahal niya dito. Tanda pa niya ang sinabi nito sa kanya ng maging official ang relasyon ng dalawa “B, always remember that you will be special to me and don’t you ever forget your place in my life.” sabi nito sa kanya. Sa sinabi na iyon ni Alex ay malinaw na siya ay mananatili lang na espesyal dito at si Kris ang mahal nito. Ito ang nababagay na makasama ni Alex dahil pareho sila ng estado ng buhay. Kaya simula ng araw na iyon ay pinangako niya sa sarili na susuportahan niya ang relasyong ng dalawa. Ngayong ikakasal na ang dalawa dapat talaga na umiwas na siya kay Alex. Kailangan niya na kalimutan ang nararamdaman niya dito. Alam niya na mahirap pero dapat na niyang sanayin ang sarili na hindi kasama ito. Siguro mas makakabuti kung umuwi na siya ng probinsya keysa manatili dito at patuloy lang na masasaktan. Mag-aasawa na ito at bubuo ng sariling pamilya samantalang siya ay maiiwan na magisa. Alam niya na may mababago sa relasyon nila lalo na at ayaw ni Kris sa kanya. Naputol ang pagiisip niya nang marinig na bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Hindi na niya kailangan pang tignan kung sino ang pumasok dahil alam niya na si Alex iyon. May sarili itong susi sa condo niya kung paanong meron din siyang susi sa condo nito. Pumikit siya at nagpanggap na tulog. Baka sa ganoong paraan ay umalis na ito at magkaroon siya ng katahimikan. Pero narinig niya ang pagbukas sara ng pinto ng banyo at ang tubig na nagmumula sa shower.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD