PROLOGUE
“Is that your final answer Harper??”
“Hmmmm, yes miss” mahinahon kong sagot sa kanya.
“Ok fine, get out of my office, from now on, I don’t want to see your face again”
Lumabas ako sa opisina niya at tahimik na bumalik sa mesa ko. “Grabe naman siya, parang wala lang sa kanya yung mga pinagsamahan namin ahh“
“Nakasimangot ka nanaman pre? Aalis ka na lahat lahat malungkot ka parin? Diba dapat masaya ka na dahil makakaalis ka na sa impyerno“ sabi ng ka-opisina ko.
“Malungkot, kasi aalis na ako dito. Pero kailangan kong gawin ito ehh“
“Hindi mo kailangang maging malungkot, ok lang kami dito, sanay na kami sa kanya ehh. Ang mabuti pa ay galingan mo na lang sa susunod na papasukan mong kumpanya“
Umalis ako sa kumpanyang pinapasukan ko, makalipas ang ilang taon ay tila hinihigit parin ako ng aking konsensya na tila hinahanap hanap ko parin siya. Bakit ko pa siya babalikan ehh diba nga naging miserable ang buhay at ang career ko nang dahil sa kanya, maski ang aking pagkatao, ni hindi ko na nga masabi na ang gwapo ko dahil aanhin ko lang ito kung patuloy akong natatapakan ng mga alaala namin.
Kahit gaano pa siyang kataray, kasungit, ka-maldita at kung anong bad impression meron siya, no doubt na may isang lalaking makakapagpalambot ng kanyang puso. Hindi ko sinasabing ako iyon, pero feeling ko. “I’M THE ONE!!” Hahaha.
So heto po ang isa sa mga upcoming story ko this 2021. Promise legit po ito, walang halong talksh*t haha!! Sana po ay magustuhan po ninyo and stay tuned for more of my updates.
Thank you!!