"DON'T cry, baby. Andito na si Tatay," alo ni Ely sa anak na si Calli. Lumuhod siya para pantayan ang anak at pinunasan ang luha ng bata. Pagkatapos ay tumayo siya at hinawakan ang kamay ng ni Calli. Napaawang ang labi ni Cory. Hindi niya inaasahan na makikita ang dating asawa pagkalipas ng limang taon. Mataman lang siyang nakatingin sa kilos ni Ely. Habang si Francis ay napapailing ng kanyang ulo na nakapameywang. Papalapit nang papalapit si Ely sa kanila. Their eyes meet. Puno ng lungkot ang mga mata ni Ely. At halatang kagagaling lang sa pag iyak. Hinila bigla ni Francis si Cory papalapit sa kanya. Sa pag aakalang lalapitan si Cory. Pero dumiretso ito kay Elias. Ely caress the face of his son. He smile bitterly sweet. So, totoo ang hula niya. Lalaki ang sumunod na anak nila. "Son

