IYAK nang iyak si Cory. Habang si Francis ay inaalo siya. At si Glenda ay nasa tabi ni Cory. Kaaalis lang mag aama niya at dadalhin sila sa Manila. Ilalayo ni Ely sa kanya ang mga anak. Paano na lang siya? "Tutulungan kitang makakuha ng visitation. Ilalaban natin sa korte," sabi ni Francis. Napatunghay bigla si Cory sa binata. "Visitation? Alam mo ba ang sinasabi mo, Francis? Parang nanghihingi na lang ako ng oras para sa mga anak ko. Ano 'yon, ha? Isisingit lang ang oras sa akin ako para makasama ko sila. Ako ang ina. Bakit parang ako pa ang may kasalanan ngayon?" Ramdam nila ang frustration sa mga sinabi ni Cory. "That's not what I mean. Sa ngayon, visitation lamang ang magagawa natin. Then we will appeal to the court. Makuha lang ang full custody ng mga bata para sayo. Kailangang k

