41

1010 Words

NAKAHANDA na ang lahat ng dadalhin ni Cory. Isang bag lang ang dala niya. Hindi naman siya magtatagal sa Manila. Mas gusto niya pa rin ang umuwi ng Antique. "Mag iingat ka r'on. Tawagan mo agad ako kapag nakuha mo na ang mga bata. Mami-miss kita," maluha luhang mga bilin ni Glenda. Habang hawak ang kamay ni Cory. "Mami-miss din kita. Babalitaan kita palagi. Mag iingat ka rin dito," sabi rin ni Cory at niyakap ang kaibigan. Tinapik ni Francis si Cory sa balikat. Kumalas si Cory sa yakap at hinarap si Francis. "Aalis na kami, Glenda," paalam ni Francis sa kaibigan ni Cory. Tumango naman ng ulo si Glenda at ngumiti. Inakbayan ni Francis si Cory at tumalikod na sila kay Glenda. Nasa sasakyan na ni Francis ang bag ni Cory. Mga isang oras ay lumapag na ang eroplano na sinasakyan nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD