NAPUNO ng katahimikan ang loob ng sasakayan habang nagbabyahe kami ni Zandy patungo ng Quezon. Naalala ko pa rin ang mukha ni Roven nang iwan ko siya sa tapat ng bahay. Kita ko ang sakit at kirot doon at inaamin kong naaawa ako sa kaniya. May bahagi sa aking gusto ko siyang balikan para kausapin pero alam kong hindi ko na iyon dapat gawin. Pagbalik ko mula sa bakasyon, saka ko aayusin ang lahat sa amin ni Roven at lilinawin iyon. "Mahal mo pa rin ba siya, Miles?" basag ni Zandy sa katahimikan. Mula sa labas ng sasakyan, lumipad ang paningin ko sa kaniya. Seryoso lang ang mukha ko at pagdaka'y umiwas din ng tingin. "I don't know, Zandy. Hindi ko alam ang nararamdaman ko para kay Roven. Kung pagmamahal pa ba ito o awa na lang," sagot ko. "Ang alam ko lang, he's still part of my heart." "D

