Unexpected 56: Vacation (Part 3)

1554 Words

NARAMDAMAN ko ang paghinto ng sasakyan nang imulat ko ang aking mga mata. Pupungos-pungos pa akong luminga sa paligid at bahagya akong napapikit dahil sa matinding sikat ng araw sa paligid. Naramdaman ko rin ang sariwang simoy ng hangin at nakita ko 'di kalayuan ang alon na humahampas sa dalampasigan. Nandito na ba kami? Mayamaya pa'y bumukas ang pinto ng sasakyan at nakita ko si Zandy sa labas. "We're here, Miles, come on let's go," aniya habang bahagyang nakakunot ang noo na marahil dahil sa sikat ng araw. "Ok," sabi ko at bumaba ng sasakyan. Tiningnan ko pa ang wristwatch na suot ko at napagtantong pasado ala-una na pala ng hapon. Ilang oras din pala ang byahe namin papunta rito at hindi ko iyon namalayan dahil sa nakatulog ako sa byahe. Tumambad agad sa akin ang maaliwas na paligid.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD