Zandy's POV [When Zandy's Parent Told Him About the Arrange Marriage] MATAPOS KONG iparada ang sasakyan sa garage, mabilis akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay. I'm busy planning for my restaurant when my Mother called me dahil may sasabihin daw sila sa akin. Lingid sa kaalaman nila ang plano kong pagtatayo ng restaurant dahil alam kong hahadlangan nila ako. Nagtapos ako sa kursong may kinalaman sa negosyo pero it doesn't mean that I'm into business, specially sa kompanya na mayroon ang pamilya ko. We own a big and successful gaming company na ipinipilit sa akin ng mga magulang ko na i-manage at my young age pero alam kong hindi ko gusto ang linyang iyon. Pero dahil nag-iisa akong anak at wala silang ibang pag-iiwanan ng kompanya, kailangan kong pag-aralan ang pagpapatakbo niyon. Bu

