HINDI KO alam ang ire-react ko sa bawat kakaibang pagtrato sa akin ni Zandy. Mas naging sweet siya sa akin habang ako'y pilit nag-a-adjust sa pagbabagong nagaganap sa pakikitungo niya sa akin. Hindi ako sanay pero aminin ko man o hindi, masaya ako at gusto ko ang ginagawa niya sa akin. "Have a sit, Miles," ani Zandy matapos niyang hawakan ang upuan para ihanda iyon sa pag-upo ko. Ngumiti ako sa kaniya at tahimik na umupo sa upuan. Pasado alas-syete na ng gabi at lumabas kami ni Zandy sa villa para kumain ng gabihan sa isa sa mga kainan sa loob ng resort. Nakasuot lang ako ng white t-shirt at short kaya naman ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa katawan ko na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam at relaxation. Iba talaga ang ambiance sa probinsya kaysa sa Manila

