"Maraming Salamat po doctora," wika ng matangkad na lalaking may kapayatan ang pangangatawan.
Bahagya akong natigilan ng makita ko ang pamilyar na mukha ng lalaking iyon, ang taxi driver na umaboso sa akin. Kahit naka layo na ay nanginginig padin ako habang hinahabol ng tingin ang lalaki.
"Ito po," tinig iyon ni Myla na lumapit sa akin. "Hoy! Naka tolala ka na naman?"
" nakita ko na siya,'' wala sa isip na bulong ko.
"sino?"
"Ah, sige, ako na ang bahala dito bumalik ka na sa pwesto mo," wika ko, saka ibinigay sa nakapilang residente ang isang supot.
Pagkatapos ng distribution ng mga gamot at hygiene kit ay nagkaroon ng simpling program. Bagaman nanonood at nakikipalakpak ako ay wala doon ang isip ko. Nasa isip ko ang lalaki sa pila kanina, kung nandito siya at kumoha ng libreng hygiene kit ay sigurado akong dito siya naka tira.
"Tinatawagan ko po ang mga butihin nating mga nurse at doctors na nag laan ng panahon upang puntahan ang ating maliit na barangay upang bigyan ng libring medical service na napaka laking tulong sa ating barangay. Maaari ko po ba kayong imbitahan sa stage para sa picture taking?" Paanyaya ni Kapitan Marlyn na agad naman naming pina unlakan.
Napansin kong kausap ni kapitana ang lalaking kanina ko pa sinusobaybayan maya maya ay nakita kong hinalikan niya ang babaeng naka upo sa di kalayoan, saka ito umalis.
Pasimple kong tinitingnan ang babang hinalikan ng lalaking sinosubaybayan ko ,siya ang babaeng nakita ko kahapon na inaalo ang bagong tuling anak.
Patuloy kong tinitingnan ang babaeng iyon. Hindi dapat matapos ang araw na ito na hindi ko nakakausap ang babaeng iyon dahil sa kanya ako kukuha ng impormasyon tongkol sa lalaking nakatakda kong pag higantihan.
Ng matapos ang program ay natuwa ako ng ang babaeng kanina ko pa minamatyagan ay sya mismong lumapit sa akin upang personal akong pasalamatan at ibalita na handa na ang mga pagkaing ihihanda nila, "nako!
Wala pong ano man, halina po kayo at pagsaluhan na natin ang mga pagkain niluto nyo, tiyak akong masasarap yon!" Masayang wika ko at ipinulopot ang kamay ko sa braso niya, upang makipag kwentohan at maka kuha ng impormasyon.
"Sige po," oh, bakit para namang simana santa yang mukha mo?
"Wala po doc."
"Haynako! Alam mo bang magaling akong mag basa ng emosyon ng isang tao? kaya kahit naka ngiti ka saakin ay alam kong may problema ka, ano ba yon? Alam mo, maka gagaan sa loob mo kung mailalabas mo yang problema mo, promise! Hindi kita huhusgahan.'' Pagungumbinsi ko.
"Kasi doc. problemado po kasi ako sa asawa ko eh, napaka lasingero! Halos nauubos nalang po ang kinikita nya sa pamamasada sa mga bisyo nya, bukod pa doon eh, kung sino sino na lang ang kina ka relasyon. Minsan nga po ang perang ibibili ko sana ng pagkain naming ay kinukuha pa niya!"
Naiiyak na kwento ng babaeng napag alaman kong Margie ang pangalan, "eh, kung ganon po Ate Margie, bakit hindi nyo nalang po hiwalayan?"
Naka kuyom ang kamao ko sa galit habang nakikinig
"eh, kawawa naman po ang mga bata, may lima po kaming anak at maliliit pa po sila, ayaw ko po silang lumaking walang ama."
"Eh, kaysa naman po mag tiis kayo sa hayop at walang kwenta nyong asawa!" Wika ko na hindi ko napigilan ang emosyon ko. "Handa po akong mag tiis doc. Para sa mga anak ko at isa pa po doc. Eh, kahit gaano po kat@rant@do si Ramel ay mahal na mahal ko po siya."
"At Ramel pala ang pangalan ng hayop na yon!"
Wika ko sa sarili, "kayo po ang bahala Ate Margie, choice nyo naman po yan, pero sana po ay kahit papaano ay gumaan po ang loob nyo sapag si share ng problema nyo. Alam nyo po, isa po kayo sa mabubuting inang nakilala ko."
"Nako! Napasarap ang kwentuhan natin nandito na pala tayo!" Wika ko.
"Mukahang napaka seryoso ng pinag uusapan nyo ah?" Bati ni Doc. Bea sa amin saka inabutan kami ng plato.
"Oo, napasarap ang kwentuhan namin nitong si Ate Margie." Naka ngting tugon ko saka inabot ang isang plato kay Margie.
"Ay, nagka kilala na po pala kayo nitong pamangkin ko doc." Wika ni kapitan na inakbayan si Margie, "pamangkin nyo po pala sya kapitan?"
"Opo, ang totoo po nyan ay kahapon ka pa po nya gustong makausap, gusto nya daw pong personal kayong mapasalamatan dahil sa wakas eh, tuli si Botchok nabo bully na po kasi sya sa school doc. Dahil nga grade 3 na ay hindi pa tuli. Natatakot po kasi kaming ipa tuli sa nag tutuli dito sa amin, baka kasi matitanos. Kaya po ng malaman naming pupunta kayo dito para mag medical mission ng operation tuli ay isa po talaga ako sa kauna unahang nagpalista ki tita para samantalahin itong pagkakataon na mapatuli itong si Botchok ko. Bunso po naming anak ni Ramil si Bochok at kaisa isang anak na lalaki kaya po masyado po talaga kaming protective sa kanya," kwento pa ni Margie,
"kaya po malaki po talaga ang pasasalamat ko sa inyo doc. Hindi lang po kayo maganda, napaka mabait nyo pa po, maraming salamat po sa pakikinig sa mga ka dramahan ko sa buhay, tama po kayo, lumowag po ang dibdib ko, masaya po akong bukod ki tita ay may napag sabihan po ako ng problema ko na hindi ako hinuhusgahan o pinag tatawanan."
Naiiyak na wika ni Margie,
"hay nako Ate Margie, okay lang po yon, basta po lagi nyo pong tatandaan na mabuti po kayong ina, at maswerte po ang mga anak nyo dahil nagkaroon po sila ng responsable at mapag mahal na ina na tulad nyo, dahil alam nyo po eh, hindi lahat ng anak ay sinuwerting magkaroon ng ina na kasing buti nyo."
"Sa totoo lang po doc. Eh, parang bukas na libro ang kwento nitong si Margie, lahat na yata ng kabarangay namin at sa mga karatig barangay ay alam ang kwento kung gaano ka b@b@ero ang asawa nitong pamangkin ko kaya nako! Hindi na po ako magugulat kung isang araw ay may mangyaring masama sa asawa nito na wag naman sana, nako! pasenya na po kayo doc. Hindi ko lang po talaga mapigilan ang sarili ko!" Nangigigil na wika ni kapitan.
"Okay lang po kapitan naiintindihan ko po, at wag kayong mag alala, ako na ang bahalang gumawa ng masama sa hayop na asawa ng pamankin nyo."
Dugtong ko sa isip at lihim akong napapangiti.
Kinabukas ay agad na kaming bumyahe pa balik ng Manila. Dahil sa agad kong nakuha ang loob ni Ate Margie ay madali kong nakuha ang mga impormasyong kinakailanagan ko ng walang kahirap hirap at hindi nahahalata. Agad akong nag book ng room sa pinaka malapit na resort na nakita ko sa internet, momorahin lang ang resort na iyon, pero wala naman kaso iyon. Ang importante ay ang makapag higanti ako.
Sinong mag aakala na ang isang Charmaine Arcania, isang kilala at magaling na Neuro-urologist na may ari ng mismong ospital na kanyang pinag ta trabahoan ay mag bo book sa momorahin at hindi kilalang resort na ito? Well, mas okay nga ito dahil hinding hindi sila mag hihinala saakin lalo pat ibang pangalan at apelyedo ang ibinigay ko sa receptionist ng nag book ako sa resort. Sabado ng umaga ng bumyahe ako, sumaglit muna ako sa ospital para tingnan ang mga pasyente ko, at para permahan ang mga papeles na kinakailangang kong permahan saka agad na akong umalis. Dala ang back pack ay sumakay ako sa itim na kotse sumondo sa akin.
"Handa ka na ba?" Tanong ng driver ng itim na kotsing sinakyan ko.
" Sampong taon na akong handa," sagot ko at pinagpatuloy ko ang pag me make up.
Bukod sa pag aaral ng medisina ay pinag aralan ko din ang pagbabago ng anyo gamit ang make up, nag aral din ako ng martial art para lubos na mapag handaan ang aking pag hihiganti. Sa nakalipas na sampong taon ay wala akong hinangad kundi ang makapag higanti sa mga taong umaboso sa akin, ang planong pag hihiganti ay siyang naging dahilan ko upang patuloy na lumaban at mabuhay.
Nang mamatay si Ninong Harry ay ipinagbili ko ang lahat ng ari arian niya, maliban sa bahay na natatabunan ng puno ng manga, ipinangalan ko yon kay Aling Paning bilang pasasalamat sa pagiging mabuting kaibigan. Saka ako nangibang bansa, nag palit ako ng apelyedo ngunit napag pasyahan kong huwag palitan ang aking pangalan dahil ito na lamang ang natitirang alala ko ki papa.
Mahal na mahal ako ni papa, naalala ko pang laging sinasabi ni papa na ang pangalan Charmaine ay ang modernong version ng pang babaeng pangalan niya na Chamero, lagi ding pinagmamalaki ni papa na ako ang girl version niya. Kung nabubuhay lamang si papa ay sigurado akong hindi ko daranasin ang lahat ng paghihirap na dinanas ko, dahil sigurado akong po protektahan ako ni papa miss na miss ko na si papa. Kumorap kurap ako upang pigilan ang mga luhang nag babadya na namang pumatak sa mga mata ko.
Tinitigan ko ang itsura ko sa salamin, malayo na iyon sa dating kong itsura, nag lagay ako ng malaking nunal sa kaliwa kong noo. Gamit ang kasanayan ko sa make up ay nag mukha akong nerd at striktang matandang dalaga, isinoot ko ang makapal na salamin saka bumaba sa kotsi na bahagyang naka tago sa lilim ng puno ng akasya nag lakad ako ng kaunti patungong main road saka pinara ang paparating na tricyle upang magpahatid sa tutuloyan kong resort.
Sylvia Padayton, ang naka sulat sa ID na ipinakita ko sa tagapamahala ng resort at agad naman akong sinamahan sa magiging kwarto ko. Single room iyon na may katamtamang laki, may manipis na kutson ang katring pang isahan at may window type aircon at may C.R sa loob, malinis at komportable naman ang kwarto iyon at masasabi kong mura na iyon sa 2,000 pesos 1 night at 1 day stay plus free breakfast at free swimming sa dagat at swimming pool.
"Enjoy your stay ma’am!"
Nakangiting wika ng staff bago umalis, tango lamang ang itinugon ko.
“nandito na ako” text ko sa aking kaibigang nag drive sa akin pa punta dito saka ako humilata sa kotson at marahang pumikit.
Nagising ako ng maramdaman ang pag kulo ng aking sitmora tiningnan ko ang oras sa mumurahin kong wrist watch, alas syete na pala ng gabi, at napag tanto kong halos walang laman ang tiyan ko boong araw, matapos kong mag almusal ay hindi na ako nakakain ng pananghalian dahil sa subrang busy ko.
Tiningnan ko muna ang aking sarli bago ako lumabas ng kwarto para mag hanap ng makakainan. Matapos mag dinner ay nag lakad lakad muna ako sa paligid ng resort, madaming naliligo sa dagat at may iilang naliligo sa swimming pool. Kahit hindi ganon kaganda ang resort na ito ay madami pading pumupunta dito dahil sa budjet friendly ito. Perfect ito sa mga magbabarkadang nag ta trabaho na nag hahanap ng morang resort na maaaring makapag relax at makapag bonding.
Maya maya ay nakaramdam na ako ng antok kaya bumalik na ako sa kwarto upang makapag pahinga.
Kinabukasan ay maaga akong gumising, nag half bath lang ako upang hindi matangal ang make up ko, saka ako lumabas para kumain. Alas syete ng umaga ng makatangap ako ng mensahe.
“Nakita ko na siya, may pasahero siyang sa tingin ko ay papunta sa resort na tinutoloyan mo”. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko upang umalis na sa resort na iyon. It’s payback time!