“P*t**g ina! Eh, g@go pala yang Ninong Harry mo na yan eh! Itoro mo sa akin ang bahay ng hayop na yon at susunogin ko at sisigurohin kong kasama syang masusunog ng buhay!” Galit na galit na wika ng kaibigan ko matapos kong ikwento sa kanya ang tungkol sa mga kondisyon ni ninong bago ko makuha ang mamanahin ko. “Hindi pwede! Ano ka ba!” pigil ko sa kaibigan kong galit na galit na handa nang manugod. “eh, ano?! Mag titiis ka na lang sa hay0p na yon?! Ano? Hihintayin mo siyang magkakasakit at aalagaan mo pa siya? Talaga ba? Mag sasakripesyo ka pang alagaan ang hay0p na d*m*nyong nang abuso sayo! Eh, masamang damo ang h@y0p na yon eh! Sigurado akong matagal syang pahihirapan ng malubhang sakit na tutubo sa kanya, tapos ano? Matagal ka ding mag durosa at mag sasakripisyo habang inaalagaan at hi

