Oh, kumain ka ng mabuti Charmaine,” wika iyon ni Dra. Shaira saka inabot sa akin ang isang tupperwear na may lamang ulam. “Salamat po Dra.” Nahihiyang wika ko, saka mabilis na kinuha ang tupperwear na iniabot niya sa akin. “Nako, ako dapat ang magpasalat sayo dahil sumama kang mag volunteer sa medical mission namin, nako napaka laki ng naitulong mo, ang galing galing mo at ang bilis mong matoto! Alam mo, kung ako sayo, iko continue ko ang pag aaral ko sa meds school, alam mo bang malaki ang potential mong maging isang magaling na doctor dahil matalino ka at nakikita kong natural ang malasakit mo sa mga pasyente!” Nakangiting wika ni Dra. Shaira sa akin. “Salamat po doktora,” nahihiyang wika ko. “ito naman si ate, parang si Charmaine na ang kapatid nya, alagang alaga saka puring -puri! sama

