CHAPTER ONE
Nanginginig ang buong katawan ni Zenaida nang malaman niya kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid na si Lyka. Isang kaibigan lang ang tumawag sa kanya at sinabing natagpuang patay ang kanyang kapatid, at ang masakit, hindi man lang nalaman kung sino ang pumatay dahil sabi ay mukhang nagpakamatay ang kanyang kapatid…Nasa Amerika siya nang mga oras na iyon, kaya hindi niya magawang pumunta kaagad sa Pilipinas. Kaya nang makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan ng kapatid ay dali-dali siyang nag-book ng flight pauwi. Tanging silang dalawa na lang magkapatid; dapat ay magkasama sila sa Amerika, pero mas pinili nitong manatili sa Pilipinas dahil sa nobyo nito. Mas pinili ng kanyang kapatid ang buhay nito kasama si Angelo Villarin, pero ngayon, malamig na bangkay na ang kanyang kapatid, at hindi na niya maririnig kailanman ang mga tawa nito. Wala pa ring tigil ang kanyang pag-iyak. Hindi niya lubos akalain na sasapitin iyon ng kapatid. Ulila na silang dalawa, at isang malayong kamag-anak ang tumulong sa kanila upang makabangon. Siya ay kinuha at dinala sa Amerika, pero si Lyka ay nagpaiwan. Kaya naman, kahit nasa malayo siya, sinusuportahan niya ang kanyang kapatid. Kailanman ay hindi siya nagpabaya, at alam niyang naging maayos ang buhay ni Lyka. Kampante siyang ligtas ito kasama ang nobyo nitong si Angelo, na kahit kailan ay hindi niya pa nakilala, pero madalas na ikinukwento sa kanya ng kapatid ang tungkol sa nobyo nito—ang pinakamamahal nitong nobyo.
Ganun na lamang ang hinagpis niya ng makita niya ang malamig na bangkay ng kapatid na nasa freezer. Hindi niya muna ito ipinadala sa morgue dahil gusto niyong makita ang kapatid na wala sa kabaong. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ang kapatid ng mga oras na iyon. Isa lang ang gusto niyang gawin, ang maghiganti, ang managot ang dapat na managot.
“Ipinapangako ko sayo, mananagot ang dapat namanagot…aalamin ko kung sino ang may gawa nito sayo. Hindi ako titigil hanggat hindi napapanagot ang may gawa ng lahat ng ito. Iisa-isahin ko sila,” wika niya sa kapatid.
Nakita niya ang tatlong tama ng baril sa katawan ng kanyang kapatid, mukhang wala talagang plano na buhayin ito. Napakuyom siya sa kanyang kamao bago niya ipinikit ang mga mata. Awang awa sya sa sinapit ng kanyang kapatid, namatay ito ng walang kalaban-laban. Ito ba ang nagpakamatay? May tatlong tama ng baril? Malaking kalokohan….
“No one should know about my relationship with Lyka. I want my identity to remain secret until I find out who's responsible,” wika niya kay Harry. “Ikaw na ang bahala sa bangkay ng aking kapatid. Hindi na kailangan pang iburol; gusto ko siyang ma-cremate nang tahimik at sa lalong madaling panahon.”
“Gusto mo bang malaman ang update sa pag-iimbestiga ng mga pulis tungkol sa natagpuang bangkay ni Lyka?” tanong ni Harry sa kanya.
Fifty years old na ang lalaki at matikas pa rin. Sumama ito sa kanya pag-uwi niya ng Pilipinas. Nakilala niya ito noon sa Amerika. Tinulungan niya ang buong pamilya nito na makahanap ng trabaho, kaya malaki ang utang na loob ni Harry sa kanya kung kaya hindi nito matanggihan ang hinihingi niyang tulong.
Tumango siya sa tanong ni Harry pagkatapos niyang patayin ang sinindihan niyang sigarilyo. She drained the remaining wine in her glass. Though she was nervous about what Harry had said, she didn't let it show. He knew her as a brave woman who never backed down from a fight.
"What did you find out?"
“Suicide… Yun ang sinabi ng mga pulis kaya case close agad ang kaso. Ang sabi pa, naholdap daw.””
“What the f**k! Nagpakamatay? Hindi tanga ang kapatid ko…. That's what I expect from the Philippine police. If you're connected, you always get away with crimes. Who would believe a holdaper killed my sister? They should have taken the car, shouldn't they? They're treating me like a fool. Mga putang ina nila!” galit niyang sigaw. Nangangatog siya sa galit.
“Alam ko. Pakiramdam ko rin ay may tinatago sila sa kaso ng kapatid mo, pero huwag kang mag-alala; aalamin ko pa rin ang nangyari.”
“Sigurado akong wala tayong mapapala sa mga pulis. Kailangan ko ng tulong mo, Harry. Gusto kong alamin mo ang lahat ng background ng mga Villarin. Gusto kong isa-isahin mo ang bawat isa sa kanila. Kung kinakailangan, hukayin mo ang mga baho nila ay gawin mo. Kailangan natin ng mga tao dahil gusto kong makalapit sa mga Villarin. kailangan kong makalapit sa kanila para malaman ko kung ano ang itinatago nila at alam ko rin na isa sa kanilang pumatay sa aking kapatid.”
“Huwag kang mag-alala Zenaida dahil marami pa rin naman akong kilala dito sa Pilipinas, hihingi tayo ng tulong,” ani ni Harry sa kanya.
“Thank you so much, Harry. If you weren't here, I don't know where I would start. I can't let my sister's case go; she deserves justice, and I'm the only one who can do that for her.”
“Nakalimutan mo yatang pamilya na tayo? Wala rin kaming lahat dito ngayon kung hindi dahil sayo Zenaida kaya makakaasa kang hindi ka namin iiwan. Laban nating lahat ito,” sagot sa kanya ni Harry na nakangiti kaya kahit papano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
May malaking cork board sa kanyang bahay, at doon niya nilagay ang larawan ni Angelo Villarin, ang nobyo ni Lyka. Doon magsisimula ang kanyang imbestigasyon. Kailangan niyang makalapit sa lalaki nang hindi ito naghihinala. Napatitig siya sa mukha ni Angelo. Oo, gwapo ito, matikas at matipuno ang pangangatawan, pero maliban doon, mas nangingibabaw sa kanya ang pagiging kriminal ng lalaki.
Ang nakakapagtaka pa, hindi man lang ito nagpakita sa bangkay ng kanyang kapatid, isang bagay na labis niyang ipinagtataka.
“Titigan mong mabuti ang lalaking ‘yan, dahil ang lalaking iyan ang sumira sa buhay ng aking kapatid, ang kumitil sa buhay niya,” wika niya kay Harry habang itinuturo ang larawan ni Angelo. “Ayon sa kwento ng aking kapatid, masyadong mayaman ang pamilyang Villarin and I think it's suspicious where they got their wealth. Isa pa, napapanood naman natin sa TV ang pamilya nila bilang kilalang mga negosyante, pero ang tanong, saan nga ba nanggaling ang kanilang yaman? Iyan ang kailangan nating malaman, Harry. I'm going to bring them all down; I don't care if they're rich or powerful … I'm going to expose everything they've been hiding. I can't just stay silent and let my sister's case go, and accept that a thief simply took her life. Nararamdaman kong may mas malalim na dahilan sa pagkamatay ni Lyka— at yun ang aalamin ko.”