CHAPTER NINE

1226 Words
MULA sa loob ng isang itim na kotse na naka-park ilang metro lamang ang layo sa Villarin Mansion, tahimik na nakaupo si Zen habang nakatanaw sa labas ng bintana. Suot niya ang isang simpleng blouse at baseball cap, halos hindi siya makilala sa dilim ng loob ng sasakyan lalo na at tinted ang salamin. Katabi niya si Harry ng mga oras na yun at nagmamasid sa mga nangyayari. Hindi niya mapigilan ang hindi mapakuyom ng kamao. Sa mismong harap ng kanyang mga mata, nakita niya ang paglabas ni Angelo mula sa malaking pintuan ng mansion. Sa magkabilang gilid nito ay mga pulis. Kitang-kita niya ang gulat at takot sa mukha ng lalaki, pati na rin ang pag-aalala at pagkagulo sa paligid. “Finally, Lyka…” bulong niya sa sarili. “Ito na ang simula ng hustisya para sa’yo. Maipapakulong ko na ang lalaking pumatay sayo.” Ilang araw bago ang pag-aresto SA isang closed-door meeting sa loob ng hotel suite ni Zen, ibinaba ni Harry ang isang USB sa mesa. “Ito ang CCTV footage mula sa isang gas station sa Batangas—mga huling oras bago mawala si Lyka. Nakita rito si Angelo Villarin. Siya ang huling taong kasama ni Lyka.” “Simula palang ay tama na ang duda ko sa lalaking yan. Siya talaga ang pumatay sa kapatid ko. Sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan…Ikaw na ang bahala, Harry,” malamig na utos ni Zen. “Dalhin mo sa tamang tao ang kopya ng footage na yan…. Siguraduhin mong umabot sa mga pulis… nang hindi nila alam kung sino ang pinanggalingan.” At ito na nga ang bunga ng kanyang paghihirap at pagpapanggap sa harapan ni Angeo. Mapapakulong niya na ito. “Pasensyahan tayo, Angelo. Kulang pa yan sa pagpatay mo sa kapatid ko…Hindi mo alam kung sino talaga ako. Ako lang naman ang kapatid ng babaeng iniwan mo. Ang babaeng wala na ngayon.” Hinawakan niya ang kwintas na suot niya—doon nakasabit ang maliit na pendant ni Lyka, ang kaisa-isang bagay na naiwan ng kapatid. “Ilang linggo pa. Bigyan mo ako ng lahat ng record ng negosyo ng Villarin—lalo na kung saan sila pinaka-marumi. Ayokong hustisya lang ang makuha ko… gusto kong mawala lahat ng meron sila. Gusto ko silang balian ng mga pakpak Harry nang sa ganun ay wala na silang masaktan na tao.” “Oo, Zen… Hahalungkatin ko pa ang mga baho nila at doon tayo papasok.” “Salamat.” *************** GALIT na galit si Alejandro Villarin habang pababa ng hagdan, hawak ang cellphone at mariing kinakausap ang taong nasa kabilang linya. Nakasuot pa siya ng mamahaling robe dahil nagbibihis siya para puntahan ang anak, ngunit ang itsura niya ay hindi na ang maimpluwensyang negosyanteng kontrolado ang lahat dahil ngayon, siya ay isang amang desperado at tulirong pinipigilan ang pagbagsak ng sariling anak. “Major Carlos, ano ‘to? Akala ko ba malinis na tayo? Bakit biglang may questioning?” Tumigil siya sa paanan ng hagdan, dumikit sa dingding at mariing pinisil ang sariling sentido. Sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari… Naririnig niya pa ang mahinang yabag ng asawa niyang si Criselda sa itaas, ngunit wala siyang pakialam. Hindi niya hahayaang gumuho ang pinaghirapan niya. “Sir… may bagong ebidensyang dumating,” sagot ni Major Carlos sa kabilang linya, magalang ngunit halatang kinakabahan. “May CCTV footage na nagsasaad na si Angelo ang huling nakita kasama ng biktimang si Lyka Vera ang anak ninyo. Alam mo naman po na kapag ganun, obligado kaming tawagin siya para sa questioning.” Napamura si Alejandro. “Put—ina naman! Alam mo bang nakakahiya ang ginagawa ninyo? Naging usap-usapan kami ng mga kapitbahay namin! Ayusin mo ito Major Carlos or else alam mo na.” “Yes s–ir!” “At saan galing ang footage na ‘yan? Akala ko ba wala nang koneksyon? Walang sinumang kamag-anak ang biktima?” “Yun nga po ang hindi malinaw, sir. Ayon sa intel namin, may anonymous source. Pero malinis ang pagka-turn over. Legally admissible. Wala kaming lusot doon.” Muling napaupo si Alejandro sa sofa, parang biglang nabawasan ng hangin ang buong paligid. Hindi siya makapaniwala. Ang lahat ay maayos na. Naipresinta na nila ang mga salaysay. Lahat ng ebidensya ay nawala. Alam niyang si Angelo ang kasama ni Lyka bago pa ito nawala at pinadelete niya na ang footage na ‘yun. “May kamag-anak ba ‘yang si Lyka? Hindi ba patay na ang magulang niya?” “Wala na po, sir. Pero may record siya ng isang kapatid na lalaki.” Tumigil ang paghinga ni Alejandro sa sandaling marinig ang sinabi ng kausap. “Hanapin niyo ang taong yan dahil sigurado ako na siya ang naghahanap ng butas sa pagkamatay ng kapatid niya.” “Posible pong siya ang anonymous source, sir.” Muling nagdilim ang paningin ni Alejandro. Kung totoo nga ibig sabihin, may isang taong nagmamasid sa kanila. Isang taong hindi natatakot. Isang taong matalino at may matinding dahilan para maghiganti. “Carlos, gawin mo ang lahat. Linisin mo. Gamitin mo ang koneksyon. Ayokong madungisan ang pangalan namin.” “Naiintindihan ko po, sir.” Matapos ang tawag ibinalik ni Alejandro ang cellphone sa mesa, nakatitig sa kawalan. Pinagpapawisan siya, kahit malamig ang aircon ng sala. Nag-aala siya sa kalagayan ng anak. “Kung sino ka man hindi ko hahayaang sirain mo ang pangalan namin. Magtago ka man ay titiyakin ko na lalabas ka rin sa lungga mo.” Lumapit si Criselda at umupo sa tabi niya. Inabot nito ang kanyang kamay. “Alejandro, hindi na ako mapalagay. Pumunta tayo sa presinto. Hindi ko kakayanin na hindi makita ang anak natin. Baka kung ano na ang ginagawa nila kay Angelo…Alam mong hindi niya kaya ang mga ganitong bagay. Baka kung ano pang mangyari sa kanya doon.” Sandaling hindi sumagot si Alejandro. Nakapikit siya, tila nilulunok ang lahat ng emosyon. Sanay siya na siya ang may kontrol sa lahat sa negosyo, sa pangalan, sa pamilya. Sa huli, bumuntong-hininga siya at tumango. “Sige. Magbihis ka. Sasamahan kita.” Tumayo ito at mabilis na pumanhik sa itaas para magpalit. Naiwan si Alejandro, at muling tiningnan ang teleponong nakapatong sa mesa. Para bang gusto niyang baliin ito. Ang impormasyong nakarating sa mga pulis ay malinaw mula sa isang taong may intensyong pabagsakin sila. Maya-maya pa, bumaba si Criselda. Sa loob ng kotse, walang nagsasalita habang binabaybay nila ang daan patungong presinto. Si Alejandro, bagama’t panatag siya na malulusutan nila ang lahat ng ito ay mahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone. Paulit-ulit na binabasa ang mensahe ni Major Carlos. “Sir, assured na. Within the hour, makakalabas na po si Angelo. On legal grounds, the footage doesn’t prove the crime itself—just presence. Wala silang sapat na cause para i-hold siya.” Napatingin siya kay Criselda. “Wala silang mapapatunayan. Yung CCTV, hindi sapat. Lahat ‘yan, kaya nating palusutin.” “Pero bakit ngayon pa? Akala ko ba tapos na ang usaping ‘yon?” tanong ni Criselda, puno ng pangamba ang boses. “Mukhang may bagong pumasok sa eksena,” sagot ni Alejandro, malamig ang tono. “Isang taong may pinanghahawakang galit. At matalino.” Hindi na nagtanong pa si Criselda. Ngunit sa loob niya, nagsimula na ring manumbalik ang takot na baka bumaliktad ang kapalaran sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD