HINDI naghintay ng matagal si Zen nang dumating si Harry, bitbit ang usual nitong backpack. Tumingin ito sa kanya, seryoso ang mukha. Kailangan niya kasi itong makausap tungkol kay Angelo. Tungkol sa inamin sa kanya ng lalaki pero syempre hindi niya maamin na ibinigay niya ang sarili kay Angelo. Nakakahiya yata yun. “Thank you for coming,” ani niya. Ibinigya niya ang menu kay Harry upang makapag-order na muna ito. “Nasa bahay lang naman ako. Ano pala yung sasabihin mo sa akin?” Napabuntong-hininga si Zen bago siya sumagot. “Harry, sinabi niya sa akin. Hindi raw siya ang pumatay kay Lyka.” “Inaasahan ko naman na yan ang sasabihin ni Angelo sayo.” “Paulit-ulit niyang sinabi. Oo raw at nagkita sila ni Lyka pero ilang araw na daw silang hindi nagkita bago niya nabalitaan na patay na si Ly

