Biglang kinilabutan si Zen. May malamig na hangin na dumaan sa batok niya nang marinig ang boses ni Angelo mula sa kanyang likuran. Nakatayo sa dilim, nakatitig sa kanya na para bang gusto siyang lamunin ng buo. “Kanina ka pa ba diyan?” mahina niyang tanong, nanginginig ang tinig. Lumapit si Angelo, bawat hakbang ay parang kumakalabog sa dibdib ni Zen. Walang ibang tunog sa paligid maliban sa boses nito, malamig at puno ng galit. “Yes. Lahat narinig ko. Every damn word. Niloko mo ako, Zen!” Kinagat ni Zen ang labi niya, huminga ng malalim. Hindi na siya pwedeng magsinungaling pa dahil alam na nito ang lahat. “Pinaglaruan mo ako Zen! Pinaikot mo ako sa mga palad mo!” “Fine!” sigaw niya, nanginginig ang boses pero puno ng tapang. “Oo, Angelo. Kapatid ko si Lyka! At alam mo ba kung ba

