PINUNTAHAN ni Bryan ang ama sa study room nang ipatawag siya nito. Galing pa siya sa labas dahil may dumating na mga shipment. Panganay siyang anak ni Greg Villarin. “Dad, ano ‘to? Gabi na, may darating ba ba ulit na shipment? Nasa labas na ako buong araw and I’m f*****g tired.” “Wala naman pero kailangan kitang makausap. Maupo ka na muna, Bryan. This is serious.” “About?” “Magsisimula na sa kumpanya si Angelo bukas,” ani ng ama na kanyang ikinagulat. Natawa ng bahagya si Bryan dahil sa kanyang narinig. “Si Angelo? ‘Yung mama’s boy galing abroad? Yung mas busy pa mag-gym, karera at mga babae kesa tumulong sa operations?!” “Bryan siya ang pinili ni Don Alejandro— ng uncle mo dahil siya ang tagapagmana. Hindi lang ng kumpanya, kundi pati ng buong impire ng mga Villarin.” Napatayi si

