Malalim na ang gabi ng umuwi si Angelo. Ang hallway sa ikalawang palapag ay tahimik, maliban sa mahihinang yabag ni Angelo na papalapit sa library room. Nagtataka siya kung bakit may kumalabog kanina, isang tunog na parang nabagsak na upuan, kasunod ng mahinang sigaw ng kanyang ina. Paglapit niya sa pinto, bahagya niya itong itinulak, at ang eksenang bumungad sa kanya ay ang pag-aaway ng kanyang mga magulang. Ang kanyang ama, si Alejandro, mahigpit na nakahawak sa leeg ni Criselda, itinutulak ito sa pader. Namumula ang mukha ng kanyang ina, pilit kumakawala habang humahabol ng hininga. “Pa! Stop!” sigaw ni Angelo habang mabilis na lumapit, hinablot ang braso ng ama at pilit itong hinihiwalay sa ina. “What the hell are you doing?!” Napatigil si Alejandro, mabigat ang paghinga, ang mga m

