"Are you out of your f***** mind, Henry?" agad na bungad sa kaniya ng kaniyang ama nang matapos ang trial at makaalis ang iba. "I just did what I think is right, Dad." matatag ang boses na tugon niya sa ama. "At kailan mo pa naging kaibigan ang baboy na iyon, Henry? Baka nakakalimutan mo na kaaway siya. At nakalimutan mo na rin ba na hindi pa nga natin naaayos ang mana niya kay Mama? Paano kapag nalaman niya ang tungkol doon ha?" kastigo naman sa kaniya ng kaniyang Mommy Julie na hindi maipinta ang galit sa mukha. "Trabaho ko ang tulungan ang mga inosente, Mom." Pabuntong-hiningang sagot niya sa ina. "You ruined our plans, Henry. Paano kapag naghabol iyang Janet na iyan, ha? Thanks to you, makakawala siya gayung alam naman nating lahat na siya lang ang may motibo na patayin si Mom."

