"How... How did it happen?" tanong ni Henry matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila habang kalong niya si Felix na ngayon ay natutulog na. "I mean, hindi naman ako tanga at bulag, Janet. I know that my brother is still into her ex. Damn it. Pinilit ka ba niya?" Sa huling sinabi ni Henry ay nag-iba ang emosyon sa mga mata nito mula sa pagtataka, sorpresa hanggang sa galit. Marahang napangiti si Janet. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya ngayon o matatakot na nakita na ni Henry ang anak niya at maaari nitong sabihin iyon kay Warren. Pero ang kapatid nito ang pinaghihinalaan nito at hindi man lamang siya pinaghinalaan na sa ibang lalaki bumukaka. Marahil ay dahil kamukha ni Felix si Warren kahit pa anong pagtanggi ni Janet. Oo nga at kamukha rin niya ang anak pero malaki

