Chapter III

2116 Words
Hindi kaagad na nakakilos si Warren nang makita ang kaniyang lola at nagpabalik-balik ang tingin sa tatlong babaeng ngayon ay kaharap.  Paano ba niya malulusutan ito? Sa huli ay ang kaniyang nobya ang hinarap niya. "Nic, why don't you fix yourself, hm? I'll wait for you." Halata sa mukha ng nobya ang pagtutol kaya naman marahan na itong itinulak ni Warren papunta sa direksyon ng ladies' room. Lumingon pa ito na may halong pagtataka sa mukha, ngunit ngumiti lamang si Warren bago sumenyas na pumasok na ito sa loob. Nang makapasok sa loob ay kinakabahang hinarap ni Warren ang strikta niyang lola.  "Well?" nauubusan ng pasensyang sabi ni Beth sa apo na hindi naman nag-abalang tapunan ng tingin man lamang ang hilaw na manugang na kanina lamang ay gumawa ng eksena.  Ito na rin ang dahilan kaya malimit niya itong isinasama sa paglabas. Bukod sa hindi naman talaga sila magkasundo ay madalas nitong ipahiya ang sarili sa pakikipag-away dahil sa taas ng tingin sa sarili. Si Julie kasi ang perpektong ehemplo ng taong nakatikim lamang ng ginhawa at naranasang humawak ng makapal na pera ay nakalimutan nang lumingon sa pinanggalingan. May isang tao lamang na hindi nito magustuhan ang sinabi ay mang-aaway na ito.  "It was an accident. The lady bumped into Julie and things went ugly." Mabilis na pagdadahilan ni Warren na bahagyang namamawis.  Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin o sasabihin ng kaniyang lola kapag nalaman nito ang relasyon nila ni Julie. Hindi naman dahil sa ayaw nitong magkaroon siya ng nobya, ngunit higit kanino man ay kilala ni Warren ang kaniyang nobya at kahit na mahal niya ito ay alam niya ang kagaspangan ng ugali nito. And his grandmother hate that kind of person. She hates entitled, arrogant and rude people. Kaya nga hindi ito magkasundo at ang kabit ng kaniyang ama.  Kaya naman naghahanap pa siya ng tamang tiyempo para ipakilala ito. He will fight for Niccola, but he won't fight against his grandmother.  Napataas naman ang kilay ni Julie sa narinig na sagot ng kaniyang 'step-son'. Hindi man siya edukada ay hindi naman siya bingi at dinig na dinig niya nang tawaging 'babe' ng mahaderang babae kanina si Warren. Bahagyang napangisi si Julie nang magtama ang mga mata nila ni Warren at mababakas doon ang tahimik na pagbabanta na huwag siyang magsalita.  "Nasa public place tayo, my goodness gracious. Julie, apologize to that lady at ikaw, ano ang ginagawa mo rito?"  Bahagyang napairap na lamang si Julie sa utos sa kaniya ng matanda. Kung hindi siya gusto nito ay hindi rin naman niya ito gusto. Nakikisama lang siya rito dahil ito pa rin ang ina ni Michael at sa kadahilanang may kapangyarihan pa rin ang matandang hukluban na bawiin sa anak ang lahat ng meron ito. Idagdag pa riyan ang manang gusto niyang makuha ng kaniyang anak na sina Henry at Mildred. At hinding-hindi niya iyon papayagang mangyari. Hindi siya nagtitiis para lamang makakuha ng bato. Sisiguraduhin niyang bago ito mawala sa mundo ay sigurado na ang kayamanan nila.  "I'm with my friends, lola. We haven't really seen each other in a while kaya nag-desisyon kaming magkita-kita. Uuwi na rin ako maya-maya, hm?" paglalambing ni Warren kay Beth at bahagyang napangiwi dahil sa pagsisinungaling.  Lihim siyang humingi ng tawad sa kaniyang nobya dahil sa pagsisinungaling.  Marahang tumango si Beth bago itinuro ang dalawa. "Gawin mo ang sinabi ko, Julie. At mag-ingat ka sa pagmamaneho, Warren. Don't drive when you're drunk, okay? Let's go, Danica."  "Ingat sa biyahe, la." pang-uuto pang muli ni Warren sa lola at tuluyan lamang napalis ang ngiti sa mga labi nang makalayo na ito. Naging seryoso ang expression sa kaniyang mukha at hinarap ang madrasta.  "Matutuwa kaya ang 'babe' mo kapag nalaman na itinatanggi mo siya?" panunudyo ni Julie habang may nakakalokong ngisi sa mga labi na napipinturahan ng mamahaling lipstick.  "Shut up and leave. I'm warning you, kapag nalaman ito ni lola at sa iyo nanggaling, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapalayas ka sa bahay." pagbabanta ni Warren bago ito binunggo at naiwan si Julie na nag-aalboroto.  "Tignan natin kung hanggang kailan ka makakapagmalaki, Warren Ancheta. Darating ang araw na babagsak ka bago ka pa man lamang umangat nang husto. At panonoorin lang kita."  Nang makalapit sa toilet ay marahang kumatok si Warren. "Baby, how are you?" Ang kanina pang nanggigigil na si Niccola habang kinakagat ang daliri at pabalik-balik ang lakad sa loob ay natigilan nang marinig ang tinig sa labas. Nagpupuyos ang kalooban niya dahil sa pangyayari kanina.  Bakit namang hindi gayung kilala niya ang matandang babae kanina? Walang iba kung hindi ang lola ni Warren at ang pinakamayamang Ancheta. Ang ugat at puno ng lahat ng kayamanang tinatamasan ng kaniyang nobyo.  Pero ano ang ginawa ni Warren? Itinatwa lang naman siya nito at hindi ipinakilala!  Matagal na panahon na inasam ni Niccola na makadaupang-palad si Beth Ancheta, ngunit hindi ito matupad-tupad dahil kay Warren mismo. She wants to be close to her, being close with a billionaire like her will benefit her. Gagamitin niya ito at ang pangalan nito upang makakuha pa ng maraming kliyente at regular costumers. Mga nagyayamanang mga tao na katulad nito at talaga namang sisikat siya sa buong Pilipinas.  Marahang pumalatak si Niccola na naiinis pa rin sa nangyari sa madrasta ni Warren at sa pagtatwa sa kaniya ng nobyo. Gayunpaman ay nagtiis siya at inayos ang sarili bago nagpakawala ng pekeng ngiti at lumabas na.  "There you are. Are you okay?" malambing na tanong sa kaniya ni Warren na kaagad siyang hinawakan sa likuran para alalayan.  "I'm fine, babe." Pero ano ba naman ang konting panahon pang paghihintay para matupad ang mga pangarap niya?  SA PALIGID ng ANC Grocery ay mapapansin ang pagiging aligaga ng mga empleyado. Ang iba ay makikita sa mga mukha ang labis na kaba. May iba namang hindi maipinta ang pagkasabik. May iba naman na pinakatitignan ang bawat kasamahan na para bang ikinukumpara ang sarili sa mga ito.  Ngunit sa kabila nito ay nanatili si Janet sa pagtapos ng kaniyang gawain. Malapit na kasing sumapit ang lunch break nila at ayaw naman niyang matambakan ng gawain. Tunay na natatanging si Janet lamang ang walang pakialam sa nangyayari sa kaniyang paligid.  Nang matapos ang paglalagay niya ng mga soft drink ay marahang iginalaw niya ang katawan at bahagyang napadaing nang tumunog ang buto niya. Sunod ay inilibot niya ang mga mata sa mga kasamahang nag-uunahang pumunta sa may likuran kung saan magaganap ang awarding ceremony para sa mapipiling employee of the year at iba pang awards. Mamayang hapon pa naman ito mangyayari, ngunit sigurado si Janet na nais lamang makita ng mga kasamahan niya ang hitsura ng lugar at sumisip sa kanilang mga manager at boss.  "Janet, ikaw hindi ka ba makiki-usyoso roon?" Napalingon si Janet sa kaibigang si Paulina. Ang kaisa-isang kaibigan niya sa mga kasamahan niya. Mayroon naman siyang mga katanguan at kadaldalan paminsan-minsan, ngunit ang itinuturing niyang kaibigan at masasabing maaasahan niya ay si Paulina. Isa rin ito sa mga taong unang kumausap sa kaniya noong bago pa lang siya kaya naman talagang malapit ito sa kaniya.  "Kuh, hindi na. Ano ba naman ang gagawin ko roon? Sigurado namang hindi ako mapapasama roon." may tipid na ngiting sabi niya habang sabay silang naglalakad papunta sa locker room para magpalit at kumain sa canteen.  "Grabe ka naman, girl. Ang sipag mo kaya! Kung sa pasipagan lang, dapat isa ka sa kanila, ano? Tsk. Ang kaso kasi parang nadaraan nga sa palakasan ang awarding sa atin. Nangarap din naman ako na makita ang mukha ko sa board, pero ewan. Siguro kailangan ko pang pagbutihin." Bahagyang napatawa si Janet sa sinabi ng kaibigan at binuksan ang locker nang makarating doon. "Huwag ka ngang issue. At sigurado namang may iba riyan na mas masipag kaysa sa akin. Ayokong isipin ang mga ganiyang bagay. Basta't may trabaho ako para sa pamilya ko ay ayos na sa akin." "Oo nga pala, friend. Hindi dapat best employee ang makuha mo. Dapat pinakadakilang anak at tao." natatawang turan ni Paulina na ngayon ay hawak na ang wallet at cellphone. Kinuha ni Janet ang sariling wallet na pagmamay-ari pa ng kaniyang nasirang ama at cellphone na touch screen man ay napaghuhulihan naman ang unit, ngunit hangga't gumagana pa ito ay hindi ito isusuko ni Janet. "Sira. Dakila ka riyan." naiiling niyang wika at sabay na silang naglakad para kumain.  Kinahapunan ay mapapansin na karamihan sa mga empleyado ng ANC Grocery ay nagkukumahog na tinatapos ang mga gawain dahil isang oras na lamanag ay uwian na. Isang oras na lamang at isa sa mga ito ang mananalo at makikita ang mukha sa board nila at makakakuha ng cash prize.  Tahimik na gumagawa si Janet nang hindi sinasadyang mapansin mula sa labas ang isang matandang babae na natigilan sa paglalakad at tila nahihilo. Natigilan siya at dahil tapos na ang gawain ay hindi nag-atubiling lapitan ang babae.  "La, ayos lang po ba kayo?" magalang na tanong ni Janet na may bahid ng pag-aalala.  Imbes na sumagot ay napahawak sa braso niya ang matanda at tila roon kumuha ng lakas. "Medyo nahihilo ako, anak. Maaari mo ba akong alalayan kung saan pwedeng umupo?" "Opo naman po." mabilis na sabi ni Janet at agad na naghanap ang mga mata ng mauupuan.  Nang makita ang bakanteng upuan ay inalalayan na niya ang matanda at marahang isinandal. Pagkatapos ay sandali siyang nagpaalam para bumili ng tubig sa malapit at hiningi na rin ang isang karton. Pagkatapos nito ay muling bumalik para alukin ito ng maiinom at sinimulan na rin itong paypayan kahit pa airconditioned naman ang buong Mall.  "Ayos na ho ba kayo?" tanong niya matapos makainom ito at ibigay sa kaniya ang tubig.  Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Beth habang nakapikit bago marahang tumango. Sandaling nagpaalam si Danica sa kaniya na pupunta sa banyo, ngunit dahil gustong lumibot ni Beth ay hindi niya namalayan na nalayo na pala siya. Wala rin sa kaniya ang kaniyang cellphone dahil hawak ito ng kaniyang nurse. Madalang na lamang kasi siyang makabisita sa ANC at kanina ay bigla siyang tinamaan ng kagustuhang maglibot at alalahanin ang nakaraan. Noong nabubuhay pa ang kaniyang nasirang asawa at magkasabay pa silang lumilibot sa kanilang pinakaunang Mall at ang bunga ng kanilang pagsusumikap.  Nang mabawasan ang pagkahilo ay marahang nagmulat si Beth at nakita ang isang malusog na babaeng ngayon ay nakaluhod sa harap niya. Mababakas ang pag-aalala sa mukha nito at hindi napigilang mapangiti ni Beth.  "Medyo maayos na ako ngayon, hija. Maraming salamat." marahang pagbigkas niya sa bawat salitang sagot ni Beth bago inilibot ang tingin sa paligid.  Ang ibang stall ay nagsasara na at konti na lamang ang inuubos na mamimili sa grocery at magsasara na rin ito. Gaano katagal na ba ang lumipas na sandali? Siguradong nag-aalala na sa kaniya si Danica.  "La, mag-isa lang po ba kayo o may kasama kayo? Sigurado pong nag-aalala na ang pamilya ninyo sa paghahanap sa inyo." Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Beth dahil alam niya na dahil abala sa kani-kanilang buhay ang pamilya niya ay hindi na siya maalala pa ng mga ito.  Ilang sandali pa ay isang humahangos na Danica ang lumapit sa kanila at halos mangiyak-ngiyak na.  "Naku naman, Ma'am! Kanina ko pa kayo hinahanap. Muntik na akong atakihin sa puso." naluluhang pagdadrama ni Danica at bahagyang natawa na lang si Beth.  "Bata ka. Ayos lang ako at tinulungan din ako ng mabait na batang ito. Ano nga pala ang pangalan mo, hija?" baling niya sa babaeng kaharap na base sa uniform ay isang empleyado sa grocery. "Janet po, la. Mabuti naman po at may kasama na po kayo. Babalik na po ako sa loob at mag-out pa po ako." magalang na tugon ni Janet sa kaharap at tumayo na.  "Teka, hindi ba't a'trenta ngayon? Mayroon kayong award ceremony, hindi ba? Bakit uuwi ka na, anak?" Nagtaka man kung bakit alam nito ang tungkol sa awarding ay hindi na ito pinansin ni Janet. "Eh, hindi naman po kasi ako mananalo sa ganoon. Sige po, mauuna na po ako, lola." nakangiting paalam ni Janet bago ibinigay ang bote ng tubig sa babaeng dumating at bumalik na sa loob.  Sinundan naman ng tingin ni Beth ang dalaga na may ngiti sa mga labi bago may ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Inabot niya ang braso ni Danica at bahagya itong hinapit palapit.  "Danica, be a dear and do something for me. Gusto ko lang suklian kahit na paano ang kabutihan ng batang iyon."  "Opo, Ma'am." mabilis namang pagtugon ng nurse.  "May pakiramdam ako na may magiging malaking parte sa aming buhay ang batang iyon." misteryoso at may mapaglarong ngiti sa mga labing turan ni Beth. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD