"What the hell are you saying?" tila naman gulat na tugon ni Warren matapos ang sinabi ni Janet. "What divorce paper?" ulit nito sa narinig at hindi sumagot si Janet at imbes ay inihampas sa dibdib nito ang papel na nakatago sa kaniyang clutch bag. "You can deny it all you want pero hindi mababago nito ang ginawa mo. Ngayon, kung handa ka nang magmakaawa at lumuhod sa harap ko para sa divorce paper ay puntahan mo na lang ako at hanapin kay Henry." Bago tuluyang lumisan ay ngumiti pa si Janet sa lahat ng mga nanunuod sa kanila. "I'm sorry for the disturbance, everyone. Please enjoy the rest of the night." Nang saktong may dumaang waiter ay kumuha ng wine si Janet at bahagyang uminom bago ito itinaas at naglakad na palabas ng pinto. Siniguro ni Janet na humahampas ang kaniyang balakang

