"What?" "You've got to be kidding me!" "This is b*****t!." "Why, lola? Why?!" Ang sabay-sabay na bulalas ng mga Ancheta nang marinig ang huling clause ng last will and testament ni Beth Ancheta. "Ano bang gayuma ang ginamit mo kay Mamang babae ka, ha?!" pambibintang ni Julie habang dinuduro si Janet. "I won't accept this! Ako ang nag-iisa niyang anak at hindi ako makakapapayag. Take that back right now." utos naman ni Michael sa attorney na nagkibit ng balikat. "I'm sorry. It doesn't work that way, Mr. Ancheta. Kung ano ang gusto ni Madam Beth ay iyon ang masusunod. Lahat kayo ay may kaniya-kaniyang mana and that's it." kalmado nitong sagot habang magkasiklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Bakit siyang sampid ay may mana at akong asawa ay wala? Ako ang ina ng mga apo niya at

