Nang ikalawang araw na sa malaking bahay nakatira ay ninanamnam pa rin ni Janet ang bawat sandali. Dahil para sa kaniya ay tila isang panaginip pa rin ang lahat ng nangyayari sa buhay nila. Ang mga gamit nila noon ay pinatabi na lamang niya sa bodega dahil ayaw pa niyang ipatapon ang mga ito. May apat na kwarto sa bahay. Ang isa ay ang nakatakdang maging kwarto nila kapag nakasal na sila ni Warren. Ang isa ay naging kwarto ng kaniyang ina at ang dalawa ay guest room. May isang maliit ding kwarto sa labas para sa kasambahay nila at permanenteng nurse ng kaniyang ina. Oo, tama kayo ng nababasa. Mayroon na silang sarili nilang kasambahay na siyang nag-aasikaso sa kanila. At higit pa riyan ay may nurse na nag-aalaga sa kaniyang mama. Mga tauhang ibinigay sa kaniya ng kaniyang lola Beth. Ka

