Chapter IX

2049 Words

Hindi makapaniwala si Warren sa narinig mula sa kaniyang sariling lola. Siya na paborito nitong apo. Siya na buong pagmamalaki nitong sinasabing tagapagmana ng mga pinaghirapan nito. Siya na isang lehitimong Ancheta ay tinatakot at pinapapili sa dalawang bagay na parehong importante sa kaniya.  Ngunit nariyan din ang kirot sa puso ni Warren dahil nagawa siyang pagbantaan ng kaniyang lola. Kung kailan pa man din naglakas loob na siyang ipakilala ang kaniyang nobya.  "You're not actually serious, are you?" tanong ni Warren sa mahina, ngunit nabiglang tinig.  Ang mga mata ay palipat-lipat sa kaniyang ama at mga kapatid, ngunit pare-pareho ang mga ito na nag-iiwas ng tingin. Hanggang sa bumalik ang mga mata niya sa lola niya na hindi makikitaan ng pagbibiro sa mukha. Gayunpaman ay sinubukan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD