Isang linggo na rin ang nakalilipas mula nang alukin siya ni lola Beth na pakasalan ang apo nito. Hindi kaagad nakasagot noon si Janet dahil sa gulat at dahil talaga namang hindi niya agad na nakuha ang gusto nitong mangyari. Hanggang sa makauwi sila at maihatid siya sa sakayan nila ay laman ng alok nito ang utak niya. Paano? Bakit? Paano niyang pakakasalan ang lalaking iyon? Bakit siya ang napili ni lola? Bakit siya na galing sa mahirap na pamilya at hindi nababagay sa pamilya nito? Bakit siya na walang pinag-aralan at walang maipagmamalaki? Higit sa lahat, bakit siya na hindi naman kagandahan at malaki pa sa normal? Nariyan na ang katotohanan na naawa siya sa kalagayan nito. Nariyan na ang pakikisimpatiya niya, ngunit ang pakasalan ang apo nito na hindi man lang niya kilala? Na hindi

