HINDI sila maaaring magtungo sa Quiapo dahil paniguradong mawawala sa paningin ni AJ ang alaga sa dami ng tao. Sa kakulitan ni Gilbert ay hindi malabong mangyari ang bagay na iyon. Nais pa rin niyang magsimba, kaya nagtungo sila sa pinakamalapit na simbahan. Nahirapan siyang panatilihin sa upuan ang bata ngunit kahit na paano ay nagawa niyang pagdasalin ang alaga. Nakatulong nang husto na dalawa silang nananaway sa kakulitan nito. “God, he’s a real handful,” sabi ni Iñaki matapos nitong maibili ng lobo sa harap ng simbahan si Gilbert. Nakangiti ang binata kaya hindi pa gaanong nag-aalala si AJ. Nakakapagod ngang talaga si Gilbert. Medyo nasanay na nga lang si AJ dahil sa araw-araw nilang pagsasama. Nakangiti niyang pinagmasdan ang alaga na itinatakbo-takbo ang bago nitong lobo. Mababan

