“I knew it,” usal ni Sybilla, may simpatya nang nakabalatay sa mukha. “Poor boy.” Tumango si AJ. “Windang na windang ako noon. Hindi ko alam ang gagawin. Nahirapan akong tanggapin ang kalagayan ng alaga ko. Naging abala ako sa pagiging yaya hindi lang kay Gilbert, pati na rin kay Madam. Thank God for Iñaki. He was there for me. Siya ang sinandalan ko.” MABILIS na tumayo si AJ nang makitang palapit na si Iñaki. Sinikap niyang ngumiti na mabilis na ginantihan ng binata ngunit mababanaag din ang pagtataka sa mukha nito. Bahagyang nag-iinit ang mukha ni AJ. Hindi niya sigurado kung ano ang iisipin ni Iñaki ngunit wala na siyang ibang maisip na lapitan. Hindi marahil gaanong totoo ang huling pangungusap. Marahil ay kailangan lang talaga niya ng isang tao na makakatulong sa kanya. Isang ta

