“My God,” usal ni Sybilla. “Yeah,” nakangiting tugon ni AJ. “It was pretty intense.” Kahit na ilang taon na ang nakalipas ay kinikilig pa rin siya tuwing naaalala ang tagpong iyon. “You were born to be a surgeon and you didn’t realize it immediately.” MAS NAGING abala si AJ nang mga sumunod na araw dahil nga wala si Gretchen. Nagpadala ang agency ng temporary personal assistant ni Madam Isabel ngunit hindi muna gaanong ipinagkakatiwala ang ilang kagamitan at responsibilidad. Siya pa rin ang inuutusan ng amo na mag-empake ng mga gamit nito. Minsan naman ay siya ang nag-aayos ng schedule. Mas organisado raw siya kaysa sa nakuhang alalay. Si Ate Ana ang in charge sa pagkain at sa bahay. Si Ate Ana ang house manager. Ngayon ay hindi lang household chores ang trabaho nito, pati na rin s

