“He’s right, you know. You’re a passionate person, AJ.” Tumango-tango si AJ. Kaya na niyang tanggapin ang mga ganoong papuri ngayon. “Dahil kay Iñaki, mas nakilala ko ang sarili ko. Nalaman ko ang mga bagay-bagay at katangian na hindi ko alam na mayroon ako. He brought out the best in me.” “Tell me you were able to manage the kid.” MAAGANG nagising kinabukasan si AJ. Kung hindi pa siya pinuna ni Ate Ana ay hindi pa niya mapagtatanto na halos hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Mukha raw maganda ang kanyang gising. Noon din lang niya nabatid na madalas pala siyang nakabusangot sa umaga. Maganda ang naging tulog niya. Dahil iyon kay Iñaki. Halos hindi nawaglit sa isipan niya ang binata. Nagkuwentuhan pa sila nang halos isang oras sa loob ng convenience store kagabi. Inihatid

