MAY MALAPIT na kid friendly restaurant sa condominium building. Nakikita nila iyon tuwing umuuwi sila ni Gilbert. Nais ng alaga na umorder ng matatamis na pagkain ngunit hindi pumayag si AJ. Kailangan nito ng isang balanced meal bago kumain ng anumang matamis na dessert. Nagmaktol ang bata ngunit hindi nagpatinag si AJ. “You promised to behave,” paalala ni Iñaki sa bata sa banayad na tinig ngunit may awtoridad pa rin. Sandaling tila nag-isip si Gilbert bago nanahimik sa upuan nito. Habang hinihintay nila ang pagkain ay waring hindi makatagal sa pagkakaupo ang alaga niya. Nag-aalala siya na baka bigla na lang na manggulo ang bata sa loob ng restaurant. Nakakahiya kay Iñaki. Ngunit naisip niya na nagpapakita ng restraint ang kanyang alaga sa unang pagkakataon. Noon ay hindi nito sisikilin

