“MA, what are you doing here? Akala ko umuwi ka na sa bahay?” kunot ang noo na tanong ni Caspian sa kaniyang ina nang pumasok ito sa kusina. Nasa tapat siya ng refrigerator at naghahanap ng malamig na maiinom. Hindi naman agad nagsalita ang kaniyang ina, at sa halip ay naglakad ito palapit sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Mas lalong nangunot ang kaniyang noo at nagtataka siya kung bakit bigla na lamang siyang niyakap ng kaniyang mommy. Samantalang kanina lang naman sila nagkahiwalay! “Are you okay, mom?” magkahalong pagtataka at pag-aalala na tanong niya sa ina. Mayamaya ay humiwalay naman ito sa kaniya kaya pumihit siya paharap dito at nakita niyang umiiyak ito. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Mom, why are you crying?” “This is all my fault.” Sumisinghot na

